Puppy loveDo you remember me? I'm your first text-M.U girlfriend and puppy love.I remember meeting you at the home of one of my high school classmates, who is also your cousin.You're so adorable, handsome, and small. You, like me, are shy. You gave your cousin my phone number, and thus began our puppy love relationship.We only communicated via text, and I believe we only lasted two or three weeks. I'm not sure because it happened a decade ago.Being textmates with you makes me happy because I like you and I believe you like me at the time. We're still young and inexperienced in our relationship, and it doesn't matter if we can't see each other in person because we're both shy and introverted.We abruptly ended our relationship because you stated that your studies remain your top priority. I was sad and cried when you broke up with me, as one would expect from a 13-year-old girl experiencing puppy love.It also devastated me to learn that you had a relationship with your girl bestf
Dahil sa arranged marriage na mangyayari kay Marilyn at sa kanyang matalik na kaibigan na si Euzon na may malalim palang obsesyon sa kanya ay napagdesisyunan ni Marilyn na tumakas na mula sa pamilya at sa best friend niya huwag lang matuloy ang binabalak na kasal.Lumayas siya nang hindi handa bukod sa mga dala niyang kakaunting damit at pera na aabutin lamang ng isang linggo. Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin at kung minamalas nga naman ay nanakawan pa siya.Hanggang sa mapadpad siya sa probinsya ng San Lorenzo at doon ay makikilala niya ang pitong magkakapatid na Monroe na hindi sa hinagilap niya na mayroon pa palang ganitong mga gwapo at makikisig na lalake sa liblib at tagong probinsya.Pito sila, as in pito! At sa hindi inaasahan ni Marilyn ay mahuhulog isa-isa ang loob ng mga hunk na ito sa kanya.Ano nang gagawin niya? Isa lang naman ang puso niya pero kaya ba niya itong ibigay sa pito?---GENRE: Romance/Obsession/Reverseharem/ PolyamoryWARNING: The characters of this s
"YOU'RE going to marry Euzon as soon as possible."Hindi makapaniwala si Marilyn sa narinig niya sa kaniyang ama na si Don Philip. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait pero ang sinabi nito ang siyang nagpapabaliw ngayon sa kanya."What? Are you serious, Dad? Ipapakasal niyo ako sa best friend ko?" gulat na tanong ni Marilyn sabay lingon sa best friend niyang si Euzon na kanina pa tahimik magmula ng kausapin sila ng Mom at Dad niya."Yes, hija. That's our final decision. Napag-usapan na rin namin 'to ng mga magulang ni Euzon. We want to expand our growing business at kung magpapakasal kayong dalawa ay mas lalo pang lalakas at uunlad ang business natin." sabi naman ni Don Philip na ikinailing nalang ni Marilyn.So, it's the business thing after all?"This is ridiculous! Ni hindi nga namin mahal ni Euzon ang isa't-isa dahil magkaibigan lang kami tapos ipapakasal niyo pa kaming dalawa? Hindi niyo man lang ba naisip ang nararamdaman ni Euzon?" naiinis nang sabi ni Marilyn dahil mukha yat
HINDI yata magandang ideya na naglayas si Marilyn ng hindi naman talaga totally na handa siya. Ngayon ay naglalakad siya sa isang masukal at madilim na daan na hindi niya mawari kung ano nang lugar iyon.Epic fail talaga ang ginawa niyang paglalayas pero no choice naman siya kundi ang panindigan ang naging desisyon niya. Ayaw niyang maikasal sa baliw at obsessed niyang best friend at hindi na rin siya papayag na madiktahan na naman ng kaniyang mga magulang ang buhay niya.22 years is enough. She's already an adult at pwede nang magkaroon ng magandang trabaho. Hindi man kursong Education ang tinapos niya ay masaya pa rin siya at nakapagtapos siya ng pag-aaral.Ngayon ay at takot na takot siya habang naglalakad sa daan. Parang daan sa pinapanood niyang Wrong Turn movie ang ambiance ng dinadaanan niya ngayon. Baka bigla nalang may sumulpot na lalakeng defective ang mukha sa harapan niya at may hawak itong chainsaw tapos pagpira-pirasuhin ang gorgeous and sexy body niya.Nakakatakot dahil
