Share

3

★three hundred thousand★

HEART'S POV

"You'll pay for what you did!" sabi niya. Puno ng galit ang mga tingin niya, kung nakakamatay lang mga tingin niya. Matagal na siyang natamaan nito. Eh?! Ayaw ko pang mamatay. Siya din naman ang tumitingin ng ganiyan edi siya din ang matatarget.

"You'll pay for what you did!" panggagaya ko sa line niya pero mas maganda ang version ng sa akin kasi nakapikit ako habang sinasabi ang linyahan niya. "I don't care! You!!! Don't you ever dare touch your dirty hands to my sister. If not... I'll break you into pieces!" sabi ko at umalis na, sumunod naman si Merien.

Malayo-layo na kami doon sa puwesto ng demonyito na 'yon! Kala lang niya ah?

"Ate, 'di mo din dapat iyon ginawa." Sabi niya.

"Ano?! Pinagtatanggol lang naman kita ah?! Tingnan mo nga iyong pisngi mo, ano sa tingin mo ang gagawin ko?! Ang pabayaan kang apihin at saktan ng demonyito na 'yon?! Yen, kaya ko magtiis. Kaya kong masaktan ng ibang tao, pero ang 'di ko kakayanin ay ang tingnan lang ang mg taong mahalaga sa akin na inaagrabyado ng ibang tao. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?! Ang lumuhod doon?! Eh buti nga sa kaniya at natapunan mo ang damit niya. Kala niya kung sino!" Inis na sabi ko.

"'Di naman sa ganoon ate, oo na. Pero, 'di naman sa lahat ng oras kami na lang iisipin mo. Dapat isipin mo din sarili mo. Ngayon at ginawa mo iyon. Babantayan at babalikan tayo noon." Sabi niya.

"Bumalik sila kung bumalik. Eh ano naman sa ngayon? Ako ang makakalaban nila 'pag ginalaw ka pa nila. Yen, may asthma ka. At ang nangyari kanina maari pang lumala 'pag 'di kita tinulungan." Sabi ko sabay pout.

"Hmm? Sige na nga, 'di na kita sesermunan kasi pagnalaman ito ni Mama sigurado akong sesermunan ka na naman noon. Alam mo naman na ang pinakaayaw noon ay ang makipag-away, lalo na at lalaki ang kinalaban mo." Sabi niya. Oo nga no?! Siguradong malalaman niya ito hindi man sa ngayon pero balang araw malalaman din niya. Bahala na nga.

"Oo na. Hmmp, wala man lang thank you?! Baka, nasuntok ka ng demonyito na 'yon." Sabi ko.

"Thank you. Pero i don't think so. Mahiya naman siya pagsinuntok niya ako na isang babae." Sabi niya.

"Sige na nga, dali na. Pupunta na tayo sa pang-fourth year na building." sabi ko.

"Sige, maganda ba doon?" Tanong niya.

"Oo siguro. 'Di pa naman ako nakapasok doon eh. Nahihiya kasi ako umakyat diyan. Pero ngayong fourth year college student na rin ako, wala ng hiya-hiya pa. Hehe." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Hehe, oo nga. Tara, ako 'di ako mahihiya. Kasi ate ko fourth year na naman." sabi niya na ikinangiti ko.

"Hearty!!!" Tawag ng kung sino. Paglingon ko, 'yung dalawa ko pa lang kaibigan.

"Bakit?" Hinihingal pa sila, lalo na si Fetterian.

"Heart, bakit mo ginawa 'yon?!" Tanong ni Lexis na mukha pa lang grabe na ang pag-aalala. Siya ang kaibigan kong matalino. Everytime na umaalis 'yan may dalang libro 'yan kahit sa birthday pa.

"Ang alin?!" Taka kong tanong.

"Ito oh?!" Si Fetterian sabay abot ng latest version na phone niyang Samsung sa akin.

Nag-play ang video...video kung saan kitang-kita ang pagsuntok, pagsampal, at pagpatid ko sa demonyito na 'yon. Kitang-kita din ang lahat ng tao na nakasaksi sa pangyayari habang may mga hawak na cellphone. Gara ng mga cellphone nila oh. Ang mga kaibigan ng demonyito, si Merien, ako at ang demonyito na 'yun ay kitang-kita ang mga reaksiyon ng bawat isa.

"In fairness, galing mo diyan Hearty! Pang-action star ang galawan oh! Whoah! Sapul." Komento niya sa video.

"Fetty, kanina pa natin pinapanood 'yan. Kahit noong live pa. 'Yan pa talaga ang inaalala mo ah?!" Sabi ni Lexis.

"Ahmm, totoo naman eh. Ang galing kaya. Ang gwapo din ng leading man mo yahhhh!" Si Fetty.

"Uyy Fetterian, sinong leading man ko diyan?!" Tanong ko. Ni-isa kasi sa video wala akong gwapo na nakikita.

"Si Jade! 'Di mo kilala?" Tanong niya. Umiiling-iling naman ako. "Tsk, siya ang anak ng may-ari ng university na ito. Ang pangalawang anak ng mag-asawang Mendez. Siya lang naman ang nag-iisang Harvey Jade Kent Slay Mendez." Sabi niya.

"Eh ano naman ngayon?!" Inis kong tanong.

"Ate, anak ng may-ari nitong university. Pwede tayong ipa-expell dito." Sabi niya.

"Expell agad?! 'Di pa nga ako nakapag-enroll tapos expell agad." Sabi ko.

"15 million views na." Sabi ni Lexis habang busy sa pagtingin ng cellphone niya.

"Anong 15 million views?! 'Yung binasa mong novel story?!" Tanong ko.

 "Wala lang talaga sayo ah?! 'Yung video niyo, pero yung sikat ay kayong dalawa ni Jade. Ang daming nagco-comment tungkol sa inyo. But more on Jade, and 'yung sa'yo more on bash." Sabi niya.

