(Evie's POV)
Kakapasok ko pa lamang ng hotel. Hindi na ako nagpasundo pa kay Janella dahil alam kong busy ang bruha. Tinawagan na din ako ni Mariana. Isa din siya sa kaibigan ko noong highschool. Magkikita daw kami sa coffee shop nitong hotel. Kami kasi ang nagplano ng bachelorette party ni Janella. May kailangan pa daw kaming hanapin na dalawa.
Papasok na sana ako ng hotel nang may asungot na sumalubong sa akin. Sino pa ba? Iyong lalaking mapapangasawa ng kaibigan ko. Si Michael Gregory Santos. Isang sikat na idol sa buong Asya. Naka-cap ito at naka-mask pero nakikilala ko pa din siya. Panay ang sulyap sa amin ng mga taong narito. Nakikilala siguro nila ang lalaking ito.
"Ano bang klaseng disguise yan? Nakikilala ka pa din ng mga tao." Nakapamewang kong saad sa kanya.
Napalingon-lingon siya sa paligid. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mukha itong nataranta dahil sa mga babaeng palapit sa amin ngayon. Binalingan niya ako. Nakahalukipkip ko siyang tiningnan saka tinaasan siya ng kilay. Tatakbo na sana si Michael nang may umakbay dito.
Literal na napanganga ako nang makita ko ang mukha ng lalaking umakbay sa kanya. Shete na malagkit! Namamalikmata ba ako? Bakit napakagwapo yata ng lalaking ito? With his thick eyebrows, his pointed nose, his sensual lips of red. Hindi ko akalain na may ganito pa pala kagwapong nilalang sa mundo!
Pasimple kong kinapa ang baywang ko baka kasi biglang lumuwag na lang bigla yung garter ng panty ko. Mapahiya pa ako sa dalawang lalaking ito. Napakagwapo pa naman ng lalaking ito. Nasa eroplano na kasi sana ako nang mapagtanto kong maluwag pala ang panty na suot ko. Pantulog ko kasi sana ito e! Tuliro pa kasi ako dahil tinawag ko ba namang psycho yung bago kong amo! Ano na, Evie?! Parang gusto kong ibitay patiwarik ang sarili ko dahil sa kagagahan ko!
"Do you find me that attractive? I know I am that irresistible. You should not make it obvious, though." mahanagin nitong sabi sa akin.
Pasimple siyang siniko ni Michael. Pinagdikit ko ang mga labi ko. Tanda na nagtitimpi ako sa galit. Aba! Useless lang yung kagwapuhan niya kung masyado naman siya mahangin. Dinaig pa niya yung supercell sa ibang bansa.
"What? Hindi ba totoo. Admit it, my friend. I am way more handsome than you. Kaya nga natulala siya sa kagwapuhan ko. Di ba, miss?" Ngumiti ito kay Michael saka bumaling sa akin.
I rolled my eyes. Ang hangin talaga! Akala mo kung sino. Napakagaga ko naman para hangaan ang lalaking ubod ng yabang na ito. Di bale ng gwapo siya. Mayabang naman! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung mayayabang na katulad niya.
Kumilos na ako para layasan ang dalawa. Magkaibigan nga talaga sila. Puro sila mayayabang. Tumatayo ang mga balahibo ko sa kayabangan nila. Hihilahin ko na sana ang maleta ko nang harangan ako ng gwapo slash mayabang na nilalang. Ano bang problema nito?
"Did you know it is a bit rude for not introducing yourself first before leaving?" he coldly asked me.
"Get lost, psycho." malamig kong sabi sa kanya.
Napasinghap siya. Mukhang hindi siya makapaniwala sa itinawag ko sa kanya. Who cares? Para sa akin isa lang siyang mayabang na lalaki na hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras. Madami pa akong aasikasuhin. Katulad na lang ng pagpapalit ng panty kong maluwag! Wala akong panahon makipagdaldalan sa mga katulad niya.
"Did you hear what she called me, bro? Did I hear psycho?" He gave me a deadly glare.
