Sisimulan kona sana kumain ng lumapit samin si nanay belinda na nakangiti. May hawak itong tray na puro pagkain. Nilapag lang nito ang tray bago ako tinignan ng makahulugan bago umalis sa harap namin.
"Huy! saan galing to? umorder kaba beshie?" Natutuwang tanong sakin ni beshie.
Hindi ko siya pinansin at nag type agad ng message. Siguradong siya ang umorder nito.
Me: Hey, dont tell me sayo galing tong mga pagkain??
Mr.Stalker: Yes, Ubusin mo lahat 'yan, Bigyan mona din bestfriend mo.
Me: Ang dami nito! Hindi naming to mauubos, tsaka sinabi ko bang bilhan mo ako ng pagkain ha?
Mr.Stalker: Kumain kana lang dyan, Mas ok yan, Kesa sa sandwich na kinakain mo kanina.
Me: Ayoko nga! Baka may kung ano kapang nilagay dito.
Mr.Stalker: Pagkain ng cafeteria yan, Si manang belinda ang naghatid ng pagkain, Sa tingin mo may lason yan? Tigilan muna nga ang pag iisip ng ganyang bagay.
Me: Kahit na.
Mr.Stalker: Ang tigas talaga ng ulo. Sige bahala ka, favorite mo pa naman lahat 'yan. Yung bestfriend mo ang dami na nakakain oh.
Me: Pati favorite food ko alam na alam mo? Ibang klase talaga.
Mr.Stalker: Kumain kana,Walang lason yan ok? Hindi kita ipapahamak vy.
Me: K.
Makalipas ang trenta minuto natapos din kami sa pagkain ni beshie. Agad akong napatingen sa phone ko ng mag vibrate ito. Alam kona agad kung sino ang nagtext, dahil siya lang naman ang text ng text sakin. Bibihira lang naman si kuya at beshie.
Mr.Stalker: See? naubos niyo din yung pagkain, Hindi mo matatanggihan kase favorite mo.
Me: Whatever. Napairap ako ng palihim, dahil sa text nito, hindi ko talaga matatangihan dahil lahat fav ko tapos sarap na sarap pa si beshie, safe din naman talaga dahil si nanay Belinda ang nagluluto nito.
Nang makapag pahinga na kami ng konti nagpasya na kami ni beshie na bumalik sa room papasok ako sa next subject ko, ayoko umabsent. Nakakailang hakbang palang ako naramdaman kona ang sunod sunod na pag vibrate ng phone ko. Ano na naman kaya ang text nitong stalker ko.
Mr.Stalker: Oh dahan dahan. Baka matumba ka. Papasok ka talaga?
Mr.Stalker: Umuwi kana lang kasi Vy, Hwag na matigas ang ulo.
Mr.Stalker: Sabi naman kaseng umuwi nalang para nakakapag pahinga ka, Tignan mo nasa second floor palang kayo hirap na hirap kana.
Napahinto ako sa paglalakad at binasa ang text niya. Sunod sunod na naman ang message niya. nakakainis talaga.
Me: Argh! Hwag ka nga text ng text, Ang gulo mo e, papasok ako kahit anong mangyare. Ok?!
Mr.Stalker: Ok sige, dahan dahan lang, Hwag mo masyado i-apak yang isang paa mo. Alalay lang.
Me: Alam mo kung yan ginagawa mong pagtetext at kakatingin sakin sa malayo, Kung tinutulungan mo kaya ako ano? Ay, oo nga pala ayaw mo nga pala magpakita sakin. Hwag mona nga muna ako itext para makaakyat na ako ng maayos!
Mr.Stalker: Hayy sige, papasok na din ako sa klase ko, Dahan dahan lang ha? Ingat sa pag akyat.
Buti naman para makapag focus na ako sa pag akyat. Text ng text hindi naman ako tinutulungan. Takot na takot na makita ko siya.
********
Nakakainis bakit ayaw pa mag-palabas ng prof namin? Ilang minuto nalang naman uwian na. Grabe! Gusto pa talaga niya saktong oras talaga.
Kinapa kapa ko ang phone sa bulsa ko ng mag-vibrate ito. Napasimangot ako ng si Mr.Stalker na naman ang nag text.
Mr.Stalker: Hi, sabay pala kayo ng kuya mo uuwi?
Me: At paano mo naman nalaman? lahat nalang talaga tsk.
Mr.Stalker: Syempre ako pa ba? Nakasimangot na nga kambal mo e.
Me: Tss, baka naboboring lang kakahintay, Palalabasin na rin naman kami.
Mr.Stalker: Hindi siya naboboring naiirita siya sa mga babaeng nasa paligid niya.
