Share

Chapter 4

Chapter 4

Iirap irap nman si Bella kay Vin habang paupo sila sa kanilang sala nakasunod naman sa kanya si Vin.

"Mukhang tapos na ang pag eemote mo ah. Nagsisimula ka na naman kasi mang asar" sagot ni Bella.

"Hahaha. May iniisip lang kasi ako kanina kaya ako tahimik." Sagot din naman ni Vin.

"Care to share!?"

Bumuntong hininga muna si Vin bago sumagot kay Bella. "Kinausap kasi ako ni mama nung nanggaling sya dito. Sabi nya hindi na ako dito sa Pilipinas mag aaral pag college na ako. Sa ibang bansa na ako mag aaral" malungkot na sagot nya.

"Ah. Kaya ka pala nag eemote. Okay lang yan. Para din naman yun sa iyo eh. Para sa future mo."

"Hay! Yan din ang sabi sa akin ni mama. Kaya ienjoy ko na lang daw muna sa ngayon habang nandito ako."

"Korak. Mag enjoy ka na muna. Wag ka ng paemote emote pa dyan. Saka isang taon pa naman eh. Matagal pa yun"

"Ano pa nga ba" sagot niya sabay buntong hininga.

"Wag mo na muna pakaisipin yan. Saka babalik ka din naman"

"Pero pagbalik ko hindi na ako dito sa probinsya. Malamang pahahawakin na ako kaagad ng negosyo katulad ni kuya."

"Kaya nga mag enjoy ka na muna. Habang nandito ka pa. Ikaw talaga. Basta wag mo akong kakalimutan ha. Ako pa din bestfriend mo." sagot ni Bella sabay akbay kay Vin.

"Oo naman. Ikaw pa ba. Sa kulit mong yan hinding hindi kita kakalimutan. Hahaha"

Nagkatawanan na lang silang dalawa. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa dumating na ang nanay ni Bella.

"Sige na Bella dito na ako. Bye" sabi ni Vin kay Bella.

"Sige. Salamat sa pagsama sa kin dito" sagot naman ni Bella.

"Nanay Brenda uwi na po ako."sabi ni Vin sa ina ni Bella.

"Sige iho. Salamat sa pagsama kay Bella dito sa bahay habang hinihintay ako." Sagot naman ni Brenda kay Vin.

"Sige po."sagot naman ni Vin.

Hindi lingid sa kaalaman ni Bella na mayaman ang pamilya nila Vin. Minsan nga ay sinasama pa sya ng magkakapatid sa Maynila pag lumuluwas ang mga ito.

Kilala na din sya ng mga magulang ni Vin at hindi na din iba ang turing sa kanya ng mga ito.

KINABUKASAN...

Pag labas ni Vin sa kanilang bahay ay nakita na nya si Bella na naghihintay sa kanya "Himala" sabi nya kay Bella habang siya ay papalapit dito.

"Anong himala? Hahaha" sagot ni Bella.

"Hahaha. Himala na maaga ka ngayon ah. Anong nakain mo? Para sabihin ko kay nanay Brenda na lagi yun ipakain sayo. Hahaha" tatawa tawa sagot ni Vin.

"Hmpft. Grabe ka sa akin. Inagahan ko na nga ang gising para hindi ka na magreklamo kakaantay sa akin eh" iirap irap na sagot ni Bella kay Vin.

"Hahaha. Sige na tara na at baka mapikon ka na naman. Hahaha"

Naglalakad lang sila palagi kapag papasok sa school para exercise na din daw nasa kabilang barangay lang naman ang school nila.

Pagdating nila sa school ay nadatnan na nila ang nga kaibigan nila kaya lumapit na sila sa mga eto. Si Bella ay lumapit na sa mga kaibigan nya na mga babae habang si Vin na naman sa mga kaibigan nya na lalake.

"Good morning girls" ngiting bati ni Bella sa mga kaibigan nya.