Hinarap ko ang lalaking ubod ng gwapo pero mayabang. He then walked towards me while looking straight at my eyes. His piercing gaze make me shiver. Hindi ko alam kung bakit parang tinatablan ako sa titig niya. Nasaan na ba yung imaginary shield na iniharang ko sa sarili ko? Kailanman, walang nakapagpawala ng pananggalang na iyon kahit na gaano pa kagwapo ang kaharap ko. Sinalubong ko ang titig niya. Kahit na parang naiilang ako ay nilabanan ko iyon. Hindi ako papadaig sa kanya.
"Yes, psycho. Hindi ka naman bingi di ba? Siguro naman malinaw na sa'yo ang itinawag ko. Hindi ka lang mayabang, psycho ka pa. And I will never introduce myself to strangers especially to a psycho like you. Gwapong-gwapo ka talaga sa sarili mo, kuya?" sarkastiko kong sabi saka inismiran siya.
Huminto siya sa mismong harap ko. Medyo napakalapit nga niya. Pero hindi ako umurong paatras. Baka isipin niya na naiilang ako sa kanya. Kahit na totoo naman talaga! Ngayong nasa malapit na siya. Mas lalo siyang naging gwapo. His masculine scent is captivating me. Nakakaliyo! Parng may gayuma. Bakit ba ang bango ng psycho na ito?
"Make sure you won't regret it later, miss. You might messing with the wrong person without even realizing it." He then gave me a meaningful look.
Binigyan ko siya ng nakamatay na tingin. Bakit sino ba siya? Ni hindi ko siya kilala! Hay naku! Ang dami ko namang problema ngayon. Yung panty ko maluwag pa baka mamaya malaglag. Patulugin ko na lang kaya itong mayabang na ito nang sa ganoon makalayas na kaagad ako at makapagpalit ng panty!
"Wala akong pakialam kung sino ka. O kung saang lupalop ka man ng universe galing! Kung ayaw mong makatikim ng flying kick, you better stop pestering me." gigil kong wika.
Pasimple kong iniipit ang garter ng panty ko sa suot kong jeans. Nang hindi man lang niya nahahalata dahil nakatingin lamang siya sa mukha ko. Mukhang nagalit na ito sa mga nasabi ko. Base sa nakikita kong galit sa mga mata niya. Hindi siguro matanggap ng nag-uumapaw niyang kayabangan ang mga sinabi ko. Mas lalo sigurong hindi niya matanggap na walang epekto sa akin ang kagwapuhan niya.
"Akala mo ba natatakot ako sa'yo? Bakit hindi mo gawin ang sinabi mo? Huhulaan kong hindi mo iyan kayang gawin sa akin. You're a woman. And women are made for fucking, not for fighting." maigting niyang saad.
Nag-panting ang tainga ko sinabi niya. Anong akala niya sa aming mga babae? Mahina! Ano kami parausan lang? Hindi lang pala ito mayabang, arogante din at higit sa lahat gago! Bumwelo ako saka ginawaran siya ng nakakatulig na flying kick. Agad na dumapo ang paa ko sa mukha niya. Pasalamat siya hindi ako nag-heels. Dahil kung hindi, nabutas yung mukha niya sa pagkakasipa ko.
Agad naman siyang dinaluhan ni Michael. Napanganga ang lalaking mayabang. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Michael. Gayundin ang lalaking kanina lang ay nakatikim ng flying kick ko. Sigurado akong naalala din niya yung ginawa ko sa kanya noong saktan niya ang bestfriend kong si Janella.
"Wow! That was the best insult I've ever heard. And it is coming from my future secretary." A devilish grin formed on his lips.
Nalaglag ang maluwag kong panty!
