Share

In the City's Embrace

Hindi ko alam kung ilang oras ang naging tulog ko. Ginising na lamang ako ni Manong ng nasa Maynila na kami.

Inayos ko ang aking mukha bago bumaling kay Senyorito. Dahil baka gising na siya at tini-tititigan na ako. Ngunit nagkamali ako ng akala, hanggang ngayon ay mahimbing parin itong natutulog habang nanatiling nakasandal.

Uminit ng bahagya ang aking pisngi nang mapagtanto ang aking ginagawa.

Umiwas na lamang ako ng tingin at bahagyang sumilip sa may labas. City life always lures people of all classes for its comforts, cultural and economic. Its glamour attracts people from underdeveloped areas like provinces.

Malalaking gusali. Magagandang streetlight. Mga sikat na pasyalan. Magagarang paaralan. Mga sikat na artista at iba pa. Dito mo makikita kung paano mamuhay ang iba't ibang tao na iyong makakasalamuha.

Halos gusto kong tumayo upang mas titigan ang mga gusali. Nakaka-aliw lang dahil sobrang tataas nito.

"Venice!" Mahinang saway sa akin ni Manong ng matumba ako dahil sa hindi ko magandang pag-balanse.

Lumingon ako sa kanya,"Baka magising si Ryker." Dagdag niya.

Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Noong bata ako! Pangarap ko ditong pumunta. Ang sabi noon nang mga kababata ko, sa Maynila? Maraming kang mahahanap na trabaho. Puwede ka ring maki-lahok sa mga parties at bars. Malaya mong magagawa ang lahat ng gusto mo.

Pero habang lumalaki ako. Habang nakikita o napapanunod ko ang tungkol sa syudad? Sa lahat ng nangyayari! Nakakaramdam ako ng kaunting takot at kaunti ring excitement.

You can never succeed if you stop trying that's why inspire yourself in doing something worthwhile today kahit na medyo nagmumukha ka nang baliw.

Halos mabali ang leeg ko sa tuwing sinusundan ko ng tingin ang mga tanawin na nadadaanan namin.

"Malapit na po ba tayo?" Tanong ko kay Manong.

Lumiko si Manong sa kanan na direksyon. Napaawang ang aking labi ng mabasa ko ang isa sa mga sikat na villages sa buong Pilipinas. Pumasok kami roon kapagkuwan huminto rin dahil may lumapit na isang security guard.

Lumingon ako sa kaliwa. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mala-masyon na kababahayan.

"Oo." Sagot niya sa akin pagkatapos nito kausapin ang security guard.

Bumukas ang napalaking gate sa aming harapan. Patuloy na kaming pumasok sa loob. Hindi ako makapaniwala. Ganito talaga ba kayaman ang mga pamilyang Laurel at na-afford nilang kumuha ng bahay dito!

Ilang kabahayan pa ang dinaanan namin bago kami tuluyang pumasok muli sa pangalawang gate. May dalawang security guard ulit ang naghihintay sa amin.

Napabaling ako sa aking gilid ng marinig ko ang pagtikhim ng aking katabi.

Bahagyang magulo ang buhok nito. He opened the window wide. Agad na bumanghalit ang hangin galing sa labas. Humilig siyang muli sa upuan. Malalim at matalim ang mga mata niyang tumingin sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ni Manong sa may driver seat. Napalunok ako ng bahagya.

"Get out!" He coldly said.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. His eyes turned fiery and I saw anger. Kinalibutan ako. Pinagsalikop nito ang mga kamay at hindi man lang nito inalis ang tingin sa akin.

"Did you hear me?" Kunot noo niyang tanong.

Hindi pa rin ako natinag sa sinabi niya.

His brows arched and his lips turn into a thin shape.

"Are you deaf?" He asked again.

Dahil sa sobrang kaba ay agad akong lumabas ng sasakyan. Halos lumabas ang puso ko. Bahagya akong humingal ng sa wakas ay nakalabas na ako.

