CHAPTER 1
Lumapat ang mainit na palad ni Castiel sa baywang ng asawa nang kumurba ang katawan nito kasabay nang paglakbay ng mga labi niya pababa sa leeg.
Kumurba ang ngisi sa kanyang mga labi nang marinig ang nahihirapan nitong d***g nang tumbukin ng kanyang bibig ang sensitibong parte ng leeg nito na madalas niyang amuyin at patakan ng h alik sa tuwing nagkakakuha siya ng pagkakataon.
“Cast…” she moaned.
Umigting ang kanyang panga nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang likuran. Humaplos ang mga daliri nito bago lumapat ang mga kuko sa kanyang balat. Kumalmot iyon na mas lalong nagpa-init sa kanya.
Ilang buwan na ba siyang nagpipigil sa babaeng ito? Kahit pa sabihing kasunduan lamang ng kani-kanilang pamilya ang pagpapakasal, hindi niya pa rin mapigilan ang atraksyon para rito.
Nang i-anunsyo nang kanyang mga magulang ang pagpapakasal nila ni Jonelyn Interino, halos bumuga siya ng apoy sa pagkadisguto at pagtutol.
Unang-una ay ayaw niya pang matali. Pangalawa, ayaw na ayaw niya kay Jonelyn dahil niloko na siya ng babae. She was his ex-girlfriend way back in college.
Matapos niyang ibigay ang mga luho nito ay nagawa pa rin siya nitong ipagpalit sa ibang lalaki. He respects her and he never dared to touch the woman. Tapos ay makikita niya lang ito sa bahay ng isa nilang kaklase, gumigiling at nagpapakasarap sa ibabaw ng matalik nitong kaibigan.
Harap-harapan nitong inamin sa kanya noon na hindi siya nito minahal at talagang gusto nito ay ang kababata nito. That she was pretending all this time to get money from him.
Inapakan nito ang pagkalalaki niya. Hindi siya makapaniwala na ang mahinhin at hindi makabasag pinggan na babae ay nasa loob pala ang kulo. He left Camarines Sur and went abroad. Doon siya nag-aral hanggang kinailangan niyang pamahalaan ang Rancho Revamonte.
“Moan my name,” bulong niya rito, nag-uutos sa gusto niya.
Sinakop ng kanyang bibig ang punong dibd ib nito na tayung-tayo. Ang isa niyang kamay ay tinumbok ang nasa pagitan ng mga hita nito.
A lustful moan went out of her mouth when his finger traces the line of her femininity.
Mistulang musika ang dating niyon sa kanya.
Sa ilang sandali, gumuhit ang iritasyon sa kanyang systema nang maisip na nagkaroon ng pagkakataon ang ibang lalaki na marinig ang ungol nito.
Nagngalit ang mga ngipin niya at binigla ang pagpasok ng isa niyang daliri.
“Ah!” d***g nito, bumalatay ang sakit at sarap sa mukha.
Bahagya siyang natigilan nang tuluyan niyang maramdaman ang sikip ng pagkababae nito sa kanyang daliri.
He bedded tons of women when he was still a bachelor and he know if the woman was virgins, inexperienced, or a pro.
At sa klase ng pagkakasikip ng babaeng k aniig, binaha siya ng pagtataka.
Nawala ang atensyon niya roon nang dumako ang kamay ng babae sa kanyang batok at hinila siya. Sinalubong siya ng nakabuka nitong labi at hindi pumayag na hindi siya tumugon. Nilulunod siya sa sensasyon at wala siyang nagawa kundi magpaubaya—magpatupok sa apoy na kapwa nila sinimulan.
“P-tngina!” malutong niyang mura nang mapasigaw ito nang tuluyan siyang pumasok.
Sa klase ng pagkakunot ng noo nito at ang paglandas ng mga luha sa pisngi, alam niyang hindi ito nagpapanggap lang na nasaktan. Bumaba ang tingin niya sa magkahugpong nilang mga kasariaan.
Sunod-sunod siyang napamura sa isip dahil ramdam niyang nabasag nga niya ang harang sa p agkababae nito.
P uta, bakit may hymen pa? Sigurado siya na may nakauna na rito. Bakit ngayon ay v irgin ang babae? May mali, sigurado siya.
Hindi ba’t nitong mga nakaraang buwan ay pansin niya ang pagkakaiba nito sa Jonelyn na kilala niya. Buhay na buhay palagi ang mood ng babae. Walang kasingtapang!
Kung dati ay palagi itong nahihiya ngayon ay bulgar palagi ang bibig at palaging nakikipagtalo sa kanya.
