Habang mahimbing na natutulog si Ayla, si Marcus naman ay di mapigilang titigan ang mukha nito. Ang mga pilikmata nitong mataas at maganda ang pagkakurba, matangos na ilong, mga pisnging natural na nagkukulay rosas kapag nababad sa sinag ng araw, at mapupulang mga labi na may perpektong hugis. Halata sa magandang mukha nito ang pagod at puyat. Ilang ulit na niyang sinabi dito na huwag magpuyat sa trabaho lagi dahil pwedi naman gawin ulit kinabukasan pero hindi talaga ito nakikinig. Isang linggo din itong inuumaga ng uwi katulad sa nangyari kanina. Kung wala ito sa opisina ay nagpapatrol naman ito sa border ng Amaruq. Ani nito`y mawawala siya sa trabaho sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan kaya kailangan niyang pagtrabahuan ang mga araw na mawawala siya.
Sa kakatitig ni Marcus kay Ayla ay nadala na rin siya ng antok. Puyat din kasi siya dahil inumaga din siya sa pagpapatrol doon sa East Border ng Amaruq kung saan kulang ang mga nagbabantay. Nagising lamang siya ng mamataan niyang nakatigil na ang karwahe at kinakatok na ni Bowie ang nakasarang bintana.
“Alpha, nasa bukana na po tayo ng gubat. Pinagpahinga ko na rin muna ang mga kabayo tsaka tangahali na rin, gutom na ako,” sabi nito at pumunta sa likuran ng karwahe para kuhanin ang mga dala nilang pagkain.
Gumalaw si Marcus para sana gisingin si Ayla pero bigla siyang napatigil. Sumakit bigla yung likod at balikat niya, halos limang oras din siya sa ganoong posisyon kaya hindi na kataka takang may sumasakit sa kanya. Ginalaw ni Marcus ang kaniyang kanang kamay para sana gisingin si Ayla pero nagising nalang itong bigla dahil sa lakas ng katok ni Bowei sa bintana ng karwahe.
“Ano pabang ginagawa niyo jan Alpha? Labas na, gutom na ako, hinanda ko na rin ang mga pagkain.”
“Foodsss?!” nasasabik na tanong nito.
Dali daling binuksan ni Ayla ang pintuan at tumakbo papunta kay Bowie kung saan kaharap na nito ang mga pagkain.
“Kahit kailan talaga ang takaw ninyong dalawa,” dahan dahang bumaba si Marcus sa karwahe at naglakad papunta sa kaniyang mga kasama habang nag stretching para mawala ang sakit sa kaniyang balikat at likod. “Ikaw naman Bowie, mas nauna kapang kumain eh ang dami nga ng kinain mo kanina sa pack house. Kayong dalawa talaga ang dahilan kaya hindi inaabotan ng isang linggo ang food supply doon sa pack house eh.”
Umupo si Marcus sa kabilang dulo ng tela at nagsimula na ding kumain habang pinipilit ang sarili na intindihin ang mga sinasabi ni Bowie.
“Nhakrakrapagord na..n khassi ang mag …ol sa st rder. Kailangan k.ng ku..in para may .akas ahrmmm… shhaarraappp,” sagot naman nito habang subo parin ng subo ng pagkain.
“Eat or talk. Pick one,” sermon ni Marcus kay Bowei.
“Yhhesssshhhh Shheerrrrr. Hmmmm shhaaraaappp!!!” Sagot naman nito.
Habang pinapagalitan ni Marcus si Bowei, si Ayla naman ay naka focus sa pagkain ng kaniyang mga paboritong desserts. Hindi siya makapili kung alin sa sa limang desserts na nasa harapan niya ang kaniyang kakainin kaya kumuha siya ng tigkakalahati nito at nag eenie meenie miney moe para malaman kung alin sa mga iyon ang una niyang kakainin.
