Share

4

★bakulaw★

HEART'S POV

"Hearty!" tawag pansin sa akin ni Lexis habang naglalakad sa may pathway ng campus.

"Oh?"

"Ang F4 ng campus... andito," sabi ni Lexis.

"F4?! Gara naman! Nag-aaral din naman ako dito ah?! Eh, bakit ngayon ko lang narinig ang mga iyan?! Ano 'yan, mga Feeling Fogi Four na Fafa?! Wait tama ba?! Feeling..."sabi ko at binilang ko pa talaga kung apat ba ang F. Laicos! Ano, F4 ng campus. Meteor garden yarn?!

"Hahaha, 'wag ka ngang magpatawa diyan. Siyempre gwapo sila no. At F4, flower 4!" Sabi ni Fetty. Ano daw?! Flowering?!

"Bago lang sila dito, pero noon pa man ang mga pangalan nila ay nakadikit na sa campus na ito." Sabi ni Lexis. Wow, nakadikit?! Sana all! Idikit ko din kaya dito sa campus ang magandang pangalan ko tapos lagyan ko na din ng pictures ko?

"Sila? Sila ang F4 of the campus?!" Gulat na tanong ni Merien.

"Oo, sila. Sila lang naman ang mala-Korean heartthrob ng campus na ito. At, sila din ang mga naka-away niyo."

"What?! Sila?! Kailan pa naging mala-Korean heartthrob ang mga 'yan?! Dios mio! Hahaha, hahaha, hahaha! Mukhang mga alien nga ang mga iyan eh." Sabi ko pa. Alien ang ugali! Oo na! Ang popogi nila, lalo na 'yung nasa gilid ng Jade! Ang Jade?! Alien! Hari ng mga alien sa kagwap---kagaguhan!

"Uyy, heart! Bakit sila papunta dito? Gulo na naman ito oh, panigurado." Nag-aalalang sabi ni Lexis gamit ang mahinang boses.

"Baka gusto ng round two?!" Sabi ko.

"Heart naman eh!" Si Lexis.

"Ate, doon na lang tayo dumaan oh." Sabi ni Merien sabay turo sa kaliwang daan.

"Heart, uwi na tayo. Gutom na ako." Sabi ni Fetty.

"Mauna na kayo, kaya ko na sarili ko. 'Wag niyo muna akong ibuking ah?" Sabi ko pa sa kanila.  Kumunot lahat ang mga noo nila at may

Lumapit din ako sa kanila. Wala akong dahilan para iwasan siya. Kahit magtago pa kami, mahahanap pa rin ako ng bato na ito. Bagay nga pangalan niya sa kaniya. Jade!!!

JADE'S POV

"Jade, keep calm!" Miguel said, kanina pa kasi 'yun nangyari pero ito ako 'di pa rin naka-move on. Humanda sa akin ang babaeng iyon.

"Calm?! How?! That freakin' b*tch is really something! She even slapped, punched and kicked me! How dare she---he?!!" I said it with full of anger.

"He?!" Ziggy asked with his eyebrows up.

"Yeah! He! I don't think she is a girl. Tsk! Kababae niyang tao, pero kung makasuntok sobra pa sa lalaki.." sabi ko. Walang'ya! 'Di man lang ako nakabuwelo kanina! Babae ba 'yon?!

"Kalalaki mong tao, knock out sa babae." Miggy said sarcastically. Umirap na lang ako. "...see?!" He added.

"What?! Porket umirap ang lalaki, bakla na agad?!" Inis kong tanong.

"Haha, wala naman akong sinabi ah? Hahaha." Sabi ni Miguel.

"Tsk! Momma's boy naman!" Sabi ko.

"Atleast, nandiyan lang si Mama parati para sa aki--"

"Migs! Stop!" Pagputol ni Kieg sa kaniya. "You're old enough to act like a child. Tumahimik na kayo, kundi tatawagin ko ulit si Ms. SPK!" Sabi pa niya.

"King*na! Old enough?! Gago, mas mabuti na lang na tawagin akong childish kaysa old enough na iyan." Miguel said.

"Hey, what's with the profanity?" Ziggy asked.

"Tsk, si Jade nga eh. Ang dami-daming pang sinasabing ganiyan, 'di mo man lang sinuway." Miguel said. Childish nga!

