Share

Chapter 6

Chapter 6

PROM NIGHT...

Nasa isang table sila Myca, Kate at Colleen. Halos sabay sabay na din sila dumating na tatlo. Kasama na din nila doon sila Mark at Ian.

"Hindi ba aatend si Vin?" Tanong ni Mark kay Ian.

"Ang alam ko aatend yun eh. Bat kaya wala pa?" sagot naman ni Ian "Si Bella ba hindi na talaga makakapunta?" tanong naman ni Ian kila Myca.

"Hindi ko lang alam Ian. Kasi nung huling napag usapan namin ang tungkol sa prom sabi ni Bella baka hindi sya maka attend eh. Wala daw kasi syang susuotin" sagot naman ni Myca.

"Ay ganon. Baka dinamayan na lang ni Vin" biro naman ni Mark.

Ilang sandali pa ay may dumating sa event na pinagtitinginan ng iba pang mga estudyante na dumalo sa prom.

"Ano kaya yun tinitingnan nila don?" tanong ni Myca.

Tahimik naman sila ng mga kasama nya na nakamasid sa gawi ng tinitingnan ng iba pang mga studyante.

Maya maya pa ay lumabas na ang pinagtitinginan ng mga naroroon. Laking gulat nila ng si Bella at Vin pala iyon. Papalapit na sa pwesto nila ang dalawa.

"Hi guys!" naka ngiting bati ni Bella sa mga kaibigan nya.

Napanganga naman ang mga kaibigan nya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Natawa naman sila Vin at Bella sa mga kaibigan nila.

"Bro baka pasukin ng langaw yang bibig mo. Itikom mo yan. Hahaha" sabi ni Vin kay Ian.

"Ha... Ah... Eh.. Hi B-Bella... Ang ganda mo naman." utal na sabi ni Ian kay Bella.

Natawa naman si Bella sa sinabi sa kanya ni Ian. "Hahaha. Salamat. Infairness ha ampogi mo ngayon." sagot naman ni Bella.

"Woah.... Sobrang ganda mo naman Bella. Bagay talaga kayo ni Vin." kinikilig na sabi naman ni Kate.

"Hahaha.. ayan na naman kayo eh.. Hahaha" sagot naman ni Bella.

"Parang kayo pa ata ang magiging king and queen of the night ah." sabat naman ni Colleen.

"Buti naman at naka attend ka Bella. Akala ko talaga kulang tayo ngayong gabi eh" sagot naman ni Myca.

"Kaya nga akala ko din talaga hindi ako makaka atend eh. Pasalamat na lang talaga ako dito kay Vin para dito sa damit ko" sabi ni Bella sabay tingin kay Vin.

"Sus. Wala yun pwede ba naman kita hayaan na hindi maka attend dito. Ikaw pa ba!? Bestfriend yata kita" sagot naman ni Vin habang nakangiti.

"Ehem... Ehem..." Tikhim naman nila Mark at Ian.

"Oh... Bakit?" Tanong ni Bella.

"Ah. Wala naman." Sabay iling pa ng dalawa.

Nagpatuloy naman ang kanilang prom. Hindi naman maisayaw ng ibang mga estudyante si Bella dahil binabantayan siya ni Vin ayaw pasamahin si Bella sa ibang lalake para maisayaw. Ang dami ng lumapit kay Bella pero sinasamaan ng tingin ni Vin ang mga iyon kaya kusa na lang umaalis.

Agaw atensyon pa din sila Bella at Vin sa gabing iyon. Nakasuot si Bella ng cocktail dress na kulay itim na lalong nagpatingkad sa kaputian ni Bella. Si Bella ay isang magandang dalagita bilugan ang mukha, mahaba ang kanyang buhok na medyo kulot, matangos din ang kanyang ilong, mahaba ang kanyang mga pilikmata, at brown eyes din sya yun nga lang hindi sya pinagpala sa height.

