Share

Chapter Six

“Hi Yaena. Are you okay? You look pale, may sakit ka ba?"  agad na tanong ni Angela sa akin pagkapasok nya sa loob ng bahay. Napansin nya sigurong nanghihina ang katawan ko at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Kung sana katulad nya din si Cyver.

"Okay lang ako, Angela. Kumain ka na ba? Nagluto ako. ” agad na sagot ko sa kanya.

“ Babe, let’s eat. ” agad namang tawag sa kanya ni Cyver habang naghahanda ng pagkain na agad din namang sinunod ni Angela. Tahimik lang ang aking pag-iyak habang nakatingin sa kanilang dalawa na masayang kumakain. Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Cyver tuwing kasama nya si Angela. Ibang-iba ang pag-aalagang ibinibigay nya na never kung naranasan.

Kailan ko kaya mararanasang mahalin ni Cyver? Kailan ko kaya mararanasang alagaan at pagsilbihan ng lalaking mahal ko? Kailan nya kaya makikita ang halaga ko?

Balak ko sanang magkulong lang sa kwarto dahil masakit ang katawan ko nang biglang may tumawag na unknown number sa cellphone ko.

“Hello Yaena, it’s Dave. Are you busy today? “ agad na bungad sa kabilang linya.

“Oh Dave ikaw pala. Hindi naman ako busy today bakit sana? ” sagot ko sa kaniya.

“I tried to reach out Blaire, you know, to fix everything pero di ko talaga sya makausap. Pwede mo ba akong tulungan? “ kahit hindi ko nakikita si Dave ay alam ko yung mukha niya na nagmamakaawa. Natutuwa ako knowing na mahal na talaga ni Dave si Blaire. Sana talaga noon nya pa narealized.

“ Blaire deserves to be happy and you too kaya yes I will help you. “nakangiti kong sagot sa kanya.

“ You’re the best talaga,Yaena! Thank you so much. May event daw si Blaire today balak ko sanang pumunta and syempre isasama kita para di nya na ako maiwasan. Magready ka na susunduin kita sa bahay nyo. Bye. “ agad nya akong pinatayan ng cellphone kaya di na ako nakarason pa or kahit naman magrason ako sa lalaking ‘yun ay wala din naman akong magagawa dahil ipipilit nya talaga kung ano ang gusto nya. Kaya kahit masakit ang katawan ko wala akong magagawa kundi sumama sa kanya. After 30 minutes ay nagtext na si Dave na papunta na kaya agad akong nag-ayos at nagbihis.

After a few minutes ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Dave at agad na din akong lumabas ng kwarto.

“Where are you going? “ kalmado at nagtitimping tanong ni Cyver sa akin.

“ Ahh ma-may kailangan lang akong gawin”. Malumanay kong sagot sa kanya kahit ang totoo’y kinakabahan na.

“May kailangang gawin with Dave? Hindi ka ba talaga nadala sa ginawa ko sayo kagabi ha, Yaena? “ alam kong nagagalit na sya base sa titig nya sa akin.

“Hi-hindi naman kami magtatagal may kailangan lang kaming ayusin.” pagdadahilan ko sa kanya pero mas lalo lang tumalim ang tingin niya sa akin na anumang oras ay pwede nya akong saktan.

“Hindi. Ka. Aalis." madiin niyang sagot sa akin. Alam kong galit na galit na sya lalo na nung narinig naming tinatawag na ni Dave ang pangalan ko. Buti na lang pinuntahan kami ni Angela.

“Babe, may naghahanap ata kay Yaena. Kanina pa tinatawag pangalan nya baka may kailangan “. Sabay kapit sa braso ni Cyver na matalim pa din ang titig sa akin.

“Kapag umalis ka ng bahay wag na wag ka nang babalik dito. Nagkakaintindihan ba tayo, Yaena? “ hindi na niya ako hinintay pang magsalita dahil umalis na siya agad.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kilalang-kilala ko si Cyver kapag sinuway ko sya hinding-hindi na talaga ako makakapasok pa ng bahay.

“Tagal mo naman kanina pa ako tawag ng tawag sayo ehh. “ pagmamaktol ni Dave nang makasakay ako sa kotse nya.

“Pasenya na natagalan ako mag-ayos eh” pagsisinungaling ko.

“ Hindi ba magagalit sayo si Cyver? “ nag-aalangang tanong nya sa akin.

“Hindi naman tsaka alam nya naman na sya lang ang mahal ko dati pa”. Tila kinikilig ko pang sagot sa kanya kahit ang totoo ay iniisip ko na kung saan ako matutulog mamaya.

“Ouch ang sakit mo naman magsalita, Yaena. Pinamukha mo talagang wala akong pag-asa sayo dati pa”. Nagtatampong sagot sa akin ni Dave.

“Paano ka magkakaroon ng pag-asa sa akin eh si Blaire naman talaga gusto mo dati pa? Pinipilit mo lang sarili mo na ako ang mahal mo kahit ang totoo si Blaire naman talaga ‘yan tuloy mahihirapan kang suyuin sya”. Litanya ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

“Wag kang mag-alala hindi ko na hahayaang mawala pa sya sa buhay ko. Hinding-hindi na sobrang mahal na mahal ko talaga si Blaire, Yaena. ” seryoso at sincere niyang sagot sa akin. Sana ganoon din si Cyver. Sana hindi nya din ako hahayaang mawala sa buhay nya. Sana ganoon nya din ako kamahal.

“Mabuti naman kung ganoon. Mas gugustuhin ko pang sayo sya mapunta kaysa sa ibang lalaki. “ nakangiti kong sagot sa kanya.

“Kayo ni Cyver, di ba 3 years na kayong kasal? Wala pa din ba kayong balak magkaroon ng anak? Sayang naman ang lahi nyo baka maunahan pa namin kayo ni Blaire. “ pang-aasar nya sa akin.

“Hindi pa kami handa. Mahirap magkaroon ng pamilya kaya dapat pinag-iisipan at pinagpaplanuhan ng maayos”. Pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na talagang magkaanak kami ni Cyver.

“ Sabagay tama ka pero financially stable naman kayo ni Cyver eh. Sa yaman ng asawa mo kayang-kaya kayong buhayin nun. “ kung pwede lang talaga sabihin sa kanya kung ano status namin ni Cyver baka naiintindihan nya ako.

Hindi ko na sinagot si Dave at mukhang na-sense na rin naman niya na nap-pressure ako sa mga sinabi nya. Kung alam nya na lang na gustong-gusto ko na ding magkaroon ng mga anak. Gustong-gusto ko na maranasan kung paano maging nanay. 

After 30 minutes ay nakarating na din kami sa event ni Blaire. Agad kaming pinapasok ng assistance ni Blaire kahit wala kaming appointment since kilala nya din naman ako. Malayo pa lang kami ay natanaw ko na sya at halatang nagulat sya nung makita nya ang kasama ko sa likuran ko. Hindi ko tuloy alam kung tama ba itong ginawa ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status