Hello po sa inyo, nais ko lang po magpasalamat sa pagbabasa sa story na ito. Ingat po kayo palagi :) :)
Mhelcah's POV"Good morning Simon," masayang bati ko sa larawan niya.Tuwing umaga ay palagi ko siyang binabati. Kapag nakikita ko siya ay napapangiti talaga ako kaagad. Bumangon na ako para magluto ng almusal. Simula noong nakakakita na ako ay tinuruan ako ni inay sa mga gawaing bahay ng paunti-unti.Unti-unti na akong nasasanay sa mga nakikita ko. Araw-araw ay lagi na lang akong napapangiti dahil nakakakita na talaga ako. Parang panaginip lang pero totoo talaga na nakakakita na ako.Ang sarap sa pakiramdam dahil sa tingin ko ay kaya ko ng gawin ang lahat ng bagay. Tumutulong na rin ako kay inay sa paglalabada. Ngayon kasi si inay pumupunta na sa mga building na malapit sa amin.On-call na siya sa paglalabada. Ngayon ay ako ang pupunta sa condo ng isa sa mga nagpapalabada kay inay. Magiging practice ko na rin ito kapag pumasok ako sa house keeping.Maaga ako ngayon para maaga ako matapos. Nakakapagod lang dahil ang taas pala ng unit no'ng tao na 'yun. Siguro pagod na pagod si inay. Tu
Mhelcah's POV"What the h*ll are you doing?!" Sigaw niya sa akin at itinulak niya ako bigla."Ugh!" Biglang tumama ang likod ko sa basang sahig. Nakaramdam rin ako ng sakit, pero hindi ko ipinahalata sa kanya. "Sorry po, sorry po Sir," hingi ko ng paumanhin sa kanya."What's happening here?" Biglang may dumating na magandang babae.Nakita ko na bumangon si Sir sungit habang ako nakahiga pa rin. Pinilit kong bumangon kahit na ang sakit nang likod koSinalubong ng babae si sungit at hinalikan sa labi. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. Hindi ko alam pero may kunting kir*t sa puso ko."Who are you?" Tanong sa akin nang babae."She's cleaning here. What brings you here Antonette?"Antonette pala ang pangalan nito. Bagay sa kanya dahil ang ganda niya. "I miss you Sy," rinig kong sabi nang babae. "I'm busy right now," sagot naman ni Sir Sy."Hindi ka pumasok sa office at bakit basa kayo pareho? May ginawa ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Antonette."I'm just helping her, napatid si
Mhelcah's POVNagulat ako sa sinabi ni inay na nasa labas si Sir Sungit. Jusko ano ba ang gagawin ko? At bakit siya nandito?"I-Inay, Bakit po siya nandito?" Tanong ko kay inay."Hindi ko rin alam anak, ayaw naman niyang pumasok. May ginawa ka ba sa condo niya?" Tanong sa akin ni inay."Wala ho inay!" Mabilis kong sagot sa kanya."Saka inay alam niyo po ba na siya ang boss niyo?" Tanong ko sa kanya."Oo anak, at nakalimutan kong sabihin sa iyo kanina." Sabi nito sa akin.Napabuntong hininga naman ako sa narinig ko. Ano na lang ang gagawin ko? Kinakabahan man ako ay lumabas pa rin ako para harapin siya. Wala naman kasi akong magagawa.Paglabas ko ay nakasandal ito sa kotse niya na para bang naiinip na naiinis. Basta hindi ko mawari ang mukha niya. Pero gwapo pa rin siya. Sinaway ko na naman sarili ko dahil pinuri ko ito.Pagkarating ko sa harapan niya ay tumingin ito sa akin. "Hop in," utos niya sa akin."Po?""Sakay," utos nito sa akin."Bakit po?" Tanong ko sa kanya."Puwede ba 'wag
Mhelcah's POVNagsimula na ang araw ng training ko sa trabaho. Pagod man ako pero masaya naman ako dahil may mga naging kaibigan na ako doon."Uuwi kana ba Mhel?" Tanong sa akin ni Carl."Oo," sagot ko kay Carl."Sabay-sabay na tayo," saad naman ni Pearl."Sige," nakangiti ko namang sagot.Sumakay kami sa jeep. Pero habang nasa biyahe kami ay nagkukwentuhan kaming tatlo. Masaya silang kausap at halos kaedaran ko lang sila. Naunang bumaba si Pearl kaya kami na lang ni Carl ang magkasama ngayon. Nalaman ko rin na malapit lang sa amin ang bahay nila. Nasa kabilang kanto lang pala.Bumaba na kami sa jeep at sabay na naglakad. "Mhel kumain muna tayo ng fishball doon sa may gilid," yaya niya sa akin."Sige, gusto ko ring i-try na kumain doon." Sagot ko sa kanya.Lumapit kami doon at medyo marami na ang mga tao. Kaya naghintay lang kami ng kaunti dahil kakasalang pa lang ulit ng tindero. Masaya kaming kumakain ni Carl. Hindi naman kami nagtagal doon at umuwi rin kami kaagad.Pagpasok ko sa b
