Share

KABANATA 6

Nanginig ang labi niya at hindi makatingin sa Ate niya. Mas lalo tuloy na hindi siya makahinga.

"Hindi mo naman aagawin si Royce, di ba?" lambing nito sa kanya.

Pilit siyang ngumiti kahit pa buong katawan na niya ang gustong manginig.

"H-indi. B-akit ko naman gagawin iyon? He looks so madly and deeply in love with you, Ate," pagsisinungaling niya.

Ngumiti ito nang malawak. Napaatras pa siya noong haplusin nito ang buhok niya. Pakiramdam niya kasi ay sasabunutan siya nito.

"Bakit? Ayaw mo ng hawakan ko ang buhok mo?"

Tumikhim siya at umayos ng upo, "Hindi naman. Baka magulo lang. Anyways, iyon lang ba? You can keep Elena as our employee."

Nilayo nito ang kamay at kumibit-balikat, "Alright. Sabihin ko rin sa kanya na ipa-tulfo niya si Mau. What do you think?"

Nawala ang pilit niyang ngiti, "Hindi na kailangan iyon. Masasabit lang sa gulo ang kumpanya."

"Huh, mas exciting iyon, Baby Crystal. The world will know how dirty those other women are. Deserve naman mapahiya ng isang kabit—"

"Ate, please, no" hindi niya mapigilang putol sa sinasabi nito dahil pakiramdam niya ay para sa kanya ang kahihiyan na iyon.

Kabog na kabog ang d*bdib niya noong seryoso itong tumitig sa kanya.

"Don't tell me mas pinapanigan mo ang kabit?"

Namilog ang mga mata niya, "What? Of course not. No one deserves to be cheated—" Tinikom niya ang bibig dahil ayaw niyang sa kanya magmula iyon. Hindi siya malinis na tao.

"Fine. Let's end this topic here. Basta wala lang umagaw kay Royce, ayos ako. Akin na rin iyong documnets para sa bagong subdivision. Na-review mo naman ang design di ba? May meeting pa bukas diyan, support me please," paglalambing nito.

Wala sa loob siyang napatango kahit na hindi pa niya nakikita iyon. Basta na lang niya inabot ang folder para makaalis na ito sa opisina niya.

"Ba-bye. See you at home," paalam pa nito.

Agad niyang nasapo ang noo at marahas na huminga noong makalabas na ito. Walang tigil sa panginginig ang kamay niya at malamang na hindi siya makakapagtrabaho ng maayos.

"Sh*t. Hindi ka kabit, hindi ikaw ang lumapit, Crystal. Wala kang kasalanan, si Royce ang may gustong *ngkinin ka," pampalubag loob niya sa sarili.

"Ano bang magagawa mo kung hindi niya naman talaga gusto ang ate mo? It's not your fault—sh*t!"

Napasigaw siya noong tumunog ang intercom. Si Ella iyon kaya't napairap siya.

"Ma'am Crystal, nasa labas po si Sir Royce."

Biglang tumigil ang mundo niya at umawang ang mga labi. Napalunok siya at mabilis na inayos ang mesa niya, pati ang baso ng malamig na tubig ay tinapon niya sa basurahan.

"Papasukin mo," mabilis niyang utos sa sekretarya.

Prente siyang sumandal sa swivel chair at kunwaring walang iniisip. Nilaro niya ang ballpen at agad na kinagat ang dulo noon matapos bumukas ang pinto. Gumuhit ang ngiti niya sa labi matapos makita si Royce. Napakalinis nitong tingnan ngayong umaga pero sa gabi ay iba ang awra nito, makalaglag panty.

"I heard what happened," bungad nito.

Umayos siya ng upo at binaba ang ballpen.

"Take a sit." Tinuro niya ang upuan sa harap ng mesa niya pero hindi ito kumilos kaya't siya na ang tumayo para lapitan ito.

"Don't worry, we're safe. My sister doesn't know a thing—"

"What are you talking about?" litong tanong nito.

Napatigil siya. Huwag mong sabihin kahit na walang nakaririnig ay aakto pa rin ito?

"Nevermind. Ano bang sasabihin mo, Kuya?" pagdidiin niya sa dulo.

Bumuntong hininga ito, "That's not how you should handle employees, Crystal. Pakinggan mo muna bago mo tanggalin sa trabaho—"

"What? Seriously, Royce? Sesermonan mo ko?" inis niyang tanong.

Nangunot ang noo nito, "It's Kuya Royce, Crystal. Hindi kita sinesermonan. Gusto ko lang na matuto ka lalo pa't dalawang buwan kaming mawawala para sa honeymoon. Ikaw lang ang mag-ha-handle sa kumpanya sa panahon na iyon," matigas nitong bigkas bago lumabas ng opisina.

