"Siya ba? Siya ba yung rason?!" Bungad sakin ni Lei ng nasa kwarto na kami. "Huh?" Naningkit ang mga mata ko."Yung lalaking yun. Siya ba ang dahilan bakit need mong kumalma? In love ka ba don? Pakilala mo muna sakin para makilatis ko. Baka mamaya saktan ka lang nun. Lagot talaga siya sa'ken. Walang pwedeng manakit sa pinaka mamahal kong kapatid.." Sa hinaba haba ng sinabi niya wala ni isa akong naintindihan. "Pagod ako, Lei. Mamaya na lang tayo mag usap please." Wala akong gana. Nagpalit ako tapos nahiga na agad. "Masama ba pakiramdam mo?" Nilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit." sambit nito na parang pinagdududahan pa ang sinabi ko. "Iwan mo muna ko, Lei. Tawagin mo na lang ako pag kakain na, please. Masakit ang ulo ko ei. Ipapahinga ko lang muna ang mata ko." Pag alis ko ng salamin ko agad na akong pumikit para umalis na din siya. Baka hindi ko mapigilan muling maiyak. Ayokong makita niya ako sa ganung itsura. [MAREA LEILUNA TRINIDAD] Yun ang unang bes
[MAREA LEILUNA TRINIDAD]Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Napansin ata yun ni Dad kaya siya nagsalita."Okay lang ba kayong dalawa?" Nakita ko ang pagsilip ni Dad sa front mirror. "I'm fine kahit wala akong allowance ng isang linggo.." Sagot ni Dens na halatang nagpapahiwatig. Hindi naman ako nagsalita at iniisip ko pa din yung nangyari kagabi. Nauna akong pumanik ng kwarto, hindi mapakali ng kama at iniisip yung nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako nababahala na ewan. Wala naman kaming ginawang kakaiba pero pakiramdam ko merong kakaiba. May kakaiba ba kay Dens o sa akin?! Nang marinig ko ang yapak agad akong nagkumot at umayos. Para akong binabalisawsaw kaya naisipan kong magbanyo.. Nagkabanggaan kami at para akong nakuryente.Pinakiramdaman ko si Dens kung tulog na ba. Nang masigurado kong tulog na siya saka ko siya marahang nilingon. Mahimbing na nga ang tulog niya kasi humihilik na siya. Hindi ko namalayan ang sarili kong pinagmamasdan ko na pala siya at hinahawi ang buh
Kahit ginawa kong panakot kay Dens na hindi ko siya kakausapin ay sumama pa din ito. Ngayon ako tuloy ang sumasalo sa nag uurumintadong mga magulang ko. "Asaan nga ang kapatid mo, Lei?! Imposible naman na hindi mo alam!!" Sa pagtaas ng boses ni Dad malapit na akong maiyak. Tinatatagan ko lang ang loob ko dahil hindi naman na ako bata para maging iyakin pa din. "Hindi ko po talaga alam. Kilala niyo naman po si Dens." Paliwanag ko habang nakaupo at napatingin sa phone ko ng tumunog ito. Isang notification, message from Dens. "Ang kapatid mo na ba yan?!" Napaangat ako ng mukha. Si Mom nakatingin. "Yes po. Wag daw po tayo mag worry. Uuwi din daw po sila bukas. Kasama niya yung mga kaibigan daw po niya." "Asan daw sila?! Sabihin mo susunduin namin siya ng Dad mo.." Sunod na tanong ni Mom. Muli nanaman akong tumuon sa phone ko at tinype ang pinapasabi ni Mom. Sa loob-loob ko hindi nila masusundo si Dens dahil malayo yun unless mag effort talaga sila. Pero baka bago sila makarating duon
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] First time kong pumunta at mag stay sa ibang bahay kaya hindi ko alam kung magiging okay ba ako sa una pero ng makabonding ko na ang mga parents at kapatid ni Ghia, okay naman pala. Legal si Ghia sa pamilya niya at nakakatuwa dahil close silang lahat. Nahiya pa ako dahil sinabi niya agad sa mga ito ang tungkol sa feelings niya for me. Sabay kaming lahat kumaen at talagang nabusog ako dahil ang sarap magluto ni Tita, ang mama ni Ghia. Nang nasa kwarto na kami ni Ghia naramdaman ko ang vibration ng phone ko. Nakita ko puro pangalan ni Dens. Hindi ko yun pinansin at bumalik muli kay Ghia. Nagkukwento ito about sa sarili niya kung kailan niya narealize na babae pala ang gusto niya at hindi lalaki. Kung hindi ko sya kilala malabong maisip kong lesbian pala sya. Kasi naman mahaba pa din naman ang buhok nito at sobrang ganda din naman talaga niya. Nakakaproud din sa pakiramdam na may isang gorgeous na magkagusto sa'ken. "Your phone is ringing," sambit nito dahil
