Share

Kabanata 5

Hot tempered

Ilang segundo pa akong napatitig sa likod ng lalaki bago ito mawala sa paningin ko. Saka ako lumingon sa katabi ko na galit na galit ding tumititig sa akin. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niyang nag aalab.

"Did you enjoy grinding with him?",puno ng suklam niyang tanong sa akin.

"I want to enjoy life, masama ba yon? At bakit mo ba kami pinakialaman? Anong ginagawa mo dito?", Sunod na sunod kong tanong sa kanya habang pabalik na sa sofa namin.

Mariin kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin, natigilan siya sa ginawa ko pero patuloy na nakabuntot sa akin. Pagdating ko sa sofa namin ay nandoon na si Ava at iba pa. Tahimik silang nakatingin sa akin at nang kay Paris nanlaki ang mga mata nakatitig nasa likod ko. Bigla silang nagsitayuan para batiin si Paris. Para mga batang takot na takot dahil may ginawang masama. Alam na rin man siguro nila ang nangyari sa dance floor.

"Kayo po pala Sir", nauutal na sabi ni Nick

Inignora ko nalang siya at umupo na rin. Nagtaas ako ng kilay sa kanila ng halata kong nasa awkward scene na sila. Bigla yulot akong kinalabit ni Gabe at bumulong.

"Makikiparty ba yan sa atin?", tanong naman ng bakla.

"Ewan ko, I did not invite him here. Sumunod lang siya sa akin", kaswal kong sabi. Nakita kong inirapan lang ako ni Ava sa gilid.

Nakita kong tumabi siya sa kina Nick at Jack sa upuan. Alam kong hindi komportable ang dalawa sa presensya niya pero nakisabay nalang sa kanya. Nag order na rin siya ng inumin, nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya pinukol niya rin ako ng masamang titig. Ilang minuto lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin nagbigay naman ng espasyo sina Gabe at Ava kalaunan bumalik sila sa gitna. Sasama na sana ako ng may kmay na mahigpit na humawak sa akin. Bigla nalang akong napaupo at hinrap siya.

"What do you want?", asik kong sabi sa kanya.

"Are you gonna ignore me the whole night? Let's talk", malumanay niyang sabi sa akin.

"Wala na tayong pag uusapan pa, we can both enjoy life when ever we want", simpleng sabi ko sa kanya,

"You won't explain why you are enjoying yourself with that man huh?", maanghang niyang tanong sa akin.

"I can do whatever I want at hindi kita pinapakialaman sa mga ginagawa mo. Why so big deal with me dancing with a guy? I'm single", mariin kong sabi sa kanya.

"What did you say?", mariing sabi niya pabalik.

"You heard me once, hindi ka naman bingi diba?", sikmat ko sa kanya.

"And let go of my hand! Gusto kong pumunta sa dance floor kung gusto mo rin sumayaw, you are free to go", dagdag ko pa sa kanya.

"Set down first and then we will talk Verlice!", mariin niyang sabi at saka hinila na ako ng pwersahan. Napasubsob tuloy ako sa bandang dibdib niya.

"Ano ba?!", sabay layo ng mukha ko sa kanya.

"You are not allowed to have some side boys than me, understand? You are in a relationship with me. You are my girlfriend", mariin ang bawat bigkas niya ng mga salita.

"I am not! Kung ano ang kaya mong gawin, kaya ko rin. Wala kang narinig sa akin when you are the topic of all the tabloids days ago. Getting cozy and grilled tongue some girls huh", sakristo kong sabi sa kanya.

"And to set the record straight, hinding hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo!", galit kong sabi at tinapunan siya ng masamang tingin.

Nakatitig siya sa mga labi ko bago ibinalik sa mga mata ko saka ko naramdaman ang higpit ng paghapit niya sa baywang ko at marahas na paglapat ng labi niya sa mga labi ko. Naestatwa ako ng una pero kalaunan sinuklian ko rin ang mga halik niya, binitawan niya ang mga labi ko para maghagilap ng hangin at saka pinatakan ng halik Napayuko dahil sa nangyari pero inangat niya ang baba ko st inatake ulit ako ng halik. Hindi ko alam pero sunusuklian ko ito kahit na ang isip ko ay tumatanggi na. Walang lakas ang mga kamay ko na itulak siya. His tongue forcefully seeking an entrance kaya pinagbigyan ko. Binuka ng kaunti para makapasok at lahat ng sensyaon dapat kong maramdaman naramdaman ko na. Mapapikit ako sa dulot nito ng pagkadilat ko ay may mga flash ng camera akong nakita. Naitulak ko siya ng malakas kung kaya napahinto siya sa paghalik. Naplinga linga ako at may iilan sa aming napatingin, pinamulahan ako ng mukha. Naiisip ko na ang mga saliitang gusto nilang sabihin sa akin. Nang tignan ko si Paris ay nakatitig pa rin siya sa mukha ko na para bang walang pakialam sa paligid namin.

