Share

Chapter 34

Hindi maiwasang kabahan ni Lirah habang naghihintay silang dalawa ni Matias sa waiting area sa airport. Panay ang paghagod niya sa tiyan habang palinga-linga. Si Matias naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya mahulaan kung ano ba ang nararamdaman nito sa pagdating ni Jenia dahil deretso lang itong nakatingin sa unahan. Wala manlang kahit na anong ekspresyon sa mukha.

“Matagal pa ba siya?” tanong ni Lirah.

Agad na nilingon ni Matias ang asawa. “Her plane already landed. We should see her any minute now.” Nangunot ang noo niya. “Why? Are you okay?”

Pinilit na ngumiti ni Lirah. “O-Oo. Ayos lang ako.”

“Nagugutom ka ba?”

“Hindi. Ayos lang ako,” pag-uulit niya.

“Sige. Kung may kailangan ka, sabihin mo agad sa akin.”

Tumango na lang si Lirah kay Matias bilang sagot. Minabuti niyang kuhain ang cellphone at kalikutin iyon kahit hindi naman siya masyadong maalam. Ka-text niya si Kiray na nagagalit dahil hindi niya ito isinama. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status