MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
“Everyone is ready na ba?” masayang tanong ni Tracy Alcantara sa mga empleyado niya sa restaurant niyang Zenai’s Diner. May tatlong waiter siya, tatlo ring cook at isang kahera. Tumutulong rin siya sa pagululuto lalo sa mga specialty menu nila. Hindi man kalakihan ang negosyo niya pero kita niya ang pag-asenso. “Handang-handa na po kami Ma’am,” matikas na sagot ng isa sa mga waiter niya na si Rigor. Katulad ng ibang kasamahan nito, suot na rin nito ang bagong patahing collared t-shirt na may logo ng kainan. Nagsitanguan naman ang iba pa niyang empleyado.Matamis siyang ngumiti sa mga ito. “Salamat sa inyong pakikiisa, asahan ninyo na mapapagod tayo sa araw na ito. Asahan na natin at sana nga dagsain tayo ng maraming customer mamaya. So do our best at I’ll guarantee naman na may overtime pay kayo.”SA araw na iyon ay hindi magkamayaw ang maraming tao na dumagsa sa kabayanan ng Sta. Maria. Maya’t maya ang pagdating ng mga sasakyan na may mga sakay na turista na galing pa ibang sulok ng
WALANG pagngiming tinanggap ni Tracy ang panyong iniabot sa kanya ng katabi niyang pasahero. Kaagad niyang ipinampahid iyo sa luha sa mukha niya. Nahihiya siya sa sarili at sa katabi dahil naging mababaw ang emosyon niya sa napapanood na pelikula sa bus na kinaluluaanan niya.“T-thank you,” paglingon niya sa katabi. Napaawang ang labi niya nang mamasdan ang mukha ng lalaki na kapwa pasahero niya. Mestizo ito, ang mukha ay binagayan ng may kakapalang kilay, ang may pagka-chinitong mga mata at tamang pagkatangos ng ilong. Ito ang depinisyon ng gwapo na mukhang suplado. Isang paghanga kaagad ang naiukol niya sa estranghero kahit ngayon lang niya ito nakita.“It’s alright Miss,” ang baritonong boses nito ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Bahagyang naningkit ang mga mata nito sa pagtingin sa mukha niya. “Ayoko lang magmukhang pinapaiyak kita at baka kung ano ang isipin sa atin ng ibang pasahero. Kung may vacant seat nga lang ay kanina pa ako lumipat.”Napahiyang nagbawi siya ng tingin
ANG ama na si Hernando ang nabungaran ni Tracy sa salas. Nakaupo ito sa sofa saka nakatingin sa kanya. “Opo Pa, kauuwi ko lang po, namili pa po kasi ako ng mga rekado sa Amante.”Tumango-tango ito sa tinuran niya. “Mabuti naman kung gano’n. Halatang pagod na pagod ka nga. Wala akong masabi sa kasipagan at pagpupunyagi mo sa buhay.”She smiled bitterly. “Kailangan kong gawin Pa, para sa sarili ko. all the time ay sarili ko mismo ang aking kakampi. Kapag ako pa ang sumuko ay lalo akong talo.”Sa mga salitang binitawan niya ay sapat na para maging malaman iyon. May katipiran man pero kahit papaano ay nailabas niya ang mga hinaing at sama ng loob sa pamilyang mayroon siya. At kung pamilya ngang maiituring.May tila guilt na kumislap sa mata ng ama sa pagkakatitig nito sa kanya. Kasunod ang tila pag-iwas na ng mga tingin. “Halika ka nga muna Tracy, gusto lang kitang makausap man lang. iyon ay kung okay lang sa’yo.”Tumango siya saka kusang tinabihan si Hernando sa kinauupuan nito. may sagli
ALAS- TRES ng madaling araw, kinailangang pumasok nang maaga ni Tracy sa restaurant. May biglaang natanggap na bulk ng order ng breakfast ang kainan. Isang breakfast serving para sa isang conference ng mga negosyante sa Sta. Maria at karatig-bayan. Hindi niya pinapalagpas ang mga nasabing pagkakaton dahil isang paraan iyon para makilala pa ang Zenai’s Diner. Pinapasok na rin niya nang maaga ang mga kasamahan niya pero baka parating pa lang ang mga ito.Kaya ko ito! aniya na sinimulan na niya ang trabaho. Dala ang isang bowl na kinalalagyan ng mga bahagi ng manok na ibinabad niya nang magdamag sa asin at asukal. Marahan niyang inilagay iyon sa steaming machine para maluto nang ganap ang karne. Mamaya ay ipa-fry na niya iyon. Ang kanilang fried chicken ang isa sa best-selling menu nila. Ayon sa mga customer nilang nakakain ay walang panama doon ang kaparehong produkto sa mga nasa fast-food chain.Sinimulan na rin niyang i-check ang iba pang menu para matiyak na kumpleto at maayos na ma
“TOTOO po ba talaga ito, Ma’am?” naniniguradong tanong ni Tracy sa medical technologist na nag-cross check ng dugo niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding panlulumo.“Yes Ma’am, I’m sure about sa accuracy ng result,” kaagad na tugon ng medtech. “Hindi po kayo magkapareho ng blood type ng father mo, type O po siya samantalang kayo po ay AB Negative.”Mariin siyang napailing. “I can’t believe it. Napaka-impossible po ng result na ito.”Nakakaunawang tumingin pa ito sa kanya. “Ngayon n’yo lang po ba nalaman ang inyong blood type Ma’am?”“Actually yes, simula nang malaman ko na parehong type O dugo ng mga magulang ko ay nag-assume ako na ganoon na rin ang blood type ko. Kaya nga hindi ako nag-atubiling mag-donate ng dug okay Papa,” may mga kung anong nagsi-sink-in sa utak niya dahil sa resultang iyon.“I’m sorry Ma’am pero hindi po talaga kayo pwede maging blood donor sa father ninyo. Same blood type lang po ang kailangang maisalin sa kanya,” dagdag imporma ng medtech. “Much bett
MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na rin ng hospital ang ama ni Tracy at nagpapagaling na muna ito. Nang hapong iyon ay maaga siyang umuwi ng kanilang bahay. Kahit paano ay maayos ang pakikitungo ng ina sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbabayad sa gastusin ng ama sa pagpapagamot. Bukal naman sa kalooban niya ang ginawa at marunong pa rin siyang tumanaw sa mga ito. Kinalimutan muna niya saglit ang mga gumugulo sa isip niya nitong mga nagdaang araw.Malaya siyang nakapasok sa loob ng bakuran habang bitbit ang isang basket ng prutas. Pasalubong niya iyon sa ama. May mumunting pagkasabik siyang nadarama habang papalapit siya sa bahay ng kanilang pamilya. Sumapit na nga siya sa harap ng pinto.“Alam mo Ma at Pa, nagtataka lang ako,” sabi ni Lyra. “Magkakapareho tayo ng blood type pero bakit si Ate Tracy ay hindi. Iniisip ko nga kung totoong kapatid ko ba siya?”“Huwag kang mag-isip ng kung ano,” may pananaway na boses ni Hernando. “Kahit paano ay kapatid mo pa rin siya. Salamat na