Kung may nakakakita lang sa kanila, para silang naglalaro ng eating contest at si Marcus ang tagahatol nila. Si Bowei na kung kumain ay para na siyang kakatayin kinabukasan yung parang huling kain na niya at si Ayla na nakatuon ang buong atensyon sa hinating desserts na malapit ng maubos. Napaisip si Marcus na mabuti nalang at marami siyang pinaluto sa cook ng pack house, at mas mabuti na rin na may pinadala itong extra nang malaman nito na kasama nila si Bowei sa paglalakbay papunta sa Wolvendom Pack.
Hindi pa nakakalipas ang bente minutos pero halos maubos na ni Bowei yung dala nilang mga pagkain. Mabuti nalang at nagkaroon pa ng kunting kahihiyan ito at naglaan ng pagkain para sa kaniyang Alpha na kalaunan ay binalak pa niyang patagong bawasan pero nakita siya nito at ayun, nasipa paalis sa kaniyang kinauupuan.
“Ang takaw mo talagang bata ka. Hindi ka naman namin ginugutom ah,” magkasalubong ang kilay at pagalit na sabi ni Marcus kay Bowei habang nilalagay ang pagkain niya sa kaniyang harapan, yung hindi na maaabot ng mga kamay nito.
“Ang damot mo Alpha, kunti lang naman eh.” Pagdadahilan ni Bowei na may halong sumbat habang tumatayo at inaalis ang dumi sa kaniyang damit.
“Ako pa ang madamot eh ikaw nga ang may pinakamaraming nakain dito, nagkamali ata ako sa pagpayag na sumama ka papuntang Wolvendom.” Pakikipag away pa rin ni Marcus kay Bowei. “Wag kang lalapit dito, sasamain ka sa akin,” banta ni Marcus nang makitang lumalapit si Bowei sa kanya.
Para namang walang narinig si Bowei at patuloy pa rin na lumalapit. Nung akala ni Marcus na sa kanya patungo si Bowei, babatuhin sana niya ito ng kutsilyo pero nahinto siya ng makitang patungo ito kay Ayla na kumakain pa rin.
“Ayoko sayo Alpha, madamot ka. Dito nalang ako kay Captain kasi mabait siya, hindi niya ako pagdadamutan,” umupo ito sa harap ni Ayla at kukuha na sana ng cookies ng may tinidor na biglang lumitaw at nakatutok sa kanya.
“Get one and you`ll be dead.”
Sakto na ang sinabi ni Ayla para mapatayo si Bowei at lumayo dito. Para siyang kinilabutan bigla at nanlamig.
“That`s what you get for being such a glutton,” Asar ni Marcus sa halatang takot na si Bowei. “Ayusin mo na ang mga kabayo, aalis na tayo pagkatapos kumain ni Cely.”
“Hoy! Saan ka pupunta? Sabing ayusin mo na ang mga kabayo eh!” Sigaw ni Marcus ng makitang pumapasok sa gubat si Bowei.
“Saglit lang Alpha, kukuha muna ako ng prutas para may makain tayo sa daan mamaya!” Sigaw naman nito pabalik.
Napailing nalang si Marcus. Pinapakain naman niya ng mabuti ang mga pack warriors niya pero kung umasta si Bowei ay parang ginugutom niya ang mga ito.
Si Bowei Clark Ginart ay isa sa mga delta commanders niya, ito ang nag hahandle sa 2nd division at ito din ang pinakabata. Nang malaman nitong pupunta siya sa Wolvendom ay nagpumilit ito na sumama at ito pa ang nag presenta na kukuha sa karwahe at magiging kutsero nila. Magaling itong makipag laban, kaya nga ay na promote ito bilang commander ng 2nd division. Sumasakit lang talaga ang ulo niya dito kapag pagkain na ang usapan. Kung hindi si Ayla ang kaaway nito sa pagkain ay yung ibang mga delta naman sa kadahilanang nang aagaw nalang ito bigla ng pagkain at tatakbo agad.
Halos bente minutos nang nawawala si Bowei at nagawa na ring iayos ni Marcus ang mga kabayo sa karwahe. Si Ayla naman ay naglalakad lakad habang umiinom ng tubig pagkatapos nitong ayusin ang mga pinag kainan nila at nilagay pabalik sa likod ng karwahe sa tulong ni Marcus.
