Justine
Kahit walang gana pumasok ngayong araw na ito ay pinilit ko ang aking sarili na bumangon. Hindi pwede na magpadala na lang ako sa nararamdaman ko at baliwalain na lang ang aking pag aaral.Paano ko maiaangat ang aking sarili at maipag malaki din ako nito kung ako mismo ay hindi kikilos ng para sa akin.Halos isang linggo na rin mula ng huli kong makita ito at yun nga ay yung huling pag niniig namin at sinabi nito sa akin na darating ang kanyang asawa.Mukhang nag take pa ito ng leave para lang doon. Dahil sa isipin na yun ay mas lalo lang kumirot ang aking puso. Kahit na ayaw ko pa sana isipin ito at hindi ko magawa.Ilang araw na rin ba na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang ginagawa nilang mag asawa. Kaya nga halos wala na akong gana sana na pumasok pa eh. Pero sabi ko nga ay hindi lang dito nag tatapos ang lahat.Mabilis na naligo na ako at hinanda na lahat ang aking mga gamit at kumain na rin. Saka na ang pag e emote dahil wala naman pupuntahan kung iisipin ko pa ang mga ito.Maya lang ay naka sakay na ako sa aking motor pa pasok sa school. Kahit na puyat ako dahil sa nag ta trabaho ako bilang bartender sa isang club at paminsan minsan ay may gig kami ng ka banda ko.Yap kumakanta din ako. Isa kasi yun sa talent ko hindi naman sa pag mamayabang noh. At iyon din angisa sa pinagkukunan ko ng aking kinabubuhay.Ulila na kasi akong lubos. Mag 18 pa lang ako nun ng mamatay ang parents ko. Namatay sa sakit ang mga ito halos mag kasunuran lang sila. Nauna lang ng ilang buwan si Nanay tapos sumunod na rin si Tatay sa kanya.Wala kaming ka pera pera noon kaya hindi ko sila naipagamot. Halos ang kinikita ko lang sa club ang pang gastos namin sa araw araw pati na rin ang mga bayarin pa namin sa tubig at kuryente.Kaya nga kahit gusto ko na maipagamot ang mga ito ay hindi ko magawa. Wala din naman akong ibang malapitan kasi nga ay hindi ko kilala ang mga kamag anak namin.Basta nakamulatan ko lang na kaming tatlo lang ang mag kakasama. Wala pa nga gusto maniwala na sila ang mga magulang ko kasi nga ay matatanda na talaga sila ang palagi lang dahilan nila sa akin noon ay menopausal baby daw ako kaya ganun.Hindi naman na ako nag tanong pa dahil wala naman dahil para mag sinungaling sila sa akin.Nang mamatay ang mga ito ay ako na lang ang bumuhay sa aking sarili. Lumipat na rin ako ng tirahan at yun nga ay sa apartment ko na ngayon.Mas comfortable kasi dito kaysa doon sa dati na nasa squater pa kami nakatira. Walang tigil sa kabubunganga ang land lady namin sa bahay lalo na kung medyo ma delay ako ng bigay ng renta.Tong motor ko nga pala na ito ay bininta lang sa akin ito ng customer namin sa club. Sa napaka babang halaga. Pinambayad lang naman nito ng bill niya sa kanyang nainom na drinks noon.Balak ko pa nga na isauli sa kanya yan noon kaya lang hindi na nito tinanggap pa sa akin. Bumili naman na daw sya ng bago eh. Tsaka sawa na daw siya sa motor na yun kaya sa akin na lang daw at nabili ko naman na daw yun sa kanya.Kaya tuloy hindi sinasadya na nagka motor ako ng wala sa oras na paunti unti naman inaawas sa sahud ko sa club. Kasi ako na ang sumagot sa drinks nung customer eh.At wag kayo dyan. Big bike ang motor ko na ito. Na ang dami nga gusto bumili sa akin pero hindi ko bininta. Swerte na ito sa akin eh. At saka may sentimental value na ito sa akin. Kasi nung araw din na nabili ko ito sa kanya ay yun din ang araw kung saan nakilala ko si Roselle at sya din ang kauna unahan na naging sakay ko sa motor ko na yun at hindi na ako nagpa sakay pa ng iba maliban dito.Dahil pinangako ko sa aking sarili na tanging ito lamang ang gusto ko isakay doon at wala ng iba pa.Hayst napalayo na ang takbo ng isip ko. Kung saan saan na napunta tapos ang ending ay kay Roselle na naman. Kailan kaba mawawala pansamantala sa isip ko?Nang