Amira's Point Of ViewKINAUMAGAHAN ay nagising ako nang maramdaman kong may mabigat na naka-dagan sa aking balakang dahilan para dali dali kong tignan kung ano 'yon. "Anong ginawa mo sa 'kin?!" Sigaw ko pagkatapos ay pinagkrus ang aking magkabilaang braso sa aking dibdib nang makita kong nakayakap sa akin si Ezrael kanina. Agad ko siyang itinulak at lumayo ako mula sa kaniya dahilan para mapa-daing siya sa sakit. "Why did you push me away? Arghh!" He groaned while rubbing his butt. "H-hala! Sorry!" Wika ko pagkatapos ay tinulungan siyang tumayo. Agad niya namang kinuha 'yong kamay ko pagkatapos ay dahan dahan ko siyang inangat upang makatayo. "You're so mean, tsk!" He uttered then gently flicked his finger on my forehead. "Uulitin ko ang tanong ko. Anong ginawa mo sa 'kin?!" Galit na turan ko. Ezra chuckled then licked his lowerlip before he speak, "I didn't do anything to you. Belive it or not, you're not my type," aniya at ngumisi pagkatapos ay iniwan akong nakatulala sa kaw
Amira's Point Of ViewHABANG ABALA ako sa pag-lilinis ay hindi ko namalayang sampung minuto na pala ang nakakalipas nang magsimula ang breaktime namin. Agad kong sinalansan ang mga gamit kong panlinis pagkatapos ay nilagay ang mga 'yon sa locker ko. Mabilis ang kinilos ko dahil kaunting oras na lang ay matatapos na ang breaktime namin. Kinuha ko rin ang baon ko sa locker at hindi na nagdalawang isip pa na kumain na lang sa loob ng department namin dahil kukulangin ako ng oras kapag sa cafeteria ako kumain. Habang nakain ako ay biglang bumukas ang pinto dahilan para ibaling ko ang paningin ko roon. Iniluwa ng pinto si Kieth na sobrang lawak ang ngiti. Tinakpan ko nag baon ko at uminom ng tubig pagkatapos ay nagsalita, "Anong nangyari? Na-promote ka, ano?" Nakangiting tanong ko. Dahan-dahang tumango si Kieth pagkatapos ay lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I'm so proud of you!!" Halos pabulong na turan ko. Inialis niya ako mula sa pagkakayakap pagkatapos ay ipinagtapat ang
Amira's Point Of View"I already apologized, isn't that enough?" Aniya habang nakatalikod sa akin. Sana nga maiaalis ng salitang sorry ang lahat ng trauma at sakit na naibigay niya sa 'kin. Napatawad ko naman na siya, eh. Pero hindi pa rin maiaalis sa aking isipan at damdamin 'yong mga masasamang bagay na nagawa niya. "Napatawad naman na kita. Pero hindi ibig sabihin no'n ay nakalimutan ko na lahat ng sakit at trauma na naibigay mo sa 'kin," wika ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pagkatapos ay dali-daling kinuha ang mga gamit ko bago ako tuluyang umalis sa area kung saan kami nakapag-usap ni Ezra. Nang makarating ako sa department namin ay doon ko pinakawalan lahat ng luha ko. Hindi naman porke't nanghingi ng kapatawaran ang isang tao ay dahilan na 'yon para makalimutan na natin ang trauma na dulot nila sa atin. Madaling magpatawad pero mahirap makalimot. Pagkatapos kong maibuhos lahat ng luha ko ay bumuntong hininga ako pagkatapos ay kinundisyon muna ang aking sarili. Gani
Amira's Point Of View Bawat patak ng aking pawis at dugo ay hindi ko ininda. Gusto kong makatakas. Wala 'man akong pamilyang uuwian ay wala akong pakialam. Halimaw; 'yan ang tanging salitang maihahalintulad ko sa taong pinagbentahan sa akin ng Boss ko. Buong akala ko ay ang halimaw na ito ang magiging sagot sa pag-ahon ko sa kahirapan subalit mali ako. Wala siyang puso!Pilit kong tinatanggal ang posas ba kasalukuyang nakalagay sa aking magkabilaang kamay subalit kahit anong lakas ang gamitin ko para matanggal ang mga kamay ko ay hindi ko magawa. Ilang beses ko nang sinubukang humingi ng tulong subalit kahit anong sigaw ko ay pakiramdam ko walang nakakarinig sa akin. Nabaling ang aking atensyon sa pintuan nang tila ba may nagbubukas ng pinto. Masyadong madilim ang buong kwarto kaya kahit anong pilit ko na aninagin ang mukha niya ay hindi ko magawa. Habang papalapit siya ay siyang pilit kong paglayo mula sa kaniya. Naka-ilang lunok na ako ng laway dahil sa kaba na aking nararamdama