Naiinip na si Marcus sa paghihintay at nag aalala na rin. Baka kasi ay pumunta ito sa gitna ng gubat at may nakatagpong kaaway. Susundan na sana niya ito ng makita niyang lumabas ito sa daan na siyang pinasukan din nito kanina.
Nang malapit na ito sa karwahe ay dali daling nilapitan ito ni Marcus at binatukan sa ulo.
“Aray! Para san yun?” Nagtatakang tanong ni Bowei habang nakahawak sa parte ng ulo kung saan siya nabatukan ni Marcus.
“Sabi mo kukuha ka lang ng prutas at sandali ka lang. Inabot ka ng twenty minutes sa loob tsaka nasaan ang mga prutas wala ka bang nakita doon?” Pagalit na sagot ni Marcus na kalaunan ay nagtaka ng makitang wala itong dala.
“Ah yun ba? May nakita ako, madami nga eh pero nagutom ako bigla, kaya kinain ko pabalik dito,” Mayabang pa na saad nito sa tanong ni Marcus.
“Aray! Nakakadalawa kana Alpha ah.”
Dahil sa narinig na sagot galing kay Bowei ay di napigilan ni Marcus na batukan ito sa ulo ulit.
“Sumakay kana sa karwahe, aalis na tayo. Tatawagin ko na muna si Cely,” Utos ni Marcus kay Bowei habang naglalakad papunta kay Ayla na ngayon ay naka upo na sa isang malaking bato.
“Cely, let`s go. We need to pass through this forest while the sun is still up. Magkakaroon tayo ng malaking problema kapag naabutan tayo ng dilim sa loob, hindi natin alam kung sino ang magiging kalaban natin. As much as possible I want us to get to Wolvendom unscratch.”
“Kanina pa akong handang umalis, san ba kasi galing si Bowei? Mababatukan ko talaga ang batang yan. Nakuuuu!” Nanggigigil na sagot ni Ayla at tumayong bigla para maglakad papunta sa karwahe.
Tinutoo nga ni Ayla ang sinabi niya. Pagkarating niya sa karwahe ay umakyat ito sa kung saan naka upo si Bowei at binatukan din sa ulo pagkatapos ay bumaba agad at pumasok sa loob. Si Bowei naman ay walang nagawa kundi ang hawakan ang parte kung saan siya nabatukan.
Si Marcus naman, imbes na pumasok sa loob ay umakyat ito sa kung saan naka upo si Bowei.
“Cely, hindi natin alam kung ano ngayon ang nasa loob ng gubat. Mas mabuti na dito na muna ako sa labas para malaman ko agad kung may kalaban na paparating o susugod. Matulog kana muna ulit jan sa loob, gigisingin ka nalang namin kapag nakarating na tayo sa border ng Wolvendom.”
Walang nagawa si Ayla kundi ang sumang ayon nalang sa mga sinabi ni Marcus. Inaantok pa rin kasi siya at wala ring silbi kapag siya ang tumabi kay Bowei kung ganitong hinihila na siya ng antok.
Hindi kagaya kanina, mas mabilis na ang pagpapatakbo ni Bowei sa karwahe. Hindi na rin kasi malubak ang daanan sa loob ng gubat kaya okay lang. Hindi sila pweding magtagal sa loob lalo na ngayong may napapabalitang may nang aambush na galing sa dark kingdom. Malawak ang gubat, may mga parte na sobrang lalaki ng ng mga puno na kahit ang sinag ng araw ay hindi na masyadong makapasok.
Hindi ganito ka dilikado ang gubat na ito noon, nagsimula lang talaga silang mas magdobleng ingat dahil sa biglaang pag atake ng mga taga Dark Kingdom na hanggang ngayon ay hindi pa nila alam ang buong dahilan. Isa rin ito sa dahilan ni Marcus kung bakit pupunta siya ng Wolvendom. Kailangan niyang maka usap si Aidan hinggil sa bagay na ito.
