Share

Chapter 3

Chapter 3

BELLA POV

Nakatanaw pa din ai Bella sa papalayong si Vin. Nagtataka pa din siya sa ikinikilos neto. Hindi sya sanah sa pananahimik ni Vin. Mas sanay sya na nang aasar o nakikipagharutan sa kanya si Vin.

Pumasok na lang sya sa loob ng kanilang bahay ng makita nya na nakapasok na din si Vin sa bahay neto. Pagpasok nya ay agad nyang nakita ang kanyang ina.

"Mano po Nay!" Sabi ni Bella sa kanyang ina sabay mano dito.

"Andyan ka na pala Bella. Paalis na din ako anak hinintay lang kita. Magpapalaba kasi si Aling Linda. Maiwan na kita. Magsaing ka na lang dyan mamaya meron naman ng ulam dyan" sagot ng kanyang ina na si Brenda.

"Sige po Nay. Si Tatay po?"

"Wala pa ang tatay mo. Tumawag kanina baka bukas pa daw siya maka uwi."

"Sige po Nay. Ingat po kayo. Babye"

"Sige na. Magsara ng pinto ha."

"Opo Nay"

"May tinapay pala dyan. Magmeryenda ka na muna"

"Opo."

Naiwan naman na mag isa si Bella sa kanilang bahay. Agad naman siyang nagpalit ng damit bago nagmeryenda. Gumawa na din sya ng iba pa nilang assignment. Nang matapos siya ay nagsaing na din siya na iniutos ng kanyang ina bago umalis.

Habang naghihintay sa kanyang sinasaing ay napasilip siya sa bintana at nakita nya si Vanessa sa kabilang bakod.

"Pssst... Pssst...." Sitsit nya kay Vanessa sabay tago.

Palinga linga naman si Vanessa at hinahanap ang sumisitsit sa kanya "Sino yun?"

"Pssst... Pssst..." Panloloko pa ni Bella kay Vanessa.

Lumapit naman si Vanessa sa may bintana nila Bella dahil nakabukas iyon at pagsilip nya nakita nya ang kanyang ate Bella na nagtatago "Huli ka ate Bella. Hahaha"

Nagulat naman si Bella kay Vanessa. "Waahhh... Hahaha." gulat na sabi ni Bella "Pano mo nalaman na andyan ako? Hahaha" dugtong pa nya.

"Hahaha. Gulat ka ate Bella noh!? Hahaha. Nakita ko kasi na nakabukas yung bintana nyo kaya sumilip ako. Pagsilip ko nakita kitang nagtatago dyan." Sagot naman ni Vanessa.

"Ikaw talaga. Hahaha. Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan?"

"Wala po kasi ako magawa sa bahay. Naghahanap po ako ng kalaro kaso wala pa po yung mga kalaro ko eh nagawa pa daw ng mga assignment nila"

" O eh ikaw? Wala ka bang assignment?"

"Tapos ko na po kanina pa ate Bella" ngiting sagot ni Vanessa kay Bella.

"Ah. Gusto mo pasok ka muna? Wala naman akong kasama dito eh."

"Sige ate Bella. Dyan na muna ako wala naman akong ginagawa eh."

Agad naman binuksan ni Bella ang pintuan at pinapasok si Vanessa.

"Baka hanapin ka pala sa inyo Vanessa. Magpaalam ka muna kay lola."

"Wala po si lola ate nabili po ng uulamin sa hapunan"

"Ah. Sige sumilip silip ka na lang dyan sa bintana para makita mo kung hinahanap ka na nila."

"Sige po ate. Nasan po si Nanay Brenda? Bat po wala kayong kasama?"

"Naglalabada si Nanay kila Aling Linda kaya mag isa lang ako dito."

Parang kapatid na din ang turing ni Bella kay Vanessa at Viela. Minsan kasi ay dun nagpapalipas ng oras si Bella sa bahay nila Vin. Wala kasi siyang kapatid kaya pag umaalis ang kanyang ina ay wala siyang kasama sa bahay madalas din naman wala ang kanyang ama dahil sa nagtatrabaho eto. Kaya minsan si Vanessa at Viela ang nakakasama nya bukod kay Vin. Wala syang ibang mga kaibigan na malapit lang sa kanila bukod kay Vin dahil karamihan ay mga bata pa ang anak ng kanilang kapitbahay kung meron man na kaedad nya ay puro lalake naman.

"Nasan pala si kuya Vin mo?" Tanong nya kay Vanessa.

"Ah si kuya po nasa kwarto po nya eh si ate Viela naman po gumagawa ng assignment nya kasi kauuwi pa lang po" daldal pa ni Vanessa.

"Ah. May sakit ba si kuya mo ?"

"Wala naman po ate. Natawa pa nga po yun kanina habang nagmemeryenda kami. Bakit po ate?"

