"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"Lumayas ka na ditong bata ka! Isang taon kayong hindi nagbayad sa akin!" sigaw ng landlady nila."Manang Rose, hahanap na apo ako ng pera bukas. Huwag niyo lang po akong palayasin ngayon. Wala po akong ibang mapupuntahan." Pinagkiskis niya ang mga palad sa harap nito. Kulang na lang ay lumuhod siya huwag lang siya nitong palayasin. Wala na siyang mapupuntahan. Walang kakilala sa ibang kamag-anak nila."Naku, Yvonne. Simula ng mamatay ang Lolo mo, pinagbigyan na kita! Pinaabot mo pa ng isang taon ang utang ninyo! Aba, may pamilya din akong pinapakain, kailangan ko ang pera!" Winaksi nito ang kamay niya at tinulak pa siya palayo sa kahoy na bahay.Naninikip ang dibdib ni Yvonne. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito. Hinawakan niya ang palda ng Ginang ngunit muntik pa siyang lumipad sa ere sa sipa nito. Sumubsob siya sa lupa. Ni walang nagtakang tumulong sa kanya sa mga kapitbahay nila."Lumayas ka na ngayon, Yvonne. Huwag mo ng hintayin pang magdilim ang paningin k
Matagal na tinitigan ni Yvonne ang sarili sa harap ng salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng magarang damit. Kumikinang ang bawat beads ng kulay rosas na gown. Hapit na hapit iyon sa kanya. Kahit chubby siya, nasa tamang pwesto ang bawat kurba niya. Pero kahit nakasuot siya ng magarang damit at naka-make-up ay kinabahan siya. Eighteen years old pa lang siya ngunit nakatakda ng ikasal. Malayo sa pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang pagpipilihan, mas gusto na niya ito kaysa matulog sa lansangan.Pag-angat ng tingin ay kuminang ang pagkaberde ng kanyang mga mata sa tama ng ilaw. Madalas siyang tuksuhin sa mga mata niyang iyon. Tinatawag pa nga siyang halimaw. Hindi iyon katulad sa kanyang Lolo Isko na itim ang mga mata. Ang sa kanya ay malalim ang berde na aakalain mong itim kung hindi sisinagan ng araw o ilaw. Pansinin iyon kapag nakabilad siya sa araw. Wala naman siyang pakialam noon kung bakit berde ang mga mata
After 5 years"May lead ka na?" tanong ni Yvonne sa kanyang private investigator. Mura lang iyon kumpara sa iba. Baguhan pa, pero umaasa siyang may mahahanap ito kahit katiting."Miss Yvonne, ano, wala pa akong lead sa pamilya mo—""Jeffrey, naman! Hindi kita binabayaran ng libo-libo para lang sa wala!" putol niya sa sinasabi nito."Miss Yvonne, naman," panggagaya nito, "Sampong libo pa lang binayad mo. Kulang pa iyon para sa mga gasgas ko pagkatapos kong suyurin itong eskinita," protesta nito.Napataas ang kilay niya. Kailangan lang naman niya ng isang lead. Kahit isang tao lang, tapos siya na ang mag-iimbestiga."So ano, may nahanap ka?""Limang libo muna," hiling nito."Hindi ako nakikipaglokohan, Jeffrey. Tatanggalan kita ng trabaho o magsasabi ka na—""Oo na. May nahanap na ako. Dating katrabaho daw ng Nanay mo sa club. Hostess din. Matalik yatang kaibigan. Kaso mahirap kausapin. Matanda na. Ilang ubo na lang din yata ang natitira nito sa mundo."Sa lahat ng sinabi nito ay isa la
"Ah? Kasal?!" hindi mapigilang bulalas ni Yvonne.Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi sa sinabi nito. Hindi niya sigurado kung nabingi lang ba siya o ano."Shh. Lower down your voice, Missy. This is an agreement between the two of us only. I don't want other people to know this," bulong nito.Simple pa itong sumandal sa counter at nagyuko nang kaunti, tinatago ang mukha sa mga customer.Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang d*bdib. Nakapa niya roon ang engagement ring nila noon na ginawa niyang kwintas. Hindi siya makapaniwalang niyaya siya ulit nitong ikasal. Five years ago ay tinanggian siya nito, pero heto at gusto pang maging mabilisan ang kasal nila.Pinasingkit niya ang mga mata. Pinagmasdan niya ang lalaki kung seryoso ba ito. Wala siyang makitang biro sa mga mata nito. Pero paano siya papayag gayong may pera na siya? May pambili na siya ng pagkain at may apartment na. In short, hindi na niya kailangan ang yaman nito."You mean, as in wedding? Are you kidding
