Share

MS05: Dyson Financial Corporation

"BAKIT BASA ka, Officer Pacheco?"

Agad akong nag-iwas ng tingin sa chief nang tanungin ako nito. Natatakot akong baka palitan nila ako dahil sa ginagawa sa akin ni Luke. Ayaw ko pa namang ma-disappoint siya sa akin dahil ang laki ng expectations niya sa kasong ito.

"Answer me, Officer. Why are you dripping wet?"

Mariin akong napapikit at bumuntong-hininga. Agad ko siyang sinulyapan at bakas sa kaniyang itsura ang pagtataka sa kalagayan ko.

"May aksidente l-lang pong... nangyari," mahina kong sabi at muling nagbaba ng tingin.

"You aren't also answering my call kaya ang buong HQ ay nag-aalala sa iyo," pormal niyang sabi bago ako talikuran at umupo na sa kaniyang desk.

"Sorry po talaga, Chief." muli akong bumuntong-hininga at napag-isipang sabihin na lang sa kaniya ang totoo. "Hindi po kasi talaga ang connection namin ng CEO. I did my best po, I swear! Pero hindi po talaga kami maka-get akong sa isa't isa."

"Kaya ka nabasa?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status