Share

Sweet Hennessy

Maagang dumating ang office uniform ni Zarina kaya lang ng maalala ng dalaga ang lalaking kaharap ay di niya napigilang sungitan ito. Si Sergio ang nagtali ng kamay niya. Inismiran niya ito at hindi manlang nagpasalamat. Umalis narin si Sergio ng maibigay niya ang pinabili ng kanyang amo. Nagprepare muna si Zarina ng sarili at sinuot ang kanyang uniform at mga bagong damit. Mga skirts below the knee at white polo. May kasama rin mga undergarments na kinapula niya. Umayon at tama ang sukat nito. Nagluto si Zarina ng umagahan ni Rayne at nagbrew ng kape. Inakyat niya ang kwarto ni Rayne.

Bumungad naman ang bagong ligo na si Rayne nakatapis lang ito ng tuwalya. Nagiwas ng tingin si Zarina mukha itong wala sa mood.

"Yung breakfast po sir.."

"Okay. You can go now."

Tumango lang siya at tumalikod na.

Hindi sanay si Rayne sa pagka bungad niya kay Zarina. Pero wala naman siyang magagawa kung sungitan man niya si Zarina kaya inaya nalang niya itong sumabay sa kanya.

"Sumabay ka na sa akin. Real quick breakfast lang."

Tinugon naman yon ni Zarina ngunit naasiwa siyang sumubo sa harap ni Rayne. Ni hindi naman siya tinapunan ng tingin nito. Kaya pinagpatuloy nalang niya ang pagkain.

Nang matapos sila ay sabay naman silang lumabas ng building. Pagsakay nila sa loob ng kotse.

"Please remember this Ms. Da Cerna. Wag na wag kang magkakamali na takasan ako. May kontrata tayo. You will end up in jail kapag gumawa ka ng kalokohan sa office."

"Parang hindi ko naman yun magagawa sir..sa dami ng security guard mo at san naman po ako pupunta kung wala akong pera."

"Okay. Nagkasya ba lahat ng pinabili ko kay Sergio."

"Alin Sir..itong uniform medyo mahaba lagpas tuhod yung skirt. Pero ung mga undies they perfectly fit."

Napailing si Rayne dahil sa pagsasalita ni Zarina ng walang ka preno preno. Pati ang driver at si Sergio ay napangiti ng kaunti. Kahapon lang ay puro iyak ito. At ngayon ay napaka submissive.

Nang nakarating sila sa opisina. Laking mangha ni Zarina ng makita ang 50 stories na building.

Umakyat sila gamit ang elevator.

"Ms Cherry come here.." utos ni Rayne

"Yes Sir."

"Can you guide her from pantries to everything that my former secretary does. She is my cousin so please help her.."

"Okay sir.."

Inako ni Rayne na pinsan niya ni Zarina parang walang issue ang kumalat at makaiwas kung meron man. He proceed to his office at iniwan si Zarina.

Maghapon siyang nakabuntot kay Cherry. Buong galang din ang pinakita sa kanya ng ilang employees pero hindi naman iyon pinagukulan ng pansin ni Zarina. Ang mahalaga mafamiliar siya at maayos ang maging work niya kay Rayne. Napakabusy na tao dahil siya lang naman kasi ang CEO ng kumpanya. Every hour may taong pumapasok. Then 3 meetings in a row.

Pinaghanda niya ng meryenda si Rayne na ngayon ay may pinagagalitan na kung sino. Tapos bigla nalang tumahimik tanda na lumabas na ang tao. Dinala ni Zarina ang isang slice ng cake at coffee sa harap ni Rayne. Galit parin ang itsura nito.

"Sir."

Pinalapag niya sa table at pinaupo si Zarina.

"Ikaw ang kumain niyan."

Sinunod naman siya ni Zarina. Masarap pa naman ang cake kaya kinain nga ni Zarina. Ilang saglit pa ay bumalik ang boss niya galing sa pantry. May isang basong alak itong hawak. He gulped it in one shot.

Sinundan lamang siya ng tingin ng secretary niya.

At ganun din naman ng ginawa nito. Nakatingin ito sa dalagang inuubos ang cake. Makalat itong kumain halatang naninibago pa sa lahat. May cake ito sa gilid ng labi nito. Pinagmasdan niya ang pagnguya nito at pagbasa ng labi nito. Kaya ng mapansin ni Zarina na minamasdan siyang kumain ay kinuha niya ang kinakain at dinala sa pantry at duon inubos. Bigla namang dumating si Carlos ang kaibigan at Business partner ni Rayne.

"Hey.."

"Anung ginagawa mo dito."

"Invite sana kita mamaya sa bagong open na bar ni Lia. I want you to loose a little..tignan mo hapon palang pero ung amoy ng office mo Hennessy with sweet parang may babae ba dito..pabango yung naamoy ko."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cheryl Ibao
Carrying the child of ceo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status