"Wow. Maaga ka ata ngayon ah" sagot naman ni Myca.

"Kaya nga. Anong meron?" Sabat naman ni Colleen.

"Grabe kayo sa akin. Hindi ba pwedeng maaga lang ako nagising ngayong umaga" sagot naman ni Bella sa mga kaibigan nya.

"Pano madalas kasi late kayo ni Vin eh" sabat naman ni Kate.

"Eh pano kasi ang aga nag ingay ng aso namin kaya maaga akong nagising kanina kaya maaga kami nakapasok ngayon. Hahaha." Tatawa tawa nyang sagot sa mga kaibigan nya.

Iiling iling at natatawa na lang ang mga kaibigan nya. Madalas kasi ay nadating sila Bella at Vin sa school ay malapit ng dumating ang teacher nila minsan nga ay nauuna pang dumating ang teacher nila kaya napapagalitan ang dalawa.

Lumipas pa ang mga araw at hindi na masyado iniisip ni Vin ang sinabi ng kanyan ina sa kanya. Ineenjoy n lang nya muna ang pananatili nya sa kanilang probinsya. Madalas pa din sila tumambay ni Bella kapag hapon. Minsan naman ay gumagala sila sa bahay ng iba nilang mga kaibigan.

Kaarawan ngayon ni Bella. Maaga syang nagising upang pumasok sa school.

"Happy birthday anak" bati ni Brenda kay Bella.

"Salamat po nay" sagot ni Bella sabay halik sa pisngi ng ina.

"Pasensya ka na anak ha. Wala tayong pang handa eh." Malungkot na sagot ni Brenda.

"Okay lang po yun nay. Lilipas din yan. Madadagdagan lang ang edad ko. Hahaha." Tatawa tawang sagot ni Bella sa kanyang ina.

"Salamat anak ha at naiintindihan mo ang kalagayan natin" ngiting sabi ni Brenda.

Sanay na si Bella na wala siyang handa kapag birthday nya. Kahit kasi nag iisa lang siyang anak ay sapat lamang ang kinikita ng kanyang ama sa pang araw araw nila at sa mga gastusin nila sa bahay. Minsan ay kumakain na lang sila sa labas kapag birthday nya kapag may extrang pera ang mga magulang nya.

"Sige po nay. Pasok na po ako sa school. Babye po" sagot na lamang ni Bella.

"Sige anak mag ingat ha"

Paglabas ng bahay ni Bella ay nakita na nya si Vin na papalapit sa bahay nila.

"Good morning Vin" nakangiting bati ni Bella kay Vin.

"Good morning Bella" sagot din naman ni Vin sa kaibigan.

Habang naglalakad sila papuntang school naghihintay naman si Bella na batiin siya ni Vin. Eto kasi ang laging nakaka alala ng birthday nya sa kanilang magkakaibigan.

"Ahm. Wala ka bang naaalala ngayong araw Vin?" hindi na napigilan na itanong ni Bella kay Vin.

"Wala naman. Bakit? Ano bang meron ngayon?"tanong naman ni Vin.

"Ah. Wala naman."parang dismayadong sagot ni Bella.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa eskwelahan nila. Pagkapasok nila sa room nila ay nakita na nya ang mga kaibigan nila.

"Good morning friendship" bati ni Bella sa mga kaibigan nila habang nakangiti.

Agad naman nagsiharap sa kanya ang mga kaibigan nila.

"G-good m-morning din B-bella!" Kandautal na sagot ni Myca kay Bella.

"Anong ginagawa nyo dyan?" sagot naman ni Bella dahil naabutan nya na magkakakumpol sa sulok ang mga kaibigan nya.

"W-wala eto. Tara upo na tayo andyan na si ma'm" sagot naman ni Kate sabay hila kay Bella sa papunta sa upuan neto.

Nagtataka naman si Bella sa mga kaibigan nya dahil parang may tinatago ang mga eto.

