Share

Kabanata 6

Clingy

Napakagat labi ako bago ng iwas ng tingin sa kanya. Parang nahilo ako sa mga sinabi niya.

"Uhm.. ", hindi ko alam ang idudugtong ko na mga salita sa kabang nararamdaman ko.

"Don't make me jealous, ayoko makita ng may lumalapit sa'yo", sabi pa nito at pinukol ang lalaking katabi ko kanina. Nag was ng tingin sa amin at lalo pang lumayo sa amin dahil sa takot siguro.

"And you are being rude", masama ring tingin ko sa kanya.

"Walang ginagawang masama sayo ang tao, napiupo at nakiusap lang siya sa akin not that he touched me or what. Wag kang OA", dagdag ko pa sa mga sinabi.

Napasimangot muna siya sa akin bago nagsalita at tumingin sa court dahil kinakawayan na siya ni Atlas.

"Basta wag kang kumausap ng lalake pag may luampit sayo, hindi ako mapapaway sa loob ng game baka dito", wala sa sariling sabi niya sa akin.

Tumitig siya ng matagal sa akin bago naglakad pabalik ulit. Natapos naman ang laro ng maayos at nanalo sila, kahit papapno ay masaya ang kapatid ko ngayong araw.

"Congratulations! Nanalo kayo sa laro", masayang salubong ko sa kapatid ko. Kasunod nito si Paris na nakangiti sa likod.

"Ako ang nagpanato ng team, galing ko diba?!", mayabang na sabi niya sa akin pero pabulong lang.

"Thank you, I'm sure masaya talaga yang si Atlas", nakangiti ko ring sagot sa kanya habang tinitigan ang kapatid ko na umiinom ng tubig.

"Halika na Atlas uuwi na tayo", sabi ko sa kapatid ko.

"Wait lang Ate, nagpipicture pa daw kami eh. Kuya Paris tara na", sagot nito at tumakbo na rin sa gitna para pwesto.

"Punta ka na rin doon", untag ko kay Paris na nakatayo lang sa tabi ko. Suplado itong naglakad papunta sa gitna.

Anong problema non?!

Inantay ko silang matapos sa pagpicture at ng mahagip ko si Kuya na tumabi kanina sa akin ay dali ako pumunta sa kanya at kinausap siya.

"Ah, kuya pasensya ka na kanina sa kasama ko ah. Medyo maiinit lang kasi ulo noon", sabi sabay bigay ng ngiti sa kanya.

"Oo Miss, okay lang walang problema sa akin yon", awkward na sabi niya at suklian ako ng matipid na ngiti.

"Sige, una na ako", takot na tumigin salikod ko at biglang kumaripas ng lakad.

"At pinuntahan mo pa talaga yon, crush mo ba ang lalaking yon?", sabi niya halatang iritado.

"Humingi lang ako ng pasensya sa kanya dahil sa inasal mo kanina. Takot tuloy ang tao sayo kahiy walang ginagawa", uyam na sabi ko sa kanya.

"Tsk!", suplado nitong sagot.

Pareho naming tinitigan si Atlas na papunta sa amin. Nakarating kami sa bahay ng mabilis at nag kwento agad si Atlas kina Mama at Papa.

"Ang galing ga ni Kuya Paris eh kada tira pasok talaga at siya ang pinakamatangkad, kawawa ang mg kalaban namin ang liliit", daldal ni Atlas sabay halakhak ng malakas.

"Baka naman ang Kuya Paris mo lang pinalaro mo, ikaw walang ambag", pabirong sabi ni Mama.

Napasimangot tuloy ang kapatid ko at medyo napalakas ang tawa ko kaya narinig nila. Saka naman bumaling si Paris sa akin at umirap pa.

Ano na namn trip nito? Kanina pa to sa court bago kami umuwi ah. Wag niyang sabihin galit pa rin siya dahil kinausap ko yong lalaki?!

"Galit ka ba?", tanong ko ng lumapit ako sa katabing sofa niya.

"Oo, bakit?",deritsang sagot niya sa akin.

"Ano naman ang kinakagalit mo aber?", kuryoso kong tanong sa aknya pero may alam na ako kung ano yon.

"Manhid talaga", mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin.

"Ano na yon? Paano ko malalaman kong hindi mo sasabihin sa akin? Pano ko itatama iyon?", sabi ko sa kanya at muntik na akong ngumiti ng malapad pero pinigilan ko lang.

