"Scam ba 'to? Wala akong pera!" naiinis na sagot ni Yvonne mula sa kabilang linya.Nakagat ni Alaric ang ibabang labi upang pigilang kumawala ang naaaliw na tawa. Tinakpan niya ng sariling braso niya ang noo bago nagpakawala ng ungol upang akitin ito lalo.Wala siyang narinig na reaksyon dito. Hindi pa yata nakikilala ang boses niya."Did you like the street lights, Missy?" mahina at namamaos niyang tanong.Paos naman talaga ang boses niya dahil kagagaling niya sa pag-idlip. Tinawagan niya ito matapos niya itong mapanaginipan. And that was so damn hot that it made him want to hear her voice. Iyon nga lang, tigre yata ang kausap niyang babae."Street lights? Paano mo nalamang may poste rito?" may kalituhang tanong nito mula sa kabilang linya.Napangisi siya. Pinaayos niya iyon kanina bago umuwi sa mansyon ng Lolo niya."I requested them. I am worried about your safety."Babae ito at madalas na mag-isang umuuwi. Madilim pa ang daan."Sino ka ba talaga?! Madami akong problema ngayon. Sa
"A-nong ginagawa mo rito?" Nalilitong tanong ni Yvonne kay Alaric.Hindi niya inasahan na bibista ito, mas lalo na dahil gabi na. Hindi niya rin ito gustong makita lalo na't na-eskandalo siya sa sinabi nito kanina sa tawag. Pero ngayon, nakatayo ito sa harapan niya. Binibigay nito ang reaksyon nito kagaya noong una silang magkita. Napipirmi ang mga labi nito, salubong ang kilay, at may talim ang tingin. Tila ba galit sa mundo.Napataas ang kilay niya. Ito pa ang galit samantalang ito ang nanggagambala sa kanya. Umismid siya at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumalik nga lang ang tingin niya sa bitbit nitong bagpack na nakasabit sa isang balikat nito. Naglayas ba ito?"Bumalik ka na sa inyo. Hindi ako tumatanggap ng bisita sa gabi," may katarayan niyang bigkas.Akmang itutulak niya ito ngunit agad nitong sinara ang pinto at sinandal ang ulo doon. Naguguluhan niya itong nilapitan."Uy." Kinalabit niya ang tagiliran nito ngunit mahina itong humiyaw na lalong nagpalalim s
Dilat na dilat ang mga ni Yvonne habang pikit na pikit naman ang mga mata ni Alaric. Pilit niyang tinitikom ang kanyang mga labi upang tigilan nito ang paghalik sa kanya. Ang mga kamay niya ay naninigas sa bawat hagod ng labi nito sa mga labi niya. Kumakalampag ang d*bdib niya. First kiss niya iyon pero napunta lang sa isang g*nggong!Nanghihina siya at tila hinihigop nito ang lakas niya. Para siyang tuod na nakaupo lang habang ito'y panay ang haplos sa bewang niya. Sandali nitong pinakawalan ang mga labi niya. Nagmulat ito ng mga mata at halos mahigit niya ang hininga sa nakikitang pagnanasa sa mga iyon. Hindi nakakatakot pero.... nakakainit."Gusto kong ma-enjoy mo ang first kiss mo pero kung hindi mo igagalaw ang mga labi mo, walang mangyayari," bulong nito.Bahagyang kumunot ang noo niya, "Ayaw ko namang magpahalik sa'yo—hmp!"Hindi man lang siya nakatapos ng pangungusap noong muling sakupin nito ang mga labi niya. Kinagat nito muli amg ibabang labi niya at saktong pagbukas ng mga
Nahigit ni Yvonne ang hininga. Gusto niyang burahin ang ngisi sa mga labi ni Alaric. Pinapahamak siya nito sa harap ni Nina.Tumikhim siya at pasimpleng tiningnan si Nina na nanliliit ang tingin sa kanya. Pero kumilos din ito at sinimulang gawin ang order ni Alaric."P-akihintay na lang sa mesa," aniya kay Alaric pero hindi ito umalis sa harapan niya.Pinirmi niya ang mga labi at pinanlakihan ito ng mga mata. Gusto yata nitong magtaka si Nina sa kanilang dalawa."Sir, ihahatid na lang po sa mesa ang order ninyo," may diing bigkas niya upang matauhan ito.Tumikwas ang kilay nito ngunit iningusan niya."Alright?" Alanganing sagot nito, kinamot pa nito ang batok na tila nahihiya.Pilit siyang ngumiti sa lalaki. Hindi niya masigawan, ramdam niya kasing pasulyap-sulyap si Nina sa kanila."Shoo, shoo, doon ka," mahinang bulong niya kay Alaric.Maliit itong nanguso bago tumalikod. Napairap siya ngunit nakahinga nang maluwag kaya lang ay nabitin sa ere ang paghinga niya noong pumihit ito muli