makarating sa school ay agad na akong nag park sa aking usual parking at ni lock na yun saka nag mamadali na pumunta sa aking first subject.Medyo ma la late na kasi ako pag di pa ako nag madali eh. Nasa hallway na ako ng makasabayan ko si Ms. Amor na siyang Prof ko ngayon sa first subject ko.Agad na binati ko naman ito at mabilis na kinuha ang kanyang dalang laptop na nakangiti naman na binigay nito sa akin at binati din ako pabalik.Kung si Roselle ay napaka cold at napaka seryoso ito naman si Ms. Amor ay kabaligtaran ng ugali nito.Jolly si Ma'am at mabilis maka palagayan ng loob. Kung hindi nga lang ako inlove sa cold na yun ay baka naging girl crush ko itong si Ma'am.Bukod kasi sa napaka bait nito ay napaka ganda rin niya. Perfect nga bilang isang girlfriend ito eh. At isa pa certified single ito. Walang sabit kaya lang mukhang kahit maging girl crush ko ito ay wala din ako pag asa sa kanya.Kaya mabuti na lang at medyo girl crush ko lang siya. HeheheNang makarating kami sa room ay mabilis na inilapag ko na sa table ang laptop na dala ko at tumungo na sa aking upuan.Agad naman na tumayo ang mga classmates ko at binati na si Ma'am na nginitian naman nito at binati din kami pabalik.Maya lang ay nag discuss na rin ito. Hindi naman sinasadya na napatingin ako sa may labas at sakto na padaan naman si Roselle na mukhang nag mamadali malalaki kasi ang hakbang nito.Mukhang late na ito sa classes niya kaya siguro nag mamadali na ito ngayon. Naka poker face lang ito at parang walang nakikita na iba. Sabagay ganyan naman yan eh. Kailan ba yan nag pakita ng emosyon? Sa tuwing nag niniig lang kami doon ko nakikita ang mga emosyon mula dito.Tuloy tuloy lang ito ng lakad hanggang sa hindi ko na ito matanawan pa. Kaya nakinig na lang ako muli sa discussion ni Ms. Amor baka mamaya bigla na lang ito magpa quiz ay ma zero pa ako. Nakakahiya naman.Mga ilang sandali pa ay natapos na rin ito at nag dismissed na rin. Pero patayo na sana ako at balak ko tumambay muna sa may garden habang nag hihintay ng next subject namin ay tinawag naman ako nito."Justine, pwede paki dala naman ang laptop ko hanggang faculty. Pwede ba?" Malambing na sabi nito sa akin.Ngumiti naman ako ng Malaki dito kay Ms. Amor "Opo naman Ma'am. Hatid na po kita." Nakangiti na sagot ko dito."Hayst, mabuti na lang talaga at nandyan ka Justine. Hindi na ako mahihirapan pa na mag bitbit ng mga ito. Halika na" pag aaya na nito sa akin at nauna na siyang lumabas sa room na agad ko naman na sinundan ito.Nasa hallway na kami ng sakto na lumabas din mula sa room nito si Roselle at bigla nangunot ang noo nito ng mapansin ako at bumaba pa sa kamay ko na may hawak na laptop ang tingin niya at bumalik muli sa mukha ko sa nag tatanong na tingin.Si Ms. Amor naman ang nag salita. " Nagpahatid na ako kay Justine sa faculty at nabibigatan ako sa laptop eh. Mabuti na lang talaga at mabait itong batang ito." Sabi dito Ms. Amor at binalingan pa ako nito sabay pisil sa pisngi ko na ang sakit paano naman kasi ay piniga pa nito yun.Bigla naman nanalim ang tinginni Roselle o imagination ko lamang yun dahil nang tignan ko itong muli ay naka poker face na naman siya at sumabay na kay Ms. Amor na mag lakad.Nag pahuli naman na ako ng lakad sa mga ito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa butt nilang dalawa. Lalong lalo na sa butt ni Roselle na ang sexy talaga.Hayst namamanyak na naman ako nito eh.JustineNakarating na rin kami sa wakas sa may faculty. Mabilis na sinundan ko naman na si Ms Amor sa office nito. Mabilis na ibinaba ko sa may table nito ang mga bitbit ki na gamit niya. Maya lang ay binalingan na ako ni Ms. Amor. "Maraming maraming salamat sa Justine ha. Sa uulutin ulit. Dito kana kumain mamayang lunch ha. Nag luto ako at medyo naparami ang nadala ko kaya naisipan ko na yayain ka na lang kumain dito. Para naman may kasama ako." Nakangiti na pag aaya nito sa kainHindi ko naman maiwasan na hindi mapakamit sa ulo ko. Nahihiya din naman kasi ako no. Professor ko kaya sya tapos mag aaya siya na kumain dito sa office niya. Nakakahiya kaya ang ganun. Kahit naman sabihin na sobrang bait nitongsi Ma'am ay hindi ko pa tin maiwasan na hindi makaramdam ng hiya sa kanya no. Tsaka kaming dalawa lang. Baka mamaya ano pa ang isipin dyan ng makakita sa amin tapos ma issue pa kami. Ayaw ko pa naman na mapag chismisan. Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay kasama si Roselle
JustineHindi ako naka imik kaagad sa mga sunod sunod na tanong nito sa akin. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay mas lalo lang itong nagiging hot sa aking paningin. Lalo pa nga at salubong na salubong ang kilay nito at sobrang sama ng tingin sa akin na para bang handang pumatay na ito. Wala na sa isip ko kung ano ang mga tanong nito sa akin. Mabilis na hinila ko ito palapit lalo sa akin at sinalubong ng mainit na halik ang labi nito. Sabik na sabik na ako sa kanya. Ilang linggo na rin na hindi ko na titikman ang labi nito na siyang nag papabaliw sa akin. Naramdaman ko naman ang pag ganti nito ng halik sa akin at ang kamay nitong dati na naka sakal sa akin ay bigla na lang napunta sa batok ko upang mas lalo lang paglapitin ang aming mga labi. Wala na sa isip ko kung nasaan kami ngayon. Basta hindi ko na lang namalayan na hubad na pala kaming pareho. Mabilis na bumaba ang aking labi sa kanyang leeg at gigil na sinipsip ko iyon. Gusto ko siyang lagyan ng Marka . Na pag aari ko it
RosellePagka alis ni Justine sa office ko ay napa hilamos na lang ako ng aking mukha sa sobrang inis ko sa aking sarili. Bakit ba hinayaan ko na naman na may mangyari sa aming dalawa? Akala ko ba ay huli na yung nangyari sa amin sa apartment nito dahil gusto ko ng tigilan ang mga kabaliwan na pinag gagawa ko. Pero bakit sa halik lang nito sa akin kanina ay bigla na lang nawala sa isip ko ang bagay na yun?Kaya ko sya pinatawag dito sa office ko ay upang kausapin ito about doon nga sa nangyayari sa amin na ititigil ko na yun at balak ko pa nga sana mag bigay sa kanya ng pera huling tulong ko dito. Pero pag pasok palang nito ay mainit ang ulo ko kasi bakit ano pa ang ginawa nito sa office ni Amor kanina at bakit naabutan ko pa siya na nandoon at nakikipag ngitian pa doon sa isa. Biglang nawala ang plano ko na kausapin ito at ang gusto ko lang mangyari ay alamin kung ano ang mga napag usapan nilang dalawa. Baka katulad na rin ng ginagawa namin ni Justine ay ginagawa na rin pala nil
Roselle"Wala kang kasalanan. Gusto ko ng tapusin ito dahil hindi ko na kaya pang lukuhin ang aking asawa. Gusto ko na mag concentrate na lang sa school at sa asawa ko. Hindi na kaya pang dalhin ng konsensya ko ang mga pinag gagawa kong ito. Pero huwag kang mag alala dahil malaki naman ang pera na ibibigay ko sayo ngayon kaya na nitong mapag tapos ka. Pero please lang huwag na huwag mo na akong lalapitan pa " sagot ko sa kanya. Pero kung nasasaktan ito ngayon ay mas higit ang nararamdaman ko na sakit. Hindi lang nito alam yun. Maya lang ay tumingala ito sa akin. Naka upo kasi siya sa may couch habang ako ay naka tayo. Tigmak ng luha ang mukha nito at patuloy pa rin sa pag balong ang luha niya. "Hindi ko naman kailangan ang pera mo eh. Ikaw! Ikaw lang ang kailangan ko at wala ng iba pa. Mahal na mahal kita Roselle. Hindi ko kayang mabuhay pag tuluyan ka ng nawala sa akin " lumuluha na sabi nito sa akin. Bigla naman akong natigilan ng dahil doon. Mahal daw niya ako? Hindi ko alam p
