Cheers…cheers…..hahahahahahaHagalpak na tawa ni Eunice, sa kainuman nintong lalaki na si Anthon De Duke.Si Anthon De Duke ay kanyang kababata, Sabay silang lumaki at nag-aral sa isang paaralan noong elementary hanggang high school ngunit ng tumungtong na sila sa college ay lumipad ito sa ibang bansa upang doon mag-aral, kaya’t nawalan na siya ng balita dito, ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ngayong gabi ay muli silang nagkita ng kanyang kababata sa bar na kanyang pinuntahan para uminom.Magkamustahan silang magkababata at nagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga pinag daanan nintong mga nakalipas na mga taon na hindi sila magkita, hindi ni Eunice maiwasan na mapaiyak habang nakukuwento sa kanyang kababata ng mga pinagdadaanan niya ngayon at nalaman din niya na pareho sila ni Anthon ng pinagdadaanan sa pag-ibig dahil ang pinakamamahal nintong babae sa mahabang panahon ay ginaganap din ang engagement party ng gabing iyon kaya sa subrang kalungkutan ninto ay nagpasya siyang magpakalun
Hindi naman po ma’am Olga makapal ang mukha ko, para hindi ako mahiya, sagot ni Maureen sa mahinang boses. Wow! Talaga hindi makapal ang mukha mo ?at may kunwari kapang nahihiya ka! Tanong ni Olga kay Maureen na may halong pangungutsa sa tono ng boses ninto. Napayuko nalang ang ulo ni Maureen at hindi na niya sinagot ang tanong na iyon ni Olga, nahihiya na kase siya sa mga taong nandoon dahil nasa kanila na halos nakatinngin ang mga ito, na wari’y nanonood ng isang eksina sa pelikula, at nasisiyahan sa palabas. Humakbang bahagya si Olga at tinawag ang waiter na nag-iikot sa venue kumuha siya ng isang basong alak at pinapuno pa niya ng husto ang laman ng baso sa waiter, pagkatapos niyang kumuha ng alak ay lumapit siya ng husto sa harapan ni Maureen. Sabay sabi niyang Sure ka! Hindi makapal ang mukha mo? Hindi po talaga ma’am, mangiyak ngiyak ng sagot ni Maureen kay Olga habang naka yuko pa rin siya, Halos gusto nalang niyang maglaho ng mga oras na iyon para mawala na siya sa harap
Miss. Ikaw iyong nurse na laging nag-aasikaso sa papa ko? Nakangising tanong ni Maurine.Hah! Sinong papa mo, tanong na naguguluhan ni Eunice.Iyong pong naka admit sa hospital na pagmamay-ari po ng lalaking iyon, sabay turo ng hintuturo ni Maurine sa stage kung saan nakatayo sina Olga at Glazer, sinadya niya talagang ituro si Glazer para malaman niya kung anong magiging reaksyon ni Eunice ng mga oras na iyon.Ah! Hindi ko maalala kung sino ang tinutukoy mong papa, marami kasi akong inaasikasong pasyente sa ospital kaya hindi ko sila matandaan lahat, sagot na mahina ni Eunice habang nakatoon ang mga mata niyang maluha luha sa direksyon ng itinuturong stage ng kausap niyang babae.Dahil sa impluwensya ng alak, napangiti si Maurine sa hitsura ng kausap niyang babae bakas kasi sa mukha ninto ang kalungkutan at halata na pinipigilan lang ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata ninto.Miss, parang malungkot ka yata at mukhang nag-iisa ka lang na dumalo sa party na ito, tanong na kunwari
Prologue Dahil sa isang aksidente maagang na ulila si Glazer at sa murang edad ay nakaramdam siya ng poot sa taong involved sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at nais niyang gumanti dito. Ngunit sa muling pagkikita nila ng taong kinapopootan niya ay nakilala niya si Maureen ang nag-iisang anak ninto. Sa unang tingin palang niya kay Maureen ay humanga na agad siya sa aking kagandahan ninto,ngunit sa pag nanais niyang makaganti sa ama ninto ay sinamantala niya ang pagkakataon inalok niya ng pinansyal na tulong si Maureen,para maoperahan ang ama ninto. Kapalit ang kasunduang magpapakasal si Maureen sa kanya hindi bilang asawa kundi bilang slave ninto at bilang isang slave kailangan ni Maureen sundin ang lahat ng ipag-uutos niya dito bilang kabayaran sa tulong na ibinigay niya sa ama ninto. Dahil na rin sa pagnanais ni Maureen na mailigtas ang buhay ng kanyang ama pumayag siya na magpakasal kay Glazer. Sa pagsasama nil
