Chapter 5
At naabutan nga ni Lily ang kanyang asawa at Daddy sa study room.Agad niyang nilapitan si Christopher upang magmakaawa na isama nila ang kanyang Mama."Christopher, Pwede ba na isama natin sa iyong bahay ang aking Mama?" Unang nilapitan ni Lily si Christopher.Nabigla naman si Christopher dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Akala niya ay hindi siya kilala ni Lily."There's no problem with me," maikling sagot ni Christopher."Salama-" Hindi naituloy ni Lily ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok si Carina ng walang pasabi."And who told you na madadala mo ang nanay mo?" Galit na tanong ni Carina.Gusto niyang mawala na si Lucy pero ayaw din naman niya bigyan ito ng kalayaan at maging masaya ng gano'n nalang!Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa mag-inang ito. Hindi niya ito bibigyan ng happy ending!"Ano ang ginagawa mo rito, Carina?" Tanong ni Andres."Ano pa, Para sabihin sayo na hindi pwedeng sumama si Lucy sa kanila. She needs to pay their debt!" Malditang sagot ni Carina.Napailing nalang si Christopher.Hindi niya alam kung paano naka survive si Lily sa bahay na ito sa loob ng maraming taon!"Utang? May utang ba si Mama sa iyo Tita Carina?" Nagtatakang tanong ni Lily."Of course! Ang ginastos mo sa pag-aaral since daycare until now! Ang masasarap na kinakain niyo! Yang mga damit mo! Ang lahat! Kailangan niyang magtrabaho parin dito." Galit na sagot ni Carina na iwinasiwas pa talaga ang kanyang kamay."Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lily.Wala talaga siyang maintindihan sa ugali ng kanyang madrasta!Bakit galit na galit ito sa kanilang dalawa ng kanyang Mama."Sa haba ng sagot ko ay Bakit lang ang masasabi mo Lily?!" Mas lalong nagalit si Carina."Bakit po ganito? Daddy ko po ang nagpaaral sa akin at nagpakain. Bakit kailangan bayaran namin? Eh, Daddy ko siya! Bakit Daddy?!" May hinanakit na tanong ni Lily at napalingon kay Andres.Walang masagot si Andres. Pagdating kay Carina ay ito ang masusunod sa kanilang dalawa!"Ha! Nagtanong ka pa talaga! Hindi ba sumagi sa isipan mo na isa kayong sampid sa pamamahay na ito?! Isa kang anak sa pagkakasala Lily! Isa kang illegitimate child! Kaya ni piso ay pwede kitang hindi bigyan! Pero dahil nagmakaawa ang nanay mo para sa iyong magandang kinabukasan ay heto ka ngayon at graduate na!" Mahabang paliwanag ni Carina na halos maputol na ang nakalabas na ugat niya sa kanyang leeg."Excuse me, Andres is the father of Lily. She doesn't need to pay what he gives because it's Andre's obligation as a father." Hindi napigilan ni Christopher ang sumingit sa kanilang usapan.Nakaka bwesit pakinggan si Carina sa mga baluktot na katarungan nito!Akala mo kung sinong Donya!"And who told you na makialam sa pamilya namin? Bakit hindi mo pakialaman 'yang paa mo kung makakalakad ka pa!" Inis na baling ni Carina kay Christopher.Napatawa lang ng mahina si Christopher at tiningnan ng masama si Carina."Tita Carina!" Saway ni Lily dito."What?!" Inis na tanong ni Carina.Siya si Carina Verdoza Magdilang! Mayaman at maimpluwensiya ang kanilang pamilya. Kaya wala siyang kinatatakutan!What she wants, she will always get! At ngayon ay gusto niyang pahirapan ang mag-ina na bwesit sa kanyang buhay!Hinding-hindi niya papayagan na maging masaya ang dalawa!"Andres, Please tell your wife to watch out for her mouth. You know what I'm capable to do. I'm disabled but my connections are not," mababa lang ang boses ni Christopher pero nakakapangilabot pakinggan!Kinilabutan si Lily habang si Carina ay ni hindi man lang natakot."You're threatening me? Wala akong pakialam sa baldadong may mga koneksiyon na katulad mo! Kung si Andres ay takot sayo. Pwes, ibahin mo ako!" Nakapamaywang pa si Carina habang