"Ano'ng sabi mo?" Nanliit ang mga mata ni Yvonne kay Alaric.Saan ba nito kinukuha ang kakapalan ng mukha at ganito ito umasta sa kanya? Pagod na ba ito sa paghahanap ng mga babae?Mapanganib itong ngumisi bago siya tinangay papasok sa mismong apartment niya. Ito pa ang nagbukas ng ilaw na para bang kabisado nito ang bahay."Since we're getting married—""Hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo," madiing putol niya sa pag-a-assume nito.Marahas niyang tinulak ang matipuno nitong braso palayo sa kanyang bewang. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Humalukipkip siya at pinagkaluwang ang bukas ng pinto ng apartment niya."As far as I know, you don't like me since I am too innocent for you," mapait niyang ulit sa mga sinabi nito noon sa kanya.Akala ba nito makakalimutan na lang niya basta iyon? Bumaba ang self-esteem niya at confidence noong tanggian siya nito. Kakabawi pa lang niya sa kakapalan ng mukha pero heto at nanggagambala na ito."But you're not innocent anymore," makahulugang
Nagtiim bagang si Yvonne. Mahigpit ding kumuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis kay Alaric. Gigil na gigil siya sa pangba-blackmail nito. Bakit ba hindi na lang siya nito lubayan?!"Hm, is that a no deal? Fine. I will call someone to turn your business—""Don't!" malakas niyang pigil noong tinaas nito ang sariling cellphone.Tumikwas ang kilay ni Alaric. Tila naghihintay sa desisyon niya at handang tawagan ang kung sino kapag hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Hiningal yata siya sa inis. Ano bang laban niya rito? Marami itong koneksyon at kayang totohanin ang banta nito."Fine. Payag na ako," mahina at labag sa loob na pagpayag niya."Huh? Are you saying something? Wala yata akong narinig," kunwaring inosenteng pang-aasar nito bago nagtipa sa cellphone.Napapikit siya nang mariin upang pigilan ang inis niya sa lalaki. Agad din siyang nagmulat at mabilis na inagaw ang cellphone nito noong akmang ilalagay nito iyon sa kanyang tainga. Nanlaki ang mga mata niya
"I think this is long overdue," namamaos na bulong ni Alaric.Napapikit si Yvonne at napasandal sa d*bdib nito. Nanginginig ang tuhod niya't kamay. Bago ang pakiramdam na iyon na pinaparamdam ni Alaric sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang init at pagka-uhaw."It took me five long years to finally claim you," bulong pa nito.Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ang atensyon niya ay nakapokus sa malaking palad nito na nasa kanyang d*bdib. Gumagawa ng galaw na nagpapawala sa kaniyang paghinga. Tumahip ang d*bdib niya noong dumiin lalo ang kamay nito roon. May kakaibang hatid sa kanyang k*ibuturan ang mainit nitong palad. Naipagdikit niya ang mga hita noong maramdaman ang kiliti sa kanyang puson. Naglakbay ang init sa kanyang buong katawan at tila kinukuha ang buong lakas niya.Alam niyang dala na nito ang buong bigat niya. Gusto niyang umahon mula sa pagkakasandal rito ngunit nanghihina ang bawat buto niya sa haplos nito. Umawang ang mga labi niya noong maramdaman ang p