Me: What!? nasaan ba 'yung kambal ko?
Mr.Stalker: Nasa baba ng building niyo.
Me: Ay, abno talaga ang lalaking 'yon. Alam naman niyang patay na patay sa kanya ang mga babae dito e. Sige, Salamat palabas na rin ako.
Mr.Stalker: Welcome, Dahan dahan sa pagbaba ng hagdan ok? Hwag mag-madali.
Mukha ba akong magmamadali nito makababa? Sa lagay kong 'to? tsk!
Si kuya naman kase bakit dito pa ako hinintay alam naman niyang baliw na baliw sa kanya ang mga babae dito.
Iika ika akong lumabas ng room,
Inabot din ako ng ilang minuto bago nakababa sa building namin, kitang kita ko agad ang mga mahahaderang babae.
Yung iba todo picture pa kay kuya, Yung iba naman feeling close. Hindi ba nila nakikita ang itsura ng kapatid ko? Hindi ba sila marunong makiramdam tsk.
Kahit masakit ang paa ko, Sinikap kopa rin makalapit agad kela kuya.
"Hey, hey, tama nayan! Hindi niyo ba nakikita na naiilang na kapatid ko? Ang haharot niyo mag si uwi na nga kayo! oh titingin pa! Hala alis! mag-si alis na kayo!"
"Oh ikaw? ano hindi kapa talaga aalis?"
"Abay ang sama pa tumingin, Nakarami kana ng kuha ng picture sa kapatid ko, ano hindi kapa makuntento ateng? hala alis! tsoo!"
Sa ganitong sitwasyon talaga nakukuha ko ang ugali ni beshie, nagiging amazona ako e,
"Lumayo layo na nga kayo sa kapatid ko! Para kayong mga linta ah! Hala mag-si uwi na kayo!"
Mabilis naman silang nag-alisan, Yung iba inirapan pa ako. Wow akala mo ang gaganda psh. nang mawala na sila lahat Bumaling ako kay kuya na ngayon ay nakasimangot pa rin."Jeez, akala ko hindi kana bababa. Grabe ang mga babaeng 'yon. Hindi kona nga pinapansin. Todo kausap at picture pa rin. tsk"
"Eh sino ba kase ang may sabi sayong dito mo ako hintayin sa baba ng building ko? Alam mo naman ang mga babae dito kapag nakikita ka."
"Para maalalayan kita. kaya dito na ako nag-hintay. Uh, wait lang twin, Papaalam muna ako sa team, Wait mo ako dito."
Tumango nalang ako at pinag-masdan siyang pumunta sa tropa niya.
Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate ito. At nag text na naman siya.
Mr.Stalker: Cute. Hahaha grabe ka mang taboy ng babae, Inaway mo pa yung iba.
Me: Tss, Ang landi e, Hindi nanga sila pinapansin ng kapatid ko. Hala sige pa rin
sa pa cute.Mr Stalker: Pero kahit naiinis at nagagalit ka kanina ang ganda mo pa rin.
Me: Hwag mo akong binobola Mr.Stalker.
Mr.Stalker: Hindi kita binobola nagsasabi ako ng totoo.
Me: Tss ewan ko sayo.
Mr.Stalker: Why are you blushing?
Mr.Stalker: Oh ayan kana naman sa palingon lingon mo.
Me: Tsk. ewan ko sayo.
Mr.Stalker: Ganda mo lalo kapag namumula ka.
Mr.Stalker: Hey, Dahan dahan 'ka sa paglalakad, Yung paa mo.
Me: Shut up! Hwag mona nga ako itext! Bwiset!
Mr.Stalker: Pikon kana naman, Hintayin mo kuya mo, Nagpaalam lang sa barkada niya.
Me: Alam ko! Sa gate ko nalang hihintayin!
Mr.Stalker: Hwag kana sumimangot, Ayan na kuya mo. Ingat kayo pag-uwi.
Mr.Stalker: Pag uwi mo pahinga kana agad, para maging ok nayang paa mo.
Me: K.
Nakasimangot si kuya ng makalapit sakin.
"Sabi ko hintayin mo ako doon diba? bakit nauna kana dito?"
"Wala lang."
"Edi useless din pag hihintay ko sayo, Kaya nga kita hinintay doon sa building niyo para maalalayan ka, tapos mauuna kalang naman pala dito." Masungit na sabi nito.
"Eh ang lapit lang naman ng building namin sa gate kuya, Hindi naman malayo."
"Kahit na! sayang effort ko. Napaligiran pa ako ng mga babae."
"Wag kana nga mainis. Tara na! uwi na tayo."