Bumalik ang tingin niya sa babae nang marinig niya ang mahina nitong hikbi.
“Shh…I’m sorry. I’m sorry,” he whispered. Ikinibit-balikat niya muna ang kaguluhan sa kanyang utak.
“Baby, I’m sorry. Hmn…” Pinatakan niya ito ng mabibining h alik sa pisngi.
Awtomatikong nagrigodon ang puso niya nang magmulat ito ng mga mata at direstong tumitig sa kanya. Halos mabingi siya sa lakas niyon at naglaho sa ang mga katanungan niya.
He groaned when the woman moves her hips, urging him to move. And he did.
Sa bawat galaw niya ay titig na titig siya sa babae. Pinanood niya ang bawat emosyon na bumabalatay sa mukha nito.
He claimed her lips and she hug her as he thrust deeper into her…
MALAMLAM ang mga matang nakatingin siya kay Castiel na nasa tabi ng kabayo nitong si Gordon. Maganda ang ngiti nito habang hinahaplos ang buhok ng kulay brown na kabayo na galing pa raw sa ibang bansa. Mas nadepina ang kagwapuhan ng lalaki sa tuwing tumatama ang pang-umagang sikat ng araw.
Malinis ang pagkakagupit ng buhok ni Castiel. Matangos ang ilong at brusko ang makakapal at itim na itim na kilay.
Ang mapupulang labi ay nababagay sa kulay brown na balat. Hindi ito maputi dahil madalas babad sa araw dahil sa pag-aasikaso sa Rancho Revamonte. Gayunpaman, hindi iyon nakabawas sa pagiging brusko at magandang lalaki nito.
“Iniwan mo ako,” nilakipan niya ng tampo ang boses nang lumingon ito sa kanya.
“Natutulog ka pa nang umalis ako. I’m sorry, hmn…Babalikan naman agad kita but you’re here now.”
Ipinaloob siya ni Castiel sa mga bisig nito. Kusa niyang isinubsob ang mukha sa matigas nitong dibd ib at walang kahiya-hiyang sininghot iyon.
Yumuko naman si Castiel upang pumantay ang bibig sa kanyang tainga.
“You still sore?” mahina ngunit may pagka-pilyo nitong bulong.
Pasimple pa nitong pinatakan ng h alik ang kanyang punong-tainga na ikinadaing niya.
Tumango siya at kumudlit sa isipan ang mga pinaggagawa nila nang nagdaang gabi na siyang dahilan kung bakit masakit ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita.
Paanong hindi, kung hindi siya tinigilan? Paulit-ulit siyang inangkin ng asawa. Wala naman siyang reklamo dahil gustong-gusto niya naman. Masarap kasi.
Lihim siyang napahagikhik.
“Kumain ka na?”
Lumabi siya at tiningala si Castiel. “Hindi pa. Hinanap kita.”
Nagtawag ito ng tauhan ng Rancho para ibalik si Gordon sa kwadra nito. Inakay siya nito pabalik sa ancestral house nang kunin ni Mang Tasyo ang tali ng kabayo.
Matapos magbilin sa tatlong katulong na maghanda ng almusal, sinamahan niya si Castiel sa kwarto nila upang makapag-shower. Puno ng kapilyuhan na tinukso pa siya ng walanghiya na sumama sa loob.
Pinandilatan niya ang lalaki dahil alam niyang hindi lang ligo ang mangyayari. Masakit pa ang p-gkababae niya at may hang-over pa ang kanyang mga hita sa panginginig.
Umupo siya sa kama para hintayin si Castiel. Napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog iyon para sa text message.
“I’m back!’
Pinanlalamigan siya nang mabasa ang mensahe. Walang nakalagay na pangalan ngunit alam na alam niyang kung sino ang nagpadala.
“Babe.”
Kailangan na ba niyang mag-impake? Dati ay malinaw na malinaw sa kanya ang planong pumasok sa buhay ni Castiel Revamonte. Ngunit ngayon ay hindi na niya alam. Ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon.
Ayaw na niyang umalis sa buhay ng lalaking mahal na mahal niya na ngayon.
“Babe.” Lumapat sa baywang niya ang magaspang na kamay ni Castiel. “Jonelyn, are you okay? What happened?”
Nanginig ang kanyang kamay nang tuluyan niyang nabitawan ang cellphone. Bumagsak iyon sa sahig at nagkagulatan pa sila ni Castiel nang mabasag iyon.
“Babe, Jonelyn. Talk to me, please. Anong nangyayari?”
Ibinuka niya ang bibig para sumagot. Subalit, isang hikbi ang lumabas roon.