Mhelcah's POVNapasinghap ang lahat ng tao na nasa paligid nang sabihin niya ito sa akin. Hindi ko pa sana naintindihan kong hindi ko nakita sa mata niya ang galit sa akin.Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Na halos manlabo na ang paningin ko. Ang bigat ng mga paa ko pero pinilit ko na ihakbang ito. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang papalayo ako sa kanya. Akala ko ay mabait na siya ng kaunti pero mas nakakatakot pala talaga siya.Malinaw na sa akin na tinatanggal na ako sa trabaho. Kahit na papaumpisa pa lang sana ako. Hindi ako gumamit ng elevator. Naghagdan ako pababa. Malaya kong pinakawalan ang mga luha ko habang pababa ako.Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako sa ginawa niya. Na hindi ko alam kung bakit ganu'n na lang niya ako tanggalin sa trabaho. Kung sa bagay CEO pala siya at lahat kaya niyang gawin ng walang kahirap-hirap.Umahon ang galit sa puso ko. Siya ang unang taong kinamuhian ko ng ganito. Pakiramdam ko at sasabog ang puso ko sa sobrang g
Mhelcah's POVHindi ko alam pero hindi naman ako kinalabahan na natrap ako dito sa loob ng board room. Mas nag-aalala pa ako sa lunch namin ni Franco.Sa inis ko ay kinalampag ko ang pintuan. Nakakainis lang dahil ngayon pa talaga nasira ang lock. Nanakit na ang kamay ko sa kakahampas ko sa pintuan.Umupo na lang ako dahil alam ko na walang magbubukas sa akin dito. Nasa pinakadulo kasi ito kaya napansin ko na hindi naman pinupuntahan ng ibang mga empleyado. Ilang minuto na ata akong nakaupo nang biglang bumukas ang pintuan."Miss Mhel? Nandito ka pala?" Tanong sa akin ni Ben na secretary ni sungit."Opo, kanina ko pa po kasi hindi mabuksan ang pintuan." Sagot ko sa kanya."Minsan talaga maloko ang lock. Lalo na kapag nagseselos," tumatawang sabi niya sa akin."Ho? Nagseselos? Nagseselos rin pala ang lock ng pinto?" Wala sa sariling bulalas ko.Nagulat na lang ako dahil ang lakas ng tawa ni Ben. Tuwang-tuwa talaga siya at namumula na ang buong mukha niya. Dahil naalala ko si Sir Franco
Mhelcah's POV"K-Kailangan ko ba 'yan sagutin?" Tanong ko sa kanya."Gusto ko malaman para — maligpit ko," sagot niya sa akin pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi."Malaman para—?”"Magsimula kana d'yan bago pa kita tanggalin ng tuluyan sa trabaho mo!" Nagagalit na naman ito."Ito na magliligpit na," naiinis na sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang ugali niya. Gusto ko pa naman maging mabait sa kanya pero nakapasuplado naman kasi. Unang araw ko pa lang pero ganito na kaagad.Paano na lang kapag araw-araw na akong pumasok dito. Ang hirap intindihin ng ugali niya."Nagdadabog ka ba?" Tanong niya sa akin."Hindi po, katunayan po gustong-gusto ko 'yong ginagawa ko." Nakangiting sagot ko sa kanya na kahit sa loob-loob ko ay sarap niyang hambalusin ng mga papeles na kinalat niya."Tsk!" Sabi nito at bumalik na sa mesa niya.Napagod ako kakayuko kaya umupo na ako sa sahig. Mas okay na nakaupo ako at pagapang gapang lang habang inaabot ko ang mga papel. Nang malapit na ako m
WARNING!! Matured Content! Pero slight lang po! Mhelcah's POV"Nagbibiro ka lang diba?" Tanong ko sa kanya."Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong sagot niya sa akin."Hindi magandang biro 'yan. Sana di na lang ako pumunta dito," saad ko sa kanya."Pumunta ka ba dito dahil nag-aalala ka sa akin? Siguro nakonsensiya ka sa ginawa mo kagabi?" "Pumunta ako dito dahil double pay." Mabilis na sagot ko sa kanya."Tsk! Di ka man lang ba nag-alala sa akin?" Tanong niya sa akin."Bakit naman ako mag-aalala sa 'yo? Ayaw ko ng dalawang Simon sa buhay ko." Sabi ko sa kanya."Mas gwapo naman ako doon sa Simon na sinasabi mo," confident na sabi niya sa akin."Mas gwapo 'yon at mabait." Sagot ko sa kanya."Mukhang okay ka naman na. Siguro babalik na lang ako sa trabaho ko." Sabi ko sa kanya."Ayaw mo bang magstay dito? Wala kang gagawin kundi samahan ako sayang ang double pay na sinasabi mo."Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kung sa bagay tama siya. Pero akala ko talaga totoo ang sinasabi niya na g