"Naiirita ako kapag may lumalapit sayo lalo na pag lalaki", kunot noo niyang sagot sa akin hindi namn ako tinitignan.

"It's just normal, ano yon bawal ako makipag meet or makihalubilo sa ibang tao? You are so possesive. Hindi naman kita totoong boyfriend", mahinang sabi ko sa mga huling salita.

Bigla niya tuloy akong tinitigan ng masama. Pagkatapos ay hinaklit ang braso ko.

"I am your boyfriend, baka nakakalimutan mo. Gusto ko lang naman ipaalala sayo", mariin niyang sabi habang naliliyong nakatitig na sa mga labi ko.

"Wala akong naalalang boyfriend pala kita, di ako nainform ah", patuya kong sabi sa kanya ngayon.

"Well, now you know Miss Verlice.You are taken by Saint Paris De Duca your boyriend. Kung kailangan kong ulit ulitin sayo para tumatak diyan sa utak mo gagawin ko", galit niya pang sabi. Buti nalang kaming dalawa lang ang nandito at hindi masyadong malakas ang mga boses namin.

"Bakit nanliligaw ka ba?", akusa ko sa kanya. Tignan natin kong hanggang saan ang tapang ng babaerong ito.

"You know that I don'tdo such things right?", seryoso niyang sabi sa akin.

"Yeah, I know from the very start. So, back off and we are just joking about it.Why so serious?", sabi ko habang natatawa sa kanyang ekspresyon.

"I am not jokin when I said that I am your boyfriend at hindi rin ako nagbibiro ko sasabihin ko sayong nanliligaw ako sayo kahit na hindi ko naman ginagawa iyon", matalim niyang titig sa akin kalaunan naging maamo na.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya at sa paraan pa lamang na iyon alam ko ng hindi siya naniniwala. Malakas siyang napabuntong hiniga saka hinarap ako ng seryoso.

"I want us for real", marahan niyang sabi.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na darating ang panahon na matatangay ako ng agos na ganito. Malakas at parang hindi ko kayang pigilan.

"Are you kidding?", gusto kong maksiguradong tanong sa kanya.

"I am not, once and for all. We are adults, I won't play that much starting now. Alam kong ayaw mo rin diba? Ayaw mo rin sa akin pero I will try my best para kahit papano magustuhan mo ako bilang tao kahit katiting man lang", mahabang paliwanag niya saka nag iwas ng tingin pagkatapos ng sinabi.

Nahabang katahimikan ang namayani sa amin at napahilot ako sa setido ko. Hindi alam kong ano ba talaga ang gusto kong gawin sa kanya. Oo ba ako o hindi? Ayoko masaktan kaya nga ako lumayo ng mga nagdaaang araw sa kanya.

"What are you thinking?", marahang tanong niya sa akin.

"Nalilito pa ako, I don't know.Honestly, it's hard to trust you", deritsahan kong sabi sa kanya.

Bahagya naman siyang napayuko dahil sa sinagot ko sa kanya pero agad din nakabawi. May dumaaang sakit sa mga mata niya pero saglit lang, hindi alam kong guni guni ko lang ba iyon o ano.

"I understand, hindi naman kita nilamadali. Kung kailan ka handa, maghihintay ako", seryoso niyang sabi.

Yon ang huling pag uusap namin sa linggong iyon at pagkarating ng weekdays ay nagpaalam siyang pupunta ng Singapore dahil may dadaluhan conference doon ng apat na araw. At kada umaga ay meron akong pabulaklak sa kanya na may mga masamang note pa.

"Smile for today! It brightens the day!

Paris

Napangiti akong binasa ang nakasulat doon. Inamoy ko muna ang mga bulaklak bago nilagay sa maliit kong vase sa harap katabi ng computer.

"Blooming at inspired ang Ate mo, sana all lang talaga tayo nito", paltak ni Ava sa desk niya.

"Tse! Bilhan mo nga ng bulaklak din yan Gabe", sabi ko nalang sa bakla. Sumimangot lang ito sa akin. Napatawa tuloy ako sa kanya.

Pati sa lunch time may sarili din akong lunch na deneliver. Noong una nagtaka pa ako kung saaan galing dahil wala naman akong inorder pero may nakalagay na kay Mr. De Luca daw.

