HABANG NAGMAMANEHO, hindi ko maiwasang hindi pag-initan ang sasakyang nasa unahan ko. Ang bagal kasi nito at parang takot na takot sa daan. I rolled my eyes in irritation at sinubukan businahan ito ngunit nagsalita naman ang hari."They're my other guards. They drive respectfully in order to make me safe as always. This is not a race, Officer Pacheco. Under my roof, you're just a guard. Not a police officer to me."Nang makarating sa kompanya, agad akong namangha sa taas nito. Para kasi akong nasa Amerika sa sobrang lawak at laki ng building na pagmamay-ari niya. Ibinaba ko na si Luke sa entrance at dumiretso na sa parking area.Bago ako tuluyang umalis, luminga-linga ako sa paligid. Baka kasi makakita ako ng mga kahina-hinalang bagay at maging lead ito. But apparently, wala.It didn't took long for me to reach Luke's office. Gaya ng mga tipikal na opisinang napapanood ko sa mga movies at drama, ganoon din ang senaryong nakita ko.Nasa harap siya ng kaniyang table at pumiperma ng mga
Isa-isa kong pinulot ang mga papel na lumipad kanina sa kalampahan ko. Naiinis man dahil naiwan ng elevator, hindi ko rin alam kung anu-ano ang pagkakasunod nito. Ang iba kasi ay hindi naka-stapler kaya talagang kumalat ang bawat isa sa sahig."Ginawa ba naman akong sekretarya. Talaga bang hindi siya naniniwalang kaya kong sumalo ng bala para sa kaligtasan niya?" Naiinis kong bulong at inayos na ang mga papeles.Babae kasi ako kaya madali niyang maliitin. Eh, ano naman kung babae akong pulis? What's the matter with him?Security guard ako, hindi utusan. Naghahanap ako ebidensya at ng mga kriminal, hindi taga-bili ng kape, taga-dala ng mga papeles, at lalong-lalo na ang alilain.Naiinis kong dinala sa managing department ang mga papel at kaagad na bumalik sa opisina niya. Pasalamat siya, ginagawa ko ang lahat ng ito para amin at sa ikabubuti ng kaniyang kompanya. Pasalamat siya, may pasensya pa akong natitira."Meron pa, sir?" Sarkastiko k
ISANG LINGGO na ang nakalipas at hindi ko maintindihan ang punto kung bakit ayaw na ayaw niya akong papuntahin sa headquarters. Nakakainis lang dahil kahit nasa bahay lamang ay ayaw niya akong paalisin dahil working hours daw.As if totoo namang suswelduhan niya ako. Eh, for mission purposes ang ginagawa ko.Naiinis akong umupo sa kaniyang couch at tiningnan ang kaniyang ginagawa. As usual, naliligo sa kaniyang hot tub na ginto habang nagtitipa sa kaniyang laptop."Sir, permission to leave," nagbabakasakali kong tugon at tumayo na nang tuwid upang kumbinsihin siya lalo na at maganda ang mood niya ngayong araw dahil sa tub."Stay, Officer. Remember the rules. We'll leave after I get out from here.""But sir, kailangan ko pong mag-report—""—there's nothing good or bad to report about, officer. I'm really not in the mood right now to repeat what I did tell you," pagputol niya sa akin at hindi man lang ako tiningnan pabalik.
"BAKIT BASA ka, Officer Pacheco?"Agad akong nag-iwas ng tingin sa chief nang tanungin ako nito. Natatakot akong baka palitan nila ako dahil sa ginagawa sa akin ni Luke. Ayaw ko pa namang ma-disappoint siya sa akin dahil ang laki ng expectations niya sa kasong ito."Answer me, Officer. Why are you dripping wet?"Mariin akong napapikit at bumuntong-hininga. Agad ko siyang sinulyapan at bakas sa kaniyang itsura ang pagtataka sa kalagayan ko."May aksidente l-lang pong... nangyari," mahina kong sabi at muling nagbaba ng tingin."You aren't also answering my call kaya ang buong HQ ay nag-aalala sa iyo," pormal niyang sabi bago ako talikuran at umupo na sa kaniyang desk."Sorry po talaga, Chief." muli akong bumuntong-hininga at napag-isipang sabihin na lang sa kaniya ang totoo. "Hindi po kasi talaga ang connection namin ng CEO. I did my best po, I swear! Pero hindi po talaga kami maka-get akong sa isa't isa.""Kaya ka nabasa?
