-=Jayden's Point of View=-Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig ng buo kong katawan, ilang beses na nga din muntik muntikanan akong mabangga, kaya naman nang hinging ng isang tauhan ko ang pagdadrive ay hindi na ako tumanggi.Sa wakas ay napaamin ko na si Rosette at hindi ako makapaniwala nang matapos itong magsalita, ngunit agad ko iyong isinantabi at kinontact ang mga tauhan ko.At ngayon nga ay patungo kami sa address na binigay sa akin ni Rosette kung saan niya dinala ang mga gamit ni Gabby.Hindi ko na kailangan pang kabisaduhin ang address na binigay nito sa akin dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang address na iyon.Isa iyong resthouse sa Batangas na may three hundred hectares. Ilang beses na din akong nakapunta sa lugar na ito."We're waiting for your instruction." nagising na lang ako nang marinig ko ang boses na iyon.Agad ko naman inutos sa mga ito ang kailangan nilang gawin at kailangan nilang malaman, at ilang sandali lang ay nagsimula na
-=Gabby's Point of View=-"Nasaan ka na ba Jayden?" sa loob loob ko, halos mag-iisang linggo na ang nakalipas nang mailigtas kami mula sa pagkidnap sa amin, at mula ngayon ay hindi ko na nakita pa si Jayden.I tried calling his cellphone, but hindi ko naman iyon macontact, kapag tinatanong ko naman ang mga tauhan ni Jayden ay wala din ni isa man sa kanila ang makapagsabi sa akin ng kinaroonan ng amo nila."Hindi mo pa din ba siya nacocontact?" narinig kong tanong ni Ate Mel, kasalukuyan na nasa kuwarto ako sa mansion, kung saan kasama ko si Ate Mel at ang anak ko na abala sa paglalaro, tila hindi nito alintana ang mga nangyari na siyang gusto ko ding mangyari."Mukhang nakapatay ang phone niya, kaya naman hindi ko siya matawagan." sagot ko dito kasunod nang isang mahabang bungtung hininga.Minabuti ko na lang na humiga na muna, dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sa mga nangyayari."Ano ba talagang nangyari?" naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama sa bandang kanan ko at ilang s
-=Jayden's Point of View=-"Kamusta na kaya sila?" sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto ko, it's been two weeks since magdecide akong lumayo sa mag-ina ko, at iyon ang pinakamasakit at pinakamalungkot na dalawang linggong naranasan ko.Sa totoo lang, gustong gusto kong puntahan sila Gabby at Caleb, pero pinilit kong huwag gawin iyon, dahil alam kong hindi ako karapat dapat sa kanila.Hindi ko pa din matanggap ang katotohanan na tunay kong ama si Jovanie, all my life I thought that my parents was killed by some random people, pero iyon pala ay sarili kong tiyuhin ang nagpapatay sa mga magulang ko, at ang pinakamasama pa doon ay nalaman kong si Tito Jovanie ang tunay kong ama.Anak ako ng isang mamamatay tao, kaya anong mukha ang ihaharap ko sa mag-ina ko, maliban pa doon ay anong ihaharap ko kay Jared, ng dahil sa akin ay nasira ang pamilya namin. Nakulong na si Tito Jovanie, pero hindi pa din maiaalis non ang katotohanan na anak ako ng nagpapatay sa mga mag
-=Gabby's Point of View=- "Hi mind if I join you?" ang narinig ko sa bandang kanan ko. "Sorry I'm waiting for someone." ang nakangiti ko nang sinabi dito, ilang offer na ba ang tiniturn down ko simula pa lang nang pumasok ako sa bar na ito, actually may hinihintay talaga ako pero I don't think na alam niya na hinihintay ko siya at siguro dalawang oras na din ako naghihintay sa pagdating nito at ilang orange juice na din ba ang iniinom ko dahil hindi ako sanay uminom ng alak. Medyo nawawalan na nga ako ng pag-asa na makikita ko ito ngayon pero naniniwala ako sa sinabi ng source ko sa kumpanyang iyon na pupunta ito ngayon. "Maybe he's not coming." ang namutawi sa mga labi ko at akma ko na sanang tatawagin ang waiter para bayaran ang bill ko ng sakto naman na pumasok ang kanina ko pa hininhintay. Parang biglang huminto ang buong paligid at ang buong atensyon ko ay natuon lang sa bagong dating, he's the epitome of tall, dark and handsome. At twenty seven he already established his emp