"Next time I let you choose your meal. I'm sorry for deciding", sabi ng mensahe nito sa akin

"It's okay, masarap naman siya. And thank you din sa flowers nagustuhan ko", reply ko sa kanya.

"Glad to hear that then, I will be sending you your flowers and meal everyday", mabilis na sagot nito.

Wala ba sa conference ito at panay ang chat. Mabilis pa magreply. Baka hindi nakikinig itong lalaking to.

"Wow, persistent ha. Pakitang gilas. Makinig ka dyan sa conference wag puro chat", reply ko sa kanya bago bumalik sa trabaho.

"I'm listening so don't worry. I wan to know how was your day", reply ulit nito.

"Okay naman ako dito sa offfice. Magtratrabaho na ko. Mag Focus ka dyan sa meeting niyo", yon ang huli kong sabi sa kanya sa reply.

Pero kalaunan wala atang magawa ang DE Lucang to sa meeting nila kaya ako ang ginugulo. Sunod sunod ang messages na natanggap ko sa kanya.

"Busy?"

"Ms. Verlice answer my messages"

"I'm bored here, ano na ginagawa mo?"

Ang kulit talaga ng lalaking ito kahit kailan.

"Nag tatrabaho ako dito sa kompanya niyo hindi namna pwedng makipagdaldalan ako sa yo boung maghapon. Sayang ang bayad sa akin kapag walang natapos na trabaho. Gusto mo bang malugi ang kompanya niyo?", mabilis kong reply sa kanya.

"Yong may ari naman ang kausap mo so walang problema. Kapag nagtanong sila sino kausap mo sabihin mo ako", reply niya ulit.

Ang yabang talaga! Hay naku ewan ko.

Hindi na ako nagreply at pasalamat na rin ako na hindi na siya nangulit pa. Mabuti na rin at pumirmi siya sa pakikinig. Pagkatapos ng trabaho ay pagod na at naghanda sa paguwi ng may humarang sa akin sa pinto ng office.

"Bakit po?", takang tanong ko sa medyo may edad na lalaki.

"Ako po ang maghahatid sa inyo pauwi sabi ni Sir Paris, Roberto po ang pangalan ko", pakilala nita sa sarili niya.

Haabang naglalakad ako ay nagpadala ko ng mensahe kay Paris. Hindi na ko pwede may hatid sundo pauwi, sanay naman akong magtaxi pauwi.

"It's for your safety, I will call you when you got home".

Basa ko sa mensahe niya habang iginagaya ako ni Kuya Robert sa kulay itim na sedan. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Salamat po", sabi ko at ngumiti siya sa akin.

Nang makarating ng bahay ay puro patay na ang mga ilaw at sigurong tulog na rin sila. Dumiretso na ako sa kusina at bunuksan ang mga nakatakip na pagkain saka pagsimula na ring kumain. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Paris.

"You already home?"

"What are you doing now?"

"Can I call now?"

Mabilis akong nagtipa para mareplayan siya.

"Kumakain pa ako, magshower din ako pagkatapos hihiga na. Text kita pagtapos na ako."

"Pwede sumama mag shower."

"Okay"

Napangiti nalang ako sa reply niya. Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagligpit na rin saka nag shower na. Nagsusuklay na ako ng buhok ng tumawag na siya sa akin. Isang lamp lang ang nakabukas sa tabi ko tama lang para makita niya ang mukha ko.

"Hello", sagot na medyo paos na tinig.

"Hi, inaantok ka na ba?", unang bungad niya sa akin. Wala siyang pang itaas na damit at nakahiga lang siya kama. Medyo na nadistract ako sa kanyang dibdib.

"Hindi pa naman, how are you today? The conference?", tanong ko sa kanya.

"Well it got me bored as I said to you. I just want to talk to you all day", nag pout pa siya na parang bata. Natawa nalang ako sa kanya.

"Ano ka teenager umasta", natatawa ko pa ring sabi sa kanya.

"Ang I will endure it two days more bago kita makita. Sa susunod isasama na kita", sabi niya pa.

"Bakit ako sasama sayo? Hindi naman ako kasali sa mga iyan. You should concentrate sa conference dyan. baka bukas text ka naman ng text sa akin hindi ka nakikinig", sagot ko sa kanya.

