"Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.
Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.
Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya.
"Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.
Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.
Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.
Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.
Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya.
"Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibigan
Tumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.
Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.
Samantala, nagpatuloy na la
Theodore's POV Why do I have to feel the urge to kiss her? Theodore, stop it! She's one of your family maids. Dikta ng utak niya, pero iba ang nararamdaman ng puso niya. I think I'm falling for her. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinawakan ang baba ni Ella. Bago niya tuluyang halikan ito ay saglit niyang tiningnan ang halos perpektong mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi nito na para bang napakalambot at kaysarap halikan. Hindi na niya napigilan ang sarili, banayad niyang idinampi ang labi sa labi ng dalaga. Hindi ito gumanti ng halik gaya ng inaasahan niya. Unti unting naging mapusok ang mga halik niya na alam niyang ikinabigla ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito ngunit binalewala niya iyon. Napakatamis at napakalambot ng labi nito, hindi niya na magawang tumigil pa. Hanggang sa naramdaman niya ang pagganti nito sa mga halik niya, mas l
Mababakas sa mukha ni Theodore ang labis na pagtatangi sa katabing dalaga. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Sa katunayan, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hiniling ng binata sa ina na bigyan ang pamilya nito ng matitirahan na malapit lamang sa mansion nila. "Theo, sabi ng inay, salamat daw sa tulong mo. Kung hindi dahil sa inyo ni tita, nagtitiis pa rin kami sa masikip at sira sira naming bahay. Ayoko na rin talaga dun, kahit ang mga tao hindi ko gusto, ang dudumi nila." nakangiwing sabi ng dalaga. Hindi pansin ni Theodore ang tila ay kakaibang ugali ng dalaga, ang mahalaga sa kanya ay malapit ito sa kanya at alam niyang itinatangi rin siya nito. "Don't mention it Kiara, you know how it made me feel pag nakakatulong ako sa 'yo, sa inyo ng pamilya mo." saad ni Theodore. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at dinampian ito ng banayad na halik sa labi. Agad naman itong yumakap sa binata at ginantihan ito ng mas mariing halik. Naging mapusok ang saglit na sandali
“Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil
“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pabigla bigla ang desisyon mo?" Mula sa likuran ay narinig niyang sambit ni Theodore. Kasalukuyang siyang naghuhugas ng pinagkainan dahil kakatapos lamang magdinner ng pamilya. Bumisita si Rico sa kanila nang malaman na plano na niyang humanap ng malilipatan. Dahil mabait naman ang amo nilang babae, ang mama ni Theodore, inimbitahan itong doon na maghapunan. Nagtatakang napalingon siya upang humarap dito ngunit di niya namalayan na kaunti na lamang ang pagitan nila. Madilim ang anyo nito at hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga mata nito. Bahagya siyang napaurong at napakapit ang mga kamay sa lababo sa kanyang likuran. Ang napakaliit na pagitan nila ay mas lumiit pa dahil sa muling paglapit nito. "Why are you doing this to me Ella?" garalgal nitong bulong sa kanyang tenga. Ang kaninang galit nitong ekpresyon ay napalitan ng lungkot.
Panibagong araw.Pero hindi gaya ng karaniwang araw sa buhay ng isang dalagang katulad niya.Kailangan niyang maging maingat, matatag at palaban."Ella, sasaglit lamang ako sa bayan at kailangan kong makabili ng uulamin natin mamayang tanghali bago dumating ang tatay mo galing sa bukid." malakas na sigaw ng kanyang ina sa kanya."Oho nay." matamlay niyang sagot."Abah, anong inaarte arte mo dyan? bakit ganyan ka sumagot?", sikmat nito sa kanyaEto na naman po, wala na nga akong ginawa, sumagot na nga lang mali pa rin."Napuyat lang ho kagabi nay." matipid na sagot niya"At bakit ka naman mapupuyat? Wala ka na ngang ginagawa dito, diba tapos ka na mag-aral pero ang gusto mo lage makipagkwentuhan sa kaibigan mong dinaig pa ang hostess sa kapal ng make-up at dami ng kolorete sa katawan..Lagi ka nalang wala sa bahay(fading)Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Sana alam niyo ang dahilan bakit mas gusto ko makip
Nanginginig ang mga kamay na kumatok si Ella sa bahay ng kaibigan niyang si Vivian."Oh Ella, andyan ka na pala. Pasok ka. So eto na ang mga RTW na ibbenta natin. 50/50 tayo kahit na akin ang puhunan, alam mo namang love na love kita girl so pinarehas ko na ang hatian!" masiglang bati nito sa kanya pagkabukas ng pinto."Vivian...", hindi niya naituloy ang sasabihin, bigla siyang napahagulhol at yumakap sa kaibiganHindi alam ni Vivian ang kanyang gagawin, niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod."Ella? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong nito sa kanya"Ang itay, muntik niya na akong pagsamantalahan", umiiyak niyang kwento sa kaibigan"Ginawa niya ulit? Aba sumosobra na talaga ang matandang yun! Manyakis siya!", galit na sabi nito,nilamukos nito ang hawak na mga RTW. Narinig niyang nagmura pa ito habang malakas na iniluwa ang chewing gum na nasa bibig.Muli. Ayaw man alalahanin ay mu
"Okay ka lang Ella?" tanong ni Rico habang nagmamaneho ito ng jeep na sinasakyan nila papuntang Maynila.Kaklase nila ito ni Vivian nung high school sila. Bagaman at pinsan ito ng dalaga ay hindi niya ito napagtuunan ng pansin nung nanliligaw pa ito sa kanya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at umalis sa lugar na iyon ng mga panahong yun.Mabait ang binata sa kanya, tuwing lalabas siya sa Unibersidad na kanyang pinapasukan ay makikita ang jeep ng binata na nakaparada sa labas habang matiyaga itong nakasandal sa unahan ng sasakyan at naghihintay sa kanya. Napakatyaga nito sa panliligaw, sayang nga lamang at wala pa ito sa isip niya maging hanggang sa ngayon.Gwapo ito, matangkad at taliwas sa dapat na kulay ng isang probinsyano, maputi ito kagaya niya. Si Vivian naman ay kayumanggi lamang ang kulay.Kapag magkakasama silang tatlo, lage silang tinutukso ng mga tao sa baryo at sinasabing dalawang gatas at isang kape silang magkakaibigan."Okay lang ako Ric