Share

Chapter 8

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Almost 8pm na wala pa din si Dens. Kanina pa galit si Mom at for sure pagdating ni Dad lalo pang iinit dito sa loob ng bahay.

Ang tigas talaga ng ulo niya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya to sinasagot. Gumaganti ba sya dahil hindi ako tumawag nung gabing nakila Ghia ako? Sinabi sakin ni Ghia na nakausap nga niya ang kapatid ko.

"Hi Dad!" Humalik ako sa pisngi ni Dad. Pagod itong naupo ng couch. "Where's Dennise?" Naku po bakit si Dens agad ang nasa isip ni Dad. Di ba pwedeng nasa kwarto na to at natutulog.

"Wala nanaman ang anak mo, Sid.. Hindi ko na siya makontak.."

"What???" Bulyaw ni Dad. Alam na kapag ganito na ang boses ni Dad. Namumuro na kasi sa kanya si Dens. Hindi ko din maintindihan kay Dens kung ano bang problema nya.

"Inuubos ba talaga niya ang pasensya ko? Grounded siya ah! Bakit umalis pa din siya ng bahay?!" Marahan akong yumukod para alisin ang sapatos ni Dad. Pinagdadasal kong wag akong tanungin dahil di ko rin naman alam kung asan si Dens pero isa lang naman ang madalas niyang puntahan. Kela Mayumi, yung half chinese half pilipina niyang kaibigan.

Sobrang tagal niya ng kaibigan yun pero never kong nakausap. Lahat naman hindi ko pinagkakausap unless kausapin nila ako. Si Ghia pa lang ata ang masasabi kong nakapasok konti sa mundo ko.

[GHIA ANNE GONZALES]

"Ano tong nalaman ko?? May iba ka ng pinopormahan?!"

"Hinaan mo nga yang boses mo Tonette.."

"So ano nga? Meron?!" Ngitngit nito. "So what if meron? Wala naman na tayo..."

"Ganun na lang ba talaga yun?! Itatapon mo na lang lahat ng pinagsamahan natin?!" Naluluha ang mga mata nito pero wala akong maramdaman. Not like before marinig ko pa lang ang boses niyang hindi okay napapayakap na agad ako to make her feel better.

"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan? Ako ba ang hindi nakuntento? Huh Tonette?!"

Napaiwas ito ng tingin. Pinahid niya agad ang luhang tumulo. Alam kong mahal na mahal pa niya ko kahit na siya itong nagloko.

"Its just a one mistake, Ghia... Hindi mo na ba ako mapapatawad??" Garalgal na ang boses niya.

"Yeah! One mistake that ruined everything we build! We have!" Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko ng maalala lahat ng pinagdaanan ko bago muling nakabangon. Supposed to be 1st year college na ako kung hindi nagkanda letse letse ang buhay ko.

"Wala namang nangyari sa'min. Its just a kiss.. Ano bang kailangan kong gawin para... para mapatawad mo ako?! Need ko bang lumuhod? Magmakaawa?! just tell me I'll do everything!"

"You really don't understand.. Sana nga ganun na lang kasimple ang lahat, Tonette pero every time na makikita kita wala akong ibang naaalala kundi ang panloloko mo. And you are saying it's just a kiss?? huh?!" I snapped, brushing my hair with my fingers.

"That kiss almost killed me..." Sinugod ako nun sa hospital dahil uminom ako ng madaming pills.

"Please! I can't lose you.. I can't see you or think you are with someone else.."

"You already lost me the day you broke my heart. I deserved to be happy too. If you love me.. you will understand and accept na wala ng tayo, Tonette. Hindi na maaayos. You know that I tried but I can't.."

"You can't? or you won't??" Ramdam kong hahagulgol na siya kaya pilit kong inihahanda ang sarili ko. Baka magwala siya dito sa labas ng bahay. My parents won't be nice to see her. They saw what id been through to survive my first heartache.

"Please, just leave. Alam mong magagalit sila Mom at Dad kapag nakita ka nila.. Don't make things so complicated..." Pagmamakaawa ko sa kanya dahil kawawa siya lalo kapag nakita siya ng parents ko. Lalo na ng kapatid ko. Sobrang close niya sa kapatid ko kaya pati kapatid ko parang na heart broken din ng malaman niya ang ginawa sa'ken ni Tonette.

"Ate anong ginagawa niyan dito?!!" Akmang susugod ito kay Tonette pero pinigilan ko agad. Hindi ito magdadalawang isip sabunutan si Tonette.

"Lumayas ka nga dito! May mukha ka pa talagang magpakita sa ate ko??!!"

"I'm so sorry, Abby.." Desperado na ang itsura ni Tonette. Nakakaramdam ako ng awa pero hanggang duon na lang talaga yun. Si Lei na ang madalas tumatakbo sa isip ko. I'm happy when I'm with her. Akala ko nga hindi ko na yun mararamdaman until I saw her sa first day ng class.

Sobrang tahimik at laging mag isa. Hindi ko na namalayan na araw araw ko na pala siyang inoobserbahan until one-day nagkaroon ako ng lakas ng loob sabihin that I'm into her.

Balak ko ng manligaw pero nakikiramdam pa ako kung may chance ba kasi ayoko ng masaktan ulit though it's a part of loving someone.

"Umalis ka na if ayaw mong ipahabol kita kay blacky!!" Hindi ko masisi ang kapatid ko dahil tinuring talaga niyang parang kapatid ang ex ko.

"Sige na, Tonette.. go home.. Baka lumabas pa sila Mom. Hindi ko mapipigilan ang pwede mangyari.."

"But I can't, Ghia... Please! I'm begging you. Hindi ko kaya.." Halos matumba na ito kakaiyak. Napapatingin ako sa loob ng bahay, nag-aalala baka matyempuhan siya ng parents ko.

"Abby pwedeng iwan mo muna kami?" Umiling ito pero hindi naglaon pumayag na din at sambakol ang mukhang pumasok. "Tonette, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sayo. I think you need to accept that nothing you can do anymore. May mahal na akong iba.." Sinabi ko na sa kanya hoping she will give up.

"Mahal ka ba niya?? Kasi kung hindi handa akong mag-antay, Ghia. Kung hindi niya masuklian ang love mo, I'm always here..." I'm amazed by her words but I doubt she can do that.

"Kahit hindi nya ko mahal or hindi niya suklian ang pagmamahal ko or kahit walang iba o bago dito sa puso ko, hindi mo pa din maibabalik ang tapos na, Tonette. You should understand that.. You should move on.. Nagawa ko so I'm sure you can do it, too.."

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

"So anu na yung sasabihin mo?!" Naiinip na si Mayumi dahil bigla akong natameme na parang naihipan ng masamang hangin. Nag-aalangan akong sabihin dahil baka malaman ng iba or worst makarating sa kapatid ko at parents namin. Pero talagang sasabog na ako kung hindi ko to mailalabas man lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status