"H-indi po Montengero ang apelyido ko. Buenavista po ako," tanggi niya."Hindi ba? Akala ko ay Montenegro ka, Hija. Ma-berde berde kasi ang mga mata mo. Osya halika at pumasok ka na." Nilakihan pa nito ang bukas ng pinto.Napalunok siya. Namanhid bigla ang mga binti niya at parang ayaw na lang tumuloy. Natatakot siyang malaman na kamag-anak niya ang ex-girlfriend ni Alaric.Tumikhim siya at umiling nang marahan, "Hindi naman po ako magtatagal. Gusto ko lang po sanang itanong kung... nagtrabaho po ba kayo sa club dati?""Sa club? Nakahihiya man ay oo. Nakatrabaho ko pa nga si Estella. Aba'y noong isang araw may lalaking pumunta rito at pinaghahanap daw ng anak niyon—"Sandali itong natigilan at napalingon sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya. Nailang siya dahil doon."Susmaryosep! Kamukha mo ang Nanay Estella mo at nakuha mo marahil ang mga mata mo kay Sir Michael," bulalas nito.Nanlaki ang mga mata niya at maging ang ulo niya yata. Umawang ang mga labi n
"Hmm," mahinang usal ni Yvonne matapos dumiin ang halik ni Alaric sa leeg niya.Suminghap siya at umawang ang kanyang mga labi matapos nitong s*psipin ang sensitibong parte ng kanyang likod. Nagtataas baba ang d*bdib niya sa bawat hagod ng labi nito. Idagdag pa ang mapangahas nitong palad na paulit-ulit na hinahaplos ang hita niya."A-laric," namamaos niyang tawag sa pangalan nito.Para na naman siyang timang na nagpapadala sa halik at haplos nito. Ni hindi siya umiwas noong sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya. Agad pa nitong p*napasok ang dila at nakipaglaban ang dila niya roon. Sinagot niya ang malalalim nitong halik. Umikot na rin ang mga kamay niya sa batok nito at hindi nagpatalo.Halos dikit na dikit na ang katawan nila. Walang hangin ang makakadaan sa sobrang paglalapat ng mga labi nila. Unti-unti rin siyang gumagalaw sa ibabaw nito na tila iyon ang dapat niyang gawin. Damang-dama niya ang mainit na tensyon sa bawat katawan nila. Ramdam niya rin ang paggapang ng kamay ni
Hindi nakakilos si Yvonne noong magkatitigan sila ni Margarita. Para siyang nanalamin matapos makitang parehong-pareho ang kislap ng berde nilang mata. Bahagya siyang nanghina. Tumikwas ang kilay nito, marahil ay nainsulto sa pagtitig niya. Nangingnig tuloy ang labi niya na ngumiti."Mocha latte? C-omin' up," mabilis niyang bigkas bago hinila si Nina na namamangha pa kay Margarita."Gumawa ka ng Mocha latte. Sarapan mo, Nina," bulong niya rito."Ah? Ano? Kinakabahan ako, sh*t!" ani pa nito, "Paano kung hindi niya magustuhan? Modela iyan, Yvonne," tarantang paliwanag nito na tila ba napakaimportante ng customer nila. Importante naman talaga!Kinagat niya ang labi at muling sinulyapan si Margarita na papaupo sa isang mesa malapit sa pinto. Ang mga mata nito ay umiikot pa sa loob ng shop. Noong magtama muli ang paningin nila ay ngumiti na ito ng tipid sa kanya.Mabilis siyang nagyuko. Pati siya ay kinakabahan sa presensya nito. Lalapit ba siya at sasabihing kapatid siya nito? Paano naman
"Ch*kinini? Ano 'yon?" Nataranta si Yvonne at kinapa-kapa ang leeg niya.Wala siyang ideya sa sinasabi ni Nina pero sa klase ng naniningkit nitong tingin ay hindi magandang bagay iyon."Tingnan mo nga at namumula, baka mamaya maipon na ang dugo diyan! Kanino ka ba nagpalapa ah? Sa leon? Sa tigre? O sa dragon? Naku ka! Huwag kang magsisinungaling dahil hindi ako maniniwalang kagat lang iyan ng dinosaur!" tuloy-tuloy na bigkas nito habang pilit lumalapit at sinisipat ang leeg niya."Halik iyan ng lalaki!" bulalas nito na muling nagpalaki sa mga mata niya.Dumagundong ang d*bdib niya sa kaba. Biglang nag-play sa utak niya sa kung paanong madiin na halikan ni Alaric ang leeg niya at s*psipin.Napasinghap siya at tinakpan ang buong leeg niya gamit ang mga kamay. Nag-iwan ng marka ang ginawa nito?!"Yvonne, kaya ka pala tanong nang tanong sa one-night stand ah? Kumekerengkeng ka na pala gabi-gabi," daldal pa ni Nina.Hindi niya pinansin ang kaibigan. Kinakabahan niyang kinuha ang bag niya a