Hindi siya si Jonelyn, hindi siya ang asawa nito. Ang kakambal niya iyon!
CHAPTER 2 ‘Joana, please. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Baka kapag hindi ko ‘to ginawa, mamamatay ako.’ Iyon ang mga salitang binitawan ni Jonelyn nang makiusap ito sa kanya na pansamantalang palitan niya ito sa pagpapakasal kay Castiel Revamonte. Hindi na raw nito kinakaya ang pagmamanipula ng kanilang mga magulang sa buhay nito. Naiintindihan niya ang kapatid dahil iyon din ang dahilan kung bakit sa edad na disi-otso ay naglayas siya sa bahay nila. Binuhay niya ang sarili, pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Lumipad siya papunta ng Canada para doon mag-aral ng kolehiyo. Noon pa man ay siya na ang rebelde sa pamilyang Interino. Siya ang matigas ang ulo, palasagot at pilya. Habang si Jonelyn naman ang mabait na anak, masunurin.Magkaibang-magkaiba sila mula sa pananamit at sa ugali. Mabuti na lang at nasa Maynila na siya nang umiiyak na tumawag ang kanyang kapatid. Agad siyang nag-file ng leave sa Vesarius Airline
CHAPTER 3 Mabait sa kanya ang mga magulang nang katatapos pa lang ng kasal nila ni Castiel. Akala niya natural iyon dahil kahit mina-manipula ng mga ito ang buhay ng kakambal, hinding-hindi ng mga ito magagawang saktan ang babae. Jonelyn is the favorite child.Kahit minsan noon ay hindi ito napalo.Siya itong palaging nahahagupit ng sinturon, kinukulong sa bodega, hindi pinapakain, hindi binibigyan ng baon sa eskwela kapag may nagawa siyang hindi nagustuhan.Pero marami yata talagang hindi niya alam simula nang maglayas siya. Ilang buwan matapos ang kasal, narinig niya si Mrs. Cassandra Revamonte na pinapatigil ang pagdirekta ng mga produkto sa Interino’s supermarket dahil may mga pinaghihinalaan daw na anomalya ang ginang.Iyon na ang simula ng pagranas niya ng kagaspangan ng ugali ng mga ito bilang si Jonelyn.Nang unang beses siyang batuhin ng ginang ng vase ay nang puntahan niya ang mga ito sa bahay. Mabuti na lang at mabilis niyang naharang ng kanyang kama
CHAPTER 4 “Anong ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong kay Luis nang itimbre sa kanya ng isang tauhan na may naghahanap daw sa kanya sa bukana ng Rancho. “May lakad ako. Wala akong pag-iiwanan kay Kismo,” sagot nito. Lumabas ang ulo ng pamangkin sa bintana ng pick-up truck at maligayang kumaway sa kanya. “Bakit dito?” Hindi naman sa ayaw niya, kaya lang baka wala sa oras na mabuko siya ni Castiel. “Dinala si Lyana sa Bicol Medical Center. Manganganak na. Hindi ko pwedeng isama ang anak ko.” Sa huli, wala siyang nagawa kundi pumayag na sa kanya muna si Kismo. Hindi naman maatim ng konsensya niya na maiiwan ang batang mag-isa sa bahay ng mga ito. Dadalhin na lang niya ito sa kung saan. Mabuti na lang at maagang umalis si Castiel, hindi siya masisita kung bakit kasama niya si Kismo. Si Clara at ilang katulong lang ang natira sa Ancestral House ng mga Revamonte. Ipupuslit niya na lang ang bata sa taas
CHAPTER 5 Hindi maalis ni Castiel ang mga mata sa babaeng kaharap habang nakikipagtawanan ito kay Kismo na puno ng dungis ang bibig dahil sa kinakain na spaghetti ng sikat na fast food restaurant. Malakas ang hinala niya na hindi ito si Jonelyn na ex-girlfriend niya noong college. Mula sa pananamit nito, sa pananalita, sa kilos at ugali…maging sa puri nito. The woman was a virgin when he took her! Impossibleng birhen pa si Jonelyn dahil kita ng dalawang mata niya na may nangyari sa pagitan nito at ng bestfriend kuno nito na pinagseselosan niya noon. Maraming tanong sa isip niya at gustong-gusto na niyang komprontahin ang babae. Dangan lamang ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka mas magkaroon ng malalim na komplikasyon kapag nagpadalus-dalos siya. Mahaba pa naman ang pasensya niya para maghintay sa resulta ng imbistigasyon ng kaibigan niyang si Pink. Nang sabihin niya kay Amara Stephanie na gusto n