Habang naka upo si Glazer sa charbel chair ng kanyang office hindi pa rin mawala wala sa kanyang isip ang babaeng umiiyak kanina sa ER...Gosh! Mas maganda pala siya pag matagal mong tititigan saka kahit na wala siyang make-up lutang pa rin ang ganda niya.....Damm...........sabay sa paghilot ni Glazer sa sintido niya.Bakit ba kase hindi siya mawala-wala sa isip ko ehhh....samantalang mas maganda pa sa kanya si Eunice,lahat ng katangian ng babae ay naka'y Eunice na kaya bakit ko ba siya iisipin samantalang dapat pa nga akong mamuhi sa kanya dahil ama pala niya ang lalaking gusto kong gantihan..DAMMM!...................Malakas na suntok sa table ang ginawa niya, bumalik nanaman ang galit niya nang maalala nanaman niya ang lalaking pasyente kanina....Gusto niyang suntukin ang lalaking iyon hangga't mawalan ng buhay katulad ng ginawa ninto sa mga magulang niya.Nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya,tuloy tuloy na puma
Maagang tinungo ni Maureen ang nursestation para tanungin kong pwede na bang basahin ng doctor ang result ng mga lab test ng papa niya.kinakabahan siya sa oras naiyon hindi niya alam kong bakit,siguro dahil sa natatakot siya na malaman ang sakit ng papa niya.Pagkalapit niya sa nurse station agad naman niyang binati ang nurse na naka duty doon.Good morning ma'am bungad na bati niya sa nurse na naroon.Itatanong ko lang po sana kung dumating na po si dok.? Sabi po kasi sakin kahapon ngayon daw po babasahin ng doctor iyong result ng lab test ng papa ko. Tanong ni Maureen sa nurse na naroon.Good morning din ma'am! sagot ng nurse kay Maureen.Antay antay ka nalang po ma'am padating na rin po si dok ngayon baka po na traffic lang kaya po wala pa siya ngayon pero tumawag na po si dok. kanina na on the way na raw po siya papunta dito ma'am.Ahh... Okey po ma'am salamat po,saka bumalik nalang ulit si
Pa ikot-ikot siya sa kwarto ng papa niya hindi siya mapakali pagpasok kasi niya kanina bumungad sa kanya agad ang hitsura ng papa niya na naka oxygen at maraming nakakabit na aparato sa katawan,anu bang nangyari kay papa habang wala ako bakit ganito na ngayon ang hitsura niya? biglang napatigil sa pag-iisip si Maureen ng mapansin niyang hindi mapakali ang papa niya sa pagkakahiga ninto agad niyang nilapitan ito at laking gulat niya ng makita niya ang hitsura ninto na naghahabol sa paghinga .Sa subrang pagkataranta agad niyang tinakbo ang nurse station.Nurse...nurse sigaw niya habang papalapit sa nursing station,habang humahangos ang hitsura niya.Bakit po ma'am?sagot sa kanya ng nurse.Ang papa ko nurse nahihirapan siyang huminga.Agad naman kumilos ang nurse para puntahan ang papa niya.Tulad ng nangyari kanina marami nanaman nakapalibot sa papa niyang nurse at naroon din ulit si dok. Casion, bagsak b
Mabilis ang ginawang palibot nila ni manang Chaling sa mansion dahil kailangan na niyang magluto ng haponan.Pagkatapos nilang kumain ay agad niyang iniligpit ang pinagkainan,muntik na niyang mabitawan ang platong hawak hawak ng may nagsalita sa likuran niya.Bilisan mo diyan Maureen! ang bagal mong kumilos kanina pa kita pinagmamasdan ang kupad kupad mo iyan lang ang liligpitin mo inabot kana ng siyam-siyam diyan saka ipinaaalala ko nga pala sayo na ayoko sa lahat ay ang makupad kumilos naintindihan mo ba ako Maureen bulyaw na pagkasabi Glazer.Opo dok Glazer naiintindihan ko po,nakayukong pagkasabi niya dito.Saka nga pala Maureen ayokong tinatawag mo akong dok Glazer dito sa bahay at kahit sa labas dahil wala naman tayo sa ospital, ang gusto kong itawag mo sakin simula ngayon ay sir Glazer dahil simula ngayon ako na ang amo mo! Saka itatak mo diyan sa kokoti mo na slave lang kita na kahit anung gawin at ipag utos ko