"Sandali kukunin ko pa yung kotse sa parking lot."
"Ha? dala mo ba yung kotse?"
"Tsk oo, Dapat doon tayo dederetso sa parking lot. Kaya nga hinintay kita. kaso ewan koba bakit dito ka dumeretso sa gate."
"Eh hindi ko rin alam na dala mo yung kotse e. Sige na kunin muna para makauwi tayo."
"Hintayin mo ako dito, Baka saan kana naman pumunta ah."
"Hindi na po. hihintayin na kita dito."
"Sige. wait lang."
Naiiling nalang ako habang tinitignan na tumakbo si kuya papalayo. Ang daming sinasabi, Dala dala pala ang kotse namin. Akala ko pa naman mag taxi lang kami, kaya dito ako dumeretso sa gate. Imbyerna rin kase ang Stalker ko nayon.
Maya maya pa tumigil na sa harap ko ang kotse namin, Sumakay na ako. Finally makakauwi na rin.
Saturday.. Nasaan na ba si beshie? Gosh! Kanina pa dito ang buong barkada ni kuya, nakakahiya na sa kanila, kung sino pa ang malapit ang bahay siya pa yung wala dito. Maitext nga ang babaeng yun. Me: Nasaan kana beshie? Me: Hoy babae bilisan mo. Me: Eizel, Bilisan mo lahat ng barkada ni kuya nandito na Pati sila drake. Me: Ikaw nalang hinihintay namin. Kung sino pa ang malapit ang bahay siya pa ang nahuli, Gosh beshie ano bang ginagawa mo? Beshie Eizel: OMG! wait beshie, palabas na ako ng bahay. Waaaah natataranta na ako. Me: Nakakahiya sa barkada ni kuya Ang aga nila pumunta dito, Tsaka kasabay natin sila drake. Beshie Eizel: Marami pala tayo? Me: Oo, dalawang van tayo. Beshie Eizel: Kita ko nga malapit na ako. Me: Ilang bahay lang
KINABUKASAN Pupungas pungas ako ng bumangon ako sa kama, nilibot ko ang tingen ang paligid nandito ako sa kwarto naming ni beshie. Paano kaya ako nakarating dito, hindi ko namalayan na naparami na yung inom ko kagabi. Muli akong humiga at Chineck ang phone ko, napataas ako ng kilay ng makitang ang daming text ni mr,stalker. Nang Mabasa ko lahat nakabusangot kong tinabi ang phone ko at pumikit. Pag gising na pag gising ko sermon agad nung stalker nayon ang nabasa ko, dinaig pa niya si kuya kung manermon, tsk! Ilang minute ang lumipas ng mag vibrate ang phone ko, kinapa ko ito at tinignan ang mensahe. MR. STALKER: Goodmorning stubborn girl. Gising kana ba? Stubborn girl talaga? Feeling close na siya. Nag type naman ako ng reply sa kanya. Me: Yeah, grabe tulog na ako lahat lahat kagabi sinermonan mo pa ako? MR. STALKER
KINAGABIHAN kanina pa kami nakauwi galing sa Batangas, ayaw pa sana umuwi ng iba dahil nag eenjoy pa, kaso may pasok na kinabukasan, babalik nalang daw sa susunod. Humiga na ako sa kama ko, sobrang pagod grabe. Pero enjoy naman. Papikit na sana ako ng mag vibrate ang phone ko na nasa bedside table ko, ays inaantok na ako e, kinapa kapa ko ito at chineck ang nag text. Oh bakit kaya nagtext si beshie. Beshie Eizel: Beshieeeee. Gising ka pa ba? ME: What? patulog na ako, inaantok na ako beshie, Nakakapagod kaya. may pasok pa tayo bukas. Beshie eizel: Waaaahh hwag ka muna matulog, Usap muna tayo. Hindi pa rin ako nakaka get over sa mga nangyare kanina. Sayang lang at sandali lang tayo sa batangas at umuwi tayo ng hapon. Sobra akong nag-enjoy! Me: Halata nga na nag-enjoy ka kung makakapit ka sa kambal ko akala mo wala ng bukas e!