EVIE'S POVNapalinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lang naka-jeans ako. Kung hindi, baka nalaman na nila na maluwag ang panty ko. Kung skirt kasi ang naisuot ko. Malamang nahulog na iyon sa sahig.Bakit kasi ang tanga mo, Genevieve!Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Siya ba talaga yung bago kong boss! Paano nangyari yun? At saka anak ba talaga siya ni Sir Andrew at Ma'am Kassandra? Bakit parang ang layo naman ng ugali niya sa mga amo ko?"Huwag mo nga akong pagtripan! Hindi ako naniniwala na ikaw ang bago kong boss." naiirita kong sabi sa kanya.He gave me an evil grin. Then he stand up. Habang sapo pa niya ang panga. Si Michael ay nagpalipat-lipat lamang ng tingin sa aming dalawa. Hindi siguro nito malaman kung paano kami aawatin. Sa ngayon kasi ay nag-aapoy na ang mga mata namin habang nakatingin sa isa't-isa.
Evie's POV Nakanganga ko lamang na tiningnan ang bago kong amo. Habang patuloy niyang binubugbog ang lalaki. Wala akong ginawa kundi pagmasdan ang siya pati na iyong malapad niyang likod. Ang sarap sigurong yakapin nito sa likod. Natigil lang ako sa paglalaway ay este pagtingin sa kanya nang awatin sila ni Kuya Genesis. Bugbog sarado na ang lalaki. Siya namang matinis na pagtili ng babaeng nasa likod ko. "Guys, what the hell are you doing?! Bakit niyo siya binubugbog?!" Awtomatikong napabaling ako sa babae sa likod ko. Si Mariana Jimenez, matalik na kaibigan naming dalawa ni Janella. Hindi maipinta ang mukha nitong lumapit sa lalaking binugbog ni Sir Keith. Maingat nitong hinawakan ang mukha ng lalaki. Habang napapangiwi ito. Matalim na titig ang pinakawalan nito sa dalawang lalaki. "Pambihira naman kayo oh! Ano bang problema niyo? Sinira niyo na ang plano ko. Paano na ang bachelorette party ni Janella mamaya kung
Evie's POVNakasarado na ang pinto ngunit nakanganga pa din ako sa bago kong boss. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit ba siya pumasok dito? Hindi ako natauhan kung hindi niya ako kinalabit."What are you doing? Akala ko ba magbabanyo ka?" tanong niya sa akin.Napangiwi ako habang mapagtanto ang talagang pakay ko sa banyo. Magpapalit ako ng panty kong maluwag! Pambihira naman itong bago kong boss e! Talagang asungot sa buhay! Alangan namang maghalungkat ako ng mga gamit ko habang nandiyan siya!"Iyan nga ang dapat kong itanong sa inyo e! Bakit po kayo pumasok sa silid ko? Di ba dapat nasa kwarto na nakalaan sa iyo ka na? Ano pong ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.Lumikot ang mga mata niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Napahalukipkip ito habang tumingin na naman sa akin. May kalamigan ang mga mata nito akong tiningnan."Bakit parang pakiramdam ko tinataboy mo ako? May mas mahalaga ka pa bang gagawin k
Evie's POV Nasa harap ko ngayon ang stripper na binugbog ni Sir Keith. Nakipagkita ako dito sa coffee shop kung saan namin napag-usapan ni Mariana na magkita. Nakipagkita ako sa lalaki para kausapin siya at pakiusapan na sana huwag na lang siyang mag-sampa ng reklamo sa bago kong boss. Namamaga ang isang mata nito samantalang putok din ang mga labi nito. Punong-puno ito ng pasa sa mukha. Hindi ko akalain na bayolente pala si Sir Keith. Papayag kaya siya sa hihilingin ko?! Eh gayong basag na basag yung mukha niya?! “Bakit ka nakipagkita sa akin, Ms. Ganda?” nakangiti nitong tanong sa akin. Bumuntong-hininga ako saka ko siya tiningnan ulit. Hay! Sumasakit ang sentido ko habang napapatingin ako sa bugbog niya! I massaged my temple with my index finger. I need to calm myself. Nag-leave ako para iwas stress pagkatapos ito ang nangyari. Nasangkot ang bago kong boss sa gulo. At ngayon ay nanganganib na mabahiran ang reputasyon ng mga K