Napamaang siya at bumigat ang paghinga. Hindi niya alam kung maiinis siya sa pagtatama nito na Kuya ang itawag niya o mas maiinis siya na magha-honeymoon ang mga ito ng dalawang buwan. Sh*t! Hindi siya papayag na masolo ito ng ate niya!

Buong araw siyang aburido at kung hindi lang takot na sermunan siya muli ni Royce, baka lahat ng empleyado ay natanggal niya. Damang-dama niya ang pagod sa buong araw, mas na-badtrip pa siya na sa pag-uwi ay magkatabi sa hapagkainan ang Ate Courtney niya at si Royce. Kitang-kita niya ang palad ni Royce na humah*god sa bewang ng Ate niya kaya't imbis na sumali sa hapag ay dumiretso siya sa kwarto.

Bakit ba pakiramdam niya wala pa rin siyang halaga kay Royce? Kating-kati na ang dila niyang ipagsigawan na may relasyon silang dalawa pero paano kung itanggi nito? Isa pa, ano bang relasyon nila talaga? Magkalampungan sa kama?

Tamad niyang nilagyan ng bedsheet ang kama bago naligo. Inip na inip siya sa oras at gusto ng hatakin si Royce patungo sa tabi niya.

Nakatulog siya kakahintay pero mabilis na nagising noong lumundo ang kama. Nakaupo na ito sa dulo niyon at naka-abuhing roba naman ngayon. Mariin ang titig nito sa kanya.

"You didn't eat," panimula nito.

Umiwas siya ng tingin at umupo sa kama. Agad niyang kinalas ang malambot na robang suot.

"Just f*ck me hard, then leave. Ganoon naman ang gawain mo. Gagamitin ako sa gitna ng gabi at iiwan bago pa magising. Come here, I'll spread my legs for you and f*ck me hard," sarkastikong bigkas niya.

Nagtagumpay siyang alisin ang sariling roba at akmang ipagpaparte ang mga hita ngunit napasinghap siya noong hawakan nito ang mga iyon. Pag-angat niya ng tingin ay nakapaskil ang irita sa mukha nito.

"Eat first. I won't f*ck a woman who is hungry," inis na bwelta nito.

Nanliit ang mga mata niya rito pero hindi nakakilos noong lumapit ito lalo at ipinasuot ang roba niya.

"Dinalhan kita ng pagkain," bigkas muli nito.

Agad na lumipad ang tingin niya sa maliit na mesa kaharap ng sofa. May paperbag doon na galing sa sikat na restaurant.

"Lumabas ka pa ng bahay? Bakit hindi na lang ang nasa kusina?" pinahalata niya talaga ang inis sa boses niya.

Hindi ito kumibo pero napahawak siya sa balikat nito noong buhatin siya nito.

"You're upset? Why?"

Napabuntong hininga siya. Bakit ba kanina galit ito pero ngayon masuyo na? Napalabi siya at hinilig ang ulo sa d*bdib nito.

"Pinagalitan mo ko kanina."

"Did I?"

Binaba siya nito sa sofa at inayos ang mga pagkain. Kita niya ang d*bdib nito lalo pa't maluwag ang robang suot nito. Kitang-kita niya ang malaking kamay nito at ang mga daliri nitong maugat. Napalunok siya matapos maalalang nahawakan na siya ng kamay na iyon.

"Nagka-amnesia ka ba? Sinermonan mo ko kanina dahil lang sa nagtanggal ako ng empleyado," paalala niya.

Tumigil ito sa pag-aayos ng pagkain at sumulyap sa kanya, "What else did I say?"

Hindi niya alam kung inaasar lang siya nito lalo pero napanguso siya. Tumuloy ito sa pag-aayos ng pagkain na tila hindi interesado sa sasabihin niya.

"Ang sabi mo ay dalawang buwan kayong magha-honeymoon ni Ate."

Napatigil ito bigla at tuluyang napaharap sa kanya. Lumapit siya at yumakap sa bewang nito.

"Ang sabi mo ay wala namang nangyayari sa inyo ni Ate di ba? Pwede bang huwag niyo na lang ituloy ang honeymoon? Nandito naman ako, sa akin na lang, Royce. Tayo na lang dalawa ang maghoneymoon," mapang-akit niyang bigkas bago isiksik ang kamay sa loob ng roba nito.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
lets see what will happen for the next chapters
goodnovel comment avatar
Calista Dale
parang meron something sa pagkatao ni Royce.. Iba kinikilos niya sa umaga at gabi.. napaka misteryo naman..
goodnovel comment avatar
Jenneth Palino Episioco
next episode please...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status