tinitingnan si Christopher."Is that so?" Tanong ni Christopher at kinuha ang cellphone.Akmang may tatawagan ito habang nakangising nakatingin kay Andres.Biglang kinabahan si Andres at sinaway ang asawa!"Stop it Carina!" Saway ni Andres ng magsasalita pa sana si Carina ng kung anu-ano."Don't tell me na natatakot ka talaga sa lumpong ito?!" Galit na sigaw ni Carina.Nag dial na si Christopher sa kanyang cellphone at natakot si Andres!"Shut up your mouth! I'm sorry Mr. Villezo kung ito ang nasaksihan mo sa aking pamilya," paumanhin ni Andres na pinagpapawisan.Muling ibinalik ni Christopher ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa."You should tame your wife and teach her some manners and proper etiquette." Tiningnan ng masama ni Christopher si Carina at hindi ito nagpatinag sa kanya.Medyo nakakatakot tingnan si Christopher dahil hindi masyadong nakikita ang mga mata nito. Natatakpan ng kanyang makapal na bangs.Pero kita parin ni Lily ang matalim na tingin nito kay Carina!Hindi niya alam kung bakit natatakot siya! Nanatili parin siyang mahinahon sa kabila ng lahat."Aba nagturo pa talaga ng lesson ang isang mahirap pa sa daga na baldado. Kunin mo na 'yang si Lily at dalhin mo sa lungga mo! Walang hahabol sa kanya! Magsama kayo!" Galit na sigaw ni Carina.Hindi niya alam kung bakit takot na takot si Andres kay Christopher.Kayang-kaya niya na ipapatay ito kahit sino pa ang mga koneksiyon nito!"I will be waiting for you outside, Lily." Sabi ni Christopher at pinaandar na ang kanyang sasakyan.Huminto siya sa tapat nina Andres at Carina."Andres, If you will not leave your wife. She will bring you to dome," matalinghagang sabi ni Christopher at tuluyan ng lumabas ng study room ni Andres."Aba't-" Hindi na nakapagsalita si Carina ng bigla siyang sampalin ni Andres!Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Unang beses siyang sinaktan ni Andres ng dahil lamang sa isang baldadong lalaki?!"Bullshit! It hurts!" Galit na sigaw ni Carina.Samantalang si Lily ay nagulat naman sa ginawa ng kanyang Daddy at tahimik lang silang pinagmamasdan."I told you to shut up your mouth!" Galit na rin si Andres at hindi na nakapagtimpi."Why should I? Bakit ba takot na takot ka sa baldadong yon? Mas mayaman pa tayo sa kanya Andres! Nagpaloko ka naman sa mga pinagsasabi ng lumpong 'yon!" Galit na galit na rin si Carina."Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin Carina. He will easily kill you, kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas!" Galit na sagot ni Andres.Pero si Carina ay tumawa lang!"Hahahaha!!!" Malakas na tawa nito. "Ewan ko sayo Andres. Basta, Hindi ako makakapayag na sumama si Lucy kay Lily!" Ibinaling ni Carina ang tingin kay Lily."Daddy, please." Pagmamakaawa ni Lily."Just let your Mom stay for a few years, Lily. After that ay pwede mo na siyang kunin." Sagot ni Andres.At ang epal na kontrabidang si Carina ay hindi talaga makakapayag!"Hindi pwede! Mahigit sampung taon pa niya mababayaran ang lahat ng utang ninyo!" Sigaw ni Carina.Nalulungkot si Lily. Kanina pa siya nakikiusap pero ayaw naman maawa sa kanya ni Carina.Ang kanyang Daddy ay wala rin. Hindi makapalag sa kanyang madrasta!"Babayaran ko nalang po Tita ng paunti-unti kapag naging regular ako sa hotel." Muling pakiusap ni Lily."Ha! Ikaw magiging regular? Huwag kang mangarap Lily. Walang kukuhang hotel sayo! Ang pangit mo! Hindi ka papasa sa PR. Malulugi ang hotel kapag Ikaw ang naging empleyado nila! Matatakot ang mga customer sayo!" Nakatawang sabi ni Carina.Alam naman ni Lily na hindi siya kagandahan at parang manang siya kung manamit. Dagdagan mo pa ng makapal niyang salamin!Kaya nga labis ang kanyang tuwa noon ng manligaw si David sa kanya at sinabi nitong mahal siya.Ngunit hindi