Share

Me and My Grumpy Boss
Me and My Grumpy Boss
Author: Lexie Onibas

A Princess

Zarina

Her clothes are still intact and untouched. Mom is 10 years ng lumisan. I was 8 years old when she met an accident. Me and Dad need to move on, we tried to sell our house, left and move to another city. Kailangan na naming tanggaping wala na si Mom. Simula rin nun di ko na nakakasabay si Dad kumain or makita ng madalas dito sa bahay. Kahit sobrang lungkot, wala akong magagawa. Ganito ang nawawalan lalo na ng taong mahal mo. Nagaral akong mabuti to help my Dad financially, dati kasi si mom ay isang artista kaya sa sobrang dami niyang project nararanasan namin ang buhay marangya at nakakain ang lahat ng gusto namin. Tunuring nila akong prinsesa at lahat ng gusto ko nakukuha ko. Kahit di ko hilingin binibigay nila sa akin. Napakasayang mga taon na kasama ko pa si mom. She even take me to the set and wait for her. Nangarap din akong maging tulad niya dahil sa pagacting nararamdaman kong kasama ko si mom. Dahil maayos pa noon pinagworkshop niya ako at sa daming memories nakakaiyak nalang at hindi ko na mararanasan ang magkaroon ng isang ina.

Nanatiling nakatingin si Zarina sa salamin habang sinusukat ang mga damit ng kanyang ina. Hindi maitatanggi na anak siya ng isang aktres dahil namana niya ang magandang mukha nito. Simple siyang manamit at lumaking elegante kahit hindi manlang nagmamake up or nag aayos. Isa parin siyang prinsesa ngunit wala na ang fairy god mother na maaring magmajic para sa kanya. Kaya ang nais niya ay maging artista at pag kumikita na siya ay siya naman ang magaalaga sa ama.

Nagpaikot ikot siya habang suot ang paboritong dress ng ina. At bumanggit ng mga dialog mula sa mga dati nitong pelikula.

Nagaaral siya sa kolehiyo at nagaapply sa mga talent agency nagbabaka sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon na makapagganap sa maliit or extra roles lang. Kasi ang kanyang ina ay nagsimula rin sa mga ganuong pagkakataon.

Inayos niya ang mga damit ng kanyang ina at naglinis sa silid sa taas at sinimulang linisin ang hagdanan. Tahimik ang buong kabahayan at kumanta siya at nagsanay banggitin ang ilang mga dialog.

Ilang sandali pa ay nagring ang kanyang telepono.

"Hello"

"Is this Zarina Da Cerna..“

“Yes, Speaking..“

“This is Jensen Entertainment Agency. You are selected and invited for an audition as Claire. That's tomorrow at 7am.“

“Thank you..Ill be there..Thank you again."

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas may naginvite narin sa kanya sa audition. At isa ito sa mga pangarap niyang nais na matupad.

“Mom..this is the start..“ Napangiti siya sa larawan ng kanyang ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status