Throughout their travel inside the dark and vast forest, Marcus and Bowei were alert. Their eyes always look beyond the trees. Even the sound of birds from the back of the carriage is enough for Bowei to make the horses run faster.They are not afraid to fight, it`s what they always do and has been a part of their everyday life. Marcus just wants them to arrive at Wolvendom without any trouble and delay. And it`s not just the citizens of the Dark Kingdom that he is trying to avoid, there are also rogues and vampires that hunt for preys around this forest.It was sundown when they finally arrived at the entrance and border of the Wolvendom Pack. Marcus did what he said earlier, he woke Ayla up and said that they are at the entrance of the Wolvendom.The Deltas who were guarding the entrance welcomed them and even took them to Ayla`s home. Now, Ayla, together with Marcus and Bowei are at the front door waiting for someone to open it after knockin
Pagka alis ni Ayla sa sala, si Marcus at Bowei naman ay hinatid ni Michael sa guest room kung saan ito matutulog. Malaki ang kanilang bahay, meron itong siyam na kwarto. Isang Masters bedroom, kwarto ni Aster, kwarto niya, kwartong ginagamit ng kanilang katulong sa bahay, tatlong guestroom, ang natitirang dalawa naman ay Opisina ng kanilang ama at ang isa naman ay ang library.Tig isang guestroom si Bowei at Marcus. Tatanggi pa sana si Marcus na tig isang kwarto sila ni Bowei pero hindi pumayag si Michael. Okay lang sa kanya na sa iisang kwarto lang sila. Nahihiya pa nga ito sapagkat pumunta lang sila na walang pasabi at ito, nakaka distorbo pa sila.Plano nga niya ay pagka hatid nila kay Ayla sa tahanan nito, pupunta sila sa sentro ng Wolvendom kung saan naroroon ang mga bahay-panuluyan pero ito nga at dito na sila pinatuloy ng mga magulang ni Ayla.Pagkatapos silang maihatid ay bumalik na si Michael sa kusina para tulungan ang kaniyang asawa sa paghahanda ng h
“Ayla? May kailangan kaba?” tanong ni Aster pagkapasok ni Ayla sa kaniyang kwarto, habang nakatingin sa kwaderno na sinusulatan niya ng mga schedules niya sa araw-araw.“About your perfume? Where did you buy it?” tanong ni Ayla agad pagkapasok pa lang niya sa kwarto ni Aster.“Perfume? What perfume are you talking about?” takang tanong ni Aster.“Strange, I can`t smell it from you anymore. Can I look at the ones you have here?” Naguguluhang sabi ni Ayla kaya pumunta siya sa vanity table ni Aster at inisa isang tiningnan ang mga pabango pero wala doon ang hinahanap niya.“I took a very quick shower maybe that`s the reason why you can`t smell it on me anymore. I`ve visited the flower shop this afternoon before I went here, maybe you smelled the flowers on me.”“Awwww. That`s a little disappointing.” Malungkot na saad ni Ayla.“Is that all what you came here for?&rdqu
Pagkalabas sa Plaza de Ciel, tsaka pa lamang pumasok sa isipan ni Ayla na wala nga pala siyang sasakyan pauwi. Imbes na maglakad sa ilalim ng mainit na araw, pumunta si Ayla sa malapit na kakahuyan at nag shift sa kaniyang wolf na si Zira.“Yehheeeyyy!!! Sa wakas at nakalabas na rin. Namimiss ko nang tumakbo.” Masayang sabi ni Zira habang tumitingin sa paligid at tumatakbo ng mabilis.“Ayaw ko kasi maglakad, masyadong mainit ngayon. Tsaka mas mapapadali ang pag uwi ko kapag ganito. Exercise mo na rin para naman hindi ka kalawangin. Hahahahaha”“At sinong may kasalanan kung bakit halos isa o dalawang beses lang sa isang buwan ako nakakalabas aber? Babaeng to, ang laki na ng kasalanan mo sa akin ah.” Pagalit na may halong tampong sumbat ni Zira kay Ayla.“Sorry naman. Mas madami kasi ang trabaho ko sa loob ng pack house kesa ang mag patrol sa border. Tsaka hindi ko naman kailanga