"Eh?! Okay lang 'yan atleast ang dami din ng humanga kay Heart." Sabi ni Fetty.

"Bakit ang dami na?! Ilang share na ba?!" Tanong ko.

"Three h-hundred---"

"Ayy three hundred lang naman pala." Pagputol ko sa sasabihin ni Lexis.

"Thousand! Three hundred thousand Heart! At patuloy pa din ang taas ng views. Eh wala pa ngang isang oras nagmilyon-milyon na! Paano pa 'pag isang araw?! Isang linggo, isang buwan?!" Bulyaw ni Lexis.

"Bakit ba kasi nagvideo pa?! Sino ba 'yung simula niyan?! Sino 'yung una na nag-post?!" Tanong ko.

"Ahmm, si Valerien Glace! Pero ano, 'yung iba din mayroon din." Sabi ni Lexis.

"Ate, dali na magpa-enroll kana. Baka hinahanap ka na ni mama." Sabi ni Merien.

"Oo nga pala. May F******k account din pala si mama. Lagot!" Sabi ko.

"Eh?! Tara magpa-enroll na nga muna tayo. Para makaalis na muna tayo dito, mukang madami na ngang nakakakilala sa'yo Heart." Sabi ni Fetty.

"Hindi mukang madami! Madami talaga, tingnan niyo nakapaligid na." Sabi ni Lexis.

Napakurap-kurap ako sa nakikita ko. Nagbubulungan lang ang mga linta at may pagtingin-tingin pa sa cellphone nila. Alam na this.

"Guys tara sa taas." Pabulong kong aya sa kanila. Sumang-ayon naman sila.

"Hays bakit ang taas?! Ang bagal!" Reklamo ni Fetty. Ika-10th floor kasi ang room namin. Nagreklamo pa siya eh, nag-elevator naman kami.

"Tsk, bakit?! Buti nga at 'di nasira ang elevator dahil sa'yo. Atsaka kung makapagreklamo ka ah, dapat nga ang elevator ang magreklamo dahil sa kabigatan mo na 'yan." Pagsita ni Lexis sa kaniya. At dahil sa sinabi niya, 'yung dalawa pang iba naming kasama dito ay nakatingin na din sa amin. Ka-weight ni Fetty silang dalawa haha. Kaya siguro ganiyan sila makatingin kay Lexis. Pati si Fetty iba na rin ang tingin kay Lexis.

"Hoy, ikaw naman na payatot ka 'wag kang makialam sa timbang ko tsk." Sabi ni Fetty sabay irap

Umirap din ang dalawang iyon at 'di na tiningnan si Lexis.

"Oh, s-sorry. I didn't want to offend you all. Sanay naman kasi kaming mag-asaran ng ganito. Pasensya na hindi naman kayo ang sinabihan ko si Fetty kasi ang hilig magreklamo." Sabi ni Lexis.

"Ahmm, okay 'di naman kami na-offend kasi 'di naman kami sobrang mataba." Sabi ng isa sa mga iyon. 'Di nga sila mataba, pero ka-height and weight lang nila si Dambo.

"Yeah, kasi sexy tawag sa amin ngayon no." sabi pa ng isa pa sa kanila. 'Yung naka ponytail ang buhok.

Chubby is the new sexy!

"Hahahahahaa--ahh oo nga, sexy na tawag na sa inyo." Sabi ko. Baka ako naman ang irapan ng todo-todo dahil sa tawa ko.

Bumukas na ang elevator. Lumabas kami at hinanap agad ang room #250.

"Girls dali na. Bilis bilisan niyo naman diyan. Sasabak pa ako mamaya sa Q&A portion ni maderets." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Ang bagal mag-fill up. Si Merien ayon sa labas, ayaw pumasok eh.

"Ikaw na kaya mag-fill up dito?! Ang ingay mo." Sabi ni Fetty. Ngumiwi na lang ako.

"Tapos na ako. Fetterian bilisan mo na diyan!" Sabi ni Lexis.

"Tsk, 'wag kayong maingay!" Naiinis na sita sa amin ni Fetty.

"Lex, doon muna tayo sa labas." Pag-aya ko kay Lexis.

"Sige. Uyy Fett. Doon muna kami." Sabi ni Lexis.

"Oumm, huwag kayong mang-iwan ah?"

"Kailan ba kami ng iwan?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayy oo nga pala, 'di kayo nang-iiwan nantitrip lang. Tapos trip niyo ay iwan ako." Sabi niya.

"Hehe, kayo nga din ang hilig mantrip sa akin." Sabi ko.

"Sige na Fett, bilisan mo na diyan. Doon lang kami. Baka naiinip na din 'yun si Merien." Sabi ni Lexis.

"Okay. Malapit na naman ito." Sabi ni Fett.

"Yen, anong tinitingnan mo diyan?" Tanong ko. Mga name list?

"'Yung ano, 'yung kung sino na ang nakapagpa-enroll dito. Ang dami na pala."

"Ahh oo lahat-lahat ng fourth year BSBA student na ang nariyan. Ilista mo nga ang names natin diyan Lex." Sabi ko kay Lexis.

"Ok, bakit may name din dito ni..."

"Nino?!" Tanong ko.

"Ayy, wala. 'Yung ano mga names ng kaklase natin dati." Sabi niya.

"Haha, oo naman Lex. Siyempre same course lang eh." Sabi ko. Ang dami palang BSBA student. Ngayon ko lang napansin. Parang ngayong batch lang marami ah? Paano? Bakit?! Siguro may mga nag-switch. 'Di naman bago iyon, para sa mga maperang kagaya nila na kung saan gusto ay makakamit agad nila. May pera eh.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status