Share

5

★siya ang anak ng...★

HEART'S POV

"Hearty! Bakit mo naman iyon ginawa?" Tanong ni Fetty sa akin. Anong ginawa?!

"Fetterian, wala akong ginawang masama." Sabi ko sabay irap.

Umirap din siya.

"Hoy! Kinagat mo iyon, anong walang ginawang masama? 'Di mo pa rin iyon nakikilala?!" Bulyaw niya pa sa akin. Ang dalawa naman ayon, tahimik lang na kumakain ng ice cream. Nanglibre kasi si Fetty eh, pero 'di ako sinali. Unfair! Kala ko pa uuwi na, nagpa-ice cream pa talaga.

"Uyy ka din, siya naman nauna ah?! Feeling gwapo, kala niya kung sino?! Eh, mag-aaral lang din naman siya ah?!" Sabi ko pa.

Napabuntong-hininga siya sabay flip ng hair niyang abot hanggang balikat ang haba. Nag-flipped pa talaga!

"Heart, siya si Jade." Singit ni Lexis.

"Ano naman ngayon?! Like duh?! Sinong maiinggit sa pangalan niyang pambabae?! Tsk! Bagay 'yong pangalan niya sa kaniya, walang karespeto-respeto. Batong-luntian!" sabi ko habang nakatingin lang sa kanila na kumakain ng ice cream.

T*ng'n*! Alam niyo kung bakit hindi ako nilibre? Kasi masakit ang ngipin ko at ng malaman nilang masakit ang ngipin ko ay 'yung sexy kong kaibigan nag-aya! Manlilibre daw siya! Ice cream nga lang!

"Oh my! Ate! Ibig sabihin siya ay ang..." Sabi ni Merien. Thrill yarn?!

"Oo, siya nga! Kanina pa namin sinasabi 'yan eh." Dagdag pa ni Fetty.

Siya ang ano?!

"Hoy! Anong siya nga?!" Pagtatanong ko pa.

"Heart, siya ang anak ng may-ari ng school na 'yun!" Sabi ni Lexis.

"Ang Jade na iyon?! Waittt--Jade...JADESTONE UNIVERSITY...wahh!! Talaga?! Hindi talaga kayo nagbibiro kanina?!" Tanong ko. Oh God! Bakit ngayon ko lang naisip?! Kaya pala ang lakas ng apog ng lalaking iyon!

"Yup! At malaking gulo ang nagawa mo." Sabi ni Fetty.

"Tsk! Ano naman ngayon?! Siya naman ang nauna eh! Kahit anak pa siya ng pangulo natin, 'di ako natatakot sa ugok na iyon! Kupal!"

"Ate, baka ma-expelled nga tayo." Nag-aalalang sabi ni Merien.

Oo nga no?! Ang selfish mo naman self?!

"Ah-eh, basta 'di 'yon mangyayari! Akong bahala. Atsaka okay lang na ako ang ma-expelled basta 'wag ka lang idamay ng bakulaw na iyon." Sabi ko sa kaniya.

"Ang dami mong palayaw sa kaniya ah! Bato, batong-luntian, alien, kupal, bakulaw, at ano pa Hearty?!" Pang-aasar ni Fetty.

"Uyy sexy, pretty Fetty! 'Wag kang ano diyan!" Sabi ko sa kaniya.

"Para! Manong para!" Si Lexis. Nagpapara ng Jeep!

"Sakay na kayo, ako na ang magbabayad." Dagdag pa ni Lexis. Kaya naman sumakay din agad kami. May ibubuga din ang pamilya nila Lexis at Fetty. Sadyang low-key lang sa buhay ang dalawang ito.

May mga sasakyan 'yan, madami. May personal driver din silang dalawa pero ito sila, sasama sila papunta sa amin ng mag-j-jeep. Sanay naman din sila, nagpapakuha lang sila sa mga driver nila 'pag gusto ng umuwi.

"Hearty, tabi tayo." Si Fetty. Tumabi din naman ako sa kaniya. Kaharap ko si Merien, kaharap naman ni Fetty si Lexis.

"Uyy, 'wag niyo ko uunahan mamaya ah?!" Sabi ko sa kanila.

"Heart, 'di naman kami gaya ni Nell eh. Hindi kami Marites gaya ng payatot na iyon!" Sabi ni Fetty. Oo, payat nga si Nell. Pero 'di naman sobrang payat, 'yung sakto lang na nakikita na ang buto-buto sa katawan lalo na 'pag nag-topless ang mokong na iyon.

