Chapter 1
"Lily, I love you." Madamdaming sabi ni David na kanyang nobyo.Nasa isang mamahaling restaurant sila. Ngayon ay ang kanilang ikatatlong-taon na anibersaryo.As usual ay siya ang nanlibre dahil wala pang pera si David. Bread winner ito ng pamilya at may mga kapatid pa na pinapaaral. Habang nasa College sila ay nagtratrabaho na si David at napakadaming sideline nito.Naiintindihan naman ito ni Lily. Kaka graduate lang nila.Sinuwerte siyang makapag OJT sa pinakatanyag at sikat na hotel sa buong mundo.At ito ay ang Christophe Five Star Hotels and Restaurants.Si David ay kailangan pa ng pera upang maka board exam.Nangako siya na susuportahan ang nobyo sa abot ng kanyang makakaya. Kaya pagbubutihin niya ang pagtratrabaho upang maging regular siya sa nasabing hotel."I love you too, David." Sagot ni Lily at nagsalo sila sa isang masarap at punong-puno ng pagmamahal na halik.Matapos kumain ay nagyaya si David na pumunta sa kanilang bahay.Hindi pa alam ni David kung paano siya tratuhin sa kanilang pamilya.At ayaw niyang ipaalam ito dahil baka magalit si David at kung ano pa ang magawa nito.Mahirap na baka maapektuhan pa ang trabaho ni David."Lily, I guess it's time na ipakilala mo ako sa iyong pamilya. Three years na tayong magnobyo pero hindi pa ako nakakadalaw sa inyong bahay." Nagtatampong sabi ni David.Ang buong akala ni Lily na mahal talaga siya ni David!Pero may iba pala itong motibo...Gusto niyang makita ang mansion ng mga Magdilang!Bago niya ligawan si Lily ay inalam muna niya ang estado ng pamilya nito. Ng malaman niya na mayaman ang pamilya ni Lily ay wala siyang sinayang na sandali!Pinaibig niya ang dalaga at nahumaling naman ito sa kanya.Napabuntunghininga si Lily. Siguro naman ay hindi magagalit ang kanyang Daddy dahil nasa tamang edad na naman siya para magkaroon ng nobyo."Okay, pumunta na tayo sa bahay ngayon at ipapakilala na kita sa aking pamilya." Masayang sagot ni Lily.Halos mapalundag naman si David sa labis na tuwa!"Thank you, Mahal ko." Sabi ni David at niyakap si Lily.Napaganti naman ng yakap si Lily. May pag-aalala parin sa kanyang puso. Hindi siya gusto ng kanyang madrasta na si Carina.Ang kanyang ina ay isa paring katulong ng pamilya Magdilang.Kinilala lang siya ng kanyang Daddy matapos na lumabas ang positive result ng kanilang DNA test.Pinag-aral at pinakain pero tumutulong din siya sa mga gawaing bahay sa mansion.Ayaw ng kanyang madrasta na si Carina na hindi siya magtrabaho dahil isa lang siyang anak ng katulong!Tiniis niyang lahat ito para lang makapag aral ng maayos at ngayon nga ay naka graduate na siya.Pangarap niyang umalis sa mansion ng mga Magdilang at mamuhay sila ng tahimik ng kanyang Mama na si Lucy.Mas nagkaroon siya ng inspirasyon ng makilala ang nobyo na si David.Si David na nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal.Mahal na mahal niya ito at walang mahalaga sa kanyang buhay ngayon kundi ang kanyang Mama at si David lang!