Share

Ms. Topakin Meet Ruthless Mafia Boss
Ms. Topakin Meet Ruthless Mafia Boss
Author: lady E

Introduction

“Paging Doctor Santi please proceed to the operating room it's an emergency." Narinig kong tawag sa akin kaya kahit gutom ako nagmadali akong pumunta sa emergency room.

Marami akong nakasalubong na bumabati sa akin lalo na ang mga kalalakihan na panay ang pa cute sa akin.

Pero dahil gutom pa rin ako, deadma sila sa akin. Puyat na nga gutom pa, anong klaseng buhay 'to?

Bakit ginusto mo 'yan self kaya magt'yaga ka! Kainis talaga bakit ba kasi ito ang kinuha kong kurso?

Well I love my work because this is my dream. Pero minsan nakakasawa at nakakapagod din kaya hindi ako nagtatagal sa isang Hospital.

Tulad na lang ngayon, 'andito ako sa kilalang Hospital ng Hongkong sobrang hirap makapasok dito pero dahil maganda ako hindi nila ako matanggihan.

Biro lang pero basahin niyo ang blurb kong gaano ako ka ganda maniniwala na kayo.

Ako nga pala si Doctor Santiara Gomez, 28 years old, maganda, matalino at higit sa lahat napakabait. Isang sikat na manunulat din pala ako sa Social Media. Huwag na kayo magtanong kung papaano ko pa na ma-manage ang magsulat dahil kahit ako 'di ko rin alam kung papaano. By the way I'm single rin pala ang willing to mingle. Sa tanda kong ito I'm proud to say that I am still a virgin and NBSB ako.

Muntikan pa akong matalisod kamadali ko. Bago ako pumasok sa emergency room nnagsuot mo na ako ng gown at naghugas ng aking mga kamay.

Mahigit Apat na oras ako sa loob ng OR at masaya ako dahil may nailigtas na naman akong buhay. Paglabas ko sa OR dumeritso na ako sa pagro-rounds sa mga patients ko.

“Hi Doc beautiful how was day?" tanong ni Doc. Alden sa akin na half Filipino at half Japanese na tulad ko.

“Tiring but happy," nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Iyan ang gusto ko sa'yo eh, positive vibes palagi. kahit kailan 'di pa kita nakitang nakasimangot well unless na lang kung may umaaligid sa'yo para manligaw."

“I know right, don't blame me dahil hindi naman napipilit ang love at hindi ko pa nakikita ang love of my life ko. Siya nga pala Doc. Alden, uuwi ako sa Pinas so sa'yo ko itu-turn over ang mga patients ko ah.”

“For good ka na doon?"

“Nope! You know naman na hindi ako napapakali sa isang Lugar eh, gusto ko lang magbakasyon so it's a deal na ha sa'yo ako mag tu-turn over ng mga patients ko."

“Hindi mo naman ako tinatanong eh kaya may magagawa pa ba ako? Pasalamat ka at mahal kita eh."

“Thank you Doc. Alden. I gotta go na dahil may aasikasuhin pa ako bago pumunta sa Pinas," paalam ko rito at nagmadaling maglakad paalis dahil alam ko na naman kung saan mapupunta ang usapin namin.

Pagdating ko sa bahay, ako na ulit ang dating babae na nakakatakot, ma-ilap at tahimik na taliwas sa babaeng nagtatrabaho sa Hospital na masayahin, palangiti at kalog.

“I'm going to the Philippines this week at ayaw kong aalis ako nang may problema kaya ngayon pa lang sabihin na sa akin ang mga kailangan," sabi ko na taas ang noo at dala ang nakakatakot na aura.

“Wala pong problema Young Lady at kami na po ang bahala rito," sabi ng kanang kamay ng aking Ama no'ng nabubuhay pa ito.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita, “That's it for now," sabi ko bago tumalikod at naglakad palabas sa opisina namin dito sa mansion while ang mga tauhan ko naman ay lumuhod habang nakayuko ang mga ulo tanda ng paggalang sa akin.

“Welcome back Young Lady!” bati sa akin ng tauhan namin dito sa Pinas na siya ang sumundo sa akin sa airport sabay yuko.

Taas noo akong naglakad at dumiretso sa kotse.

“Welcome back to me, it's been a long time since I last visit here in my Aunt home town."

Noong depressed ako ang Tita Aurora ko ang naging takbuhan ko sa lahat ng oras. Siya ang laging nakagabay sa akin since I was Fifteen years old, napagod na siyang magpabalik balik sa Japan kaya ako ang dinala niya rito sa Pinas and I was Twenty years old when she had a heart attack.