EVIE's POV Nagtatalo ang dalawang bahagi ng isip ko. Bakit ko ba sinabi iyon? Nababaliw na nga siguro ako! Hamunin ko ba naman siya ng halikan eh! Habol namin ang hininga habang nakatitig pa din kami sa isa't- isa. Halatang pareho lang kami ng tensyon na nararamdaman. Tinitigan niya ang mukha ko. Tila kinakabisa noya ang bawat parte nito. Gayundin naman ang ginawa ko sa kanya. Kinakabisado ko din ang gwapo niyang mukha. "What did you just say?" habol na hininga niyang tanong sa akin. He caress my face once more. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya. Hanggang sa mapadpad ang kamay niya sa batok ko. Mas lalong dumoble yung kaba sa dibdib ko. Hindi na ito maganda! Kapag nagtagal pa kami sa posisyong ito may mangyayaring milagro! "Did you just tell me to kiss you?" his smile reach his eyes. Napanganga na lang akong bigla. Shit! Nasaan ang hustisya? Bakit parang naging anghel ang demonyo sa paningin
Keith's POVNapapalatak na lang ako nang iwan ako ng ni Genevieve. Wala ba talaga akong epekto sa kanya? Bakit yung iba namang babae nadadala ko kaagad sa mga pang-aakit ko. Bakit siya hindi? Ano bang klaseng babae iyon? Wala ba talagang epekto ang kagwapuhan ko sa kanya?"Are you okay, Bro?" nag-aalalang tanong ni Michael sa akin.Tumango lamang ako. Iniabot niya ang kamay niya upang tulungan akong tumayo. Agad ko namang hinawakan iyon. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang paa kong makirot. Nakalimutan kong inapakan pala ni Genevieve ang isa kong paa."A pa! (Ang sakit!)." reklamo ko saka hinawakan ang nasaktan kong paa.May lahi bang amazona ang babaeng iyon? Daig pa kasing amazona kung kumilos! Isang araw pa lang kaming nagkita at nagkakilala ang dami ng masakit sa katawan ko. Tinulungan ako ni Michael na tumayo."Don't use that language, Bro. You already know that I only know a bit of the basic Korean. I can't u
Keith's POVAgad akong lumayo sa kama. Nanatili lamang nakatingin si Genevieve sa kisame. Nagulat na lang ako nang bumangon ito bigla sa kama.Dahan-dahan itong lumingon sa akin. I find it creepy. Nakakatakot kasi yung paglingon niya sa akin. Parang si Anabelle lang na manika sa movie. She was emotionless. I don't even know what she's thinking. Siguro naman ay wala siyang iniisip na masama tungkol sa akin."Bakit napakalapit ng mukha mo sa akin? May balak ka bang---""I was just checking if your still breathing, okay? I am not going to kiss you." defensive kong sagot sa kanya."That's not what I am talking about. Wait, what? You were going to kiss me?" nawiwindang nitong tanong sa akin."I said, I'm not!" sigaw ko sa kanya.Shit! Fuck! What the hell is wrong with me?! Gusto kong suntukin ang sarili ko. Bakit ba pagdating sa babaeng natutuliro ako?"Fine! You don't have to be mean." malamig niyang sabi sa akin.Igin
Evie's POV Gusto kong umiwas pero tinatraydor ako ng katawan ko. Mas nanaig kasi ang init ng katawan ko. Idagdag pa ang nakakahibang na amoy ni Keith. His eyes were burning with desire. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Ang alam ko lang ay gusto ko lang namang makatikim ng halik mula sa kanya. Gaga na kung gaga! Aba! Kung ibibigay ko na lang din yung first kiss ko sa gwapi na di ba? Lulubos-lubusin ko na! Iyong puso ko hayun lumulundag-lundag na daig pa ang kuneho sa paglundag. Nanghihina ang buong katawan ko. Habol ko ang hininga habang palapit ang mukha niya sa akin. Kailangan ko na siguro itigil itong kagagahan ko. Baka hindi lang kiss ang mangyari. Baka mas higit pa doon! Hindi pa ako handang maki-pagdigma sa kama. Natatakot ako! Sabi kasi nila masakit daw yun eh! Baka hindi ko kayanin at ikamatay ko pa! Itutulak ko na sana siya pero dumampi na yung labi niya sa mga labi ko. Putek na dahil sa ulan! Hind