JustineHabol tanaw ko na lang ang papalayong pigura ni Roselle. Hindi ko maipikit ang aking mata baka sakali na mag bago ang isip nito at bigla na lang itong bumalik sa akin. Na syang labis kong ipinag darasal ngayon habang nakatanaw dito na pasakay na sa kanyang kotse. Pero kahit lumingon man lang sa akin ay hindi na nito nagawa pa. Kaya ang pag iyak na lang ang tangi kong nagawa. Hindi ko lubos maisip na ngayon na ang araw na kinatatakutan ko. Sobrang saya ko pa na umuwe dito sa apartment ko kasi ang expect ko ay pupunta ito dito. Oo pumunta nga siya pero hindi gaya ng inaasahan ko ang nangyari. Masaya pa akong nag luluto ng favorite nitong pagkain. Kasi ang gusto ko na makasabay ito kumain kapag pumupunta ito sa akin. Pero mukhang hindi na mangyayari yun kahit kailan. Halos mapa upo na lang ako sa may pinto ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Mukhang hanggang dito na lang ang lahat sa amin. Hinding hindi ko na ito kailanman mahahawakan pa na katulad ng dati. Dahil tulu
JustineHindi ko alam kung nasaan na ako. Basta paikot ikot lang ako dito sa Manila. Balak ko nga sana na magpa South banda pero di ko na lang itinuloy. Sobrang lalim na rin kasi ng gabi. Kahit naman broken hearted ako ay wala naman sa plano ko ang magpakamatay no. Kasalanan sa dyos yun. Hayst pero kasalanan din sa dyos ang ginagawa namin ni Roselle. Kaya nga siguro ay itinama na nito ang mga kasalanan na pinag gagawa namin. Nang mapagod ay napatingin ako sa may bandang kaliwa ko. Hindi ko alam pero parang sinadya na sa may isang club ko naihinto ang aking motor. Senyales na ba ito na dapat ay uminom na ako? Hindi naman kasi ako ang klase ng tao na pag may problema ay ang alak ang takbuhan. Oo at nag ta trabaho ako sa club bilang bartender pero madalang pa sa patak ng ulan na nasayaran ng alak ang aking lalamunan. Bumaba na ako ng motor at tuluyan ng pumasok sa loob nito. Hindi naman na ako sinita ng guard ng club kaya tuloy tuloy lang ako ng pasok sa loob. Agad na sumalubong sa
JustineHindi ko alam kung bakit mas lalo lang itong nagalit sa akin ng sabihin ko sa kanya na hindi ko sya type. Hindi ba siya masaya sa bagay na yun. Expected ba nito na lahat na lang ay mag kakagusto sa kanya? Kapal din pala ng face nito eh. Maya lang ay lumapit ito sa akin na halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango nitong hininga na medyo may kasamang amoy ng alak. Pero mas lamang pa rin ang bango nito. Isama mo pa na mabango talaga siya. Mukhang mamahalin ang gamit nitong pabango. Hindi katulad ng sa akin na yung mga mumurahin lang na cologne kasi hanggang doon lang ang kaya ng budget ko eh. Medyo nahiya pa ako sa aking sarili dahil baka amoy asim na ako. O di naman kaya ay amoy usok na. Balak ko sana na medyo lumayo dito at nakakaramdam na rin naman ako ng pagka ilang ay mabilis na pinigilan ako nito at bigla na lang siyang bumulong sa tenga ko. Nabigla pa ako sa ginawa niyang yun. Medyo nanindig pa nga ang aking balahibo dahil nakiliti pa ak
JustineBumabaha ng alak dito sa table nila Antonnette at wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom. Bahala na kung maka uwe pa ako nito ah. O di kaya ay kung saan ako dalhin ng kalasingan kong ito. Pero sa dami ko ng nainom ay hanggang pagka hilo lang naman ang nararamdaman ko. Kung tutuusin ay kayang kaya ko pang mag drive pauwe. Hayst kailan ba ako ta tablan ng kalasingan na yan. Si Antonnette nga pala ay nandoon sa dance floor at kanina pa nag papapawis. Ako naman kasi ay walang ka hilig hilig sa bagay na yan. At ngayon ko din lang napatunayan na mababait naman pala ang mga ito. Sadyang mahahangin lang sila at mga maldita. Kung masi sindak ka nila y talo ko. Yun lang ang napansin ko sa mga ito at hindi din sila yung basta basta na sumasama or nakikipag kilala kung kani kanino lang dyan. Dahil sa totoo lang ay ang dami ng lumapit sa table nila para lang makipag kilala pero turn down lang nila ang mga yun. Maya lang ay bumalik na rin ang mga ito dito sa table. Medyo mga tip