Eight years na rin pala at malaki na ang ipinagbago rito. Dumaan muna ako sa cementeryo para dumalaw sa Tita ko bago dumiretso sa napakalaki niyang bahay but I don't want to stay in her house kahit sa akin niya ipinamana ang lahat ng ari-arian niya.

Nagpahanap ako sa isang butler ko ng condo na matitirhan ko habang nagpapahinga rito sa kuwarto ko. Inikot ko ang paningin at walang ipinagbago, malinis din dahil hindi naman nawalan ng mga katulong dito kahit wala na si Tita dahil may kaniya-kaniyang ATM ang lahat at naka secured na ang sahod nila monthly.

I miss you so much Tita, I feel incomplete and lonely whenever I'm here in your mansion kaya sana maunawaan mo na hindi ko pa kayang tumira rito.

Nagising ako nang biglang may kumatok sa kuwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagbukas ko ng pinto ang butler ko ang bumungad sa akin.

“Young lady, your dinner is ready and I already found a condo that you're asking for." Yumuko muna ito bago nagsalita.

“Thank you! And one last thing, please call all the Butlers and Maid's I have something to announce."

“Copy Young Lady!" Yumuko ulit ito bago tumalikod sa akin at naglakad pababa.

Naligo ako bago bumaba at naratnan ko silang lahat sa sala. Nang nakita nila ako, sabay sabay silang yumuko tanda ng paggalang nila sa akin.

“Oh, I thought kakain muna for dinner but since all are here na naman, let's start." Nakita kong kinabahan silang lahat kaya napatawa ako.

“May nakakatakot ba at parang namumutla kayo?"

“Ma'am, wala po kaming ibang mapupuntahan lalo na ako dahil 67 years old na po ako," malungkot na paki usap ng Mayordoma sa akin.

Natawa ako sa mayordoma na tumanda na lang at hindi na nakapag-asawa dahil sa pag-alaga nito sa Tita ko.

“I am not going to terminate you guys so cheer up. Pakiramdam ko kasi magtatagal ako rito so I have something to discuss. First, please all the butler's stop following me. Second, pretend that you don't know me whever you see me in any circumstances. Third, don't bow and call me Ma'am nor Young Lady starting from now on. Did you guys understand me?"

“You—I mean, Santiara hindi po puwede ang paki usap mo. Sino na lang ang mag-aalaga sa'yo? Ang magluluto pa ra sa'yo? Maglalaba pa ra sa'yo?" singit ng isang katulong na may edad na rin.

“Hindi ako nakiki usap kun'di nag-uutos ako! Narinig ba ninyo akong nakiki usap sa inyo?" seryoso kong tanong kaya natakot ulit sila at yumuko. Natawa naman ako kaya napatingala ulit sila.

“Let's eat I'm hungry! Did you cook my favorite Adobo Manang?"

“Opo Miss Santiara," nakatawang sabi nito sa akin.

“Stop your “opo" Manang dahil mas matanda ka pa sa akin and stop calling me Miss, Ma'am, Young Lady just simply Santiara or Iha. Okay po ba 'yon Manang?"

Bumuntong hininga muna ito bago ako sinagot, “Sige na, umupo ka na at kumain ka na Iha dahil alam kong gutom ka na."

“See? Mas magandang pakinggan Manang," nakatawa kong sabi rito na ikinangiti naman nito.

Tinatamad na akong lumipat sa bago kong Condo kaya umakyat na ulit ako sa taas at humiga pero hindi pa rin ako inaantok dahil 9 pm pa lang ng gabi kaya bumaba ulit ako at niyaya ang tatlo kong butler na makipag one on one combat, ganito ang libangan ko kapag 'andito ako, exercise na rin.

“Ang galing mo pa rin Ma'am, wala pa rin kupas dahil kahit tatlo na kaming kalaban mo hindi ka pa rin namin magawang talunin," reklamo ng isang Butler na nakahawak pa sa tiyan niyang tinamaan ko ng suntok.

“Ang sabihin ninyo, hindi kayo lumalaban nang patas at pinagbibigyan lang ako," nakasimangot kong sabi sa kanila pero ang totoo, hindi man lang talaga ako pinagpawisan.

“I'll go upstair na guys, gamutin niyo na ang sugat niyo," paalam ko sa kanila bago tumalikod at naglakad paakyat papuntang kuwarto.

Naligo muna ako bago humiga sa kama at bahala na ang bukas. Actually, wala pa talaga akong plano kaya hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa akin dito sa Pinas but for now, I need to sleep para may lakas para bukas.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
astig Naman Santi yan
goodnovel comment avatar
Ângela Rodrigues Pereira
Starting to read ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status