Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r
"Sigurado ka ba na dito tayo maghahanap?" Kinakabahan na tanong ni Aleia sa kaibigan ng makita ang buong paligid. The place was crowded with different people when they enter. Napaka-ingay rin sa loob at puno ng usok. "Believe me, this is the perfect place for our plan." Pilyang sagot nito na kinindatan pa siya. Pero tumigil rin kapagkuwan saka nananantiya siyang tiningnan. "Eh ikaw? Sigurado ka ba na gusto mo itong gawin?" She look at the place again. Para ngang bigla siyang nagdalawang isip. Hindi sa desisyon niya, kundi sa lugar. How will she able to find a suitable man in this kind of place? Naramdaman niya ang paghawak ni Meredith sa kanyang palapulsuhan saka siya hinila papasok pa sa loob. "We're here now Lei, kung hindi mo makita ang sa tingin mong tamang lalake dito, then maghanap tayo sa ibang luga, bukas o sa ibang araw. As of now, let's just enjoy this night, tutal nandito na rin lang tayo. Kaya halika na." Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito nang makipagsiksikan
It was as if she was hypnotized by his eyes. Wala siyang ginawa kundi ang titigan lang ito sa nakalipas na sandali."Next time, be careful." Baritono nitong sabi saka siya hinila upang makatayo ng diretso.Her heart jump as she heard his baritone voice. Tila pati ang boses nito ay nang-aakit sa kanyang pandinig. Lalakeng-lalake ang dating. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa di kalayuan poste ay namasdan niya ang mukha nito. He has deep set eyes, na may katamtamang kapal ng kilay, matangos ang ilong, and he has perfect jawline na may tubong maiksing balbas at bigote. Nang dumako ang kanyang mga mata sa mapupula nitong mga labi ay napalunok siya.His lips were made for kissing! And she shiver as scene of him kissing her crossed her mind."Are you okey?" Muli nitong tanong ng mapansin na tulala siya. Nang maramdaman niyang tila bibitawan na siya nito ay nataranta ang loob niya. May pakiramdam siya na kapag hinayaan niya itong makawala ngayong gabi, ay hindi na siya magkakaroon ng p
Malungkot at puno ng panlulumo ang mukha ni Aleia habang nakatingin sa hawak. Isang pulang linya. Isa lang ang sabihin niyon, negative. Hindi siya nagdadalang-tao. Iyon ang resulta sa hawak niyang pregnancy test.Hawak-hawak iyon ay lumabas siya. Nakangiti siyang sinalubong ni Meredith na noo'y tila excited pa kaysa sa kanya ang mukha. Pero nawala ang ngiti nito sa labi ng makita ang tila biyernes santo niyang mukha.Umiling siya saka ini-angat ang hawak para ipakita rito."Negative eh." Bigla ring nawala ang ngiti nito nang dumako ang mga mata sa hawak niya."Hindi naman one hundred percent na sigurado ang test, you can try another one again." Sabi ni Meredith, trying to comfort her. "Isa pa, dalawang linggo pa lang naman magmula ng may nangyari sa inyo ng estrangherong iyon sa club, baka kailangan pa nating maghintay ng--"She heave a sigh. "Ang sabi ni Doctora Mercado, malalaman na ng isang babae kung buntis siya kahit dalawang linggo pa lang. I bought the pregnancy test she re
"GOOD morning ma'am Lei.." Bati sa kanya ng mga nakakasalubong niyang saleslady sa pinagtatrabahuhang mall. "Good morning.." ganting bati niya sa mga ito saka tuloy-tuloy na papunta sa elevator.She was greeted by the elevator girl too, pati na rin ng iba pang nakasakay roon. Dahil maaga pa, halos puro mga empleyado pa lamang ng mall ang nasa loob. Dumiretso siya sa ikapitong palapag kung saan naroroon ang isang kwarto na nagsisilbing opisina nilang may mga posisyon doon sa mall, kabilang na ang kanilang manager. She's the mall supervisor, at mayroon siyang maliit na cubicle na nagsisilbing mesa niya. She's been working there for six years now. She applied there after graduating from college at doon na rin tumagal. Pasado alas Dies ng mag-ikot siya sa buong establishimyento, iyon na ang nakasanayan niyang gawin araw-araw. As usual, marami ng tao na paroo't-parito, nakisik-sik na nga siya sa mga tao sa escalator pababa kung saan naroroon ang grocery store. It was where the most b
Azura hotel. Tulad ng nakasanayan na niya sa mga seminars na kanyang dinadaluhan, halos memoryado na niya ang mga naturang topic. It was always the same. Customer services, stock market, sales marketing, product presentation at human resources. After lunch kanina nag-umpisa, and it lasted for almost five hours. Madilim na ang paligid ng matapos. "I hope you didn't get bored hearing the same topic in every seminars we attended every year." Napabaling siya sa tinig na iyon. Nakangiting mukha ng kanilang General manager ang kanyang nabungaran. Tulad niya may bit-bit din itong plato na may lamang pagkain.After the seminars, they had a buffet for dinner. Courtesy of the hotel."Hindi naman po sir, natutuwa nga po ako dahil marami akong nakakahalubilong mga tao sa ganitong mga pagtitipon. Nadadagdag ang mga nalalaman ko sa kanila.""Iyan ang gusto ko sayo iha, you are always positive. You never see this as boring and dull like what the others think of it. You are also honest and so de
Halos magkanda-tapilok siya habang tumatakbo pero wala na siyang pakialam pa. She was breathless, but she knew, she can't stop, dahil sa sandaling gawin niya iyon, tiyak katapusan na niya. She run as fast as she could in the hope of saving her life. Hindi siya lumilingon pero alam niya nakasunod sa kanya ang mga kalalakihang iyon, at marahil pati na rin si Aries. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan. Of all people, bakit siya pa ang kailangang makasaksi ng ganoong krimen? And of all people, bakit si Aries pa?Hindi kaya namalikmata lang siya? She knew him for more than a year now, hindi ang klase ni Aries ang gagawa ng ganoong karumal-dumal na krimen. He was a good person. Sa loob ng halos isang taon nila bilang magkasintahan, hindi niya ito nakitaan ng pagiging bayolente, ni wala siyang nabalitaan na ano mang karahasan na ginawa nito sa loob ng taong iyon. He's friend with anyone at the mall who knew him, pati na rin sa kumpanyang pinagtat
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata ng maramdamang tila may nakatunghay sa kanya. Unang pumasok sa kanyang isip ay ang nasaksihang krimen at ang mga lalakeng humahabol sa kanya.Nang maalala iyon ay bigla siyang nagpanic."Hey..." Dinig niyang sabi ng lalakeng sa kanyang harapan. Naramdaman niya ang bigla nitong paghawak sa kanyang braso sanhi para lalo siyang magwala."No.. bitawan mo ako.. bitawan mo ako!" Histerikal niyang sigaw.Buong-buo sa kanyang isip ang mukha ng mga lalakeng iyon. She knew, they are going to kill her now."Sabi ng bitawan ninyo ako!" Muli siyang nagpumiglas. At nang makawala mula sa hawak nito ay agad siyang bumangon at tumakbo palayo rito. Hindi na niya alintana ang pagsigid ng kirot sa kanyang mga paa pati na rin ang pagsakit ng kanyang mga kasu-kasuan. All she wanted was to run away and save herself. Pero napatigil siya ng mapansing gumagalaw-galaw ang kinatatayuan niya. And as she roam her eyes around, all she saw is them surrounded with u