Keith's POV Tatlong araw na simula nang dalhin ko si Genevieve sa Villa namin. Tatlong araw na din simula nang magpropose ako sa kanya. Hindi niya ako sinagot nang araw na iyon hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit? Hindi ba niya ako mahal? Bakit ayaw niya akong pakasalan? Hindi pa ba siya sigurado sa akin? Iyan ang mga katanungang tumatakbo sa isipan ko.Pinagsisisihan niya ba na naging kami? Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ni hindi niya sinabi sa akin na pag-iisipan niya ang alok kong pagpapakasal sa kanya. Nasa harapan ko lamang siya ngayon. Seryoso ito sa pagsasalansan ng mga dapat kong pirmahan. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa isang papeles. Tapos inilagay niya iyon sa in review ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinagot ang alok ko sa kanya. Sa tuwing nagtatangka kasi akong tanungin siya ulit iniiba niya ang usapan. Ano ba kasi ang problema? Baka hindi niya nagustuhan ang proposal ko? Baka masyadong casual iyong ginawa kong pagpo-propose
Keith's POV Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Carla. I immediately get my coat. Kinuha ko sa drawer ng table ang susi ng sasakyan. Saka maglalakad na sana ako papunta sa pinto nang may maalala ako. Madami nga pala akong meetings after lunch. I immediately turn to face Owen. "Owen, can you fill in my business meetings? Please cancel my other schedule also. I really need to see my girlfriend right now. Thank you!" nagmamadali kong instruct sa kanya. "But I am not even your secretary! I am one of the directors of this company!" sigaw pa nito sa akin nang tuluyan na akong makalabas ng pinto. Agad akong nagtungo sa elevator. Pinindot ko ang down button nito. Agad namang bumukas ang elevator. This is a private elevator exclusive for me and the directors. Pumasok kaagad ako doon at pinindot ang basement kung nasaan ang sasakyan ko. Maging ang parking lot na iyon ay exclusive sa akin at sa mga directors ng kumpanya. Nang makarating ako sa floor, agad akong lumabas ng bumumk
Evie's POVWala sa sariling humakbang ako papunta sa kanya. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. He is unconcious right now. Awtomatiko din ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Hindi! Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ko pa nga siya sinasagot ng oo sa alok niyang pagpapakasal sa akin. Sasagutin ko na sana siya ng oo mamayang gabi.Ayaw ko na sanang isipin ang nakaraan na may kaugnayan sa mga magulang namin. To hell with the past! I just want to be with him for the rest of my life. Wala na akong pakialam kung ano ang nangyari sa nakaraan at kung ano iyon. Gusto kong harapin ang katotohanang iyon kasama siya. Pero paano mangyayari iyon? Heto siya ngayon at nakaratay sa bed ng ospital. Nag-aagaw buhay siya!"It's a cardiac arrest, doc." tugon ng isang nurse."Charge the automated external defibrillator to 200!" utos ng doktor sa isang nurse.Patuloy pa din siya sa pag-pump ng d*bdib ni Keith kung nasaan ang kanyang puso. Napansin ako ng isang nurse. Ito yung nurse na nag
Evie's POV Hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko o nagha-hallucinate lang ako. Ngumiti ang doktor sa reaksyon ko. Siguro sanay na siya sa mga ganitong reaksyon. Sinampal ko ang sarili ko. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Baka nananaginip lang ako. Pero hindi napa-aray ako sa sakit ng pisngi ko. Kung bakit naman kasi napalakas ko pa ang sampal ko sa sarili ko. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako. Sino ba naman kasi ang hindi matutuliro sa ganitong balita. May baby na sa sinapupunan ko sa loob ng isang buwan hindi ko man lang napansin! Heto pa ang malala nakaratay ngayon sa operating room ang tatay nitong baby. O di ba ang saya?! Kung bakit ba kasi active na active kami ni Keith sa jugjugan nung nakaraang buwan eh! Hindi nga ako nagkakamali ng isipin ko na baka may nabuo na sa ginagawa naming milagro. Napakamot ako sa ulo ko na hindi naman talaga makati. Trip ko lang siyang kamutin dahil stress ako! "You should start t
