"ANAK ng tokwa…" Hindi napigilan ni Yvette ang mapabungisngis sa tinurang iyon ni Liam. Kitang-kita niya kung paanong napalis ang ngiti nito nang makita siya. Ang rason, dahil sa kanyang MIss Minchin looks. Dark blue ang straight dress na kanyang suot, tapos naglagay pa siya ng malaking salamin sa mata na wala namang grado ay ipinusod pa niya ang kanyang buhok. Sa hitsura niya ngayon ay alam niyang walang sinumang magkakainteres na siya'y tapunan man lang ng sulyap. Twenty three years old pa lang siya pero para na siyang nasa edad singkuwenta. Alam niya kasing magiging masyado siyang pansinin kung magmi-make up siya at magsusuot ng sexy. At saka, ayaw naman niyang ibalandra sa buong mundo ang kanyang pagkatao. Sapat na sa kanya na magkaroon ng trabaho. Kung sa ibang kumpanya pa siya maga-apply, siguradong makakalkal pa ang kanyang identity. Hindi rin naman niya gustong masaktan ang kanyang ama kung malalaman nitong magtatrabaho siya sa ibang kumpanya. At least kung kay Liam siya m
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette habang nakatingin sa monitor ng PC. Ngunit, wala sa mga nakasulat doon ang kanyang atensyon kundi nasa repleksyon na nakikita niya sa screen ng computer. Ang babae kasing bisita ni Liam ay nakakairitang tumawa. Sobrang arte. Hindi iyon humahagalpak na nagsasaad ng labis na kasiyahan kundi pigil na pigil ang pagtawa na para bang sinapian ng dwende. Kahit tuloy hindi niya ito lingunin ay tinatapunan niya ito ng matalim na tingin. "Pasalamat ka at nakakain na ako," inis niyang sabi dahil kung hindi pa siguradong nagpapabalik-balik na ito sa cr ngayon. Malakas kasi siyang maka-usog palibhasa minsan na siyang nausog kaya may kakayahan na rin siyang makausog. Dahil nga sa lumaki siya sa Yaya, marami siyang nakuhang kuwento rito tungkol sa kung anu-anong mga kababalaghan at pinaniwalaan niya iyon. Mahal siya nito kaya alam niyang hindi siya nito lolokohin. Saka, sabi rin ng Mama niya, sa ating mundo ay mayroon talagang nilalang na mapagl
MASAKIT na masakit na ang tiyan ni Liam sa kakatawa pero hindi pa rin siya makuhang huminto. Hindi niya akalain na napakagaling na artista ng kanyang napangasawa. Kunsabagay, AB Masscommunication ang kurso ni Yvette kaya talagang madali lang rito na papaniwalain ka sa mga sinasabi nito. Katotohanan man iyon o isang kalokohan. Napailing siyang muli nang magawa nitong papaniwalain si Roselyn na may lahi nga itong mangkukulam at sa lugar na Achucheche. Si Roselyn naman kasi ang tipo ng tao na naniniwala sa kung anu-anong kababalaghan kaya madali lang itong napasakay ni Yvette. Kaya, tiyak niyang hindi na siya pupuntahan pa ni Roselyn dito sa WilMar Mall. Hindi naman alam ni Roselyn kung saan siya nakatira kaya malaki ang paniniwala niya na hindi siya pupuntahan nito. Saka, nangako ito kay Yvette na hindi na makikipagkita sa kanya. Dahil doon, para siyang siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Si Roselyn Sayson ay ang pinakamakulit niyang manliligaw. Napabuntunghininga tuloy siya
"LET'S go…"Natigil si Yvette sa pagliligpit ng kanyang mga gamit nang magsalita si Liam. Buonv pagtataka niya itong tiningnan. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nahagilap ang kanyang boses. "Saan tayo pupunta?"Kung ibang tao ang magsasabi sa kanya ng mga salitang iyon, iisipin niga agad na iniinsulto siya. Na ang tanga-tanga niya para magtanong pa siya kung saan sila pupunta pero dahil si Liam ang nagtanong, hindi negatibo ang naisip niya. Para lang naman kasi siyang tinutudyo nito. Ang lambing-lambing naman kasi nitong magsalita. Pakiramdam niya tuloy, idinuduyan siya sa alapaap. "Hindi ba dapat mauna na akong umuwi?" Nagtatakang tanong niya rito. Kumunot ang noo ni Liam. "Why?"Kahit na sumimangot si Liam sa kanyang tanong, hindi pa rin niya magawang alisin ang tingin dito. Pakiwari nga niya'y mas lumutang ang kaguwapuhan nito dahil ang pagkatao nito'y nababalutan ng kumpiyansa sa sarili. "Nasa iisang bahay lang tayo, bakit kailangan mo pang mauna?" Buong pagtatakang tanon