Para na rin akong walang pinagkaiba sa mga babae niya.

"Tama na, wag mo akong itulad sa mga babae mo-

"Hindi ka katulad nila at lalong lalo wag mo ikumpara ang sarili mo sa kanila. You are my girlriend", marring sabi niya.

"I was out partying that night because I am so pissed with you, itinutulak mo ako palayo. Wala pang babaeng gumagawa sa akin noon, ikaw palang', malumanay niyang sabi sa akin.

"I bruised your ego", pinal kong sabi sa kanya.

"More than that, I am trying to evaluate myself", dagdag pa nito bago bumuntong hinga.

"Whatever you say Mr. Playboy! Let go of me now, saka may paparazzi na kumuha ng litrato sa atin! Ngayon ako naman ang nakita. Kung gugusuhin ko sana ayoko nng dumikit o mainvolve sayo", mariin kong sabi saka marahas na kinalas ang kamay niya.

Mabilis akong naglakad patungo sa gitna ng dance floor at hinanap sina Ava. Nakita kong nagsasayaw sila ng marahan kahit na medyo pangparty ang tugtog. Nagbubulungan pa sila, hindi nila ako nakita kaya dumiretso na ako.

"Bakit nyo ako iniwan doon?", simangot kong sabi sa kanila.

"Huh? Bakit mo iniwan si Paris doon?", balik tanong sa akin ng mahaderang bakla.

"Oo nga Lois, nakapagusap na ba kayo?", kuryusong tanong sa akin ni Nick.

"Pero ang kilig ko kanina ah parang sa teleserye. Yong hinablot ka bigla ng bida kasi nagselos", kinikilig na sabi ni Sarah at naghahagikhikan sila nina Claire.

Inikotan ko lang sila ng mata saka hinila si Ava para magsimula ng sayaw.

"Let's just have fun, andito naman tayo para magsaya diba!", masayang sabi ko.

Ilang minuto kaming nagsasayaw kasama si Gabe, nagtwerk at kong anu-ano pang daring na sayaw ang ginawa namin. Tawanan at pang aasar kapag pangit ang sayaw. Pero ng mahagip ko ng tingin sina Jack at Nick na kanina kasali na amin ngayon ay parang estatwa na nakatayo lamang. Sa tabi nila ay ang galit na mukaha na naman ng isang Paris De Luca. Inignora ko nalang siya at nagpatuloy sa kasiyahan.

Nag biglang natigilan din sina Ava sa pagsayaw at naamdaman ko na may humawak sa beywang ko at hinapit ako patalikod. Napatigil ako saglit at hindi ko na kailangan pang lingunin yong sino iyon. Sinabayan niya ang pag giling ko at ipinatong ang ulo sa mga balikat ko habang bahagyang hinahalikan ang leeg ko. Mahigpit na nakayakap sa akin. Nag patuloy ang mga kasama ko sa pagsayaw at parang walang nakita.

"Bitawan mo nga ako!", mariing sabi at kinalas ang mga kamay niya.

"Okay, hindi ko gusto ang nakita ko kanina. Wag muna ako itulak palayo this time. I want us to work out", mahina at seryosong boses niya. Binulong niya lang din sa akin.

"And then what? Kiss another girl after?", hindi ko mapigilang sabi sa kanya. Mahagyang tumaas ang boses ko pero natabunan ng malakas na musika.

"I won't, I promise you. No dancing and kising other boys too", sagot niya sa akin nanatiling nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

"No dating and kissing other girlls for you too", mas klaro kong sabi sa kanya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ilan pang minuto bago siya kumalas sa akin at hinarap ako sa kanya. Agad niya rin akong kinulong sa kanyang mga bisig at pinagtapat ang aming noo. Napapikit ako ng maamoy ko ang pinaghalong alak at mint sa bibig niya. It's so addicting! Parang ang sarap langhapin lagi.