naman totoo pala ang lahat! Ngayon ay naniniwala na talaga siyang pangit siya!Pero ibang usapan pagdating sa kanyang ina!"Please, Tita." Pakiusap ni Lily.Hindi siya titigil na makiusap!"Lily, tumigil kana. Wala rin mangyayari ang pakiusap mo. Okay lang ako na maiwan dito." Sabi ni Lucy na biglang dumating."Pero, Mama." Malungkot na sabi ni Lily.Nasanay na siyang andiyan ang kanyang ina sa pag gising niya sa umaga at pagtulog sa gabi.Gusto niyang isama ito sa bahay ni Christopher!"Buti naman at alam mo kung saan ka lulugar Lucy!" Nakairap na sabi ni Carina at iniwanan na sila."Daddy, Please." Pakiusap ni Lily."Tumigil kana Lily. Umalis kana at kanina pa naghihintay ang asawa mo sa labas." Saway ni Lucy sa kanya."Mama!" Malungkot na sigaw ni Lily."Halika na at ihahatid kita sa labas. Kanina ko pa inilagay ang mga bagahe mo sa kotse ni Christopher." Hinila na siya ng ina papalabas."Pero- Daddy?" Muling tawag ni Lily sa ama."The decision is final Lily. Magkakasama din kayo ni Lucy later." Sagot ni Andres.Alam niyang labis na nasaktan si Lily pero mahirap kontrahin si Carina."Halika na anak," muli siyang hinila ng ina at dinala sa labas kung saan naghihintay ang lumang Toyota model na sasakyan ni Christopher.Nasalubong pa nila sina Colleen at David!"Oy! Happy Wedding Sissy! Aalis kana talaga for real?" Nakangising tanong ni Colleen. "Ganda naman ng kotse ng asawa mo Lily! Haha!" Dagdag panlalait ni Colleen.Hindi siya pinansin ni Lily dahil ayaw nito ng gulo.Malungkot si Lily dahil hindi niya kasama ang kanyang ina!"Kasal ni Lily ngayon?" Nabiglang tanong ni David."Yes babe! Look at her husband! A disabled man! Kawawang Lily. Magiging yaya pa ng isang lumpo!" Nakangisi pa si Colleen habang sinasabi ito."Tumigil kana Colleen kung wala ka namang sasabihin na maganda." Hindi nakatiis si Lucy at sinaway si Colleen.Wala na itong iba na ginawa kundi ang apihin ang anak niya!"At sino ka naman para sawayin ako sa sarili kong pamamahay?!" Galit na tanong ni Colleen."Sige na Lily. Pumasok kana sa loob ng kotse." Pagtataboy ni Lucy sa anak.Malungkot siya na mawawalay ito sa kanya pero mas makakabuti ito kay Lily at malayo na kina Carina at Colleen."Mama, sumama kana." Pakiusap ni Lily."Susunod ako anak. Pangako yan," si Lucy."Mama!" Pakiusap ni Lily."Ang O.A naman! Saan ka ba pupunta Lily? Hindi naman ata sa Amerika at para kanang namatayan diyan! Pwede mo naman padalawin ang nanay mo sa bahay ninyong mag-asawa! Ang bobo mo talaga!" Naiiling na singit ni Colleen."Let's go David. Bagay nga ang dalawang yan na maging mag-asawa. Isang bobo at isang lumpo! Hahaha!" Matapos makapanlait ay hinila na ni Colleen si David papalayo kina Lily.Masaya siyang makita na nagdurusa ang mga ito.Napatingin nalang si David kay Lily.Napakamalas ng sinapit nito.Pero wala sa vocabulary niya ang salitang awa because he deserves someone better!At ito ay si Colleen.Malas mo nalang Lily... Bulong ni David sa kanyang isipan."Sige na anak. Pumasok kana sa loob ng kotse. Christopher, mag-ingat kayo sa biyahe." Tawag ni Lucy sa lalaki at tumango lang ito sa kanyaAt walang nagawa si Lily kundi umalis ng Magdilang Mansion na hindi kasama ang ina!"Mama..." Malungkot na bulong ni Lily habang papalayo ang kanilang sinasakyan.Chapter 6Habang papalayo ang sinasakyan nila Lily ay hindi niya maiwasan kabahan.Sila nalang dalawa ng kanyang asawa na si Christopher ang magkasama. Ngayon lang niya ito nakilala at hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito.Sariwa pa sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Daddy na kahit presidente ka pa ng Pilipinas ay kaya kang ipapatay ni Christopher!Hindi na siya mapakali sa sobrang kaba pero wala na siyang magagawa dahil asawa niya na si Christopher. At papunta na siya sa bahay nito upang doon na tumira.Makakaya niya ba? Naitanong ni Lily sa kanyang isipan."Relax," sabi ni Christopher.Nagulat naman si Lily ng magsalita ito. Biglang nanginig ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya!"Ah, nag-aalala lang ako kay Mama." Ang tanging nasagot ni Lily.Hindi niya pwedeng sabihin na natatakot siya!Ayaw niyang dagdagan pa ang mga pang-iinsulto nina Carina at Colleen dito.Baka paranoid lang siya at naging matatakutin o di kaya ay sa sobrang heartbroken niya d
