Share

Confused

Kinabukasan na ako nakapasok sa Hospital at hindi na pumayag si Dominick na hindi niya ako ma-ihatid. Bumaba 'agad ako sa kotse nito para hindi na siya sumama sa akin papasok sa loob.

“Good morning Doc. Santiara." bati sa akin nang Tatlong Nurse na nakasalubong ko.

“Morning rin sa inyo," masayang bati ko rin sa kanila. Dumaan muna ako sa Nurse station para makibalita at inalam ang mga dapat kong ma check mamaya sa rounds ko.

Habang ka-usap ko ang mga Nurses dahil nakipag kuwentuhan lang ako saglit ay may bigla na lang pumulupot na mga braso sa beywang ko na ikinatahimik naman ng lahat na parang may dumaan na angel.

“You walk so fast Love, hindi mo man lang ako hinintay." sabi nito sa akin sabay halik sa batok ko.

Ang lahat ng mga Nurs na ka-usap ko kanina ay mga nakangiti at halatang kinikilig kaso dahil sa takot nila sa may-ari ng Hospital ay patago lang ang kurutan nila sa isat-isa.

“Why you're here? Akala ko ba nagmamadali ka?" tanong ko rito sabay tanggal sa mga braso niya na naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status