Ngingiti ngiti naman si Vin habang papunta sa pwesto nya. Kahapon pa kasi nila napag usapan na magkakaibigan na sosorpresahin nila si Bella ngayon na birthday neto.

Pagkatapos ng kanilang klase pauwi na sana si Bella. Malungkot sya dahil hindi naalala ng mga kaibigan nya ang birthday nya ngaun. Biglang nag aya si Myca na tumambay daw muna sila.

"Tara muna tumambay Bella."sabi ni Myca kay Bella.

"Naku hindi muna. Baka hanapin ako ni nanay hindi naman ako nakapag paalam eh." sagot naman ni Bella.

"Hindi yan saglit lang naman tayo eh. Saka kasama mo naman si Vin" sagot pa ni Myca.

Hindi naman na nakasagot pa si Bella ng hilahin na sya ni Myca. Nagtataka naman sya dahil hindi nila kasama sila Colleen at Kate maging sila Ian at Mark ay wala din.

"Teka asan sila Colleen at Kate?" tanong ni Bella kay Myca.

Hindi na sinagot pa ni Myca ang tanong ni Bella at hinila na nya eto papunta sa tinatambayan nila nakasunod naman si Vin sa kanila.

Napansin naman kaagad ni Bella na may tao sa kanilang tambayan. Agad nyang nakita si Colleen at Kate kasama si Ian at Mark. At nang makalapit na sila.

"Happy birthday Bella! Happy birthday Bella! Happy birthday happy birthday!! Happy birthday Bella" sabay sabay na kanta ng mga kaibigan ni Bella.

May hawak pa ang mga eto na cake para sa kanya.

"Make a wish na Bella" sabi ni Colleen.

Pumikit naman muna si Bella bago hinipan ang kandila sa cake.

"Thank you sa inyo. Akala ko nakalimutan nyo na ang birthday ko eh" ngiting sabi ni Bella.

"Pwede ba naman yun? Ikaw pa ba makalimutan namin ang birthday. Jusko baka magtampo ka pa. Hahaha" sagot naman ni Kate.

"Hahaha. Hindi naman. Konting tampi lang siguro" sagot naman ni Bella.

"Actually si Vin talaga nagplano neto eh. Kakutsaba lang kami. Haha" sagot naman ni Ian.

Napatingin naman si Bella kay Vin. "Salamat Vin. Akala ko talaga nakalimutan mo na eh."

"Sus. Pwede ba naman yun eh bestfriend kita diba? Para na nga tayong magkapatid eh" sagot naman ni Vin.

"Noh ba naman yan kikiligin na sana ako eh kaso dinugtungan pa ng parang kapatid. Hahaha" biro naman ni Myca.

"Sira ka talaga. Hahaha" sagot naman ni Bella.

Nagkatawanan naman silang magkakaibigan.

"Pasensya na kayo ha. Wala naman kasi akong handa kaya hindi ko kayo maimbitahan sa bahay" saad naman ni Bella.

"Hay naku. Ano ka ba. Okay lang yan. Tara sa inyo dun na lang natin kainin tong mga pagkain na pinahanda ni Vin." Saad naman ni Myca.

"Sige tara na." Sabi ni Bella.

Nakarating naman sila agad sa bahay nila Bella at dun na sila kumain ng mga dala nila. Nagkwentuhan pa sila don bago umuwi ang mga kaibigan nila.

"Bye Bella. Happy birthday ulet" sabi nila Kate, Colleen at Myca.

"Sige salamat sa inyo" nakangiting sagot naman ni Bella.

"Uwi na din kami Bella. Happy birthday ulet" sabi naman ni Mark.

"Ako din Bella uwi na din ako. Happy birthday ulet." Sabi din ni Ian.

"Sige ingat kayo. Salamat ulet" ngiting sagot naman ni Bella.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
May pa surprise nman pala ang mga friend mo sayo Bella
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
thank you author..nice story
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
thank you ms writer
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status