Share

Chapter 3

“Ano’ng nangyari?” tiim ang bagang na tanong niya sa mga tauhan. His wearing a black suit with a mask on his face. Wala pang nakakakita sa kaniya sa tunay niyang mukha. Kahit ang kanang kamay niya. 

“Boss, si Mr. Ching gusto kayong makausap nang personal. Naging maganda rin ang operasyon ngayon, walang sablay at napalitan ang lahat ng pinadala natin.”  

Isang tango ang ginawa niya at napabuntonghininga. “Tell them to take a rest for one month and be careful for the next. Mainit tayo sa mata ng mga pulis ngayon dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.”  

Sa nangyari nong nakaraang linggo, ilan rin sa tauhan niya ang namatay. Bilyon din ang nawala sa kaniya. 

“I’m sorry, Boss sa nangyari.” 

Tumango siya at tumayo.  “Ihanda ang chopper pabalik sa Maynila.” 

“Yes po, Boss,” sagot nito at nagmamadaling tinawagan ang piloto. 

Dala-dala ang ang dalawang bag na ang laman ay perang pinagbintahan ng mga baril, sumakay siya sa chopper. “Ikaw na ang bahala sa lahat,” ani niya at hinabilin sa kausap. 

Yumuko at tumango naman ang kausap. 

Hindi pa siya nakabababa ng chopper nang nakatanggap pa siya ng tawag mula sa tauhan na nakita na raw ang taong nagtraydor sa kanila kaya nawalan siya ng maraming tauhan. Sa mga ganitong problema ay siya ang lumulutas, at wala pang nakaliligtas sa mga kamay niya. 

--

“Nanay, tapos na po akong kumain.” Umusli ang labi niya nang tingnan ang kalaro. Paano kasi, tinatawag na ito ng lola nito dahil kakain na raw. Mawawalan siya ng kalaro. 

"Hintayin mo na lang siya rito, pawis na pawis ka na o, kumuha ka muna ng bimpo sa inyo.” 

Siya naman ay umuwi para kumuha ang bimpo at pinunasan ang sarili. Pagkatapos ay inilagay niya iyon sa likod niya; hirap na hirap siya pero nagawa niya naman lalo na at tinuruan na siya ng mama niya kung paano maging big boy. 

“Toto, hintayin kita rito!” ani niya sa kalaro. Tumango naman ito at nagsimula nang kumain. 

Nakaupo siya sa bato nang may umagaw sa atensiyon niya, iyon ay ang nagtitinda ng taho. May perang ibinigay sa kaniya ang mama niya at paborito niya iyon kaya gusto niyang kumain niyon. Kahit pagod na pagod na siya dahil hinabol niya talaga ang mamang nagtitinda, hindi siya tumigil hanggang hindi niya na ito nakita. Nagulat pa siya nang bigla itong nawala, iyon pala ay nagtago lang sa likod ng malaking pader. 

Hingal na hingal siyang napahawak sa baywang ng makita niya na tumigil na ang lalaking nagbebenta.  Lalapit na sana siya rito nang bigla namang may lalaking naka jacket ang naunang bumili rito; nalilito lang siya dahil si mamang nagtitinda ay mukhang takot na takot sa naka-jacket. 

Nagmamadaling lumapit siya sa malalaking tao at tumayo malapit sa mga ito. 

“You know why I’ve let you to see my face? Dahil ito ang huli mong segundo para huminga,” rinig niyang bulong ng malaking mama sa nagtitinda. Hindi niya naman maintindihan ang sinasabi nito. 

Namilog ang mata niya nang napansin ang nakatagong laruan sa jacket nito, mabuti na lang talaga nakita niya. Dahil sobrang ganda niyon! 

Dahan-dahan siyang lumapit sa likod nito at mula roon ay pinasok niya ang kamay sa jacket dahilan para masiko siya ng malaking mama. Naitapon siya nito, lagot siya nito kapag nalaman ng mama niya. 

Ngumuso at salubong ang kilay na tiningnan niya ang malaking mama na mukhang galit na galit na nakatingin sa kanya. Ang baril nitong laruan ay nakalabas na sa jacket at nasa kaniya nakatutok. Bigla ay napalunok siya. Unti-unting napanguso. 

“Bakit po ako? Hindi naman ako ang kaaway mo.” Ang kaso ay hindi sumagot ang lalaki. “H’wag ka na pong magalit, hindi ko naman po nanakawin ang laruan n’yo. Manghihiram lang ako.” 