*************************MAGDILANG MANSIONNag taxi sina Lily at David papunta sa kanilang mansion dahil walang sasakyan na maghahatid sa kanila.Exclusive ang lupa kung nasaan ang kanilang mansion. Puro mayayaman ang nakatira rito at wala kang makikita na maliit na bahay sa nasabing lugar.Puro mansion ng mga kilalang mga mayayaman lang ang andito.At kanina pa namamangha si David habang pinagmamasdan ang mga mansion na nag-gagandahan at naglalakihan!Nasasabik na siya na makita ang mansion nina Lily!Habang si Lily naman ay hindi na mapakali. Papalapit na sila sa kanilang mansion at kinakabahan na siya sa magiging reaksiyon ng kanyang Daddy at Mama.Mas lalo na ang reaksiyon ng kanyang madrasta at kapatid!Sa wakas ay huminto na ang taxi na kanilang sinasakyan.Nagbayad na si Lily at bumaba na sila.Wala siyang sasakyan. Hindi katulad ni Colleen na napakaganda ng Ferrari nito.Ayaw siya bigyan ng kanyang Daddy dahil hindi naman daw niya kailangan pero ang totoo ay ayaw ni Carina dahil anak lang siya sa labas.Ayaw nito na pantay ang pagtingin ni Enrico sa kanyang mga mata dahil anak lang siya sa labas at si Colleen ang dapat na mas lamang dahil ito ang legal na anak.Sapat ng pinakain silang mag-ina at pinag-aral sa mamahalin na paaralan at hanggang doon nalang daw yon!Pero pinagtrabahuan nila ng kanyang Mama ang perang ginastos ng Daddy niya sa kanila!Kahit gusto niyang makipagtalo tungkol dito ay wala rin siyang laban. Hinayaan nalang niya ang mga ito at hindi na nagreklamo pa."Wow! Ang ganda ng mansion ninyo Lily!" Masayang sigaw ni David na pumukaw sa kanyang lumilipad na isipan."Gano'n ba. Halika na David," paanyaya niya rito.Nag doorbell si Lily sa malaking gate ng mga Magdilang at bumukas naman ito. Bumungad sa kanilang harapan ang kaibigan ng kanyang Mama na si Yaya Lorena."Lily, Andiyan kana pala. Sino itong kasama mo?" Masayang bati ni Yaya Lorena sa kanila."Ah, nobyo ko po." Nahihiyang sagot ni Lily. "David, Si Yaya Lorena." Pakilala niya."Magandang araw Yaya Lorena." Masayang bati ni David."Magandang araw din. Halikayo at tumuloy na sa loob ng mansion." Paanyaya ni Yaya Lorena."Sakto ang pagdating ninyo Lily at maghahapunan na." Nakangiting sabi nito.Bago sila makapasok sa mansion ay dumaan muna sila sa napakalaking swimming pool at napakagandang garden na punong-puno ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.Si David ay hindi maiwasan ang mapanganga.Labas palang ng mansion ay napakaganda na! Ano nalang sa loob nito? Nasasabik na tanong ni David sa kanyang isipan.Pakiramdam niya ay naka jackpot siya kay Lily!Ito ang mag-aahon sa kanya sa kahirapan!Ng makapasok na sila sa loob ng mansion ay mas lalong napa nganga ng literal si David!Napakaganda sa loob ng mansion ng mga Magdilang. Marmol na hagdan at nag-gagandahang desinyo sa dingding.May mga mamahaling painting pa ang mga ito!Puro mamahalin ang mga kagamitan na kumikintab at kumikinang.Nagniningning din ang mga mata ni David.Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong bahay.Sa isang Mansion!Mamahalin ang lahat at may mga mamahaling vase pa na tila galing sa sinaunang panahon.Alam ni David na antique ang mga ito.Kung makakakuha siya kahit isa lang ay tiyak na biglang yaman siya!Nagniningning na ang kanyang mga mata ng dahil sa pera!Unang nagtungo si Lily sa kusina upang ipakilala si David sa kanyang Mama.Ito ang tagaluto ng mga Magdilang simula pa noong nabubuhay ang mga magulang nito.Mabait si Donya Aurora at Don Paquito. Hindi katulad ni Andres na Daddy ni Lily na ambisyoso at gagawin ang lahat para lamang sa pera.Una niyang nakilala ang Mama ni Lily at naakit siya sa taglay na kagandahan ni Lucy noong kabataan pa nila.Nabuntis niya si Lucy at pinangakuan na papakasalan.Pero nakilala niya si Carina.Na umakit sa kanya.At naakit naman si Andres dahil mayaman si Carina kahit hindi naman kagandahan.Nakipaghiwalay siya kay Lucy pero buntis na ito ng mga panahong iyon kaya hindi pinaalis ng mga magulang ni Andres si Lucy.Kahit galit si Carina na andiyan si Lucy ay wala siyang nagawa ng lumabas na ang DNA result nito.And the rest was history..."Mama!" Tawag ni Lily sa kanyang ina na naghahanda ng hapunan sa lamesa.Tapos na magluto ang mga ito at naghahain nalang ng mga pagkain."Lily! Malapit ng kumain. Magbihis kana." Masayang sagot ni Lucy sa anak."Mamaya na Mama, May bisita ako at nais kung ipakilala sayo." Tanggi ni Lily.Tsaka lang napatingin si Lucy kay David.Habang si David ay nagulat naman ng makita ang Mama ni Lily.Nagtataka siya kung bakit naka damit pangkatulong ito?!Ang inaasahan niyang Mama ni Lily ay mukhang mayaman at mapera.Ang nasa harapan niya ngayon ay walang arte sa katawan at mukhang mahirap!"Nagbibiro ka ba Lily?" Di-makapaniwalang tanong ni Lucy."Hindi po ako nagbibiro, Mama. Nobyo ko si David at matagal na kami. Panahon na para ipakilala ko siya sa loob ng tatlong taon naming reslasyon." Mahabang paliwanag ni Lily.Napabuntunghininga nalang si Lucy. Hangad niya ang kaligayahan ng anak. Basta masaya lang ito ay okay na sa kanya."Kung saan ka masaya anak ay wala akong tutol," seryosong sagot ni Lucy."Salamat, Mama." Masayang sabi ni Lily.Niyakap ni Lily ang ina at nagpasalamat."Magandang hapon po," bati ni David kahit hindi naman niya gusto.Bumati lang siya dahil sa tanda ng pag respeto.Tumango lang si Lucy at pinaupo sa lamesa sina Lily at David.Maya-maya lang ay nagulat silang lahat ng makarinig ng boses sa kanilang likuran."Who is he?" Seryosong tanong ni Andres.Hindi man lang namalayan ni Lily na nandiyan na ang kanyang Daddy!Ano ang isasagot niya?!Chapter 2 Si David na ang sumagot para kay Lily at excited na nagpakilala sa kanyang sarili. "Magandang hapon po, I'm David Bonghanoy. Lily's boyfriend." Nakangiting pakilala ni David na nakalahad pa ang kamay.Hindi siya pinansin ni Andres at seryoso itong nakatingin kay Lily habang umuupo sa hapagkainan.Medyo napahiya si David ngunit patuloy parin siya sa pag-ngiti na parang walang nangyari.Magsasalita na sana si Lily dahil hindi niya nagustuhan ang pagtrato ng kanyang Daddy kay David.Ngunit biglang dumating ang kontrabida niyang madrasta!"Nag da-dalaga na pala itong anak mo Andres at may pa take home pa ng kanyang nobyo dito sa bahay." Nakangising sabi ni Carina sabay upo sa tabi ni Andres."It's not like that Tita, Tatlong taon na kaming mag nobyo ni David. Dahil graduate na kami kaya ipinakilala ko na siya sa inyo." Pangangatwiran ni Lily. Kahit kailan ay hindi siya nauubusan ng ikakatuwiran kapag baluktot palagi ang mga pinagsasabi ni Carina at alam niyang nasa tama siya!
