Share

MS01: Alexia Joy Pacheco

UMAGANG-UMAGA, ay kaagad akong napabangon mula sa pagkakapukaw mula sa mga sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakapikit ko pang iwinaksi ang kumot na nakabalot sa akin at pilit na nag-inat upang tuluyang magising.

"Good morning, people! And hello, vacation!" Sigaw ko nang makatayo at dumiretso na sa banyo matapos.

Pangiti-ngiti ko pang niliguan ang sarili nang maalalang wala nga pala akong trabaho ngayon. Malayo sa mga krimen, hectic na schedules, at overflowing na pressure. Nasa bakasyon ako ngayon at ang tanging gagawin ko lang ngayong nasa resort ako ay ang ii-spoil ang sarili at magpakasarap na mag-isa.

Bilang isang pulis, wala akong oras para sa mga gala at iba pang umiikot sa luho. Umiikot ang aking mundo sa mga operasyong nakasasakit sa utak, mga kriminal na kadalasan ay bayaran, at mga lohikang pinaiiral upang masolusyonan ang mga problema.

Ilang taon na akong naka-base sa Manila at para sa akin, kontento na ako sa aking buhay. Although hindi ko na nagagawa ang mga nakakasanayang mga activities way back highschool, masasabi pa ring fulfilling ang buhay ko ngayong pulis na ako.

Ngunit ngayon, I decided to take a leave. Kailangan ko rin naman ng pahinga kahit hindi natutulog ang batas. Kaya, napili kong magbakasyon muna, malayo sa trabaho.

Matapos na makapagbihis, agad akong lumabas ng hotel room na tinutuluyan at kaagad na nagtungo sa restaurant na ang view ay ang dalampasigan. Sabi kasi nila maganda raw mag-almusal sa kainan na iyon, nakapagpapa-good vibes, anila.

Nang makalabas ng mismong exit, napangiti ako nang kaagad na bumungad sa akin ay ang yakap mula sa maligamgam na hangin ng resort, mapuputing buhangin ng tabing-dagat, at nagtataasang puno ng buko. Maingat kong hinawakan ang dulo ng aking beach hat upang hindi ilipad ng hangin at naglakad na patungo sa restaurant upang kumain ng umagahan.

"What a nice view for a vacation, perfect!" Bulong ko nang makaupo sa isang table for two at eksakto namang sinalubong ng waiter.

"Good morning, ma'am. Ano pong napupusuan n'yo?" tanong ng waiter habang inilalapag sa mesa ko ang menu nila. Napakagat ako sa labi nang makita ang mga pares ng pangalan.

Grabe, pangalan pa lang naglalaway na ako.

"One plate of vegetable salad nga with your best grilled chicken thighs and orange juice."

Kaagad na umalis ang waiter sa aking harapan matapos noon at ganoon din naman ang pagdako ng aking mga mata sa mga alon na humahampas sa buhangin.

It's so refreshing at sana… isinama ko si Peter.

Agad naman akong napabuntong-hininga nang maalala si Peter. He and I are in a relationship for five years now. At hindi ko maikakailang hindi naging madali ang pagsasama namin. But he's the one.

May-ari siya ng isang hacienda sa Tagaytay at kasalukuyang busy dahil na-scout siya sa pagmomodelo two years ago. Hindi naman talaga ordinaryo ang tinataglay niyang itsura. Para siyang nilikha ni God Himself!

At feeling ko… malapit na siyang mag-propose. Busy siya lately, eh. Kahit naman palagi akong napapasabak sa bakbakan ay malambot pa rin naman ang puso ko. Sa trabaho, saka lang tumitigas. Pero with personal things, ibang usapan na iyon.

"Here's your order, ma'am."

Nang dumating na ang aking pagkain, nagsimula na akong kumain habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.

"Kailan kaya siya magpo-propose?" Tanong ko at sandali pang sinulyapan ang cellphone na sinadya kong ini-airplane mode para walang distractions.

Napangisi akong bigla nang makita ang larawan naming dalawa sa lockscreen. Magandang bungad, para sa magandang umaga.

Hindi nagtagal, sumunod naman akong umarkila ng jetski upang libangin ang sarili. Hindi naman pala masama ang magbakasyon nang mag-isa. Sa totoo nga, nakaramdam ako ng kalayaan.

"This resort is superb!" sigaw ko habang ibinababa ang kaliwang kamay upang ilublob sa tubig.

Habang nakasakay sa jetski, nilibot ang buong isla, nakakikita ako ng iba't ibang rock formations at na talaga namang nag-e-engganyo sa aking manatili ng ilan pang linggo. Tutal, ikalawang araw ko pa lang dito and it's not bad after all.

"That's fun!" Nakangiti kong salubong sa Jetski Trainer nang makababa sa sinakyan at nagpaalam na upang maglibot naman sa mga kubol at magpahinga ng kaunti.

Nang maghapon, napagdesisyunan kong tawagan ang aking bestfriend na si Nathan upang kumustahin siya sa kaniyang trabaho. He's my partner in crime ever since nailipat ako sa department na kasalukuyang pinagtatrabahuhan at siya rin ang nag-introduce sa akin kay Peter.

"Hi Nathan!" Bati ko sa kabilang linya habang kinukuha sa drawer ang bikining susuotin ko. It just took three rings bago niya sagutin. Siguro'y busy talaga siya.

[Hello, officer! What's up?]