"I will be the one sending you home tonight and tomorrow magbabasketball kami ni Atlas", imporma niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

Alam kong gwapo siya pero hindi ko alam ganito siya ka gwapo at misteryoso kapag natitigan mo ng malapitan. Hindi ko naman siya gusto pero iba nag hatak niya sa akin. Tumikhim ako para mag iwas ng tingin sa kanya.

"Okay", sagot ko nalang sa maliit na tinig.

"What time are you going home? You will hang out here until midnight?", marahan niyang tanong habang mahina kaming nagsasayaw sa gitna ng mga tao.

"I don't know, hindi ko alam kung nong oras sila uuwi, Mukhang nag eenjoy pa naman sila", sagot ko at nilingon ko ang mga kasama ng dalawang dipa lang ang layo sa amin.

Hindi ko alam kong sinasadya ba nilang palayo ng palyo sa amin para mabigyan kami ng space o dahil nahihiya sila sa presensya ni Paris. Alinman sa dalawa ay hindi ko alam, dapat sila ang kasama ko magsaya para ko patuloy naiwan sila at sila pa mismo ang nag adjust.

"Lapit tayo sa kanila", sabi ko nalang kay Paris.

Sumunod naman siya pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.Nakakailang pag kaming dalawa lang magtitigan, mas komportable ako kapag may ibang tao. Makalipas ang dalawampo't minuto ay bumalik na kami sa sofa at nag inuman at usap ulit kami. Medyo naiilang lang akong mahigpit niyang hawak ang kmay ko lagi at kung may kinakausap man siya sa akin pa rin nakatitig. Minsan pang pinapatong ang kamay sa mga hita ko. Pasimple ko namang inaangat ang kamay niya at isang beses nahuli kong nakatass ng kilay si Ava habang nakatingin sa ginagawa ko. Nakangisi pa habang umiinom sa baso niya. Lalo akong pinamulahan ng mukha.

"Ah, it's a great night! Nag enjoy ako ng sobra", maligayang sabi ni Ava.

"Ako din, gawin kaya natin paminsan minsan no? Nakaiwas din sa stress kahit papano", dagdag naman ni Gab. At sumang ayon naman ang ibang kasama namin.

"Are you sleepy?", rinig kong tanong si Paris.

"Medyo, uuwi na rin siguro sila", sagot ko nalang.

"Oh, umuwi na tayo guys at late na. Mag beauty rest na tayong lahat", deklara ni Gabe sa lahat.

Nagsitayuan na kaming lahat at palabas na, medyo na papahinto lang kami minsan dahil may bumabati kay Paris kaya kinakalas ko ang kamay ko sa kanya. At nakarating n akmi sa parking ng magsalita si Paris.

"I'll bring her home, you all take care going home", sabi nito sa mababang tinig.

"Sure Sir, kayo na bahala sa kaibigan namin. Mag ingat din po kayo sa pag uwi", magalang na sagot dito ni Ava.

Kumaway sila bago sinara ang bintana ng kotse at umalis na rin. Pinauna niya sila bago kami sumunod at hanggang sa nawala na sila sa unahan namin para tumahak sa ibang direksyon.

"You can sleep while I am driving, naparami ba ang inom mo?", marahan niyang tanong sa akin.

"Hindi naman, medyo nahilo lang ako kanina. Hindi ako sanay uminom", sagot ko sa kanya pabalik.

"Dapat pinasabay mo nalang ako sa kanila, mapapalayo ka pa tuloy", dagdag kong sabi sa kanya habang nakapikit na.

"I will take you home, hindi na magbabago yon", mahinang sagot niya sa akin.

At yon ang huli kong narinig sa kanya bago ako tuluyang iginapo sa antok. Mahimbing ata akong nakatulog sa sakyan niya at ng magmulat ako ng mata ay nasa malambot ko ng kama ako nakahiga at medyo maliwang na. Bigla akong napabalikwas at napahawak sa ulo ko na medyo masakit pa. Sino kaya ang nag hatid sa akin dito? Si Paris? At nakapag bihis na ako ng pantulog, baka si Mama ang nag asikaso sa akin. Nakakhiya at hindi na ako ngising pag kauwi.

Nilingon ko ang orasan at alas syete na, bumaba ako ng kama saka ng hilamos. Bago ako lumabas ay kumatok na si Mama at pinababa na ako.

"Baba na po ako Ma", bigay alam ko sa kanya. Inayos ko lang ang kama saglit at lumabas na ng kwato.