"Ah. Wala naman. Tahimik kasi sya kanina"

"Baka nag eemote lang sya ate"

"Hahaha. Emotero na pala ngaun ang kuya mo. Hahaha" nagkatawanan na lang sila ni Vanessa.

Pasado alas sais na ng gabi. Sabay na napatingin si Bella at Vanessa sa pintuan ng may kumatok dito.

"Sino yan?" Tanong ni Bella.

"Ako to si Vin. Andyan ba si Vanessa?" Sagot naman ni Vin.

Agad naman pinagbuksan ni Bella si Vin ng pinto "Oo andito si Vanessa. Napasarap ang kwentuhan namin hindi na namin napansin ang oras. Pasok ka muna."

"Hi kuya!" Sabat naman ni Vanessa.

" Ikaw talaga Vanessa kanina pa ako naghahanap sa iyo eh. Wala ka dun sa mga kalaro mo. Yun pala andito ka lang. Baka nakakaistorbo ka na dyan ang kulit mo pa naman." Sabi ni Vin sa kapatid.

"Hindi. Okay lang Vin. Wala naman akong kasama dito naglalabada kasi si nanay kaya mag isa lang ako dito ngayon." Sagot naman ni Bella.

"Mabait kaya ako kuya. Si ate Viela kaya yung makulet" nakangusong sagot ni Vanessa sa kuya nya.

"Hoy narinig ko yun noh!" biglang dating ni Viela.

"Hahaha. Hi ate Viela" sagot ni Vanessa sabay peace sign sa kapatid.

" Hahaha. Kayo talaga pasok na muna kayo" anyaya ni Bella kila Vin at Viela.

"Hindi na Bella. Hinahanap lang talaga namin etong si Vanessa. Hinahanap kasi ni lola pagdating" sagot naman ni Vin.

" Ah sige" sagot naman ni Bella " sige na Vanessa umuwi ka na hinahanap ka na pala ni lola" dugtong pa nya.

"Sige po ate Bella. Babye. Bukas ulet" sagot naman ni Vanessa.

"Sige. Bye." Sagot ni Bella

Nakatingin naman si Vin kay Bella dahil nag iisa nga pala eto sa kanila. "Okay ka lang ba dito? Wala kang kasama eh." Sabi ni Vin kay Bella.

"Okay lang ako. Maya maya siguro andyan na din si nanay" sagot naman ni Bella.

"Sigurado ka? Balikan kita mamaya"

"Okay nga lang ako. Ano ka ba!"

"Chat mo ako pag wala pa si Nanay Brenda para samahan kita dito habang hinihintay mo sya."

"Sige chat na lang kita."

"Mag lock ka ng pinto ha"

"Opo."

Lumabas naman na ang magkakapatid at naiwan na mag isa si Bella

Alas otso na ng gabi wala pa din ang nanay ni Bella. Sumilip sya sa bintana nila saktong lumabas naman si Vin sa kanilang bahay. Napatingin naman si Vin sa gawi ng bahay nila Bella at nakita nya si Bella na nakasilip don na parang may hinihintay.

"Bella" tawag ni Vin sa kaibigan. "Wala ka pa bang kasama dyan?" dugtong pa nya.

"Wala pa eh. Hindi pa nauwi si nanay" sagot naman ni Bella.

"Sige hintayin mo ako dyan. Magpapaalam lang ako kay lola" sabay talikod ni Vin.

"Lola samahan ko lang po muna si Bella sa kanila" pagpapaalam ni Vin sa kanyang lola.

"Bakit apo?" Sagot ng lola nya.

"Wala po kasing kasama si Bella sa kanila. Hindi pa daw po nauwi si nanay Brenda galing sa paglabada"

"Ah. O sya sige samahan mo na muna si Bella dun sa kanila. Umuwi ka na din kaagad pag dating ni Brenda ha."

"Opo lola." sabay labas sa kanilang bahay.

Naghihintay naman si Bella sa kanila. Maya maya pa ay nakita na nya si Vin na papunta sa kanilang bahay. Nang malapit na ito ay binuksan na nya ang kanilang pintuan.

"Pasok ka. Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Bella kay Vin.

"Hindi pa naman. Samahan na muna kita dito wala kang kasama eh baka kulbitin ka pa ng multo" biro pa ni Vin kay Bella.

"Sige manakot ka pa! Magpapasalamat na sana ako eh kaso nananakot ka naman." iirap irap na sagot nya kay Vin.

"Hahaha. Joke lang eto naman"

Alam kasi ni Vin na matatakutin si Bella kaya minsan ay tinatakot nya eto.

"Galit ka na nyan? Hahaha. Sorry na." Sabi pa ni Vin na tatawa tawa pa.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
enjoy mo lng muna vin na kasama si bella
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
thank you writer..close na close sila..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status