Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Akala ko si beshie na pero yung makulit na stalker ko lang pala.
+63 995 464 6***: Hey. bakit umiiyak ka? what happened? Are you ok?
ME: Sinusundan mo ba ako? please lang, Tigilan mona ako at natatakot na ako sayo!
+63 995 464 6*** : No. hindi kita sinusundan, nagkataon lang na dumaan ka sa harap ko.
-Bakit kaba umiiyak?
-Dahil na naman ba sa ex mo?
-Hey! hey! where are you going?!
-Hey! stop running! Baka madapa ka.
-Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo!.
Tumigil ako sa pag-takbo at napansandal sa pader, Nagpadausdos ako pababa sa sobrang panghihina at sakit.
Muli akong tumingin sa phone ko, maraming text galing sa estranghero 'yun. Kahit lumuluha binasa ko pa rin ang text niya.
+63 995 464 6*** : Hey, are you ok?
+63 995 464 6*** : Bakit ka ba umiiyak? Tumayo ka d'yan, ang dumi dumi ng sahig.
Ayoko talagang nakikitakang umiiyak, Ano ba ang nangyare? Pwede mo ba sabihin sakin?
Bakit ba ang kulit ng stalker na to? Bakit siya nalang ang laging nakakakita at natataon sa ganitong pangyayari? Sasabihin ko ba? Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, bumalik na naman ang sakit. Muli akong tumingin sa phone ko, hindi ko na Malayan na nag tatype na pala ako. Hinayaan kong maglabas ako ng sama ng loob sa taong kanina lang kinakatakutan ko.
ME: Bakit ganoon? ano bang nagawa kong mali? para saktan ako ng ex ko? bakit sa dinami rami ng babae dito sa university, Ako pa ang napili niya? ang sakit sakit na!Hindi ko pa rin matanggap, kahit apat na buwan na ang nakalipas!parang sariwa pa rin ang lahat.
Me: Ang sakit malaman na hindi niya ako minahal ng totoo! pinag-tripan lang niya akong maging girlfriend.
Me: Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? ginagawa kaming pustahan? anong akala niyo samin manok na panabong na pwedeng pag pustahan?
Me: Akala ko ok na lahat, Akala ko unti-unti konang nakakalimutan pero hindi pala! Niloloko ko lang din ang sarili ko.
ME: Hey, are you still there?
ME: Hey, Mr.Stalker?
ME: Mukhang busy kana, sorry kung sayo pa ako naglabas ng hinanakit ko sa Ex ko. Uuwi na ako.
ME: Thank you anyway.
Hindi na siya nag-reply nakakahiya sa kanya pa talaga ako nag drama, kanina lang sinabihan ko siyang natatakot ako sa kanya. Tapos ngayon hayssss, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Umayos na ako ng tayo, Pinunasan ko rin ang mga naiwang luha sa pisnge ko, Pumikit ako at bumuntong hininga. Eto na ang huling iyak mo kisha, Hinding hindi muna ulit iiyakan ang ex mong manloloko. H'wag mong ikulong ang sarili mo sakit. Move on, and focus sa study.
Pag-kausap ko sa sarili ko.
Pag dilat ko, Huminga akong ng malalim bago ngumiti.
"Kakalimutan na kita."
Matapos kong ibulong ang mga salitang 'yon, Naglakad na ako para balikan ang naiwan kong gamit sa bleacher.
******
Pag kapasok na pag kapasok ko sa kwarto, Humiga agad ako sa kama. Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw.
Nasa ganoong ayos ako ng tumunog ang phone ko. Mabilis kung kinuha 'yun, Baka nag reply na yung makulit na lalaki. pero hindi pala siya.
Si beshie lang pala. Si bes—Hala! Oo nga pala hinihintay ko siya kanina, Nako hindi ako nakapag paalam na uuwi na ako at mauuna nang uuwi. Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming uuwi!
Beshie Eizel: Beshie?
Beshie Eizel: nasaan kana? Wala ka naman dito sa bleacher e!"
Beshie Eizel: Huy, nasaan ka?"
ME: Nandito na ako sa bahay beshie, sorry hindi kita natext agad
Beshie Eizel: WHAT? nakauwi kana?!kaloka ka iniwan mo ako dito.
ME: Hehehe sorry, kaya mo naman umuwi mag-isa e.
Beshie Eizel: Loka loka, kainis ka mag-isa tuloy ako uuwi.bakit ba kase nauna ka?