Maingay ng lumabas ako ng at pumunta ng sala. Nagkwentuhan na sila sa lapag at masayang nagtatawanan. Pero biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko si Paris na nandoon na rin at komportableng nakaupo katabi ni Atlas. Nakapambahay na katulad ng kay Atlas.

"Magandang umaga anak, dito ko na pinatulog si Paris late na kagabi at siya na rin naghatid sayo sa kwarto mo. Sobrang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising", mahabang paliwanag ni Mama.

"Good morning", marahan niyang sabi ng umupo ako sa taat niya.

"Morning", bati ko pabalik sa kanya. Medyo nahihiya ng konti, ewan ko ba simula ng halikan niya ako kagabi parang nag iba na.

Masaya naman pinagpatuloy ang kwento sa hapag lalo na si Atlas na excited magbasketball at makapaglaro.

"Samahan mo kaya sila anak doon sa malapit na court? May gagawin ka ba ngayong umaga?", tanong ni Papa.

"Wala naman po Papa", simpleng sagot ko. Paminsan minsan napapasulyap ako sa kanya at tuwing nahuhuli niya ako ay binibigyan niya ako ng pilyong ngiti o di kaya nagtataas ng kilay. Nag concentrate nalang ako sa pagkain.

"Mamaya maya na tayo pumunta Atlas, hindi magandang maglaro agad pagkatapos kumain. At masyado pang maaga", sabi ko sa kapatid ko na atat na atat ng umalis.

"Tama ang Ate mo", segunda naman ni Paris at tumabi sa akin sa sofa.

"Ito na ang tubig ninyo para mamaya, saka towel at extrang t-shirt", sabi ni Mama itinabi ang isang maliit na tote bag at dalawang malaking thumbler.

Makalipas ang tatlumpo't minuto ay tumulak na kami papuntang court, may iilang nakatambay at nag lalaro ng shooting, May mga kakilala rin si Atlas at bahagya silang nagusap. Naghahanap ako ng mauupuan na malapit din sa kanila para makita ko. Nasunod naman sa akin si Paris at nakakunot noo.

May naririnig pa akong mga bulong ng babaeng nilagpasan ko.

"Ang gwapo naman!", sabi ng isa.

"Sobrang tangkad pa", sagot naman ng isa.

Kaya laking pagtataka ko ng makitang busangot ang mukha niya.

"Bakit?", takang tanong ko sa kanya.

"Some boys are looking at you shamelessly, I don't like it", sagot niya bago tinapunan ng masamang tingin ang mga binatilyo na malapit sa amin.

"They should know what's mine", dagdag pa nito.

Nang makaupo na kami pareho ay bigla niya nalang akong inakbayan at malapad na ngumiti sa akin. Pag lingon ko sa harap namin ay nag iwas ng tingin ang mga binatilyo. Pati ba naman ang mga ito pinapatulan niya.

"Stop it, hayaan mo na ang mga bata", babala ko sa kanya.

"What? Hayaan kang tignan ka ng ganyan?", umuusok ng ilong na sabi niya.

"They are just teenagers, malay mo crush pala nila ako", biro kong sabi pabalik sa kanya.

Nang matignan ko siya ay mas lalong lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ata nagustuhan. Tinawanan ko nalang ang reaksyon niya.

"Kuya laro na tayo, kasama natin sina Paul mga kilala ko sila", di namin namalayang na saharap na pala namin si Atlas. Tinuro niya ang mga magiging kalaro nila sa game di kalayuan at saka nglakad na rin pabalik doon.

Nanlaki ng mata ko sa mga sinabi niya. Bahagya ko pa siyang sinuntok sa braso saka hinuli niya naman iyon at bumulong ulit.

"Some are not teenagers, look in the right corner those are men", sabi niya at nginuso pa kung saan.

Nakita ko ang kumpol ng lalaki na maglalaro din siguro at may iilang bababe rin na nakatitig sa kanya. Halos matunaw na siya kung mkatitig ng malagkit. Napapansin niya sa akin ang mga lalaking nakatingin at ako naman sa mga babae huh.

"Tumigil ka at wala naman silang ginagawang masama", sabi ko sa kanya.

Napatitig na siya sa kapatid ko na sumesenyas na pumunta na sa kanila.

"Pumunta ka na roon, tinatawag ka na ni Atlas. Galingan niyo para masaya naman si Atlas", sabi sabay tingin sa kanya.