CHAPTER 6 Mabilis na tumakbo si Kismo papunta kay Castiel nang hinila siya ng ama palayo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa kirot dulot ng kamay nitong mistulang bakal sa diin. “What are you doing, Jonelyn?” singhal nito nang tumigil sila sa parting walang masyadong tao. “Hindi mo na nga nakukunan ng pera ang asawa mo, ipinakita mo pa ang batang iyon sa kanya.” “Hindi ko sinasadya, Pa.” “Tonta! Nanlamig sa ‘yo ang asawa mo dahil may anak ka sa iba. Kaya hindi sinusunod ang gusto mo.” Kailan pa niya naging kagustuhan ang humingi ng milyones kay Castiel? Mas dumiin ang pagkakahawak ni Marcos sa kanyang braso at mas naging mabagsik ang tabas ng mukha. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo na ipalaglag ang batang iyon dahil magdadala lang ng kamalasan. Tingnan mo ang nangyari! Kapag sinabi ko sa asawa mo ang mga ginawa mo noon, pupulutin ka sa putikan. Huwag mo kaming subukan ng mama mo. Magkaroon ka ng utang na loob
CHAPTER 7 Palipat-lipat ang tingin tingin ni Kismo sa kanya at sa babaeng nasa harap niya—magkamukhang-magkamukha silang dalawa. “Dalawa mama ko?” mangiyak-ngiyak na sambit ng bata habang nakatingala pa rin sa kanila. Nabaling rito ang tingin ni Jonelyn at binigyan ng matalim na tingin si Kismo. Nanlalaki ang mga mata nito at napayuko. “Balik sa kwarto mo. Hindi ba’t ilang beses kong sinabi sa ‘yo na huwag kang sasabat sa usapan ng matatanda?” singhal dito ng kakambal niya. Napalunok si Kismo at tumingin muna sa kanya bago naluluhang tumakbo papasok sa kwarto nito. “Jonelyn, don’t be hard on him.” “Masyado siyang pasaway. Anyway, kumusta ka na?” Sa ilang sandali ay nabigla siya sa pagbabagong ng tono ng pananalita nito.Iba na nga si Jonelyn.Hindi na ito ang mahiyain at hindi makabasag-pinggan na kapatid niya. Siguro kapag kaharap ang ibang tao ay ganon pa rin ang ipinapakitang ugali nito. Ngunit sa klase ng pak
CHAPTER 8 Nanlalatang nakipagsabayang lumabas si Joana mula sa conference room ng Vesarius Airlines. Nagpatawag kasi ng meeting ang big boss nila para sa ilang concern ng airlines katulad ng paglilipat ng pwesto ng mga piloto. Last week, she requested to be assigned at Vesarius Airline in Canada. Wala na siyang dahilan pa para manatili sa Pilipinas. Gusto niyang makalayo na sa bansang itong dahil pinapaalala lamang sa kanya ang mga namagitan sa kanila ng lalaking hindi naman niya pag-aari. “Are you okay?” Napalingon siya sa kapwa piloto na si Ejay nang muntikan nang bigla na lang siyang nahilo. Humawak siya sa hamba ng escalator at ipinikit ang mga mata. Ilang araw na niya iyong nararamdaman. Sa kagustuhang huwag maalala si Castiel, sunod-sunod niyang tinanggap ang mga flights ng mga piloting nag-off duty. Nabigla yata ang katawan niya dahil ilang buwan din siyang walang ginagawa sa Rancho Revamonte. “Dalhin kita sa clini
CHAPTER 9 Bakas ang kadiliman sa mga mata ni Castiel ng salubungin niya ang tingin nito. Kung galit iyon o kung ano pa man ay hindi na niya dapat pang pag-aksayahan ng panahon na alamin. Parang walang nakita na iniwas niya ang tingin at normal ang kilos na dumiretso sa buffet table. Bumalik ang takam niya sa mga seafoods nang magsimula siyang kumuha ng mga iyon. Inignora niya ang matalim na sulyap sa kanyang likuran at itinuon ang buong atensyon. “Hey.” Gulat na nabitawan niya ang kitchen thongs nang bigla na lang may nagsalita sa tabi niya. Nang magtaas siya ng paningin, ang nakangiting si Ejay ang nakita niya. Akala niya si Castiel. “Nahihilo ka pa rin ba? Nanginginig ang kamay mo?” Nang bumaba ang mga mata niya sa mga kamay, saka pa lamang niya napagtanto kung gaano siya katensyonado. “Okay lang ako.” “May problema ba? Magugulatin ka yata ngayon. Let me help you with that.” K