Evie's POVDumating na sina Madame Kassandra at ang Daddy ni Keith. Tulad ko ay lumuluha din ng tahimik si Madame Kassandra. Inaalo naman ito ni Sir Andrew na halatang nag-aalala din sa kanyang anak base sa ekspresyon na nababakas sa mukha nito. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin hindi sana mapapahamak si Keith. Gusto kong ibalik ang oras pero alam kong di na pwede.Hindi ako makalapit kay Madame Kassandra dahil guilty ako. Nakokonsensya ako dahil sa nangyari kay Keith. Wala na akong mailuha pa. Siguro'y dehydrated na ako sa sobrang pag-iyak ko. Nag-alala tuloy ako bigla sa baby ko. Napahawak ako sa puson ko. Hang in there, baby. Daddy will wake up soon! Laking tuwa ko nang dumating sina Owen at Carla. Agad akong niyakap ni Carla. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. Habang si Owen naman ay malungkot lamang na nakamasid sa aming dalawa ni Carla."Kumusta ka, Evie?" Malungkot na tanong sa akin ni Carla habang nakayakap pa din ito sa akin.Bumitaw
(Evie's POV)"Narinig niyo na ba ang balita? Babalik na daw dito sa Pilipinas ang anak ng Chairman." Narinig kong bulung-bulungan ng mga katrabaho ko habang naglalakad ako palabas ng cafeteria.Kagagaling ko lang kasi sa cafeteria para kumain. Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad. Totoo nga bang babalik na dito ang anak ni Chairman? Kaya ba parang ipinagbibilin niya sa akin na alagaan ang kumpanya?"Oo, confirm na mga bruha. Babalik na daw dito ang anak ni Chairman. Narinig ko sa kaibigan ng mama ko. Doon kaya siya nagtatrabaho bilang katulong kina Chairman." sabi naman ng isa pang babae."Ano kayang hitsura ng anak ni Chairman? Hindi naman siguro gwapo iyon dahil hindi naman gwapo yung tatay. Sayang balak ko pa namang akitin siya." nanghihinayang namang sabi ng isang babaeng makapal ang make-up.Bahagya akong napalingon sa gawi nila. Wala silang karapatan na lait
(Evie's POV) "My son, where on earth are you? Hindi ba natuloy yung flight mo?" Madame Kassandra ask to her son over the phone. Mantakin mo ba namang apat na oras na kaming naghihintay. Wala pa din yung damuhong niyang anak! Napanis na lang yung napakalaking banner ni Madame Kassandra na hawak-hawak naming dalawa. Exagerrated na nga yung size ng banner na ito. Iyong parang banner ng school kapag first day of class. Ang ipinagkaiba nga lang ay ang laman ng naturang tarpaulin. Ito yung nakalagay sa banner ni Madame Kassandra. Welcome home, my son. Sarangheo! (I love you!) Madame Kassandra is such a bright person. Iyon bang tipo na nagliliwanag ang mundong ibabaw kapag nandiyan na siya. Her personality is like a ray of sunshine. Kaya kahit sino, puring-puri ang ginang. Hindi lang maganda, mabait pa. Palagi kasi itong nakangiti. Friendly kung baga ang aura nito. Ngunit ang ngiting iyon ay n
(Evie's POV)Kakapasok ko pa lamang ng hotel. Hindi na ako nagpasundo pa kay Janella dahil alam kong busy ang bruha. Tinawagan na din ako ni Mariana. Isa din siya sa kaibigan ko noong highschool. Magkikita daw kami sa coffee shop nitong hotel. Kami kasi ang nagplano ng bachelorette party ni Janella. May kailangan pa daw kaming hanapin na dalawa.Papasok na sana ako ng hotel nang may asungot na sumalubong sa akin. Sino pa ba? Iyong lalaking mapapangasawa ng kaibigan ko. Si Michael Gregory Santos. Isang sikat na idol sa buong Asya. Naka-cap ito at naka-mask pero nakikilala ko pa din siya. Panay ang sulyap sa amin ng mga taong narito. Nakikilala siguro nila ang lalaking ito."Ano bang klaseng disguise yan? Nakikilala ka pa din ng mga tao."Nakapamewang kong saad sa kanya.Napalingon-lingon siya sa paligid. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mukha itong nataranta dahil sa mga babaeng palapit sa amin nga