"Jade said it, out of anger to that girl. And you who's your referring to?!" Ziggy asked. Lagot! Ayaw nga pala niya na magmumurahan kami sa isa't-isa.

"Oh, sorry hehe. Sabi ko, sino si Ms. SPK?!" Tanong pa niya habang kumukurap-kurap. Grabe, kay laki na niya. Pero, what the?!!

"Tsk, the only girl who slapped, punched and even kicked Jade's beautiful ass! Hahaha." Si Kieg.

"Uyy, Kieg! Sobra ka na ah? 'Di ko alam tuloy kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto?! Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon." Sabi ko.

"Sabi hindi daw babae..." Sabi ni Ziggy.

"Hindi nga! Sabihin na lang natin na tomboy...Tama tomboy siya. Bwesit ang tomboy na iyon!"

"So, ano na ngayon ang plano mo?" Nag-aalalang tanong ni Ziggy. Bakit naman siya nag-aalala? Eh, kaya ko naman ang tomboy na iyon.

"She started it, I'll finish it! The game is on and it will never be end so soon. I'll just love to annoy that girl." Sabi ko. And once the game is over, matatapos na din ang buhay ng babaeng iyon lalong-lalo na sa school na 'to.

Dito pa talaga niya ako kinalaban ah?! Tingnan natin.

"Annoy?! Ano naman ang mga iyon? You're crazy. Why spend time for that girl? You just need to focus your study here as what's your parents want. School niyo ito, pero 'wag naman sana umabot sa punto na mismong anak ng may-ari ng school. I mean okay, sabihin na lang natin na owner ka din, pero 'yun na nga. 'Wag sanang umabot sa punto na ikaw mismo ang magpapasimuno sa mga maling adhikain, at gawain mong 'yan dito sa school campus na ito." Dire-diretsong sabi ni Ziggy.

Lumapit ako sa kanila.

"Siya naman ang nagsimula ah?!" Pagsasabi ko pa.

"Jade, yeah siya ang nagsimula but please let it be. Babae iyon, tapos kalalaki mong tao papatulan mo iyon? At kung titingnan nating mabuti, ikaw din naman ang may kasalanan." Sabi ni Ziggy.

"And why is it?!"

"Kasi ikaw lang naman ang bumunggo sa girl na 'yun. Na siguro kapatid ng pumatid sa iyo yeah! Yeah!" Sabi ni Miguel sa pamamagitan ng pag-rap.

"Tsk, hindi ako ang bumunggo no?! Paharang-harang kasi eh!" Inis na sabi ko.

Tiningnan niya ako ng nakakaloko.

"Hahaha, paharang-harang?! Gosh! Ikaw bumunggo sa kaniya kala mo walang dalang drinks, bwahahahahaha. 'Yan tuloy, hahaha! Chix pa more yeah!" Si Miguel.

"Miguel Aendale! Kaibigan ba talaga kita?! Oo na ako na ang bumunggo paharang-harang kasi eh, but sana man lang 'di na siya humarap pa sa akin noon para naman 'di na namantsahan and damit ko at 'di ko na sana siya..." Sabi ko.

"Itinulak." Pagdagdag ni Ziggy. "..'di mo na siya itinulak ng sa ganoon 'di ka din na SPK."

"Stop talking about that SPK guys."sabi ko. SPK?! What the?!!

"Uyy, SPK lang ang na-mention.  'Di naman si Miss SPK wahahaha!" Si Miguel.

"Guys, tumahimik nga kayo diyan. 'Yung pinag-uusapan niyo. Andito..." Sabi ni Kieg.

"Where?!" Sabay na tanong namin ni Ziggy. Tiningnan lang ako ni Ziggy. Tsk. Gusto na naman magpa-superhero. Knight in shining armor.

"Ayon oh." Sabi niya sabay turo sa may pathway. At nandoon nga ang tomboy, at iyong babaeng naitulak ko kanina at may dalawa pa silang kasama.

"Jade, tama na. Pabayaan mo na lang sila." Sabi ni Ziggy.

Mukang napapansin na nila kami. Nagkukuwentuhan pa sila, tsk kuwento pa more!

