Share

Chapter 2

Malamig ang ihip ng hangin kaya hinigpitan ko ang yakap sa unan ko. Ayaw ko pang bumangon. Gusto ko pang matulog. Pinulupot ko ang binti ko sa unan ko nang may maramdaman akong kakaiba.

Napamulat bigla ang mga mata ko. Pagtingin ko sa taas, bumungad sa akin ang chandelier na nakasabit sa kisame na mga sapot ng lawa. Lumingon naman ako sa gilid ko at nakita kong hindi unan ang yakap ko. Ito'y walang iba kundi si Mon na mahimbing pa ang tulog.

Wala akong damit na suot at ang makapal na tela na may tiger marks na sapin ng sofa ang nagsilbing kumot naming dalawa.

Sumikat na ang araw. Umaga na. Bumangon ako habang hawak ng isang kamay ang ulo ko dahil sumasakit ito at kinuha ko muna ang kumot para itabon sa katawan ko.

"Sunny, what the hell did you just do?" sabi ko sa sarili ko habang nagmamadaling pulutin ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

Matapos makapag-damit ay paalis na sana ako pero bago iyon ay inayos ko munang inilagay ang kumot sa nanlalamig na si Mon.

I tiptoed my way out then immediately ran off as soon as I got out of the house. I got in my car then quickly drove away. After several minutes, I chose to stop on the side of the road. Then I proceeded to bang my head on the wheels of my car.

"I must be out of my mind." Naalala ko ang paghalik ko kay Mon. "Bakit ko ginawa 'yon?"

I told you, I don't want to go home tonight.

Sinampal ko ang pisngi ko para matauhan ako.

"Ano nang gagawin ko? I can't face him anymore after what I just did."

Dahil siguro 'yon sa alak. Kaya dapat hindi tayo nag-iinom. Bukod sa masisira ang atay natin, nakagagawa rin tayo ng mga maling desisyon.

"Was I that heartbroken and frustrated that I took it all out on Mon?

Mas masahol pa ko sa basura."

Patuloy kong inuntog ang ulo ko sa manibela hanggang sa bumusina ito. Napatalon tuloy ako sa upuan ko.

My phone then rang so I answered it. "Hello? Alfonso?"

"Ate, sa wakas sinagot mo rin ang tawag ko! Kagabi ka pa namin tinatawagan. Saan ka ba nagpunta?"

"Huh? Ano- Binisita ko lang kaibigan ko tapos napahaba kwentuhan namin at gumabi na kaya pinatuloy niya ako sa kanila."

"Kaibigan? Sinong kaibigan? Sa pagkakaalam ko, wala kang kaibigan. Masyadong matagal kang nawala rito para makipagkaibigan."

"Bastos 'tong kapatid ko. Basta, may kaibigan ako. Pauwi na rin ako. Anong ulam natin?"

"Wala nga, Ate. Hinihintay ka nga namin ni Tatay."

"Gano'n ba? Sige, daan muna akong supermarket."

"Yes naman! S'ya nga pala, Ate. Hinahanap ka sa amin nina Don Miguel at Madam Alicia. Gusto ko ka sana nilang makasalo sa hapunan."

"Talaga ba? May balak din akong ibigay na pasalubong sa kanila kaya tamang-tama. Pupunta ako sa mansyon mamaya."

Sina Don Miguel at Madam Alicia ang utak at puso ng Silver Star Corporation. Ang amo ng mga magulang ko at mga magulang ng lalaking nakasiping ko kagabi.

Siguradong sasakalin ako ni Madam Alicia kung malalaman niya na may mayroong nangyari sa amin ng anak niya. Mabait naman siya kadalasan pero napaka-overprotective pagdating sa unico ijo niya. Sinusungitan niya ako kapag napapalapit ako kay Mon.

Si Don Miguel naman ay wiling-wili sa akin at espesyal ang turing sa akin. Ito ay dahil sa angking talino, paggalang at natural na galing ko sa negosyo. Madalas niya kaming kinukumpara ni Mon kaya naiintindihan ko mayroong sama ng loob si Mon sa akin.

He must've gone to the old mansion because he got scolded again by his father. I should've listened to him but instead I devoured him.

I swear I'll never drink even a sip of alcohol from now on.

I sighed as I parked my car in front of the supermarket. This establishment is actually one of Silvestre's properties.

I pushed the cart then began shopping. Pumunta ako sa meat section para kumuha ng isang buong manok at isang kilong liempo. Bumili rin ako ng tilapia at iba pang mga samya. Hinahanap ko ang madidilaw na mangga para panghimagas sana namin nang may nakasalubong akong babae at nagbangga ang mga cart namin.

"Naku, Miss! Sorry!" paghingi niya ng tawad sa akin.