ILANG beses nang napamura sa inis ang panganay sa magkakapatid na Monroe na si Abraham nang maalala niya ang ginawa niya kagabi noong mabored na naman siya at inatake ng kapilyuhan niya.At ang naging target locked pa niya ay si Marilyn na nakita ng mga nakababatang kapatid niya sa madilim na daanan ng San Lorenzo.Nag disguise lang naman siya bilang isang holdapper at nagsuot pa siya ng itim na bonnet maskara para lang maging kapani-paniwala ang pantitrip niya. May dala pa siyang balisong na palagi namang nasa bulsa niya in case of emergency na kung sakali mang may siraulong magtangka sa buhay niya kahit saan man siya magpunta ay mapapatay niya ito.Ang plano lang niya ay takutin si Marilyn na nakita niyang naglalakad sa daan at holdapin ito pero ibabalik rin naman niya kaagad ang kinuha niyang kulay purple na wallet nito na naglalaman ng apat na libong piso pero dahil sa sobrang pagkataranta niya nang masilayan ng buo ang mukha ng dalaga ay hindi na niya naibalik pa ang purple na wa
"GAB, ang dami mo nang nainom, pre! Mahihirapan na naman akong iuwi ka sa bahay niyo dahil nagpapakalasing ka na naman na parang walang bukas. Tsk!" namomroblema at umiiling na sabi ni Kobe sa kaibigang si Gabriel na halos matumba na sa kinauupuan nila dala ng matinding kalasingan nito."I miss my girlfriend already, Kobe but she left me!" nakangisi at tumatawa namang ani Gabriel. Nasinok pa ito sa huling sinabi."FYI, nililigawan mo palang si Marilyn kaya 'wag kang assuming dyan." sagot ni Kobe."Doon rin naman kami papunta kaya advance na akong mag-isip!" nagawa pang magbiro ni Gabriel kaya pinigilan ni Kobe na huwag matawa.Masyado talagang in love ang kaibigan niya kay Marilyn at alam niya na ganoon rin si Marilyn dito.Nasa bar sila ngayon at sinasamahan ni Kobe na uminom si Gabriel dahil baka mapaano pa ito kung papabayaan niya lang na maglasing. Masyadong nalulungkot ang kaniyang kaibigan sa pagkawala ni Marilyn.Kung hindi lang torpe at mahiyain si Gabriel (mahiyain na siya sa
NGAYON lang napagtanto ni Marilyn kung ano ang ibig sabihin ni Hakim sa mga sinabi nito sa kanya kahapon. Dahil ayaw naman niyang maging assumera kung totoo nga ba ang sinabi nito sa kanya ay nanatili nalang tikom ang bibig niya.Wala pa nga siyang isang buwan sa San Lorenzo ay may ganoon na kaagad na konklusyon si Hakim sa kaniyang mga kapatid? Baka lubos lang naman talagang mababait at nag-aalala para sa kanya ang mga ito dahil nalaman nila ang dahilan ng pag-alis niya sa Maynila.Hindi rin pwedeng mangyari iyon dahil naghihintay lang si Gabriel sa pagbabalik niya.Nasa kusina ngayon sina Marilyn at Lola Adele. Tinutulungan niya ang matanda sa pagluluto ng sinigang na bangus at nilagang baka para sa hapunan nila."Ngayon lang kita tinuruang magluto ng ganitong mga putahe pero magaling ka na kaagad, Marilyn. Madali mong napag-aaralan ang mga bagay-bagay at maganda iyan." nakangiting sabi ni Lola Adele habang hinahalo niya sa kaserola ang sinigang na bangus na niluluto nila. Inilagay
KUNG hindi lang nakakahiya sa ibang mga bisita ni Ezra ay kanina pa nagtakip sa magkabilang tenga niya si Marilyn dahil sa pagkanta ngayon ni Chiena sa karaoke machine.Parang baboy lang na kinakatay ang boses nito sa tuwing bumibirit ito ng high notes at halata rin na nagpapa-impress lang sa boyfriend nitong si Levi na mukhang nahihiya na rin sa ginagawa niya.Kung sa physical appearance ay may maipagmamalaki naman si Chiena pero kung talent ang pag-uusapan, sumali lang ito sa Pilipinas Got Talent ay makakakuha na ito ng perfect red buzzer score.Salamat naman at nakaramdam rin ng pagkapagod si Chiena matapos ng tatlong nakasalang na kanta nito sa karaoke. Marilyn force herself not to laugh nang makita si Levi na hinihilot ang sentido nito at halos hindi na makatingin ng maayos kay Chiena."Do you like my song for you, babe?" nakangiting tanong ni Chiena kay Levi at akmang uupo na sana ulit ito sa kandungan ni Levi nang biglang tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito."Magyoyosi l