Habang si Vin naman ay nakasuot ng tuxedo na bumagay din naman kay Vin. Si Vin naman ay matangkad kagaya ng kanyang ama. Agaw pansin din sya palagi dahil sa kagwapuhan na meron sya. Moreno si Vin, Napakatangos ng kanyang ilong, may makapal na kilay at mayroon itim na itim na mga mata.

"Alam nyo kung hindi lang namin kayo ka close iisipin na talaga namin na magjowa kayong dalawa eh. Hahaha." Sabi na lang ni Myca.

"Kaya nga eh. Makabantay kasi tong si Vin kay Bella akala mo itatakas eh. Hahaha." Sabat naman ni Mark na tatawa tawa.

Nagkatinginan na naman sila Bella at Vin at nagkatawanan na lang sila.

"Hindi ba pwedeng hinabilin sa akin ni Nanay Brenda kaya ko binabantayan?. Hahaha. Kayo talaga." Sagot naman ni Vin.

"Hahaha. Maiba tayo kami ma naman nakita nyo eh. Ian isayaw mo naman si Colleen oh" sabat din naman ni Bella.

Napatingin naman si Ian kay Colleen. Kanina pa din talaga nya gustong isayaw si Colleen nahihiya lang sya.

"Ayan na naman kayo eh. Ako na naman nakita nyo. Hahaha. Halika nga dito Ian at isasayaw na kita para naman matuwa tong mga to. Hahaha." sagot naman ni Colleen sabay hila kay Ian na nahihiya pa.

Wala na din naman ng nagawa si Ian ng hilahin na sya ni Colleen.

"Ayiee... Kinikilig ako. Hahaha" sabi naman ni Kate. At maging ang mga kasama nila ay nagtawanan na.

Alam kasi nila na may gusto si Ian kay Colleen kaso nahihiya lang si Ian magtapat kay Colleen kaya madalas na kinukulit na lnang ni Ian ay si Bella para mapalapit kay Colleen

Natapos naman na ang prom at itinanghal n prom king and queen sila Bella at Vin. Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan nila.

"Sabi ko na nga ba eh kayo ang magiging prom king at queen ngaun" sabi pa ni Colleen.

"Sobrang ganda at gwapo ba naman ng kaibigan natin eh pag hndi pa sila kinoronahan nyan. haha" sabat din naman ni Myca.

Natapos na din naman ang prom night nila at nagsi uwi na sila. Inihatid na din naman ni Vin si Bella sa kanila pagkatapos ng prom.

"Salamat nga pala ulet Vin ha." Sabi ni Bella kay Vin ng malapit na sila sa kanila.

"Hay naku. Kanina ka pa nagpapasalamat eh" kakamot kamot sa ulo na sabi ni Vin.

"Hahaha. Syempre hindi ko mae experience to kung hindi ka nag request kay tita Valerie ng damit na maisusuot ko." sagot naman ni Bella.

"Okay lang yun. Ano ka ba!? Bestfriend nga kita diba!?" Sagot naman ni Vin.

"The best ka talaga na best friend. Wag ka sana magbago ha. Pasabi na din kay tita Valerie na salamat ha"

"Sige. Makakarating.." sabay ngiti kay Bella. "Sige na pumasok ka na. Good night" pagpapatuloy pa ni Vin.

"Sige. Bye. Thank you ulet. Good night" sagot din naman ni Bella.

Hindi kasi inaasahan ni Bella na may maisusuot sya sa prom. Kahapon pa sya malungkot kasi nga hindi sya makakapunta sa prom nila. Hindi nya expect na dadating si Vin sa kanilang bahay kaninang tanghali na may dalang damit n susuotin daw nya sa prom.

Sobrang saya ni Bella dahil makaka attend na sya sa prom nila. Kaya dali dali na syang naghanda at nag ayos ng kanyang sarili. Hindi na din nya nabanggit sa mga kaibigan nya kaya nagulat din ang nga kaibigan nya ng dumating sila ng sabay ni Vin kanina sa prom at pinagtitinginan pa sila ng dumating sila doon.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
May lihim na pagtingin kasi si vin sayo Bella
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
may espesyal na damdamin si vin kay bella kaya ganyan siya kay bella
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status