Share

Chapter 12

NAKABALIK na ng tree house si Olive dala ang basket at mga damit ni Nickson.

"May dala ka bang brief?"

"Oo, nasa bulsa ng short ko," sagot ni Nickson. Kinuha naman iyon ni Olive. Nandidiring ibinuyangyang niya ang brief ni Nickson.

"Grabe naman kung makahawak. Malinis 'yan at bagong laba. Amuyin mo pa," sabi naman ni Nickson. Namula naman ang pisngi ni Olive.

"E, kasi naman siyempre hindi pa naman ako nakakahawak ng brief," katwiran ni Olive. Napangiti naman si Nickson.

"Ibaba mo na lang 'yong trunks mo. Tapos tulungan kitang tanggalin sa binti mo na may sugat," dagdag na utos ni Olive. Pumikit na kaagad si Olive.

"Paano mo ako matutulungan kung nakapikit ka?" tanong ni Nickson.

"Ikaw napaka mo. Siyempe virgin pa 'tong eyes ko! Sige na gawin mo na. Sabihin mo nalang kapag nababa mo na," naiiritang na sagot ni Olive.

Huminga ng malalim si Olive. Saka pumikit ulit ng kanyang mga mata. Napapangisi naman si Nickson dahil sa kainosentehan ng asawa niya.

"Natanggal ko na. Baka mandiri ka pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status