MABILIS NA NAPABALING si Greg sa pinto nang marinig niyang bumukas iyon at ibinungad noon ang humahangos na si Yvette. "Oh, my God! Are you okay, Greg? I heard what happened to you last night. How's your feeling?" sunod-sunod at may pag-aalala nitong tanong nang makalapit ito sa kaniya. She even sat beside him. "What are you doing here, Yvette?"Nawala agad sa mood si Greg nang makita niya ang babae. She shouldn't have shown up. The doctor told him to rest and calm himself. But how could he calm himself if the woman who always makes his blood boil is here?Kakagaling lang ni Greg sa hospital dahil sa nangyari sa kaniya kagabi sa bar. Walang maalala si Greg kung ano ang mga nangyari dahil lasing pa siya. Basta't ang naalala niya lang ay kung paano nanikip ang dibdib niya bago siya mawalan ng malay. Natandaan niya rin na kasama niya si Lander ng sandaling iyon. But when he woke up, he was already in the hospital, and Lander wasn't there. Gusto niya sanang magpasalamat dito sapagkat hi
MADILIM NA ANG kapaligiran nang makaalis si Dane sa kaniyang flower shop. Patungo siya ngayon sa kaniyang nobyo upang sorpresahin ito dahil kaarawan nito ngayong araw. Dala niya ang isang bouquet ng red roses para ibigay kay Dalton dahil iyon ang paboritong bulaklak ng kaniyang nobyo. Bago magtungo sa condo unit nito, dumaan muna si Dane sa bakery shop upang bumili ng cake. Matapos bumili ng cake, nagpatianod na si Dane patungo sa tinitirhan ni Dalton. She drove 20 minutes before she arrived to her destination. She parked her car properly before she went inside the condominium building. Dumiretso agad si Dane sa elevator at pinindot ang tenth floor kung nasaan ang unit ng nobyo niya. Ingat na ingat siya sa mga hawak niya lalo na ang cake dahil ayaw niyang ipresinta iyon kay Dalton na sira. Nang bumukas ang pinto ng elevator, agad siyang lumabas at mabilis na tinungo ang unit ni Dalton. Napakunot-noo agad siya nang makitang naka-awang ang pinto ng unit nito. Never iyon ginawa ni Dalton
"ATE DANE, MUKHANG masama po yata ang pakilasa niyo. Mas mabuti yata kung umuwi ka na lang, at kami na ang bahala ni Lean dito sa shop tutal at dadating na rin naman iyon mayamaya."Mabilis na inangat ni Dane ang kaniyang mukha kay Asheng at malapad itong nginitian. "Nah, I am fine. Medyo hindi lang naging maganda ang timpla ng katawan ko kaninang umaga. Ewan ko ba, nagising na lang ako dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang tiyan ko. I puked. Tapos pakiramdam ko ay matutumba ako na hindi ko maipaliwanag.""Baka may sakit ka. Naku, mas maigi yata kung umuwi ka na lang. Huwag na po kayong mag-alala rito sa shop dahil kami na po ni Lean ang baha—""Kaya ko ang sarili ko," Dane cut. "Hindi na nga ako pumasok noong nakaraan, pati ba naman ngayon? No way!""Hmmm… kayo po ang bahala. Pero kung hindi mo na talaga kaya, magsabi ka lang po. At nga po pala, maitanong ko lang, bakit hindi ka po nakapasok noong araw na iyon?"Biglang natigilan si Dane ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung s
"WHAT CAN YOU say about this movie? Are you happy to be partnered with Miriam?""Is it true that your partner was supposedly Yvette? Anong masasabi mo tungkol sa isyu na iyan?"Hindi na alam ni Greg kung saan siya babaling ng mga oras na iyon dahil sa sunod-sunod na tanong ng mga reporter na nakatayo sa harap nila. Hindi rin mapigilan ni Greg ang mainis ng mga sandaling iyon dahil sa mga tanong ng mga ito. Bakit pa nila isinisingit ang bagay na iyon? Nandito sila para sa storycon ng upcoming movie nila ni Miriam Rivera. Kung wala lang nakatutok na mga camera sa kaniya, baka kanina pa niya tiningnan ng masama ang mga ito. Reporters or even paparazzi are always annoying. Nakakasira sila minsan ng reputasyon ng isang indibidwal. May mga bagay talaga na dapat hindi na isinisiwalat sa madla. Sila rin ang nagiging dahilan kung bakit may nabubuong isyu sa mga popular na tao. Marahas na bumuntong-hininga si Greg at kahit naiinis, ngumiti pa rin siya sa harap ng mga ito. "I am so happy bec