"Huhuhu, bahala na. Sana 'di pa nalaman ng Marites na iyon! Para 'di ako maunahan ng daming satsat ni maderets." Sabi ko. Ang dalawa ko namang kaibigan ay may pailing-iling pang nalalaman.

"Oh siya, tara na. Baka mama niyo na mismo ang makakatuklas, naku naman dalawang viral 'yon! Hashtag trending na trending!" Sabi ni Fetty. Kumilos din naman agad ang dalawa, sina Lexis at Merien.

"Oo nga, tara na." Pagsang-ayon pa ni Lexis.

"Oum..." Ako.

*Sa karinderya namin*

"Ma, andito na kami!" Pagtawag ni Merien. Huhuhu, ayan na si Mama.

"Oh, kamusta? Tapos na ba?" Bungad niyang tanong sa amin. "Fetty, at Lexis anong sa inyo? Ipagluluto ko kayo." Dagdag niya pa ng mapansin ang mga kaibigan ko.

"Okay lang po Auntie Yan, busog pa po---" si Lexis.

"Kaldereta po Auntie Yan!" Pagputol ni Fetty sa sasabihin ni Lexis.

"Okay, sandali lang. Diyan lang muna kayo ah, magkuwentuhan lang muna kayo. Heart, dali tulungan niyo ako ni Merien." Sabi ni Mama.

"Tutulong na din po kami--"

"Lexis, okay lang. Bisita kayo dito atsaka 'di pa ba kayo nasanay? Kailangan pagpumunta kayo dito dapat aalis kayo na busog. Kagaya ni Fetty oh, 'di nagpapabaya sa pagkain."

"Ma, 'di naman kami nagpapabaya sa pagkain ah." Pagreklamo ko pa.

"Ayy, oo nga pala. Sadyang malusog lang talaga si Fetty, kagaya ko haha. Okay, dali na tulungan niyo na lang ako." Pag-aya niyang muli.

"Sige po---" 'di natapos kong sagot.

"Tita! Tita! Tita Yan!" Sigaw ng kung sino.

"Oh, anong nangyari?! Itong batang 'to oh, sigaw ng sigaw. May mga customer tayo oh." Sabi ni mama, pagtutukoy sa dalawang customer namin.

"Tita, si Ha-Hart po!" Hinihingal pa niyang sabi.

Ano naman ako?

Hala?!! Bwesit naman!

"Ma, 'wag niyo na lang pansinin 'yang si Nell. Magbibiro na naman 'yan eh." Sabi ko habang hinahawakan ang kamay ni mama at hinihila paalis doon.

"Oo nga po Ma, Kuya Nell doon muna tayo sa labas? May sasabihin ako sa iyo tungkol kay ate." Sabi ni Merien na halatang tinutulungan nga ako na makaalis sa sitwasyon na magaganap.

"Eh?! Gusto ko naman 'yung mga jokes ni Nell eh. Sige na Nell, sabihin mo na at pagkatapos tulungan mo kaming magluto ng Kaldereta." Sabi ni Mama.

"Tita, hindi 'to jokes 'tong sasabihin ko tungkol ito kay----"

"Uyy ikaw na payatot ka, halika ka nga dito..." Pagputol ni Fetty sa sasabihin ni Nell sabay hila ng tenga ni Nell palabas. "... Auntie, sandali lang ho! May sasabihin lang po ako sa unggoy niyong alaga." Sabi ni Fetty na ikinatawa ni Mama. Ang totoo?! Tatawa din sana ako kaso baka ma-fake lang tawa ko lalo na at alam ko na madedehado din ako mamaya.

"Ang sakit, 'wag mo ngang hilahin tenga ko. Humanda ka talaga sa akin na tabachoy ka!" Pasigaw na sabi ni Nell.

Nang umalis na nga sila, tiningnan ako ng masama ni Mama.

"Mama naman po, huhuhu. 'Di ko po sinasadya atsaka siya naman po ang nauna eh, pinagtatanggol ko nga lang si Merien kasi naman nasasaktan si Merien. Alangan naman na titingnan ko lang kapatid ko at makiki-video din ako sa nangyayari?! Ma, 'di ko naman kasalanan na lampa din ang bakulaw na iyon eh atsaka tama lang sa kaniya na mangyari ang pangalawang senaryo na 'yon siya din naman ang nauna, kung sinapak ako noon kawawa naman ang pretty kong face atsaka kawawa din ako sa video ng mga alagad ng bakulaw na iyon---" Napahinto ako sa pagsasalita ng takpan ni mama ang bibig ko.