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] Almost 8pm na wala pa din si Dens. Kanina pa galit si Mom at for sure pagdating ni Dad lalo pang iinit dito sa loob ng bahay. Ang tigas talaga ng ulo niya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya to sinasagot. Gumaganti ba sya dahil hindi ako tumawag nung gabing nakila Ghia ako? Sinabi sakin ni Ghia na nakausap nga niya ang kapatid ko. "Hi Dad!" Humalik ako sa pisngi ni Dad. Pagod itong naupo ng couch. "Where's Dennise?" Naku po bakit si Dens agad ang nasa isip ni Dad. Di ba pwedeng nasa kwarto na to at natutulog. "Wala nanaman ang anak mo, Sid.. Hindi ko na siya makontak.." "What???" Bulyaw ni Dad. Alam na kapag ganito na ang boses ni Dad. Namumuro na kasi sa kanya si Dens. Hindi ko din maintindihan kay Dens kung ano bang problema nya. "Inuubos ba talaga niya ang pasensya ko? Grounded siya ah! Bakit umalis pa din siya ng bahay?!" Marahan akong yumukod para alisin ang sapatos ni Dad. Pinagdadasal kong wag akong tanungin dahil di ko rin naman alam k
"Mayumi!" "What?! Just say it! You can trust me, Dens.." Alam kong nauubos na ang pasensya niya. Pumikit ako, huminga ng malalim," I THINK I'M INLOVE WITH MY SISTER!!!" Para akong nabunutan ng tinik. "WHATTTTT????" Sigaw nito. Tinakpan ko agad ang bibig niya. "I know! I know! pero kahit ako hindi ko din maintindihan, Mayumi... So what should I do?? Hindi ko na kayang kasama si Lei sa iisang bahay.. Worst isang kwarto, isang kama at isang kumot.." Napaupo ito sa sahig at napatakip sa kanyang mukha. Mas naging problemado pa ata siya kaysa sakin. "Oh my God.. Anong gagawin mo? So all this time, she's the reason why you are behaving like that?!" Napaupo din ako sa harap niya. Ibig sabihin napansin din nya ang pagbabago ko. "Hindi ko na alam ang gagawin.. I'm going to die, Mayumi.." "OH SHET! That's..... That's insane, Dens. But how? she's your damn sister! For god sake!" "I know! You don't have to remind me... Alam ko at ginagawa ko lahat ng makakaya ko para mamatay ang maling feel
"Fuck what is your problem?!" Himutok nito na napahaplos sa parteng nasuntok ko. Ngumiti ako ng makita ang pagdugo nun. "Kulang pa yan sa ginawa mo sa kapatid ko!" Sigaw ko. Nakatikom pa din ang kanang palad ko. "What are you talking about?!" Nagmamaang maangan pa talaga siya. Alam naman niya ang tinutukoy ko. "Who's your sister by the way??" Salubong ang kilay nito at mas naging punit pa ang mukha ng makita niyang may dugo sa daliri niya mula sa pagkakasipat sa kanyang labi. "Oh shet!" Singhal niya. "LEI! Anong ginawa mo?!" "So Dens is your sister you are talking about?!" Tinuro niya si Dens na ngayon nakatingin sa akin at napatingin naman sa kanya. "Oh my god! Jhanrex, you are bleeding. I'm so sorry.. Halika sa clinic.." Napasinghap ako, tinignan silang dalawa na lumalakad na palayo. Nakuha pa niya talagang akayin ang lalaking yun after ng ginawa sa kanya? UNBELIEVABLE! Dens.. Ito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao? Nagiging martyr?!Bago pa sila mawala sa paningin ko,
"Maybe.." "Maybe? So possible nga mag boyfriend kana?" Hindi malinaw pero may lungkot sa tinig ni Lei. "Ayaw mo ba kay Jhanrex para sa'ken? Kapag nakilala mo siya for sure magkakasundo kayo.." "Anong boyfriend yang naririnig ko?!" Sabat ni Dad. "Not yet, Dad. Manliligaw pa lang po.. Don't worry Dad pupunta siya ng bahay.." Paliwanag ko, minsang tinatapunan ng tingin si Lei. "Dapat lang sa bahay siya umakyat ng ligaw.. Kapag hindi yan pumasa saken humanap ka na ng iba, anak. At teka kasing gwapo ko ba yan?!" Umandar nanaman ang pagkakulit ni Dad. Napapangiti na lang ako pero si Lei bland pa din ang mukha. Tahimik pa din si Lei simula pagkarating namin hanggang matapos ang dinner. "Hey! Okay ka lang ba?!" Usisa ko. Nakatalikod ito. Imbis na humarap at kausapin ako nagtalakbong pa siya ng kumot. "Hindi ako makakatulog kapag ganyan ka, Lei.. Hey talk to me. Tungkol pa din ba to sa pagtaas ng boses ko sayo?" Kinabig ko siya sa balikat paharap sa akin ng hindi siya umimik. "Wala ba