"HINDI pa ako ready magmahal," mahinang sabi ni Yvette kaya naman hindi niya malaman kung kay Liam ba niya sinasabi iyon o sa kanyang sarili. Limang taon ang naging relasyon nila ni Henry kaya sa palagay niya ay hindi basta-basta nakakalimutan iyon. Kahit pa wala namang nangyari sa kanila ni Henry at sa kanila ni Liam ay marami na? Idagdag pang mag-asawa na rin sila ni Liam. "Anong order mo?" Hindi agad siya nakasagot dahil hanggang ngayon ay parang lutang pa rin siya. Ewan ba naman kasi niya kung bakit naisipang sabihin ni Liam sa kanya angmga salitang iyon. Ang puso mo ang gusto kong makuha.Nahuhulog na ba ang loob nito sa kanya? Tanong pa niya sa sarili. Hindi man niya alam kung anong sagot sa sarili niyang tanong, naramdaman niya ang pagbilis ng ti ok ng kanyang puso. Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng excitement sa maaaring isagot ni Liam. Naisip niya kasi na tuluyan nang nahulog ang loob nito sa kanya. "Anong gusto mong kainin, asawa ko?" Malambing na tanong sa kanya
MADILIM-dilim pa ang paligid pero gising na si Yvette, pinagmamasdan na niya ang guwapong mukha Liam na himbing na natutulog. Ang amo-amo kasi ng mukha nito. Parang walang anumang masamang gagawin. Pagkaraan ng ilang sandali ay naisipan niyang bumangon na lang para makapagluto ng almusal. Ngunit, hindi siya nakaalis agad sa kama."Ohhh…" bulalas niya nang mapagtanto niyang hubo't hubad nga pala siya. Siyempre, ilang beses na namang may nangyari sa kanila ni Liam. Sa kaisipang iyon ay hindi niya napigilan ang mapasinghap. Sobra na naman kasi siyang nag iinit kapag pumapasok sa isip niya ang mga pagtatalik nila ni Liam. Nang nasa kolehiyo siya, inis na inis siya sa mga kaklase kapag naririnig niya ang mga itong nag-uusap tungkol sa sex. Pakiramdam niya kasi'y hindi ginalang ng mga iyon ang sarili dahil walang pakundangan ang mga ito na ipagsigawan na 'hindi na kami virgin'. ngunit ngayon ay enjoy na enjoy din siya sa ginagawa nila ni Liam. "Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Liam na
"KAMUSTA naman kayo rito?" Sa halip na sumagot agad ay narinig pa niya ang malalim na pagbuntunghininga ni Liam, alam na alam niya siyempre kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang asawa na naisahan sila ng kanilang mga ama. Kunsabagay, siya rin naman ay hindi makapaniwala sa nangyari dahil para lang siyang sumakay sa roller coaster at sobra siyang nakaramdam ng pagkahilo pagkaraan. Ayaw niyang magpakasal kay William Arguelles kaya naman nagdesisyon siyang makipagtanan kay Henry. Naniniwala kasi siya na ito ang dapat niyang pakasalan, siyempre, mahal niya ito pero natapos ang pagmamahal niyang iyon ng makita niya itong nagtataksil. Napabuntunghininga siya nang maalala niyang dahil sa pangyayaring iyon ay naging asawa niya si Liam. Sa ngayon naman ay masasabi niyang kontento siya sa piling nito at naniniwala siya sa sinabi nitong hindi nito gugustuhing tapusin ang kanilang relasyon. "Okay na okay," wika ni Liam. Maang siyang napatingin sa asawa dahil walang
AGAD inangkin ni Liam ang kanyang labi pagkasara nito ng pintuan. Damang-dama niya anh pananabik nito kaya tinugon din niya ng buong alab ang halik nito. Hindi niya alintana kung ang paraan ng paghalik nito sa kanya ay may kasamang panggigigil. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa sila hinihingal. "Sino ako?" Tanong nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. "Liam?" Maang niyang tanong. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganoon ang tanong nito sa kanya. "Very good.""Ha?"Sa halip sagutin ni Liam ang katanungan niya tungkol sa ginagawa nito, muli niyang natikman ang halik nito. Gusto sana muna niya itong itulak dahil sa naguguluhan siya sa inaakto nito pero hindi niya magawa. Mas masarap kasi kung magku-concentrate lang siya sa kanilang halikan. "Dahil ako ang nakikita mo kapag hinahalikan kita," mariing sabi nito. Ilang beses siyang napakurap-kurap sa sinabing iyon ni Liam. May ilang minuto rin bago naproseso sa utak niya ang sinabi nito. Tiyak niyang tumatak sa isi