"I'm focused on the conference but sometimes I just got distracted kapg naiisip kita", sabi niya pagkatapos ng malalim na buntong hinga.

"Clingy", asar ko sa kanya at ngumisi.

"I am not", tanggi niya habang nakabusangot ang mukha.

"You don't like it when I'm clingy?", seryoso niyang tanong sa akin.

"Hmmn.. gusto ko", mahina kong sabi sa kanya.Bigla tuloy akong dinapuan ng hiya sa buong mukha ko.

Pasalamat nalang ako na hindi masyadong maliwanag ang ilaw kung hindi kita niyang namula ang buong mukha ko. Nakita ko siyang pilyong ngumiti sa akin at kumindat pa.

"Why don't you roam around the city para malibang ka naman after work", suhesto ko sa kanya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"Maybe, tinatamad ako. I just wanna talk to you and stare at your face. How's your work in the office? Inubos mo ba kanina yong lunch na bigay ko?", sunod sunod niyang tanong sa akin.

"Yup, okay naman medyo nakakapagod din magtrabaho sa kompanya niyo", nakangisi kong sabi sa kanya.

"Oo kinain ko yong iba ibinigay ko sa office, ang dami dami noon akala mo naman mauubos ko ang mga iyon para kang mag pipyesta kung ako lang naman ang kakain", dagdag kong nakairap pero hindi matago ang ngiti.

"Ayoko lang naman magutom ka. Bukas I will forward the menu to you para ikaw na ang pumili ng kakainin mo", mabilis niyang sagot.

"Hindi ka na dapat ng abala pa sa mga ganyan at yong paghatid at sundo na rin sa akin. Sanay naman akong magtaxi. Ilang taon ko nang ginagawa yon", reklamo ko sa kanya.

"Your my girlfriend now, dati mo yong ginagawa ng nang wala pa ako sa tabi mo. Now, that I am here hindi na pwede yan, understand?", sabi niya pa sa akin.

"Uhh, whatever you say Mr. De Luca", pinaikutan ko lang siya ng mata at inirapan pa.

Kumunot ang noo niya at at kabisado ko na ang sasabihin niya sa akin. Kaya sinabayan ko na habang pareho kaming napatawa.

"Don't roll your eyes on me".

Alam kong ayaw na ayaw niya ng ganoon ang ginagawa ko. Kabisado ko na ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"You now know me very well huh?", nakataas na kilay na sagot niya.

"Because I always heard it from you Mr. De Luca. Why it annoys you?", nakangiti kong tanong sa kanya.

"Nope, I like though, yong kabisado mo ako. Guso ko ding kabisaduhin din kita but sometimes I can't, girls are complicated. You are complicated", pilyo niyang sabi.

"I am not, you are just naive. Playboy but naive and sometimes plain stupid", sabi sabay halakhak sa kanya.

"Don't be offended by that, stupid in some girls feeling kasi sanay kang hinahabol ng mga babae mo", dagdag ko pa sa mga sinabi ko.

"Maybe I am, pero sayo lang naman. Minsan nakakalimutan ko ang mga sasabihin ko pagkaharap kita. Well ikaw lang naman ang nag iisang babaeng sinabi na hindi mo ako gusto", sabi niya pa.

"That's why I am trying my best to cope up. Nangagapa pa ako, hindi nga ako marunong manligaw", nakanguso niyang sabi.

"Papahirapan kita", seryoso kong sabi pero sa huli sumilay ang mga ngiti ko sa labi.

"You little witch!", sabi niya.

Humikab ako saglit at tumingin ulit sa kanya. Nakita kong namungay ang kanyang mga matamh nkatitig sa akin.

"Inaantok ka na ba?", malamyos na sabi niya.

"Mmnn.. ikaw ba?", balik tanong ko sa kanya.

"I will check some emails saka matutulog na rin. I will let you sleep by now then. Don't drop the call, I watch you sleep. Is it okay with you?", marahan niyang sabi sa akin.

"Okay", tanging nasabi ko sa kanya. Bahagya kong inayos yong anggulo ng camera para hindi ko na masagi nilipat ko sa side table.

"Good night", sabi ko sa kanya. And my eyes are heavy to open.

"Good night, and I miss you", sabi niya ng hindi ko narinig ng malinaw ng igupo na ako ng antok ko. Naaninag ko pa siyang tipid na ngumiti sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status