Share

Chapter 7

Maagang nagising si Lirah kinabukasan. Ni hindi na nga niya nagawang magbihis dahil sa labis na kahihiyan na kaniyang nararamdaman. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagkalalake ni Matias. Iniisip niyang maigi kung saang banda hindi ito marunong magpaligaya dahil sa laki ng kaniyang nakita. Naalala niya na may sinabi si Kiray sa kaniya tungkol sa binata.

Tumayo na si Lirah at nagbihis. Kataka-takang nakita niya ang mga gamit niya sa loob ng silid. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang paglipat nila sa bahay na iyon. Noong makaligo na si Lirah ay nagbihis siya ng bestida niyang bulaklakin. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at lumabas na ng silid. Napatigil pa siya saglit noong makita niya ang silid ni Matias.

“Nandiyan pa kaya siya?” mahinang tanong niya sa sarili. Napalabi si Lirah at agad na umiling. “Bahala siya.”

Bumaba na si Lirah sa unang palapag at nakita niyang may pagkaing nakataklob sa lamesa. Nilapitan niya iyon at nakita niya ang piniritong itlog at sausage.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status