Me: Sumama kase pakiramdam ko kanina kaya nauna na ako umuwi.
Sorry beshie kung nagsinungaling ako. hindi ko muna sasabihin yung totoong nangyare kanina, Alam ko kaseng magagalit kana naman, lalo na sakin dahil umiyak ako. At hindi pa rin nakaka move on.
Beshie Eizel: Hala! bakit hindi mo agad sinabi sakin? sana hinatid kita. sana nag paalam ako sa prof namin.
Me: ok lang 'yun beshie mas importante ang klase mo at kaya ko naman umuwi. Eto nakahiga na nga ako e.
Beshie Eizel: Ikaw talaga, pinag-alala mo ako kanina, sa susunod magtext ka sakin para alam ko ok?
ME: Opo, sorry beshie.
Beshie: Basta h'wag muna ulitin, tssk! Anyway kamusta na pakiramdam mo?
Me: Ayos na naman ako. nakahiga nga ako ngayon.
Beshie Eizel: Buti naman may gusto din kase akong sabihin sayo.
Me: Ano 'yun?
Beshie Eizel: Actually isheshare ko lang naman sayo ang chika, nagdadalawang isip nga lang akong sabihin sayo ngayon kase baka lalong sumama pakiramdam mo.
Me: Chika? Tungkol naman saan? Ok naman ako kaya,pwede mo na sabihin sakin.
Beshie eizel: Sure ka?
Me: Yes. so what is it?
Beshie Eizel: Kung hindi ka siguro umuwi malalaman mo tong chika nato e. kaso dahil nga umuwi ka, Sasabihin kona lang sayo.
Beshie Eizel: May nambugbog sa babaero mong EX! Ayon sira ang mukha.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nabasa ko. Nabugbog si Mikael? Parang kanina lang nakikipag halikan pa siya sa Girlfriend niya. Digital na ba talaga ang karma ngayon. Ang bilis.
Me: Sigurado kaba d'yan? Sino naman nambugbog?
Beshie Eizel: Yes naman siguradong sigurado ako,balitang balita ang nangyare sa EX mo. Wait, hindi ka nag-aalala? o naawa?
Me: Bakit naman ako mag-aalala at maawa? Nung ako ba yung iniwan, sinaktan at pinahiya niya noon, Naawa ba siya sakin? Nag alala ba siya? Hindi diba? pinagtawanan lang niya ako. Kaya buti nga sa kanya yon! Dumating na ang karma niya.
Beshie Eizel: Woah! Easy, Relax lang , Bigla ka naman sumabog d'yan e. Pero ganyan din naisip ko beshie.Karma na niya 'yon. Unti-unti na siyang sinisingil sa mga kasalanan niya, Imbes nga na maawaa ko sa kanya kanina, Nginisian kopa e. kung sino man ang gumawa non sa kanya, Thank you! Baka sakaling matauhan ang babaero mong ex!.
ME: Nakita mo siya kanina?
Beshie Eizel: Oo naman yes! ako pa ba magiiwanan sa chika? Tinignan ko kung totoo ba ang balita. At ayon nga, Duguan ang mukha beshie,Dinala sa clinic kanina. alalang-alala nga 'yung mukhang hito na girlfriend niya e.
Ewan ko pero natawa ako sa text ni beshie, Sa totoo lang hindi ako nag-alala o naawa, kung nabugbog si mikael. Masyado siyang mayabang kaya nakakarma siya. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa mga kasalanan niya sakin. Kung kanina pighating pighati ako dahil sa Nakita, ngayon para akong nabunutan ng tinik.
ME: Yeah, bakit ko nga ba nakalimutan isa ka nga pala sa chismosa ng university natin ano? kaya lahat ng chismiss alam mo. hahaha joke.
Beshie Eizel: Aba! ginaganyan mo ako matapos kong sabihin sayo ang nang-yare sa Babaero mong ex? Iniwan mona nga ako dito ganyan kapa sakin? Asan ang hustisya?!
Me: Hahahaha loka ka talaga umuwi kana nga. Mag-ingat ka ok? Thank you and love you beshie!
Beshie eizel: Tsk. oo na uuwi na ako. Wala na nga akong jowa, wala pa akong kasabay umuwi Napaka lungkot nga naman tsk.
Me: Hahaha loka ka talaga. sige na ingat ka.