JustineNagising ako kinabukasan dahil may narinig ako na tumili sa aking kwarto. Mukhang nagising na yata ang mga maldita. Mabilis na bumangon naman ako at nag mamadali na pinuntahan ko ang mga ito. Pag bukas ko ng pinto ay bigla na lang may tumama na matigas na bagay sa ulo ko. Halos mahilo hilo naman ako na tinignan ang mga ito. Binato pala ako ng libro na nandito sa room ko. Akala yata ng mga ito ay masama akong tao kaya siguro nagawa ang bagay na yun. Masama na nakatingin ngayon sa akin ang apat at mga naka pa maywang pa na akala mo kung mga sino eh. Sarap pagsasapakin ng maka ganti naman. Ang attitude gurl ha. Pasalamat nga ang mga ito sa akin at may concern pa ako sa kanila at hindi sila iniwan na lang sa club. Dahil kung iniwan ko ang mga ito. Ewan ko lang kung ano na ang nangyari pa sa kanila. "Anong ginagawa namin dito ha Justine? May ginawa ka ba sa aming masama?" Nang hihinala na tanong sa akin ni Antonnette. Habang nakatingin sa akin ng masama. Hindi ko naman maiw
JustineTapos na kaming kumain ngayon at nandito na nga kami sa may sala at nag uusap ang mag kakaibigan. Hindi naman ako nakikisali sa usapan ng mga ito. Dahil may plano akong iba. Ayaw kong maki sakay pa sa mga ito pa puntang club at hindi ko na ma take ang mga kaartehan sa katawan ng mga ito. Maya lang ay nagkasundo na sila na ihahatid ni Antonnette ang mga ito sa club upang kunin ang kotse nila. Napangiti naman ako ng palihim dahil sa wakas ay aalis na rin angmga ito at makapahinga na rin ako sa aking kwarto. Pero biglang nawala ang kasiyahan ko na yun ng marinig ko ang sinabi ni Antonnette. "Okay tara na. Ikaw na ulit Justine ang mag drive ng kotse ko at inaantok pa ako." Utos nito sa akin at naka taas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Sabi ko nga dapat hindi nag celebrate ng maaaga at ma pornada talaga eh. Hayst kahit din naman ako ah masakit din ang ulo ko. Hayst kainis naman oh. Sobrang perwesyo na talaga ang ginagawa ng mga ito sa akin.Pero alam kong wala a
JustineNandito na kami sa building kung saan sya nakatira. Bababa na sana ako sa kotse nito at total naihatid ko naman na siya dito ay nag salita na naman ito. "Talagang hanggang dito mo lang ako balak ihatid? Hindi mo man lang ba ako ihahatid hanggang sa unit ko? Paano na lang kung may masamang mangyari sa akin dyan kasalanan mo talaga ito Justine. Paano kita magugustuhan kung ganyan ka? Hindi pa nga kita sinasagot pero ganyan na kaagad ang treat mo sa akin." Inis na sabi pa nito habang ang haba na ng nguso nito na para bang nag ta tampo na ewan. Napakamot na ako ng wala sa oras sa aking ulo. Bakit need ko pa sya ihatid eh. Sure naman na ligtas sya dito. Ang dami kayang guards na nandito at sure naman ako na hindi sila basta basta nag papasok sa building na ito ng hindi tenant ang mga ito dito. At saka bakit ba paulit ulit ito na may gusto ako sa kanya? Eh inis na inis na nga ako sa mga pinag gagawa niya. Wala nga kasi akong gusto dito eh. Ang kulit naman talaga oh. Kung hindi
JustinePauwe na ako ngayon sa aking apartment mabuti na nga lang at hindi na nangulit pa si Antonnette sa akin at hinayaan na rin akong maka uwe nito. Napansin na rin siguro nito ang pagod ko at isa pa ay dadaan pa kasi ako nun sa may club at kukunin din ang aking motor. Nag aabot pa nga ito ng ilang libo sa akin kanina pero hindi ko kinuha. Wala naman bayad ang pag tulong ko sa kanila eh. Kahit naman sino siguro ay gagawin din yung ginawa ko. Dumaan na rin muna ako sa mall upang mag grocery. Wala na rin kasi akong stock eh. At isa pa ay tuwing Saturday talaga ang schedule ng pag grocery ko. Total nandito na rin lang naman ako sa labas para isahang lakad na lang. Sayang din kasi sa gasolina lalo pa nga at ang taas na naman ng per litter ngayon. Kung hindi ko nga lang kailangan ang lumabas ay hindi din ako lalabas eh para maka tipid na rin. After ko makapag grocery ay dumiretso na ako ng uwe. Sa bahay na na rin lang ako kakain. May natira pa naman na niluto ko kanina eh. Yun na l