"Hindi. Okay lang," paninigurado ko sa kanya.

"I don't think I've seen you around here. Nandito ka ba sa Buencamino para magbakasyon?" 

She suddenly started a conversation and I was too awkward to reply. Kabaligtaran naman sa sinabi niya, pakiramdam ko ay nakita ko na siya.

"Ah. Matagal rin kasi ako sa Amerika pero dito sa Buencamino ako lumaki."

"Gano'n ba? Na-miss mo siguro ang mga mangga dito. Wala pa ring tatalo sa tamis ng mangga dito sa Buencamino. Paborito nga ito ng asawa ko at pinaglihian ko rin ito noong nagbubuntis ako." Masaya siyang nagkwento habang tinulungan niya ako pumili ng mga mangga.

Asawa? Anak?

I think I know where I've seen her before.

Siya ang asawa ni Francis.

She's pretty and has a lovely smile. Meron pa nga siyang dimple sa kanyang pisngi. She seems to be a lovely girl. No wonder Francis fell for her.

I just nodded and awkwardly smiled at her. Matapos ako kumuha ng kalahating kilong mangga ay naghiwalay na kami ng landas.

"Sige, Miss. See you around," paalam niya sa akin.

I'd rather not see you though. She seems pretty nice but I don't think I can be friends with the wife of my ex.

Pumunta na ako sa counter at binayaran ang mga pinamili ko. I carried the groceries into the hatch of my car then drove home. I unexpected spent so much time in the supermarket so I drove thru a fastfood chain for our lunch.

My family stays in the staff's residence of the Silvestre manor that is just adjacent to the mansion. Nang lumipat kasi ng mansyon ang mga Silvestre ay naglaan sila ng lupa upang tirahan ng kanilang mga manggagawa. I've actually saved enough money to buy a house pero ayaw lumipat ng pamilya ko dahil mapapalayo sila sa mansyon kung saan sila nagtatrabaho.

The guard opened the gates for me and I finally arrived home.

"Ate, kanina ka pa namin hinihintay. Anong oras na? Gutom na ko. Bago pa tayo makaluto nito," reklamo ni Alfonso pagdating ko.

"Tama na nga ang pagdadaldal mo diyan at tulungan mo 'kong ibaba ang mga pinamili ko. Huwag kang mag-alala. Bumili na rin ako ng fast food para hindi na tayo magluto."

"Yey! Fried chicken, spaghetti at pizza. Alam na alam mo talaga mga paborito ko, Ate."

"Sus. S********p ka na naman sa akin. Tara na at maghain."

Pumasok ako sa bahay namin na may tatlong kwarto at maliit na kusina at sala Sakto lang ang laki nito para sa maliit naming pamilya.

Lumabas sa kwarto niya si Tatay Julio at sinalubong ako.

"Oh, Asuncion, andito ka na pala." Nagmano ako sa kanya.

"Saan ka natulog kagabi? Alam mo bang masamang tingnan sa isang dalaga ang ginagabi sa labas. Hindi ka man lang nagpaalam kung kailan ka uuwi. Alam kong matagal ka doon sa Amerika, pero nasa Pilipinas ka na ngayon, tandaan mo," sermon sa akin ni Tatay.

"Tay, hindi na po ako bata. Magbebente-sais na po ako. Hindi niyo hawak ang buhay ko," pabalang na sagot ko.

"MARIA ASUNCION. Ganyan ka ba namin pinalaki ng nanay mo? Sinasagot-sagot mo na ako. Akala mo kung sino ka na ngayon."

"Kung sino at ano ako man ngayon, hindi ko iyon utang sa inyo. Dahil 'yon sa sariling sikap at paghihirap ko. Ang kapal ng mukha ninyong akuin ang pagpapalaki sa amin eh puro paglalasing at pagsusugal lang naman ang inaatupag ninyo samantalang mabali na ang buto ni Inay sa paghahanap-buhay. Bakit ba nasa ospital ngayon si Inay? Hindi ba dahil sa pambubugbog at sakit ng ulo na ibinigay ninyo sa kanya? Kung hindi lang dahil kay Alfonso, pinakulong ko na po kayo. Tatay man kita pero wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan dahil sa Nanay lang itinuturing kong magulang."

Matapos kong sabihin ang mga hinanaing ko ay nagdiretso ako sa aking kwarto. Hindi rin ako lumabas para kumain.

Makalipas ang isang oras ay kumatok sa pinto ko ang kapatid ko.

"Ate, papasok ako." Binuksan ni Al ang pinto at pumasok sa kwarto ko na may dalang pagkain.

"Kumain ka muna, Ate. Kanina pa atang umaga walang laman ang tiyan mo."