Chapter 3Nanginginig na siya sa galit pero naiiyak narin siya!Mahal na mahal niya si David. Dito lang umiikot ang kanyang mundo.Pero nagtaksil ito sa kanya!"Bakit David?" Naiiyak na tanong ni Lily.Bumangon si David ng bahagya at hinanap ang kanyang saplot.Ngunit nagising si Colleen at bumangon din ito.Nakalantad sa kanyang harapan ang dalawa na hubo't hubad!At hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin si David."Bakit David? Bakit mo nagawa sa akin ito?!" Ngayon ay hindi na niya mapigilan ang mapaluha.Itinulak siyang bigla ni Colleen at muntik na siyang matumba!"Don't hurt my man. Ako ang makakalaban mo!" Galit na sigaw ni Colleen.Napangiti naman ng lihim si David. Wala siyang pakialam kay Lily. Dahil nagkamali siya sa pagpili rito. Akala niya mayaman, Hindi pala!Ang totoong mayaman ay si Colleen at natutuwa siya na napaibig niya kaagad ito!Jackpot parin siya kahit nabigo kay Lily!Ngayon ay gagalingan niya ang kanyang akting upang mas lalo pa itong mapaibig sa kany
Chapter 4Walang nagawa si Lily kundi ang sumang-ayon sa gusto ng kanyang Daddy. Hindi ito nagbibiro at napakaseryoso. Ayaw din naman niya na may mangyaring masama sa kanyang Mama dahil ito nalang ang natitira sa kanya.Pero nagmakaawa siya sa kanyang Daddy na magtratrabaho at OJT parin sa hotel. Pumayag naman ito. At dahil bukas pa naman siya magpapakasal sa estrangherong baldado ay papasok na muna siya sa hotel kahit namumugto pa ang kanyang mga mata sa kakaiyak kanina."Sigurado ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Mama."Opo Mama, Sayang ang araw na ito at gusto ko ay maka perfect attendance. Maaga pa naman." Sagot ni Lily na pilit ngumiti kahit napakalungkot naman ng kanyang mga mata. Walang nagawa ang kanyang Mama kundi pagmasdan si Lily na malungkot na naglalakad papunta sa labas ng mansion.Napakaduwag mo Lucy! Sigaw niya sa kanyang isipan at hindi napigilan mapaiyak.Alam niyang hindi okay ang kanyang anak! ************************Her Wedding Day...Sumapit ang ara
Chapter 5At naabutan nga ni Lily ang kanyang asawa at Daddy sa study room.Agad niyang nilapitan si Christopher upang magmakaawa na isama nila ang kanyang Mama."Christopher, Pwede ba na isama natin sa iyong bahay ang aking Mama?" Unang nilapitan ni Lily si Christopher.Nabigla naman si Christopher dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Akala niya ay hindi siya kilala ni Lily."There's no problem with me," maikling sagot ni Christopher."Salama-" Hindi naituloy ni Lily ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok si Carina ng walang pasabi."And who told you na madadala mo ang nanay mo?" Galit na tanong ni Carina.Gusto niyang mawala na si Lucy pero ayaw din naman niya bigyan ito ng kalayaan at maging masaya ng gano'n nalang!Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa mag-inang ito. Hindi niya ito bibigyan ng happy ending!"Ano ang ginagawa mo rito, Carina?" Tanong ni Andres."Ano pa, Para sabihin sayo na hindi pwedeng sumama si Lucy sa kanila. She needs to pay their debt!" Malditang sago