JustineHabol tanaw ko na lang ang papalayong pigura ni Roselle. Hindi ko maipikit ang aking mata baka sakali na mag bago ang isip nito at bigla na lang itong bumalik sa akin. Na syang labis kong ipinag darasal ngayon habang nakatanaw dito na pasakay na sa kanyang kotse. Pero kahit lumingon man lang sa akin ay hindi na nito nagawa pa. Kaya ang pag iyak na lang ang tangi kong nagawa. Hindi ko lubos maisip na ngayon na ang araw na kinatatakutan ko. Sobrang saya ko pa na umuwe dito sa apartment ko kasi ang expect ko ay pupunta ito dito. Oo pumunta nga siya pero hindi gaya ng inaasahan ko ang nangyari. Masaya pa akong nag luluto ng favorite nitong pagkain. Kasi ang gusto ko na makasabay ito kumain kapag pumupunta ito sa akin. Pero mukhang hindi na mangyayari yun kahit kailan. Halos mapa upo na lang ako sa may pinto ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Mukhang hanggang dito na lang ang lahat sa amin. Hinding hindi ko na ito kailanman mahahawakan pa na katulad ng dati. Dahil tulu
JustineHindi ko alam kung nasaan na ako. Basta paikot ikot lang ako dito sa Manila. Balak ko nga sana na magpa South banda pero di ko na lang itinuloy. Sobrang lalim na rin kasi ng gabi. Kahit naman broken hearted ako ay wala naman sa plano ko ang magpakamatay no. Kasalanan sa dyos yun. Hayst pero kasalanan din sa dyos ang ginagawa namin ni Roselle. Kaya nga siguro ay itinama na nito ang mga kasalanan na pinag gagawa namin. Nang mapagod ay napatingin ako sa may bandang kaliwa ko. Hindi ko alam pero parang sinadya na sa may isang club ko naihinto ang aking motor. Senyales na ba ito na dapat ay uminom na ako? Hindi naman kasi ako ang klase ng tao na pag may problema ay ang alak ang takbuhan. Oo at nag ta trabaho ako sa club bilang bartender pero madalang pa sa patak ng ulan na nasayaran ng alak ang aking lalamunan. Bumaba na ako ng motor at tuluyan ng pumasok sa loob nito. Hindi naman na ako sinita ng guard ng club kaya tuloy tuloy lang ako ng pasok sa loob. Agad na sumalubong sa
JustineHindi ko alam kung bakit mas lalo lang itong nagalit sa akin ng sabihin ko sa kanya na hindi ko sya type. Hindi ba siya masaya sa bagay na yun. Expected ba nito na lahat na lang ay mag kakagusto sa kanya? Kapal din pala ng face nito eh. Maya lang ay lumapit ito sa akin na halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango nitong hininga na medyo may kasamang amoy ng alak. Pero mas lamang pa rin ang bango nito. Isama mo pa na mabango talaga siya. Mukhang mamahalin ang gamit nitong pabango. Hindi katulad ng sa akin na yung mga mumurahin lang na cologne kasi hanggang doon lang ang kaya ng budget ko eh. Medyo nahiya pa ako sa aking sarili dahil baka amoy asim na ako. O di naman kaya ay amoy usok na. Balak ko sana na medyo lumayo dito at nakakaramdam na rin naman ako ng pagka ilang ay mabilis na pinigilan ako nito at bigla na lang siyang bumulong sa tenga ko. Nabigla pa ako sa ginawa niyang yun. Medyo nanindig pa nga ang aking balahibo dahil nakiliti pa ak
JustineBumabaha ng alak dito sa table nila Antonnette at wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom. Bahala na kung maka uwe pa ako nito ah. O di kaya ay kung saan ako dalhin ng kalasingan kong ito. Pero sa dami ko ng nainom ay hanggang pagka hilo lang naman ang nararamdaman ko. Kung tutuusin ay kayang kaya ko pang mag drive pauwe. Hayst kailan ba ako ta tablan ng kalasingan na yan. Si Antonnette nga pala ay nandoon sa dance floor at kanina pa nag papapawis. Ako naman kasi ay walang ka hilig hilig sa bagay na yan. At ngayon ko din lang napatunayan na mababait naman pala ang mga ito. Sadyang mahahangin lang sila at mga maldita. Kung masi sindak ka nila y talo ko. Yun lang ang napansin ko sa mga ito at hindi din sila yung basta basta na sumasama or nakikipag kilala kung kani kanino lang dyan. Dahil sa totoo lang ay ang dami ng lumapit sa table nila para lang makipag kilala pero turn down lang nila ang mga yun. Maya lang ay bumalik na rin ang mga ito dito sa table. Medyo mga tip