"Tsk, 'di pa nga ako nakakaganti eh. Tsk! Ako muna ang pabayaan niyo. 'Yung video na 'yon ay mabilis na maglaho dahil may bagong viral video na naman mamaya, same characters but not same plot!" Sabi ko. Napailing-iling na lang si Ziggy.

Mukhang masaya sila ah, tsk! Tumawa ka pa diyan na tomboy ka. Tawa pa ng tawa kala niya ikinaganda niya. Ang pangit! Lagot ka ngayon! Papalapit na din sila.

"Round two! Ready the camera everyone!" Sabi ni Miguel. Camera pa talaga ang dapat i-ready ah?!

Huminto ang bawat isa na may dalawang talampakan na lang ang pagitan.

"Hoy, anong kailangan mo?!" Inis na tanong ng tomboy.

"Wala lang naman. Maniningil lang sana." Sabi ko at nag-smirk.

Kumunot ang noo niya.

"Wala naman akong utang sa iyo eh! Anong maniningil?!" Bulyaw niya na ikinatawa ng mga tao sa paligid.

"Tsk! Bobita din pala." Mahinang sabi ko.

"Anong bobita?!!" Inis na tanong niya. Narinig niya pala, ang liit lang pala ng distansiya namin sa isa't isa."... sinong bobita?!! Ako?!! Hoy! Always akong honor student no?! Ikaw siguro 'yun! Ayy tanga?! Maniningil daw eh wala naman akong utang pero oh..."sabi niya at iniabot sa akin ang 100 pesos. Seriously?!! "..'yan ah?! Nandiyan na 'yan... Sa'yo na iyan! Kapal maningil!" Sabi pa niya. Nagsitawanan naman ang iba at 'yung iba ay naiinis.

"Hey, you--!"

"Hoy, you! Umalis ka na dito wala nga akong utang sa'yo. At siyempre, kung uutang man ako siguradong-sigurado ako na hindi sa iyo no?! Tsk, naniningil nga kahit wala naman akong utang. Paano pa pagnagka-utang na 'ko?! Alis na diyan!" Sabi niya at sumenyas pa siya na papaalisin kami. Mang 'di kami umimik, tiningnan niya muna kaming mabuti. "Kung 'di kayo aalis, edi ako ang aalis. Guys tara na." Pag-aya niya sabay aya sa kasamahan. Hahakbang pa lang siya sana ng agad kong kinuha ang isang kamay niya sabay corner sa may pader.

"Hoy!!!"  Sigaw niya.

"Bakit?" Sabi ko at mas lalong inilapit ang mukha ko. Kunti na lang ang pagitan sa amin.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw pa niya.

"Ayoko nga. Maniningil pa ako eh!" Sabi ko.

"Ayon na ang 100 oh?!" Sabi niya sabay nguso sa perang nasa lupa. 'Di ko kasi kinuha kaya nahulog 'yon.

"I don't need it." Sabi ko.

"Edi 'wag! Yen! Kunin mo!" Utos niya sa babaeng naitulak ko.

Nang akmang kukunin ng babae ay tinapakan ko ito pero 'di ko pa rin siya pinakawalan. Hinawakan ko ang leeg niya at akmang hihilahin sana pero kinagat niya ang kamay ko dahilan ng pagka-upo ko ng diretso.

"Sh*t!!! Are you f*cking a human?!" B*llsh*t!! Dumudugo na! Baka may rabies ito?! Yuck! Basa pa ng laway niya!

"Tsk! Nagtanong pa talaga! Sagutin mo sa sarili mo ang mismong tanong mo!! Ako?! Alamin mo din!" Sabi niya sabay kuha sa pera na iyon at

"You!!! You'll pay for this!" Sigaw ko sa kaniya.

Ouch! Ba't ang lakas ng pagkakagat niya?!

"Hoy! Wala akong utang sa iyo na bakulaw ka!" Sabi niya. What?! B-bakulaw?!

Nagsitawanan ang ibang mga tao sa paligid but most of them are men. Ang mga babaeng nasa paligid naman ay masama na ang tingin sa kaniya.

"Hey, am not bakulaw!"

"Tsk. Bakulaw!" Sigaw niya. At tuluyan ng naka-alis.

Hindi pa ako tapos! May araw ka ding animal ka!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status