"Then I should have a kiss before the game starts. Pampabwenas", sabi niya sabay kindat pa sa akin.

Inirapan ko siya at uupo na sana ng iangat niya ang baba ko at binigyan ng isang marahan at mabilis na halik sa labi. Paang balahibong dumaan sa akin. Natulala pa ko ng ilang segundo bago bumalik sa huwisyo ko at nakita kong mayabang pa siyang naglakad napunta sa gitna at nag high five pa sa kapatid at teamates niya. Nang tignan ko ang paligid ay nakta kung nag ismiran ang mga babae. Aba!

Nagsimula na ang laro at naging maayos naman ito hanggang sa matapos ang first half. Dumiretso si Paris sa tabi ko at kinuha ang thumbler para uminom.

"How's my game? Okay ba sayo?", tanong niya pagkatapos uminom.

"Okay naman", simpleng sagot ko sa kanya.

Parang nagmagnet ang tingin ko sa kanyang mukha, pawis na pawis pati buhok ay basa.

"Uhm, magpunas ka muna nito", abot ko sa kanya ng maliit na tuwalya.

"Ikaw nalang magpunas", wala sa sariling sabi nito.

Dahan dahan kong pinunas sa mukha niya habang sia at titig na titig sa akin, kailangan ko pa tumingkayad para maabot siya. Nanatili siyang nakatitig sa mga labi ko at ng tignan ko siya ay ibinaling niya sa dibdib at nag iwas ng tingin parang pinipigil ang sarili. Sinunod ko ang kanyang buhok na basang basa. Nakita kong napangisi si Atlas sa gilid ng kinuha niya ang sariling thumbler at uminom.Para naman kaming nag PDA dito.

"Okay na", sabi ko ng matapos.

"Thank you", marahan niyang sabi saka ngumiti sa akin.

Nagsimula na ulit ang game at sa kalagitnaan ay medyo nagkainitan na ang laban. Napapatayo ako kapag si Atlas na o si Paris na ang nagbabakod sa naniniko. Ayoko kong magkasakitan sila. Medyo napatili ako ng biglang itinulak ni Paris ang lalaki sa natumba ito sa gitna. Susugod na sana ang lalaki ng pinigilan na ito ng mga team mates niya. Wala siyang laban ay Paris bukod sa masyadong matangkad ito at matipuno pa hindi tulad nito na payatot.

Ipinatigil muna ng referee ang laro at pinalitan sila para iwas gulo pansamantala. WInarninngan din sila pareho.

Padarag na naupo si Paris sa tabi ko at uminim ng tubig.

"Okay ka lang? Hindi mo na sana pinatulan yon. Napapaaway ka tuloy", sabi ko sa kanya.

"I just get pissed at him. Buti nga naitulak ko lang siya kong hindi ako nakapagpigil baka na suntok ko na siya", galit na sabi niya pa.

Napabuntong hiniga nalang ako, minsan hindi ko maiisip na isa ito ay anak ng isa sa pinakamayaman sa bansa o di kaya'y isang matinik na business man sa mga inasta niya.

"You have a short tempered man", nakatitig kong sabi sa kanya.

Umirap lang ito sa akin at bumalik ulit sa laro. Habang nanood ako ay may tumabi sa aking lalaki.

"Hi, pwede bang umupo dito?", magalang niyang sabi. Mukha namang mabait.

"Yeah sure", sagot ko sa kanya.

"Sobrang tangkad naman nong isa mukha pang modelo parang nakita ko rin siya sa magazine. Artista ba yan?", sunod na sunod niyang sabi.

"Uhm, siguro", yon nalang ang sinagot ko para hindi na humaba ang usapan. Hindi dahil ayaw ko siyang kausap kundi baka pagkaguluhan siya dito. May iilan ng nakakilala sa kanya lalo na nang mga babae.

Pinalabas din muna si Paris dahil hindi rin maganda ang daloy ng laro niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at tumabi bahagyang napaatras ng upo ang lalaki ng sa gitna pa namin siya talaga nakiupo.

"I am so pissed right now", galit niyang sabi. Napalayo na talaga ng tuluyan ang lalaki sa amin.

"Huh?", kunot noo kong tanong.

"You said earlier that I have a short tempered, I am and I don't know if you can handle me when I am jealous", mariing sabi niya habang pinupukol ako ng nagbabagang mata niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status