Beshie Eizel: Yeah. magpahinga kana rin dyan ok?"
Me: Opo, bye bye na
Beshie eizel: Ok byeee mhua!
Muli akong nahiga at napangiti.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa binalita sakin ni beshie, Feeling ko nakaganti na ako kay mikael sa lahat ng ginawa niya sakin.
Masama ba ako dahil masaya ako sa nangyare sa kanya? Ganto siguro kapag nasaktan at niloko ka. Hayyyy
Karma Na ang lumalapit sayo mikael. Sana sa nangyare sa'yo ngayon matauhan kana.
****
MARKISHA Maaga akong papasok ngayon dahil ipapasa ko na ang research paper na ginawa ko. Dapat mamayang 10am pa ang pasok ko, pero dahil sinabi samin ng prof namin na kailangan maipasa agad ito bago mag 8:30 maaga tuloy akong papasok ngayon. Bago ako lumabas ng gate namin, Kinuha ko muna ang cellphone ko pata itext si beshie, Mahirap na baka dramahan na naman ako pag-hindi ko na naman siya naitext e. ME: Goodmorning beshie. mauuna na ako pumasok ah? Ngayon kase ang pasahan ng research paper namin, kita nalang tayo mamayang lunch break. Beshie eizel: Goodmorning beshiee. Sige,ingat pag pasok. Kita kits mamayang lunch mhua. Me: Alright, ingat ka rin pag pasok mamaya. Beshie Eizel: Yup! Me: Alis na ako byebye! Beshie Eizel: Byeee. Nakangiti akong habang patungo sa bleacher na mal
Hindi ko man lang nakita ang stalker ko nayon. Nakagawa agad ng paraan. Maitext na nga lang si besh— oh, hindi na pala kailangan. Nauna na siya mag-text. Beshie Eizel : Beshieee! omg! what happened? ok kalang ba? ano ba kaseng nangyare bakit nandyan ka sa clinic? Me: Paano mo nalaman na nandito ako? Beshie Eizel: May pumunta ngayon na babae dito sa room, Sinabing kanina kapa raw sa clinic at puntahan daw kita. kaso itong menopause namin prof, ayaw ako payagan na puntahan ka. nakakainis, Sorry beshie hindi kita mapuntahan. Me: ok lang beshie, ok na naman ako namamaga lang paa ko. Beshie eizel: Kaya mo ba maglakad? Me: Kaya naman beshie, iika-ika nga lang. Beshie Eizel: Ok akala ko hindi e. so puntahan nalang kita dyan mamaya para sabay na tayo mag-lunch. ME: Sige beshie, papahinga
Sisimulan kona sana kumain ng lumapit samin si nanay belinda na nakangiti. May hawak itong tray na puro pagkain. Nilapag lang nito ang tray bago ako tinignan ng makahulugan bago umalis sa harap namin. "Huy! saan galing to? umorder kaba beshie?" Natutuwang tanong sakin ni beshie. Hindi ko siya pinansin at nag type agad ng message. Siguradong siya ang umorder nito. Me: Hey, dont tell me sayo galing tong mga pagkain?? Mr.Stalker: Yes, Ubusin mo lahat 'yan, Bigyan mona din bestfriend mo. Me: Ang dami nito! Hindi naming to mauubos, tsaka sinabi ko bang bilhan mo ako ng pagkain ha? Mr.Stalker: Kumain kana lang dyan, Mas ok yan, Kesa sa sandwich na kinakain mo kanina. Me: Ayoko nga! Baka may kung ano kapang nilagay dito. Mr.Stalker: Pagkain ng cafeteria yan, Si manang belinda ang naghatid ng pagkain, Sa tingin mo may
Saturday.. Nasaan na ba si beshie? Gosh! Kanina pa dito ang buong barkada ni kuya, nakakahiya na sa kanila, kung sino pa ang malapit ang bahay siya pa yung wala dito. Maitext nga ang babaeng yun. Me: Nasaan kana beshie? Me: Hoy babae bilisan mo. Me: Eizel, Bilisan mo lahat ng barkada ni kuya nandito na Pati sila drake. Me: Ikaw nalang hinihintay namin. Kung sino pa ang malapit ang bahay siya pa ang nahuli, Gosh beshie ano bang ginagawa mo? Beshie Eizel: OMG! wait beshie, palabas na ako ng bahay. Waaaah natataranta na ako. Me: Nakakahiya sa barkada ni kuya Ang aga nila pumunta dito, Tsaka kasabay natin sila drake. Beshie Eizel: Marami pala tayo? Me: Oo, dalawang van tayo. Beshie Eizel: Kita ko nga malapit na ako. Me: Ilang bahay lang