-=Gabby's Point of View=- A smile appeared on my lips habang nagdadrive ng kotse ng natutulog na si Jayden, who would have thought na madali lang pala itong mahuhulog sa patibong ko, I can still remember what happened earlier. "Are you ok?" nag-aalala ko kunwaring tanong dito nang mapansin kong kanina pa ito napapapikit. "Yeah I'm fine medyo nahihilo lang ng konti." ang sagot naman nito na halatang nilalabanan ang antok nito sa pag-aakalang dahil lang iyon sa nainom. "Mabuti pang itigil mo na muna ang kotse sa gilid para makapagpalipas ka ng tama mo." I suggested na agad naman nitong ginawa kahit paano naman pala ay may concern ito sa kaligtasan nila. "Just give me two minutes for sure mawawala din itong pagkahilo ko." ang sinabi nito at agad nitong pinikit ang magkabilang mga mata nito. "Jayden? Jayden?" ang tawag ko dito at nang hindi ito sumagot ay alam kong tuluyan nang gumana ang nilagay kong pampatulog sa ininom nitong tubig. "Perfect." I muttered agad akong bumaba ng kots
-=Gabby's Point of View=- I was humming a song nang marinig ko ang pagmumura sa second floor ng bahay na iyon. "Guess my visitor is already awake." ang nakangiti kong bulong, na tamang tama lang dahil kakatapos ko lang magluto para sa tanghalian namin which is medyo late na dahil ala una na nang tanghali. "Shit!" ang narinig ko sa loob bago ko tuluyan buksan ang pinto na hindi ko naman talaga sinaradong maigi at gamit ang paa ay tuluyan kong nabuksan ang pinto at agad sumalubong sa akin ang galit na galit na mukha ni Jayden Andrada. "Handa na ang tanghalian!" ang masaya kong sinabi dito kahit na nga ba parang gusto ko nang bumalik sa kusina at magtago doon dahil sa nakikita kong panganib sa likod ng mga titig nito sa akin na hindi naman kataka taka dahil mukhang narealize na nitong nakaposas ang magkabila nitong mga kamay at maliban pa doon ay nakatali naman ang dalawa nitong paa. "What do you want from me?" naging kalmado lang ang boses nito ngunit bakit parang mas naging mapanga
-=Jayden's Point of View=- I don't know what I've gotten myself into, kung hindi ko lang sinunod ang payo ng kaibigan ko na magrelax muna daw ako since two days pa naman ang flight ko papuntang Macau ay wala ako ngayon sa sitwasyon na ito and I'll be damned who would have thought na ang babaeng iyon ay makakayang gawin ang bagay na ito, I mean for crying out loud ako lang naman si Jayden Andrada people are afraid of me not just because of power I have because of my status but also because of my personality at hindi ako makapaniwalang ang katulad lang ng babaeng iyon ang makakagawa sa akin. To be honest nagulat na lang talaga ako ng may biglang lumapit sa akin na waiter sa bar na pag-aari ng kaibigan ko at mas nagulat ako nang may inabot ito sa aking baso ng alak and I was about to tell him to back off nang tinuro sa akin ang nagpabigay umano nito and oh man bigla akong parang nahipnotismo nang makita ko ang naturang dalaga, pretty is such a lame adjective to describe her, gorgeous wo
-=Gabby's Point of View=-Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan akong makalabas ng kuwarto ni Jayden, I don't have any doubt na tototohanin nito ang naging banta nito, hindi ko naisip masyado ang maaring maging consequences ng ginawa ko dito, I may be thrown to jail for all I know or worst baka ipapatay nito ako ng dahil kasi sa akin ay hindi ito nakaalis ng Pilipinas para makipag meeting sa business client nito kaya hindi malabong gawin nga nito ang isa sa mga iniisip ko.Ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at huwag magpatakot dito para mapanagutan nito ang ate ko, the hell I care kung siya ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo, nagkamali siya sa ate ko at ang batas naming magkapatid ang mas mahalaga.Katulad ng mga nakaraang araw ay sinubukan kong tawagan si Ate Mel ngunit wala pa din, sinubukan ko na ding tawagan ang mga kaibigan nito ngunit maski man sila ay hindi alam kung nagpunta ito.Labis na akong nag-aalala kung ano na ban