"WHERE DID YOU go last night?"Without opening his eyes, Greg answered. "Sa bar…""Greg…" Naramdaman ng binata na bahagyang bumaba ang tabihan niya—senyales na umupo roon si Ojie. "We already talked about this, didn't we? Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa iyo na tantanan mo na ang pagpunta sa bar? Look, unti-unti nang nasisira ang reputasyon mo sa mga tao. They are hating you for being like that. You're supposed to influence them, but what are you doing, huh? Ipinaglalandakan mo pa sa kanila iyang mga bisyo mo. Saan pa ba umiikot ang buhay mo? Sa pag-iinom? Sa mga babae? Answer me, Greg!"Kahit masakit ang ulo, iminulat pa rin ng binata ang kaniyang mga mata at bumungad agad ang mukha ng manager niya sa kaniya. Ngumisi siya bago naglayo ng tingin dito."Pumunta ka lang ba rito para bungangaan ako? Ang aga-aga, Oji—""Enough, Greg! Can you just listen to me once and for all? Wala ka ng mga magulang, kaya wala nang gagabay sa iyo. Actually, you should be thankful because I'm stil
"WELCOME BACK, SIR. Lander…" masayang bati ni Joselito, ang family driver nina Lander nang salubingin nito ang binata sa gate.Agad na sumimangot si Lander nang hindi niya nakita ang kaniyang pamilya. "Where's mom and dad, Manong Joselito?""Ay, naku, busy po silang dalawa, Sir. Lander. Sina Ma'am Laine at Ma'am Trisha naman po, abala sa eskuwelahan kaya hindi rin po nakasama."He knew it. Hindi na nagulat si Lander ng mga sandaling iyon. He's sad. Ngayon na nga lang siya bumalik sa Pilipinas after eight years, tapos ganito pa ang mangyayari. Hindi man lang siya nagawang salubungin ng pamilya niya.Imbes na ipakita sa matanda na malungkot siya, malapad siyang ngumiti at inaya na itong umalis na dahil banas na banas na siya. Gusto nang umuwi ng binata upang magpahinga dahil napakahaba ng byinahe niya mula Alaska hanggang dito sa Pilipinas.Si Manong Joselito na ang nagbuhat ng mga gamit ng binata patungo sa kotse sa labas. Pumasok na si Lander sa backseat habang ang matanda ay abala sa
"DAMIEN, WHERE HAVE you been, huh? Anong sabi ko sa iyo? Do not go outside without knowing me. Pinag-alala mo ako nang sobra. Look, you're sweating."Naiinis man, hindi iyon ipinahalata ni Dane sa kaniyang pitong taong gulang na único hijo na si Damien. Lumuhod siya sa harap nito at pinunasan ang mukha pababa sa leeg nitong pawis na pawis. Hindi rin mapigilan ni Dane na mapangiwi dahil sa amoy ng kaniyang anak. Amoy araw ito."Mommy, may playmate na po agad ako. We played po sa labas," nakabungisngis na ani ni Damien kapagkuwan ay siniil siya ng halik sa kaniyang pisngi.Pakiramdam ni Dane ay natunaw ang puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa ka-sweet-an ng kaniyang anak. She smiled widely and continued what she was doing until she finished it."Anak, nag-usap na tayo bago tayo pumunta rito, 'di ba? I told you na huwag kang lalabas without my knowledge. I almost called the police. Hinanap kita sa buong bahay tapos nasa labas ka lang pala. You almost gave me a heart attack, baby." Sh
TAHIMIK NA IPINARADA ni Greg ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng isang fast-food restaurant dito sa San Pablo City, Laguna. Matapos niyang makipagsagutan kay Yvette, agad siyang lumisan upang makita si Dane Solomon.His private investigator told him that Dane is working here, kaya walang sinayang na oras si Greg. Gusto na niyang makita ang babae at malakas ang kutob niya na may nabuo noong gabing may nangyari sa kanilang dalawa.Until now—even after years, Greg felt Danes' lips on his lips. Damang-dama pa rin niya ang mainit na mga labi ng dalaga sa kaniyang katawan. What happened to both of them years ago was truly an unforgettable moment that had happened in his life. Greg took a deep breath before going out of his car. Pinasadahan niya muna ng tingin ang naturang restaurant bago siya nagpatiuna upang makita na ang babaeng matagal-tagal na niyang hinahanap. Seven years—seven years of looking for her—dito lang pala niyang matatagpuan ang babae. Nang makapasok si Greg sa naturan