Amira's Point Of ViewNAGISING AKO sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nadismaya ako dahil buong akala ko ay panaginip lang lahat. Buong akala ko, pagka-gising ko ay babalik na sa dati ang mga bagay bagay pero hindi pala. Tinignan ko ang aking palapulsuan dahil kanina pa masakit ang mga ito. Pulang pula, may mga tuyong dugo, at mayroong mga sugat. Hindi ko mapigilang huwag maawa sa aking sarili dahil sa dinaranas ko ngayon. Sobrang nahihirapan na ako. Parang kahit anong oras ay susuko na ako dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Natigil ako sa pagsipat ng sugat ko nang bigla kong maramdaman ang pagkulo ng tyan ko dahil sa gutom. Ikalawang araw ko na rito pero hindi pa ako nakakakain. Alam kong ako rin lang ang may kasalanan dahil hindi ko tinatanggap ang pagkaing ibinibigay niya sa 'kin. Nang marinig ko na tumunog at nakita kong gumalaw ang doorknob ay agad akong umatras at itinaklob ang buo kong katawan gamit ang kumot. Hindi nga ako nagkakamali. Ang lalaking halimaw ang ini
Amira's Point Of View"Sino ka ba?! Ano bang kailangan mo sa 'kin?!" Sigaw ko nang muli niya na naman akong pina-luhod sa kaniyang harapan. He laughed devilishly then grabbed my hair. "You're good in lying. I just want you to suffer because of what you did to my Brother. Fair enough, isn't it?" Nakangising aniya pero bakas sa kaniyang mga mata ang galit at lungkot. Binitawan niya ang aking buhok subalit gano'n na lang ang pag-sigaw ko nang suntukin niya akong muli sa aking tyan. Wala akong ibang nagawa kun'di ang indahin ang sakit dulot ng pagsuntok niya. Parang kahit anong oras ay mahihimatay ako dahil sa sakit. "I am Ezra. I can bury you alive 'til you rot in hell, Imelda Vasquez." Aniya pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Hirap 'man pero sinubukan kong tumayo upang kalabugin ang pintuan at sumigaw, hinihiling na papakinggan niya ako. "E-ezra! Parang a-awa mo na! N-nagkakamali ka! Hindi ako si Imelda!" Lumuluhang wika ko kahit hirap magsalita dahil masakit ang lalamunan ko. N
Amira's Point Of View "Wake up, sleepy head." Turan ko pagkatapos ay hinalikan si Nala sa kaniyang noo. Six years, anim na taon magmula nang mangyari sa 'kin ang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa 'kin. Aaminin ko, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga masasamang ginawa niya sa 'kin. Buong akala ko nga ay hindi ko gugustuhing mabuhay si Nala, pero nu'ng pinanganak ko siya, nagbago lahat. Nang marinig ko ang iyak niya at mahawakan ko siya, tila lahat ng galit, problema at takot ko ay nawala. Napangiti ako nang makita kong dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Good Morning, Mama," nakangiting aniya pagkatapos ay umupo siya sa kama at niyakap ako nang mahigpit. Niyakap ko rin si Nala pabalik pagkatapos ay niyaya siyang pumunta sa maliit naming kusina para makakain. "Pasensya ka na, Anak at heto lang ang kinaya ni Mama," pilit na nakangiting wika ko patungkol sa itlog at hotdog na nasa hapag-kainan. Kinuha ng empleyado ko ang lahat ng pera ko na nakatago at itin
Amira's Point Of ViewNANINIWALA ako na mas mabuting magbigay ng pagmamahal kaysa galit. May nakapag-sabi kasi sa 'kin na kapag may galit ka sa puso ay daig mo pa ang isang mamamatay tao. Hindi kailanman magiging mapayapa ang pag-tulog mo sa gabi at higit sa lahat, mabigat sa damdamin. Well, hindi naman porke't nagpatawad ka na ay makakalimutan mo na ang mga bagay na nagawa sa 'yo ng isang tao. Basta ang alam ko at paniniwala ko ay kapag natanggal mo na ang galit sa puso mo, hindi agad ibig sabihin no'n ay nakalimutan mo na ang trauma mo. Dahil minsan, 'yong trauma na 'yon ang nagbibigay sa 'yo ng rason para matuto. Like, alam mo na ang susunod mong hakbang once na napunta ka na naman sa sitwasyong 'yon. Nang matapos akong mag-ayos ng trolley ay agad akong umikot at naglinis ng sahig maging mag-segregate ng mga basura. Ganito naman ang madalas kong ginagawa. Nakakangalay pero worth it naman kapag nakuha na ang sahod. Lalo na kapag naikain ko ang anak ko sa paborito niyang fast food