"Ayaw ko kumain," pagkasabi ko noon ay bigla namang tumunog ang tiyan ko.

"Sus, bakit? Nakokonsensya ka ba sa mga sinabi mo kanina? Nag-aalala lang sa'yo si Tatay. Gano'n lang talaga magsalita 'yon. Alam ko na masama pa rin ang loob mo kay Tatay dahil sa mga kasalanan niya sa atin. Pero Ate, hinihiling ko na sana balang araw magkapatawaran na kayo. Tayo-tayo lang naman ang magkapamilya rito. Para na rin kay Inay."

"Bunso, when did you grew up like this? Mas matangkad ka na rin sa 'kin at mukhang mas mature na rin. Bayaan mo, susubukan ko tuparin ang hiling mo."

"Binisita mo ba si Nanay kahapon?"

"Oo. Ang laki ng ipinayat ni Inay. Nagsisimula na ring kumulubot ang malambot niyang balat. She's sleeping soundly. Nagpapahinga dahil siguro masyado siyang napagod sa pagpapalaki sa atin. Sabi ko naman sa kanya na tumigil na sa paglalaba at ako na ang sasalo ng ating mga gastusin. Tigas talaga ng ulo, may pinagmanahan nga ako.

Dalawin natin si Inay ngayong weekend kapag wala kang pasok, okay?"

"Sige, Ate." Umalis na ng kwarto ko si Alfonso.

Nang sumapit ang alas sais ay nagsimula na akong mag-ayos para dumalo sa hapunan kasama ang mga Silvestre.

I wore a sexy little black dress that's not too short or too revealing. I want to look presentable as much as possible in front of them. I dolled myself up but as I started putting on my accessories, I just noticed that I lost one of my gold earrings that looks like a sun.

Saan kaya nagpatak 'yon? Mahal rin kasi 'yon. Minsan lang ako magregalo sa sarili ko kaya pinag-ipunan ko talaga ang pambili sa isang set na alahas.

Whatever. I'll just style my hair so that my right ear is covered by my hair while the other side is showing my earring. Pagkasuot ng black classic heels ay kinuha ko na ang handbag ko pati na rin ang paper bag na may lamang mga regalo para kina Don Miguel at Madam Alicia.

Pinasalubungan ko nga pala si Alfonso ng bagong sapatos. Ternong polo at pantalon sana ang ibibigay ko kanina kay Tatay kaso nag-away kami kaya hindi ko pa naibibigay.

I drove my way to the Silvestre Mansion. The gates are much bigger andvtaller than the residence I was previously in. It was a modern Spanish style house with 2 floors. Napakalawak ng bahay nila eh tatatlo lang naman sila.

"Sunny, ija. You look gorgeous," pagbati sa akin ni Madam Alicia sabay beso sa aking pisngi. She was wearing a long silver wrap dress and daunts silver pieces all over her body.

"Magandang gabi po, Madam."

"Shouldn't I be the one calling you Madam now? You really grew up to be such a fine young lady. Mauna ka na sa dining room at tatawagin ko lang ang Tito Miguel mo," wika niya sa akin bago umakyat ng ikalawang palapag.

"Sige po."

I sat at the dining table and marvel at the paintings in the wall and other elegant internal decors. Ilang saglit pa ay bumalik na si Madam Alicia kasama ang kanyang asawa.

"Sunny, I can't believe you're back, ija," bati sa akin ni Don Miguel habang akay siya ni Madam Alicia at may tungkod na hawak. Nakasuot siya ng black and white suit without a tie.

"It's nice to see you again, Don Miguel," nagmano ako sa kanya.

"You're still polite as ever. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na Tito at Tita na lang itawag mo sa amin."

"Naku po. I don't think I can do that."

"I understand why but at least try. Alam mo namang pamilya na ang turing namin sa inyo."

"I'll try my best po, Don este Tito."

Umupo na kaming tatlo at nagsimulang kumain matapos maghain ang mga kasambahay ng mga putaheng Pilipino. Mayroong pininyahang adobo, inasal na manok, salad at iba pa.

"How are you finding the food? We specifically prepared some of your favorite dishes." Madam Alicia informed me.

"Naku, napakasarap po. Na-miss ko po ang mga pagkaing ito."

"I'm glad you like it, ija. Have some more." Natuwa naman at ngumiti si Don Miguel pero biglang napawi ito nang-

"What do we have here? It looks like a feast. I might as well dig in." A guy in a suit removed his necktie after a long day at work.

Napalingon kaming tatlo sa pagdating ni Monroe sa hapagkainan.

"Didn't I tell you to be here at exactly 7 pm for dinner?" tanong ni Don Miguel sa anak niya.