Bungol yata ang lalaking kausap niya dahil hindi man lang ito nagsalita sa kaniya, pero ang laruan nito ay nakatago na akala mo talaga ay aagawain niya. Lumubo ang pisngi niya at tumayo, pinagpag niya ang mga alikabok. 

“Don’t you dare,” ani nito sa nagtitinda. Ang dalawa naman ay umayos na. Mukhang tapos na silang maglaro. Ayaw talaga ng mga itong sumali siya. Nakakainis. 

Masamang tingin ang binigay niya sa malaking mamang sumiko sa kaniya na madamot at saka siya lumapit sa nagtitinda ng taho. 

“Bibili po ako, lima lang.” Pero ang mata niya ay nasa lalaki pa rin na sumiko sa kaniya, para kasing kilala niya ito. Nakalimutan niya lang. 

Ang kaso naibigay niya na ang bayad sa nagtitinda ay hindi pa rin ito umaalis, at ang lalaking naman na sumiko sa kaniya ay nakatingin sa kaniya na mukhang aagawin pa yata ang kaniyang taho. 

Hanggang sa hindi niya na alam kung bakit tumilapon na naman siya. Iyon pala ay tinulak siya ng nagtitinda ng taho, mas malakas sa pagkakasiko ng lalaki kanina. Bigla ay tumakbo ito na kaagad namang hinabol ng lalaki. Gusto niyang maiyak nang nakitang nagkalat ang pagkain niya. Sayang ang limang peso niya; naitapon lang. 

“Hey, are you okay?”   

Mabuti na lang at bumalik ang mamang malaki, tinulungan siya. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka inayos ang sarili. Umayos siya sa pagkakatayo at pinagkrus ang mga brasong tiningnan ito. 

Ang astig na nitong tingnan kahit nakatayo lang. Kaya hindi siya puwedeng magpatalo, mas gwapo siya. “Walang ganang kaloro `yong nagtitinda. Tinapilok niya pa ako kahit hindi naman ako kasama sa laro n’yo.”

Tumaas ang sulok ng labi ng mamang malaking nakatingin sa kaniya. “Don’t act like you are older than me. Umuwi ka na sa bahay n’yo, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.” Masungit na tiningnan siya nito 

“Wala po, nasa work siya.” 

May binulong-bulong pa ito na hindi niya marinig. “Umuwi ka na sa bahay n’yo,” ani lang nito at saka tumalikod. 

Sayang ang lalaking iyon. Ang gwapo at ang matcho pa naman nito, bagay sila ng mama niya. 

“Uncle,” tawag niya. Huminto naman ito sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Bumuntong hininga ito. 

“Ikaw lang ang pinakaguwapong lalaking nakita ko na kasing gwapo ko. Ang mama ko naman, maganda. Perfect kayong dalawa. Kaya po, Uncle, tatanungin kita kung interesado po kayong makipag date sa mama ko.” 

Isang buntonghininga ang pinakawalan niya habang ang uncle na kausap niya ay nakatangin lang sa kaniya. Lumapit siya rito at kinuha ang contact number na gawa-gawa niya. Binigay niya kay Uncle. 

“Ito po ang calling card na gawa ko at ang drawing ko, `yan naman po si mama. Kung interesado po kayo tawagan n’yo na lang ako.” 

Napatitig ito sa drawing niya. “Are you sure that it’s your mother? Kapag nakita ito ng mama mo tiyak na mapapalo ka.” 

“Opo, kaya po h’wag ninyong sabihin sa kanya na galing sa `kin `yan kapag nakipag-date ka sa mama ko.”  Hindi na nagsalita ang uncle na kaharap niya kaya naman tumalikod na siya para umalis. 

Bigla niyang naalala na wala pala siyang number nito kaya bumalik muli siya at inilahad ang matambok na kamay. “Hihingi rin po pala ako ng number n’yo, para kung sakaling nakalimutan n’yo tatawagan ko kayo.” Ang tagal naman nitong kumilos, nababagot na siya. “Sige na po. Hindi ako aalis hangga’t hindi n’yo po ibinibigay ang number n’yo.” 

Tahimik na napa-yes siya nang may hinugot ito sa bulsa at nilabas ang wallet. Doon pala nakalagay ang calling card nito na ang ganda-ganda. Hindi katulad sa kaniyang nasa papel at nakasulat lang. 

“Now leave.” 

“Okay. Bye, Uncle; my future daddy.” Nakangiting tumalikod siya at umuwi na ng bahay. Itinabi niya naman ang binigay ng lalaki na calling card bago naglaro muli kasama si toto na tapos nang kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status