"Tsk, tumahimik ka muna diyan." Sabi niya sa kalmadong boses pero alam mong may something doon huhu. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng daster niya. Lagot na!

"Ma, siya talaga 'yung nauna sa amin eh." Sabi ko. Pinandilatan ako mata ni mama kaya tumahimik na lang ako. Huhuhu. Alam na this!

"Sino ba itong lalaking ito?" Kalmadong tanong niya pa din.

"Ewan po, kampon ni Luci--"

"Marianella?!" Pasigaw na tawag ni mama sa akin. Eh, ang lapit-lapit ko naman sa kaniya. Iba na 'to!

"Ah-eh, ehh--"

"Oh ouh! Umayos kang bata ka." Si Mama.

"Ma naman, 'di ko nga po kilala." Sabi ko. Jade 'yung pangalan niya pero 'di ko pa din siya kilala! Kasi nakita ko lang siya kanina, pero dahil sa nakikita ko sa ugali at galawan niya. Kilala ko na ang mga tipo ng mga 'langyang kagaya niya.

"Yen, kilala mo?" Tanong ni mama kay Merien na siyang umiiling-iling naman ang isa. "Ikaw Lex?"

"S-siya po si Jade. Ang a-anak ng may---"

"Ng Mama at Papa niya hehe. Anak ng mga magulang niya." Pagputol ko sa sasabihin ng mabait kong kaibigan.

"Tsk! Sige na, basta 'wag na maulit itong nangyayari ah? 'Di mo na lang sana pinatulan Heart." Sabi ni Mama.

"Ma, si Merien ay inaapi ng may lahing---" 'Di ko matapos ang sasabihin ko ng pinitik ni mama 'yung tenga ko. Shakit! Huhu! "Mama ko talaga oh! May lahing kagaya ng mga magulang niya. 'Di pa nga tapos sinasabi ko, hay naku!" Sabi ko.

"Hee! Basta kung guluhin kayo ulit, isumbong niyo agad sa akin at sa mga professor doon sa school na 'yun. 'Wag niyo na lang pansinin ulit ah? At kung pwede Heart, tigilan mo na 'yang pagsuntok mo. Parang lalaki, ewan ko ba diyan sa ama mo at tinuruan ka ng mga ganiyan-ganiyan eh." Sabi pa niya.

Buti at slight sermon lang, paano na kapag nalaman niya na anak ng may-ari ng school iyong bakulaw ba iyon?!

Ginisa na niya 'yung sibuyas, bawang at sinunod ang iba pang mga sangkap.

"Ma, 'wag mo na ngang sisihin si papa. Sisihin niyo kakayahan ko at kalampahan ng bakulaw na iyon."

"Bakulaw?!" Taka niyang tanong.

"Ibig kong sabihin, kalampahan ng mukang bakla kung gumalaw hehe, bakulaw..." Sabi ko. Tumawa naman sina Merien at Lexis.

"Kung ano na lang 'yang napapasok sa kokote mo! Kaya siguro ganoon na din si Julieta. May nagtuturo pala." Sabi niya. What?! Eh, siya nga itong tinuturuan ni Aleng Julie eh.

"Ma, gusto ko ng ginisang ampalaya na may itlog. 'Yun na lang ulam ko, ayaw ko niyan." Pagtutukoy ko sa kaldereta na niluluto niya.

"Ano pa nga ba? Okay, pakiabot nga ng yahong (bowl)." Sabi niya at iniabot ko naman.

"Asan na ba 'yung dalawa na 'yon?" Tanong ni Lexis.

"Sino?" Tanong ni Mama.

"Sila Fetty at Nell po Auntie Yan." Tugon ni Lexis.

"Babalik din 'yon, pinaalis niyo kasi." Sabi ni Mama.

"Nag-date na 'yon haha!" Sabi ni Merien.

"Hoy, baka marinig ka haha." Si Lexis. Ang lakas kasi ng pandinig ng Nell na 'yon!

"Hahaha. Bagay naman sila eh. The Payatot and tabachoy love team." Bulong na sabi ni Merien sabay tawa. Binulong pa talaga niya ha?!

"Tama na 'yan, tawagin niyo na lang sila at para makakain na tayo." Sabi ni Mama.

"Si Aleng Julie po?" Tanong ko.

"May binili lang doon sa palengke ng kabilang kanto." Tugon ni mama.

"Ah, Yen. Hanapin mo na iyong dalawa." Utos ko sa kapatid ko.

"Uyy, anong si Yen lang?! Samahan mo." Si Mama. Sabi ko nga sasama na ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status