“This is it pancit! Good morning world!” Masayang bati ni Ayla pagkagising na pagkagising niya. She`s finally 21 years old. Hindi niya alam kung excited ba siya o natatakot. Hindi lahat ng werewolves nahahanap agad ang kanilang mate pag tungtong sa naka laan na edad. Ang iba, inaabot ng taon ang iba naman hindi talaga. Maraming mga dahilan kung bakit ang iba ay hindi nahahanap ang mate nila. Ang pinaka common na dahilan ay namatay ito o wala ito sa kanilang mundo. Hindi bago sa kaniya ang kaso ni Aster at Aidan. Yung mga werewolf na nagpakasal sa hindi nila mate. Ang pinag tataka lang talaga niya noong una ay kung bakit magpapakasal si Alpha Aidan sa hindi niya mate, at kung bakit hindi niya hinanap ito. Hindi nga ba? Imbes na isipin pa ang sitwasyon ng kaniyang kapatid ay bumangon na si Ayla at pumunta sa banyo para mag ayos. Napag usapan kasi nila kagabi na ang handaan sa kaarawan niya ay gagawin sa umaga hanggang tanghali. Ayaw sana
The small door opens,and Aster, together with Penelope and Michael, walked towards the altar. Aster cannot hide her emotions; she is so elated that she started to cry.Aidan,on the other hand, cannot explain how he feels. He is happy but there is something else, he can`t explain what it is. He looks at Aster happily. She has always supported his decisions. They were each others anchor.He sometimes thinks that maybe the reason why Aster lost her mate was because they are really meant to find each other. He once went to the pack witch to ask about his mate but the witch found nothing. She said that his red thread of fate was unusual. She couldn’t find the other end no matter how long she looks at it, it was endless.He couldn’t believe what he had heard so he went to another witch that he knew, their answer was the same. That leads him to the conclusion that he is mateless. If there was even a small hope that he has a mate, he was willing to wait no m
A few minutes later, after Marcus and Ayla arrived at the reception, dinner was served. As much as Ayla wanted to eat her favorite desserts, she can`t. Not with this amount of people around her. Bowei on the other hand, surprised her, she can`t believe her eyes. Bowei is eating slowly and with a little food on his plate. He really knows when to put his glutton self aside.Habang kumakain sila at ang mga bisita, may kumakanta para aliwin sila. Maganda ang boses nang babaeng kumakanta at nararamdaman mo talaga na ang bawat liriko na lumalabas sa kaniyang bibig ay galing sa puso. Alam na alam niya kung paano kunin ang atensyon ng mga tao para makinig sa kanya.Pagkatapos nilang kumain ay nagbigay ng speech si Penelope at Michael, ganoon din si Lucine at Gilbert para sa kanilang mga anak na si Aster at Aidan. Nagbigay din si Ayla, Marcus at iba pang malalapit na kaibigan ni Aidan at Aster.Kahit gaano kasaya ang reception, hindi iyon maramdaman ni Ayla lahat.
Pagkalagay ni Ayla sa kaniyang kaliwang kamay sa lamesa, hinawakan at tiningnan ito agad ni Kamaria, pagkatapos ay sinugatan ang pinaka sentro ng palad at ginamit ang dugo para gumuhit ng isang sembolo sa palad lang din nito.“That`s strange.” Wika ni Kamaria habang nakapikit pero magkatagpo ang dalawang kilay nito.“Is something wrong?” Hindi mapigilang tanong ni Ayla.“Yeah, something is wrong. Do you know something about the red string of fate?” Nakapikit pa rin na tanong ni Kamaria kay Ayla.“I read something about that in a book before. It says that the red string of fate is what connects mates to each other. If the string is cut in half, it means that your mate had died or rejected you. That`s all I know.”Dinilat ni Kamaria ang kaniyang mga mata at tiningnan si Ayla.“What you said is correct. Indeed, the red string of fate is what connects mates to each other. From the momen