Lunch time.. Nasaan na kaya si beshie? Nagugutom na ako. maitext na nga. Beshie❤️ Me: Beshie nasaan kana? Beshie eizel: Waaaaah beshie! hindi ako makakasabay sayo mag-lunch. May pinapagawa kase sa'kin 'yung magaling kong prof. Sorry beshie. Me: Ganoon ba, ayos lang. Pupunta na ako cafeteria. Beshie eizel: Sabay tayo umuwi mamaya ah? Me: Yup sabay tayo mamaya, May pagkain ka naman dyan? Beshie Eizel: Wala, pag natapos ko yung pinapagawa sakin doon palang ako makakain. kainis nga e. Me: Gusto mo hatiran kita ng pagkain? Beshie Eizel: Awww, ang sweet naman ng beshie ko. kaso hwag na beshie, ang layo ng building naming sa cafeteria, Baka malate kapa sa susunod na klase mo, Isang oras lang ang lunch break. Me
Naiiling nalang ako sa kaibigan ko, patay na patay talaga kay kuya e, minsan ang sarap din talagang inisin nun, pero nasaan kaya yun si kuya? Hindi nga siya pumasok para makapagpahinga tapos wala siya dito. Pasaway din maitext na nga. To Kuya Ivan: Kuya? nasaan ka? Bakit wala ka dito sa bahay? kUYA IVAN: Nandito ako sa bahay ng tropa Bakit nandyan ka sa bahay? Bakit umuwi ka? ME: Hindi ka nangchichix? wala kang babae dyan? KUYA IVAN: Anong nang chichix pinag-sasabi mo kisha? Maglalaro kase kami ng basketball kaya nandito ako, Oo nga pala gabi na ako makakauwi. ME: Ah ok, akala ko may kadate ka e. KUYA IVAN: Tss, bakit ka nga pala umuwi? ME: Ah, may nangyare kase, kanina kuya. KUYA IVAN: Why? masama ba pakiramdam mo?may umaway ba
MARKISHA POV Hindi ko alam kung anong irereact ko, kailangan malaman 'to ni beshie, nakakagulantang lahat ng sinabi niya, 5 years? Hindi biro ang limang taon, may nagmamahal pala sakin ng palihim ng ganoong katagal? Sana gising pa si beshie, agad ko siyang tinext. ME TO BESHIE: Beshieeeee! Gising kapa? ME: May sasabihin ako sayo! Replyan moko now na! ME: Eizel Francine Evangelista! ME: may sasabihin ako sayo beshie, gising ka muuna replyan mom una akoooooo!’ ME: Beshie reply ka! ME: Beshieeeee Hays bakit hindi nagrereply ang babaeng yun? Tinadtad kona nga ng text eh. Kailangan ko siya makausap ngayon, kailangan ko masabi sa kanya ang mga nalaman ko, hindi ko kayang ipag pabukas to. Itetext ko sana ulit si beshie ng mag reply na ito, napangiti ako. BESHIE EIZEL: My gosh beshie bakit moa ko tinatadtad ng text? BESHIE
Masaya akong naglalakad papasok ng building namin, hindi ko alam pero masaya ako. Malapit na ako sa room namin ng mapansin ko ang mga ibang block mate ko na nasa labas ng room na nakatingen at nakangite sakin, anong meron bakit ganito sila makatingen sakin? Kahit naiilang pinag patuloy ko ang paglalakad,pagpasok sa loob ng room, doon ko nalaman kung bakit ganoon nalang sila makatingen sakin, dahil sa upuan ko may isang bungkos ng pulang rosas, may kasama rin itong lobo. Habang sa table ko naman may roong box na pink. Dahan dahan akong naglakad patungo sa table ko, hindi ko napansin na nakangite na pala ako, alam kona kase agad kung kanino galing ang mga to, wala naman ibang magbibigay sakin nito kung hindi siya, parang kanina lang katext ko ang nagbigay nito, Sinilip ko ang laman ng box, mga cupcakes! Hindi kona pinansin ang mga tingen ng mga blockmate ko, kinuha ko ang bulaklak at lobo may Nakita akong mali
MARKISHA (POINT OF VIEW) Nagmamadali akong maglakad pababa, kailangan maawat ko sila, baka kung saan pa humantong ang away na to. bakit kase ayaw nalang manahimik ni mikael. Si kuya kailangan ko siya maawat galit na galit pa naman yon kay mikael, baka kung ano pang magawa niya, wala akong pakealam kay mikael, ang inaalala ko ang kapatid ko, baka malaman to ng dean malalagot kami. Nang makita ko agad si beshie, walang salitang hinila ko siya dere deretso ako, habang hatak siya, kailangan namin mag madali. "Beshie wait! sandali lang hinihingal pa ako eh, dahan dahan lang." "Beshie sorry, pero kailangan natin mag madali, nasaan ba sila?" "Sa likod ng building nato, doon dinala ni myloves sila mikael." Bilisan ko ang lakad, sana lang hindi pa sila nagpapatayan. Nang makarating kami kung nasaan sila, napatigil at napamaang ako dahil sa eksenang