Chapter 7Pagkarinig sa boses ni Christopher ay nanindig kaagad ang balahibo ni Lily. Gusto niyang tumakbo! Pero paano? Nakaharang si Christopher sa kanyang daraanan! "Let's go back inside," utos ni Christopher at isinarado ang gate. Nanlumo si Lily ng makitang lock na ang gate. Makukulong siya sa nakakatakot at madilim na lugar kung saan nakakatakot din ang kanyang asawa!Nanginginig ang kalamnan ni Lily sa sobrang takot at kita ito ni Christopher.Natakot niya talaga ng sobra si Lily! "I'm sorry if I make you scared so much." Sabi ni Christopher.Hindi siya komportable sa paghingi ng sorry dahil first time niya itong ginawa sa buong buhay niya!At si Lily ay nagulat naman ng biglang humingi ng tawad si Christopher. Hindi siya kaagad nakasagot at tila napako naman sa kanyang kinatatayuan."Look, I'm just- Mainit lang ang ulo ko kanina. At ayaw ko talaga na nasisinagan ng araw lalo na kung sa pamamahay ko. Nakasarado talaga lahat ng bintana." Paliwanag ni Christopher." But don't
Chapter 8Kinabukasan ay nagpaalam si Lily kay Christopher na magtratrabaho siya. Wala naman problema kay Christopher at ipinag book pa siya ng taxi.Habang sakay siya ng taxi ay naisipan niyang tawagan ang kanyang Mama. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot.Bakit kaya? Nasaan si Mama? Busy siguro! Kausap ni Lily sa kanyang sarili. Pero hindi parin siya mapakali at nag-aalala para sa ina.Hindi siya sanay na hindi ito kausap o ka text. Isang araw pa nga lang na hindi niya ito nakakausap ay na miss niya na kaagad ang ina.Muli niya itong tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin ang kanyang tawag."Mama!" Masayang bati ni Lily."Your mother is busy working!" Walang ganang sagot ni Carina.Naudlot ang kanyang beauty rest dahil sa tawag ni Lily. Ayaw niya sana e turn on ang cellphone ni Lucy pero nakiusap ito kay Andres. Wala siyang nagawa kahit magwala pa siya dahil cellphone lang daw ito at huwag maging isip bata! Kahit kailan talaga ay pumapabor si Andres k
Chapter 9"Tama na Colleen. Nasa trabaho ako. Pwede naman kayong magsaya ng kayo lang." Pakiusap ni Lily. "I told you to dance and take it off! Napakadali lang gawin Lily. Bakit ba napaka killjoy mo ha?" Galit na tanong ni Colleen. Bago pa makasagot si Lily ay nauna ng magsalita si Christopher."My wife is not a strip dancer and a low class woman LIKE YOU! You should take your clothes off if you want it badly." Malamig na sabi ni Christopher na talagang kikilabutan ka.Dama ni Lily na galit na ang asawa!Baka magkagulo pa ng husto at mawalan siya ng trabaho."What? So brave of you DISABLE MAN!" Si Colleen ay hindi talaga magpapatalo.Kahit kailan ay palagi nitong ipinapakita ang kanyang pagka spoiled brat!"Tama na Colleen, please. Let us pass at ituloy niyo na ang inyong kasiyahan." Muling pakiusap ni Lily. "But we are not happy without you Lily!" Talagang ipipilit ni Colleen ang kanyang gusto!"Take this trouble woman away from the bar." May tinawagan si Christopher sa kanyang ce