Chapter 6Habang papalayo ang sinasakyan nila Lily ay hindi niya maiwasan kabahan.Sila nalang dalawa ng kanyang asawa na si Christopher ang magkasama. Ngayon lang niya ito nakilala at hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito.Sariwa pa sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Daddy na kahit presidente ka pa ng Pilipinas ay kaya kang ipapatay ni Christopher!Hindi na siya mapakali sa sobrang kaba pero wala na siyang magagawa dahil asawa niya na si Christopher. At papunta na siya sa bahay nito upang doon na tumira.Makakaya niya ba? Naitanong ni Lily sa kanyang isipan."Relax," sabi ni Christopher.Nagulat naman si Lily ng magsalita ito. Biglang nanginig ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya!"Ah, nag-aalala lang ako kay Mama." Ang tanging nasagot ni Lily.Hindi niya pwedeng sabihin na natatakot siya!Ayaw niyang dagdagan pa ang mga pang-iinsulto nina Carina at Colleen dito.Baka paranoid lang siya at naging matatakutin o di kaya ay sa sobrang heartbroken niya d
Chapter 7Pagkarinig sa boses ni Christopher ay nanindig kaagad ang balahibo ni Lily. Gusto niyang tumakbo! Pero paano? Nakaharang si Christopher sa kanyang daraanan! "Let's go back inside," utos ni Christopher at isinarado ang gate. Nanlumo si Lily ng makitang lock na ang gate. Makukulong siya sa nakakatakot at madilim na lugar kung saan nakakatakot din ang kanyang asawa!Nanginginig ang kalamnan ni Lily sa sobrang takot at kita ito ni Christopher.Natakot niya talaga ng sobra si Lily! "I'm sorry if I make you scared so much." Sabi ni Christopher.Hindi siya komportable sa paghingi ng sorry dahil first time niya itong ginawa sa buong buhay niya!At si Lily ay nagulat naman ng biglang humingi ng tawad si Christopher. Hindi siya kaagad nakasagot at tila napako naman sa kanyang kinatatayuan."Look, I'm just- Mainit lang ang ulo ko kanina. At ayaw ko talaga na nasisinagan ng araw lalo na kung sa pamamahay ko. Nakasarado talaga lahat ng bintana." Paliwanag ni Christopher." But don't
Chapter 8Kinabukasan ay nagpaalam si Lily kay Christopher na magtratrabaho siya. Wala naman problema kay Christopher at ipinag book pa siya ng taxi.Habang sakay siya ng taxi ay naisipan niyang tawagan ang kanyang Mama. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot.Bakit kaya? Nasaan si Mama? Busy siguro! Kausap ni Lily sa kanyang sarili. Pero hindi parin siya mapakali at nag-aalala para sa ina.Hindi siya sanay na hindi ito kausap o ka text. Isang araw pa nga lang na hindi niya ito nakakausap ay na miss niya na kaagad ang ina.Muli niya itong tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin ang kanyang tawag."Mama!" Masayang bati ni Lily."Your mother is busy working!" Walang ganang sagot ni Carina.Naudlot ang kanyang beauty rest dahil sa tawag ni Lily. Ayaw niya sana e turn on ang cellphone ni Lucy pero nakiusap ito kay Andres. Wala siyang nagawa kahit magwala pa siya dahil cellphone lang daw ito at huwag maging isip bata! Kahit kailan talaga ay pumapabor si Andres k
Chapter 9"Tama na Colleen. Nasa trabaho ako. Pwede naman kayong magsaya ng kayo lang." Pakiusap ni Lily. "I told you to dance and take it off! Napakadali lang gawin Lily. Bakit ba napaka killjoy mo ha?" Galit na tanong ni Colleen. Bago pa makasagot si Lily ay nauna ng magsalita si Christopher."My wife is not a strip dancer and a low class woman LIKE YOU! You should take your clothes off if you want it badly." Malamig na sabi ni Christopher na talagang kikilabutan ka.Dama ni Lily na galit na ang asawa!Baka magkagulo pa ng husto at mawalan siya ng trabaho."What? So brave of you DISABLE MAN!" Si Colleen ay hindi talaga magpapatalo.Kahit kailan ay palagi nitong ipinapakita ang kanyang pagka spoiled brat!"Tama na Colleen, please. Let us pass at ituloy niyo na ang inyong kasiyahan." Muling pakiusap ni Lily. "But we are not happy without you Lily!" Talagang ipipilit ni Colleen ang kanyang gusto!"Take this trouble woman away from the bar." May tinawagan si Christopher sa kanyang ce