KINABUKASAN Pupungas pungas ako ng bumangon ako sa kama, nilibot ko ang tingen ang paligid nandito ako sa kwarto naming ni beshie. Paano kaya ako nakarating dito, hindi ko namalayan na naparami na yung inom ko kagabi. Muli akong humiga at Chineck ang phone ko, napataas ako ng kilay ng makitang ang daming text ni mr,stalker. Nang Mabasa ko lahat nakabusangot kong tinabi ang phone ko at pumikit. Pag gising na pag gising ko sermon agad nung stalker nayon ang nabasa ko, dinaig pa niya si kuya kung manermon, tsk! Ilang minute ang lumipas ng mag vibrate ang phone ko, kinapa ko ito at tinignan ang mensahe. MR. STALKER: Goodmorning stubborn girl. Gising kana ba? Stubborn girl talaga? Feeling close na siya. Nag type naman ako ng reply sa kanya. Me: Yeah, grabe tulog na ako lahat lahat kagabi sinermonan mo pa ako? MR. STALKER
KINAGABIHAN kanina pa kami nakauwi galing sa Batangas, ayaw pa sana umuwi ng iba dahil nag eenjoy pa, kaso may pasok na kinabukasan, babalik nalang daw sa susunod. Humiga na ako sa kama ko, sobrang pagod grabe. Pero enjoy naman. Papikit na sana ako ng mag vibrate ang phone ko na nasa bedside table ko, ays inaantok na ako e, kinapa kapa ko ito at chineck ang nag text. Oh bakit kaya nagtext si beshie. Beshie Eizel: Beshieeeee. Gising ka pa ba? ME: What? patulog na ako, inaantok na ako beshie, Nakakapagod kaya. may pasok pa tayo bukas. Beshie eizel: Waaaahh hwag ka muna matulog, Usap muna tayo. Hindi pa rin ako nakaka get over sa mga nangyare kanina. Sayang lang at sandali lang tayo sa batangas at umuwi tayo ng hapon. Sobra akong nag-enjoy! Me: Halata nga na nag-enjoy ka kung makakapit ka sa kambal ko akala mo wala ng bukas e!
Lunch time.. Nasaan na kaya si beshie? Nagugutom na ako. maitext na nga. Beshie❤️ Me: Beshie nasaan kana? Beshie eizel: Waaaaah beshie! hindi ako makakasabay sayo mag-lunch. May pinapagawa kase sa'kin 'yung magaling kong prof. Sorry beshie. Me: Ganoon ba, ayos lang. Pupunta na ako cafeteria. Beshie eizel: Sabay tayo umuwi mamaya ah? Me: Yup sabay tayo mamaya, May pagkain ka naman dyan? Beshie Eizel: Wala, pag natapos ko yung pinapagawa sakin doon palang ako makakain. kainis nga e. Me: Gusto mo hatiran kita ng pagkain? Beshie Eizel: Awww, ang sweet naman ng beshie ko. kaso hwag na beshie, ang layo ng building naming sa cafeteria, Baka malate kapa sa susunod na klase mo, Isang oras lang ang lunch break. Me
Naiiling nalang ako sa kaibigan ko, patay na patay talaga kay kuya e, minsan ang sarap din talagang inisin nun, pero nasaan kaya yun si kuya? Hindi nga siya pumasok para makapagpahinga tapos wala siya dito. Pasaway din maitext na nga. To Kuya Ivan: Kuya? nasaan ka? Bakit wala ka dito sa bahay? kUYA IVAN: Nandito ako sa bahay ng tropa Bakit nandyan ka sa bahay? Bakit umuwi ka? ME: Hindi ka nangchichix? wala kang babae dyan? KUYA IVAN: Anong nang chichix pinag-sasabi mo kisha? Maglalaro kase kami ng basketball kaya nandito ako, Oo nga pala gabi na ako makakauwi. ME: Ah ok, akala ko may kadate ka e. KUYA IVAN: Tss, bakit ka nga pala umuwi? ME: Ah, may nangyare kase, kanina kuya. KUYA IVAN: Why? masama ba pakiramdam mo?may umaway ba