Chapter 10Kinabukasan ay maagang nagising si Lily at nagmamadali na siya, baka ma late na sa trabaho. Nakaamoy siya ng mabangong fried rice at tuyo na may itlog!Papunta na sana siya sa kusina ng magpang-abot sila ni Christopher sa pintuan."Good morning!" Nakangiting bati ni Christopher sa kanya.Natigilan naman si Lily. Bakit ang gwapo ni Christopher sa kanyang paningin kahit mata lang nito ang nakikita?Napakurap-kurap siya at iwinaksi ang mga pinag-iisip."Good morning din. Ikaw ba ang nagluluto?" Tanong ni Lily."Yes, surprise sana kaso nagising kana. Bakit pala ang aga mo nagising?" Ganting tanong ni Christopher.Nagtaka naman si Lily sa tanong nito."Bakit? I'm going to work at late na ako Christopher. Sayang naman at hindi ko matitikman ang niluto mo." Sagot niya at mabilis na tumalikod.Pero mabilis din siyang nahila ni Christopher at hindi sinasadyang napaupo siya sa kandungan nito!Napaka awkward para sa kanya!"Careful," mahinang sabi ni Christopher na halos kumiliti sa
Chapter 11Ng makaalis sila ng Magdilang Mansion ay tsaka palang nakahinga ng maluwag si Lily. Napatingin siya kay Christopher. Nasa likuran sila nakaupo habang ang kanyang Mama naman ay nasa tabi ng driver.Para bang isang panaginip lang ang lahat na naging asawa niya ito! "Gusto niyo ba pumunta ng mall?" Tanong ni Christopher ng makitang nakatingin si Lily sa kanya.Nahiya naman si Lily at nagbawi ng tingin. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa kanyang Mama."Mama, gusto mo ba mamasyal?" Masayang tanong ni Lily. "Huwag na anak, Wala pa tayong budget sa ngayon." Sagot ni Lucy.Napawi naman ang ngiti ni Lily. Nakalimutan niya na wala pala siyang pera!Yong mga allowance na naibigay ng Daddy niya noon ay tinipid niya at nakapag ipon pero hindi rin kalakihan dahil malaki ang nagastos niya ng mag celebrate sila ni David ng kanilang 3rd year anniversary na nauwi sa isang bangungot. Sayang lang ang pera niya! Pero hindi niya na maibabalik pa ang nakaraan. May pamasahe pa naman siya n
Chapter 12Kahit may pangamba sa puso ni Lily ay patuloy parin siya sa kanyang pagtratrabaho. Nais niyang magsumikap upang makapiling ang kanyang ina.Si Christopher ay suportado naman ang bawat desisyon ni Lily at naghihintay lang din ito kung kailan siya magiging handa na pag-usapan ang kontrata. Habang si Lucy ay patuloy na naghihirap sa mga kamay ni Carina. Wala paring mga katulong at siya lang mag-isa ang tagaluto at tagalinis ng buong mansion.Nakakahinga lang ng maluwag si Lucy kapag siya lang mag-isa at wala ang mga tao roon. Lalo na kung wala si Carina.Tulad ngayong araw na siya lang mag-isa ay walang stress sa kanyang gawaing bahay dahil walang nagdidikta at nagpapahirap sa kanya.Habang siya ay naglilinis ay sunod-sunod na doorbell sa gate ang kanyang narinig.Nagtataka siya kung sino ito dahil wala naman atang inaasahang bisita. Dali-dali siyang pumunta sa gate at ng kanyang buksan ay isang estrangherong lalaki ang bumungad sa kanyang harapan.Mas mukha pa itong goons k
Chapter 13Patuloy lang si Lily sa pagtratrabaho hanggang sumapit ang huling araw ng kanyang pag OJT.Kinakabahan na siya sa hatol sa kanya.Anim sila na nasa Manager's office ngayon."Penrose Lily Magdilang," tawag sa kanya ng Secretary.Mabilis siyang tumayo at pumasok sa office ng manager.Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng manager about sa evaluation nito kay Lily dahil kinakabahan siya at parang lutang ang kanyang isipan sa mga oras na ito."Congratulations!" Ito lang ang naintindihan ni Lily sa lahat ng sinabi ng manager sa kanya."Po?" Nagtatakang tanong ni Lily at agad na tinanggap ang naghihintay nitong kamay upang e congratulate siya."Welcome to Christophe Five Star Hotels and Restaurants!" Masayang sagot nito."Thank you po, That means ay regular na po ba ako?" Di-makapaniwalang tanong ni Lily."Yes! Congratulations again!" Nakangiting sagot ng manager."Thank you," pasasalamat ni Lily na pinipigilan ang sarili na huwag mapasigaw.Lumabas siya ng Manager's office