Share

Chapter 69 - Pangako

Rhian's Point of View

"Uhm.." Mahina akong napaungol. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat dahil nakabukas ang bintana sa tapat ng kamang hinihigaan ko.

Hinanap ko si Logan sa aking tabi ngunit wala ito. Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko sa ibabaw ng lamesa ang isang kumpol ng pulang rosas na nakapatong doon.

Nagtataka naman akong bumangon at saka kinuha ang mga bulaklak. Marahan ko iyong inilapit sa aking ilong at saka inamoy ito. Nanuot ang halimuyak nito sa aking ilong. May kasama ito na isang kapirasong papel, kinuha ko iyon at tahimik kong binasa.

-Good morning, Sweetheart. Hindi na kita ginising dahil ang himbing pa nang tulog mo. I love you so much, Sweetheart.

Malapad akong napangiti at tila may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan nang mabasa ko iyon.

Napagpasiyahan ko nang bumangon dahil kumukulo na ang aking tiyan. Matapos kong maglinis ng aking katawan ay nagtungo na rin ako sa kusina. Doon ay naabutan ko si Rose na abalang nagluluto.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status