"Who even eats dinner at 7 pm? It's too early. Also I'm only 20 minutes late. I could have arrived 1 hour later but since we have a special guest, I came home early," wika ni Monroe habang tumingin sa akin habang binigkas ang huling parte ng sinabi niya. Umupo siya sa tabi ko.

Napa-ubo naman bigla ako at muntik nang mabilaukan sa kinakain ko.

"Sunny, oh, tubig," pag-abot ni Monroe sa akin ng baso. "I didn't know you could easily choke like that."

Lalo akong napa-ubo dahil sa komento niya. Hinampas-hampas ko naman ang dibdib ko habang hinimas niya ang likod ko.

"I'm sorry po." I cleared my throat then, "Nga po pala, I haven't handed you my gifts."

Kinuha ko ang paper bag na nasa may paanan ko at inilagay ito sa ibabaw ng mesa. 

"Madam Alicia, I mean Tita, I was hoping you could pair these into one of your wonderful outfits. Binili ko na rin po kayo while I was shopping in the diamond district in LA."

I handed over her a small black box and in it was a pair of diamond earrings.

"Oh my god, Sunny. This is brilliant. I appreciate the thought, but seriously, you shouldn't have bothered."

"Wala po 'yan sa mga naitulong niyo sa akin."

Iniabot ko naman kay Don Miguel ang isang bote ng alak. 

"Don este Tito Miguel, ito naman po ang para sa inyo. This is Sunshine state wine from a winery and vineyard I visited in Florida. It's made from Muscadine grapes so the taste would be entirely different from the traditional wines you love."

"Salamat, Sunny. To know if that's true, why don't we drink it now?" Biglang sabi ni Don este Tito Miguel.

"Ngayon po? Sure, why not?" Kasasabi ko pa naman kanina na hindi na ako iinom ng alak. Hay, bahala na.

We opened the wine and clinked our glasses.

"Hmm. It tastes magnificent." Monroe gasped.

"It has a strong aftertaste that leaves you wanting for more." Tita looks like she enjoyed it too.

"This a good wine. Tama nga ang sinabi mo ija. It has such a unique taste," komento ni Tito.

"Buti naman po at nagustuhan ninyo."

"How about Monroe? Wala ka bang pasalubong sa kanya?" tanong ni Madam Alicia.

"Po?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Mon.

"Ma, binigay na ni Sunny sa 'kin ang pasalubong niya."

"Really? What is it?"

"It was something sweet."

"Did she gave you chocolates?" 

"Even better." He sipped from his glass of wine while looking at me then he licked his lips.

I swear to God I'm gonna kill him before I get murdered by his mom if they ever find out.

"Sunny, ija. I heard you quit your job in America. Are you planning to stay here for good?" pag-iba ng usapan ni Tito Miguel.

"Opo, Tito. Nakapag-ipon na naman po ako para mas maalaagaan si Nanay."

"May nahanap ka na bang trabaho dito? With your credentials, I'm sure lots of company are trying to hire you," pag-usisa ni Tita Alicia.

"Well, I haven't passed my resume to any company yet."

"This is making me a bit upset." Binaba ni Don Miguel ang mga kubyertos niyang hawak. "Bakit ka pa nahihirapang mag-isip kung nasa harapan mo lang naman ang sagot? Why don't you work at Silver Star Corporation?" 

"I would love to. Sa totoo lang po, I was actually planning to apply."

"Then that's settled." Madam Alicia clasped her hands together. "Anak, don't you have a vacancy for a project manager?"

"Yes, Ma. We do," sagot ni Monroe after eating a piece of roasted chicken.

"Perfect! Sunny here can be your manager. She seems to be the perfect fit, don't you think Mr. CEO?"

"Yes, Ma. Sunny can start working on Monday."

"Po? Agad-agad? A project manager? I'm an accountant tho."

"Yeah. You're hired. I mean, we all know you also lead projects in the company you were last in and how you made sure the budget is put into good use. Besides, you're recommended by Mr. Chairman himself. How can I not hire you? Ayaw mo ba?" Tinanong ako ni Monroe habang naka-halumbaba siya.

"Ofcourse, I would love to work in Silver Star Corporation. It would be an honor."

"I'm sure you would do a great job." Madam Alicia told me.

"If you prove yourself worthy, I can recommend you to that financial position you want and be the CFO. Monroe, report to me her performance, okay?" Don Miguel added.

"I'll do my best Sir." I said with confidence.

This is great. Mayroon na agad akong trabaho pagkabalik ko pa lang sa bansa. Makakatulong ito para sa bayarin namin sa ospital. 

Ang problema nga lang, nakalimutan ko na si Monroe nga pala ang magiging boss ko at makikita ko siya araw-araw. Paano na 'to?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status