"Not much. Papunta pa lang ako sa beach, magsi-swimming. Ikaw, wassup?" tanong ko sa kaniya bago hubarin ang robe at nagpalit na ng bikini.

Sinagot naman niya ako ng isang buntong-hininga. Napakunot ang aking noo dahil doon. [I am exhausted, goodness gracious! If I could just leave my work like yours, matagal na akong nag-hire ng wedding planner. But it turns out I still have lots of loads here.]

Agad akong napanguso nang marinig ang kaniyang rants. Mayroong parte sa aking dibdib na hinaplos dahil nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Just to inform, he's planning to get married yet can't dahil marami kaming trabaho.

Ikinibat ko na ang aking tote bag at nagtungo na sa seradura ng pinto. "Aww, sorry! Promise, ako naman ang sasalo sa iyo once I get back. Rest assured, bibigyan kita ng pasalubong."

[Weh?] he chuckled. [Siguraduhin mo lang Pacheco, ha. Kukutusan kita, sige ka.]

After a while ng pag-uusap namin, I decided to end our conversation at nagpunta na sa tubig upang maglangoy. Humahaplos sa akin ang maligamgam na tubig sa bawat strokes na aking ginagawa. Klaro rin ang tubig at napakalinis, ang sarap maglangoy.

"Dalhin ko pala si Peter dito next time. Omg, can't wait na makauwi sa bahay!" D***g ko sa tuwa at nagsimula na i-enjoy ang paglangoy at nag-dive na sa malalim na parte.

Nasa kalagitnaan ako ng paglangoy nang bigla akong napatigil sandali. Napatingin kasi ako sa mga ulap na kung saan ay biglang sumagi sa aking isipan ang imahe ni Peter. Kahit alam na miss ko lamang siya kaya ganoon, kaagad akong lumusong at nagpasyang mgapatuyo na upang makontak si Peter.

Busy siya pero wala ba siyang break para 'di mag-chat sa akin?

Mula kasi nang ini-off ko ang airplane mode ay wala pa ring notifications na nagmumula sa kaniyang messages. Agad kong kinuha ang cell phone sa tote bag at tiningnan kung meron na ba.

Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makitang naka-25 missed calls na siya sa akin. Agad akong nagkukumahog na idinial ang kaniyang numero, nagbabakasakaling hindi siya galit.

Oh, God! Ano'ng ginawa kong mali?

[WHAT TOOK YOU SO LONG TO ANSWER?]

Agad kong inilayo ang cellphone mula sa pagkakadikit sa tainga nang ang kaniyang sigaw ang bumungad sa akin. Ngumiwi ako, kinukutusan na ang sarili dahil masyado akong nag-enjoy sa paglalangoy.

"Peter… a-ano kasi—"

[—Damn! Nagbakasyon ka lang, ang tagal mo nang mag-pick-up ng phone? What's wrong with you?]

Hindi ko talaga gusto kapag nagagalit si Peter. Ito ang issue niya these past years hanggang ngayon naming pagsasama. Ayaw niya kasing hindi agad nasasagot ang tawag. To make it short, his temper is so ill when it comes to phone calls.

"Kalma lang, Peter. I was swimming, okay? Sorry na…" mahinahon kong panunuyo sa kaniya ngunit mukhang hindi umeepekto.

[Tsk. You know naman, Alexia, na ayaw ko nang hindi agad nasasagot ang tawag.]

"Hindi na mauulit!" Nakangiti kong sabi at itinaas pa ang kanang kamay, mistulang nanunumpa kahit 'di niya kita.

Ngunit, kaala ko ay kumalma na siya ngunitchindi pa pala. In fact, agad na nanlaki ang aking mata at parang nabingi sa kaniyang sinabi na hindi ko inaasahan.

[Hindi na talaga because I'm breaking up with you!]

Nakakunot-noo ko siyang kinuwestiyon. Ikako, "What?! Hindi lang nasagot kaagad ang tawag mo, makikipaghiwalay ka na kaagad? Ang babaw naman, Peterson."

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil hindi ko labis na maintindihan kung ano na naman ang nakain niya at makikipaghiwalay siya ng ganito. Wala naman akong mali, as far as I remember.

[No… no. Shut up!] he hissed. [I am through with you and I can't even be frightened again thinking about your situation as a police officer. I have my reasons, Alexia. I'm through.]

Five years… five years na kaming nagsasama at hindi ko alam na darating pa pala kami sa puntong pagsasawaan niya ang pagiging pulis ko. Nakakabigla lang kasi… akala ko siya na ang t-the one….

"Hindi ako papayag, Peterson! Umayos ka nga! Kung prank ito, hindi ka nakakatuwa. What do you mean na ayaw mo na?" hindi ko makapaniwalang sambit at mabilis na dinakma ang tote bag at nagmartsa na patungo sa pinakamalapit na canopy.

No, hindi ako papayag. No!

[You know me, Pacheco.] He called me using my surname. [Once I made a decision, that's final. So let's break up!]

"How dare you spare that five years?! Hindi ka pa ba sanay, Peterson? Uuwi ako. Sige, uuwi ako ngayon, mag-uusap tayo."

But, before I say another word, bigla niya na lang pinatay ang tawag. Muli, sinulyapan ko ang screen nang mawala ang pangalan niya. But, sa i tried to call him again, blocked na raw ako sa number niya.

What the…

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status