NANG MAKAUWI sa sa pamamahay ni Sir Luke, kaagad akong dumiretso sa aking kuwarto upang hagilapin ang sariling laptop at i-type ang mga pinaghihinalaan kanina. Ang mga intern.Gusto kong simulan ang imbestigasyon sa mga taong hindi naman masyadong napapansin ng iba; ang mga bagong employ o mga intern. Baka kasi may chance na para hindi mahalata ang embezzlement nila, they are using the people who aren't noticeable that much.Nagpadala rin ako kay Nathan ng email, humihingi ng tulong para i-research ang tungkol sa mga intern ng Dyson. Matapos noon, agad akong nagbihis na at humilata na sa sariling kama. Looking back at my impression to Daisy, ang mga tipo niya ang hindi napapasabak sa krimen. Maganda siya, matalino, pero hindi pasok sa banga.Napakamot ako sa ulo, curious pa rin sa room ng intern na pinasukan ko. Kailangan ko talagang malaman kung anong meron sa loob nito. Kaya lang, baka mabisto ako, maisumbong pa. Kaya't kailangan ko t
"WAIT!" AGAD akong mariin na napapikit at napakuyom ang kamao dahil sa muling pagbanggit ni Sir na hintayin ko siya. Still, nahihiya pa rin ako at hanggang ngayon, hindi ko siyang kayang tingnan sa kaniyang mga mata."HOW MANY TIME DO I HAVE TO SAY 'WAIT' JUST FOR YOU TO STOP?" panenermon niya sa akin, ilang hangbang ang pagitan namin. Still, hindi ko siyang nilingon. Bagkus, nanatili akong nakaharap sa kawalan at pinalalabas sa kabila ng tainga ang kaniyang sinasabi. What he did was unexpected. Kung hindi dahil sa kaniya, kanina pa ako naliligo sa puting pintura.Should I be thankful rather that feeling regretful?"Bakit kasi hindi ko napansin 'yon?" pagalit kong bulong at napipilitang bumuntong-hininga."Humarap ka nga!" aniya sabay hila muli ng kaliwa kong braso at hinigit ako upang humarap sa kaniya.Feeling an electricity flowing between our skin, kaagad ko itong inalis at itinago sa aking likod. Agad akong napati
MABILIS ANG takbo ng oras at namamalayan kong oras na pala upang ihatid si Sir Luke sa old building ng Dyson. Opportunity na rin ito para sa akin dahil maaaring magkaroon ng mga clue tungkol sa embezzlement na ito. After all, gagawa at gagawa ng daan ang mga iyon upang iligaw ang sangkapulisan."Don't roam around the place, officer," banta ni Sir Luke bago tuluyang buksan ang pinto ng kaniyang kotse. "I'm warning you."Nang tuluyan na siyang makalabas, hindi ko maiwasang mapairap sa hangin at hindi matanggap ang kaniyang sinabi. Hindi naman ako tanga para magpapansin sa mga empleyado niya. Siyempre bilang pulis, kaya ko rin namang mag-disguise, ano? Nang makarating sa aking post, dito ko lang nalaman na literal na magkaiba ang design ng lumang kompanya sa bago. Kung ang bagong building ay gawa sa glass, ito naman marble. Hindi gaya ng mga dingding na glass sa kabila, dito ay purong marmol.Napansin kong wala siyang gaanong tambak na papeles sa ka
NAHIHIRAPAN MANG bumangon, nilakasan ko pa ang loob at ibinuhos ang buong enerhiya upang makabangon. Pakiramdam ko ay kinukulang pa rin ako sa hininga kaya kailangan ko ng hangin."A-aw!" daing ko habang hinihimas ang sariling dibdib. Unti-unti akong nagmulat ng mata upang tingnan kung nasaan ako. Pakiramdam ko kasi ay nasa open space na ako.Laking gulat ko nang makitang nasa loob ako ng isang kuwarto. Mayroong mataas na kisame, matataas at mahahabang kurtina, silk na bedsheet, at caramel na fragrance ng paligid. Nang ilibot pa ang mga mata, bigla na lang akong napabangon nang makita ang portrait ni Sir Luke sa katapat ko.Aligaga kong pinagmasdan ang sarili at kinapa-kapa ang damit, nagbabakasakaling wala siyang ginawa sa akin, at agad namang nakampante nang hindi ako hubad. Naka-pambahay na rin ako at nakapagtataka lang na hindi ko naaalala ang nangyari kahapon."Dinala niya ba ako rito? Siya ba ang nagbukas ng pinto?" Tanong ko at kaagad na is