Share

Chapter 5

Roselle

Pagka alis ni Justine sa office ko ay napa hilamos na lang ako ng aking mukha sa sobrang inis ko sa aking sarili.

Bakit ba hinayaan ko na naman na may mangyari sa aming dalawa? Akala ko ba ay huli na yung nangyari sa amin sa apartment nito dahil gusto ko ng tigilan ang mga kabaliwan na pinag gagawa ko.

Pero bakit sa halik lang nito sa akin kanina ay bigla na lang nawala sa isip ko ang bagay na yun?

Kaya ko sya pinatawag dito sa office ko ay upang kausapin ito about doon nga sa nangyayari sa amin na ititigil ko na yun at balak ko pa nga sana mag bigay sa kanya ng pera huling tulong ko dito.

Pero pag pasok palang nito ay mainit ang ulo ko kasi bakit ano pa ang ginawa nito sa office ni Amor kanina at bakit naabutan ko pa siya na nandoon at nakikipag ngitian pa doon sa isa.

Biglang nawala ang plano ko na kausapin ito at ang gusto ko lang mangyari ay alamin kung ano ang mga napag usapan nilang dalawa.

Baka katulad na rin ng ginagawa namin ni Justine ay ginagawa na rin pala nila ni Amor yun. Dahil sa iisipin na yun ay todo ang galit ko kanina.

Maisip ko pa lang na may ibang hinahalikan at hinahawakan ito ay parang gusto ko ng mag wala sa galit at ibaon ang mga ito ng buhay.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito na ako. Parang hindi na ako maka wala pa sa kanya. Kaya nga dapat habang kaya ko pang umiwas ay iiwas na ako dito. Hindi na dapat pang lumago kung ano man ang nararamdaman kong ito para sa kanya.

Alam ko na sobrang mali ang ginagawa namin na ito na dalawa. Lalong lalo na sa part ko na may asawa na ako. Tapos nakikipag siping pa ako sa isang babae at higit sa lahat sa estudyante ko pa.

Ayaw ko din na baka mamaya ay malaman pa ito ng asawa ko ay sure na malaking gulo yun. At isa pa ay mahal ko ang asawa ko at kung dahil lang dito sa kagagahan ko ay mag hihiwalay kami nito ay hindi ko kayang tanggapin yun.

Kaya mamayang hapon sa uwian ay sure na dadaan ako sa apartment nito upang sabihin na dito ang plano ko na wala ng mangyayari pang kakaiba sa aming dalawa. Purely student teacher na lang ang magiging relationship namin.

Tama habang maaga pa ay yun nga ang gagawin ko. Habang kaya ko pang umahon sa kumunoy na ginawa ko.

Mag bibigay na lang ako ng may kalakihan na pera sa kanya upang hindi na nito gawin pa ang makipag sex sa iba para lang may pang buhay ito sa kanyang sarili.

Alam ko naman na ulila na itong lubos at ang pera na binibigay ko sa kanya ang ginagastos nito para sa kanyang pag aaral at pang sarili na gastusin.

Maya lang ay inayos ko na Ang aking sarili at baka amoy sex pa ako. Hindi na ako nag palit pa ng aking suot at hindi naman yun nagusot eh. Nag hugas na lang ako at pabango. Kaya nawala na rin ang amoy ni Justine na dumikit sa akin.

Lumabas na rin ako ng office ko ng ma sure ko na okay na ako at tumuloy na para sa next subject ko.

Mabilis lang natapos ang araw na ito at uwian na nga. Kinakabahan na ako na di ko malaman.

Sana lang talaga ay masabi ko dito ang mga gusto kong sabihin at huwag akong madala sa pang aakit nito. Lalo na ng kissable lips nito na always na lang nang aakit sa akin. Lalo na ang malamlam nitong mga mata.

Hayst bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yun. Dapat ang asawa ko na lang ang aking isipin ng sa gayon ay magawa ko na ang plano kong ito.

Sure naman ako na sa apartment na niya ito di diritso eh. Tsaka kung sakali na wala pa ito doon ay may susi naman ako ng bahay niya at pwede ko naman na hintayin na lang siya doon sa loob.

Nag drive na ako pa punta sa bahay nito. Kahit medyo nanginginig ako ay nilakasan ko na ang aking loob. Hindi pwede na hindi ko gawin ang bagay na ito. Kailan ko pa gagawin kapag may naka alam na? Kapag nahuli na ako ng asawa ko? Hindi pwede yun. .

Nang makarating sa apartment nito ay nag park na kaagad ako. Nakita ko naman na naka park na rin ang motor nito kaya sure ako na nandito na rin siya.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok na sa loob ng bahay niya. Naabutan ko pa itong nasa may kusina niya banda at mukhang mag luluto na yata ito.

Naka tingin lang naman ako dito habang pinapanood ang ginagawa nito. Gusto ko lang busugin ang aking mata sa pag titig dito dahil after ng pag uusap namin nito ay hindi ko na magagawa pa ang bagay na ito sa kanya.

Maya lang ay parang naramdaman nito na may naka tingin sa kanya. Kaya dahan dahan na humarap na ito. Mas lalo lang naman bumilis ang tibok ng puso ko sa pag harap niya at ng mag tama ang aming mga mata.

Nakita ko doon ang tuwa na biglang bumaha sa mukha nito. Lalapitan na sana ako nito pero mabilis ko siyang pinigilan.

Ayaw ko na mahawakan niya ako ni dulo ng daliri ko at baka mawala na naman ako sa huwisyo ko. At mangyari na naman ang di dapat mangyari.

Nagtataka man sa inaasal ko ngayon ay hindi naman ito nag salita.

"May pag uusapan tayo. Pwede mamaya mo na ituloy yang ginagawa mo dyan?" Sabi ko dito at tinalikuran na ito upang pumunta sa may sala nito.

Mabilis naman na sumunod ito sa akin. "Ano ba ang pag uusapan natin? Kung yung about kay Ms. Amor ay nagpahatid lang siya sa office nito at-" hindi ko na ito pinatuloy pa sa kanyang sasabihin at baka mapalayo pa ang aming usapan. Wala na rin naman akong pakialam pa kung anuman ang pinag usapan nila ni Amor.

"Gusto ko ng itigil na natin ang bagay na ito. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya pang lukuhin ang asawa ko. Kaya hindi na natin pwede pang gawin ang bagay na meron tayo ngayon. Maging isang estudyante at teacher na lang tayong dalawa " seryoso at diri diritso na sabi ko dito.

Halos ayaw ko tumingin sa kanyang mga mata dahil baka bigla ko na lang bawiin ang sinabi ko dito. Disidido na ako.

Nakita ko kung paano bumadha ang sakit sa itsura nito. Maya lang ay tumulo na Ang luha nito na hindi ko kayang tignan. Bakit umiiyak ito ngayon? Sa isip isip ko.

"Please wag ka naman mag salita ng ganyan oh. May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Babaguhin ko kung ano man yun. Hindi na ba maganda ang performance ko kaya ganyan ka? Hayaan mo at mag se search ako kung paano para lang gumaling ako at ng hindi ka ma boring sa akin. Basta wag mo lang ako iwan. Please hindi ko kaya " lumuluha na pakiusap nito sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Kasi sa lahat ay ang makita ko ito na ganito ay parang gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko. Wala naman sa mga nabanggit nito kung bakit gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito eh. Infact ang galing nga nito eh.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
renelyn ramos15
unlock pls
goodnovel comment avatar
Aicel Dela Cruz
very interesting story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status