Hindi naman ganito ka sobra ang ipinapakita niyang ugali sa akin? The bad side of him is really powerful. May kapangyarihan ito upang kabahan at matakot ka! Gaya na lang nang nararamdaman ko ngayon.

Ibinigay sa akin ni Manong ang bagahe ko na bahagya pang nagtataka sa inasal ko. I don’t want to feel my heart, rejection and hurt. A void in my chest was beginning to fill with anger.

Hindi ako mapakali habang tinitignan ko ang bago kong magiging kasama. Pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi ko pa rin pinapansin ang Senyorito. Hindi rin naman ito nagpakita sa akin at sa pagkaka-alam ko'y tumuloy na agad 'to sa kwarto upang magpahinga muli.

"Kaano-anu ka ni Don Rico?" Seryosong tanong ng pinaka-matanda sa kanila.

"Ako po pala si Venice Luna. Katulong po." Magalang na sagot ko.

Nakita ko pagtawa ng dalawang nakakabata sa tabi nito habang tinatabig ang kausap ko.

"Sumunod ka sa akin. Ihahatid kita sa kwarto mo." Kaswal na aniya.

Magalang akong tumango. Patuloy ko pa rin ang pagtawa ng dalawa at saka mapang-asar na tumingin sa akin.

"Goodluck!" Nakangising wika ng isa. May nunal ito sa may kanan bahagi ng pisngi at katamtaman ang katawan, samantala ang kanyang kasama naman ay matangkad na may katabaan ng kaunti. Magaganda rin sila.

"Ayaw namin ng tamad dito! Ang sabi ng Don ay papasok ka raw. Kaya't tuwing weekends ka lang narito buong araw." Panimula niya.

"Opo." Nagsimula na kami maglakad.

"Masuwerte ka! Bilin niya sa akin na sana'y bantayan mo ng mabuti si Ryker." Lumingon siya sa akin.

"Ako nga pala si Davie. Ang mayordoma dito." Wika niya.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Ngumiti ako.

Tumango siya at walang siyang sinabi. Napabuntong hinga ako.

Parang lumuwag nang kaunti ang nararamdaman ko.

Tinawid namin ang gilid ng bahay at lumusot sa likuran. Halos manlaki ang aking mata at gusto ko rin sanang huminto ngunit hindi ko na ginawa.

Natatanaw ko lamang dito ang maraming bulaklak tulad ng orchids, antharium, calla gumamela, perrenials, dahlia na sobrang hitik. Pati ang ilang puno na narito tulad na lamang ng sweet tamarind ay may bunga. It was fabulous and magnificence ,maybe that gardener,made by glamour out of flowers.

It can make us realize that we have a lot of blessings and we should thank God and everybody around us for it.

Kahit na ilang araw ako dito tumingin ay hinding-hindi ako magsasawa at mapapagod.

Tumigil kami sa tapat ng isang may di kalakihan na bahay.

"Dito ang maids quarter. May limang kwarto rito. May kusina, sala at banyo na rin." Malumanay niyang saad.

Pumasok kami sa loob. Mapait akong napangiti.

"Sa dulo ang kwarto mo katabi ng kwarto ni Chiz, personal driver siya ni Ryker." Dagdag niya.

Tumuloy-tuloy kami sa paglalakad.

Tumango lamang ako. Humarap sa akin ang dalawang kasambahay saka ngumisi.

"Ako nga pala si Stiffany." Wika ng may nunal.

"Ako nga pala si Marjorie." Sambit ng katabi niya.

Inilahad nila ang kamay sa aking harapan.

"Venice Luna." Nakangiting pagpapakilala kong muli.

Tinanggap ko ang kamay ni Stiffany at Marjorie. Hanggang ngayon hindi pa rin lumuluwag ang aking nararamdaman. Para bang may tinik 'to.

I slip into thinking about what the present can bring me. I spent a year doing something new! Lahat naman nun ay may magandang binubunga.

"Pasok ka na sa kwarto mo." Ngumuso si Stiffany.

Marahan akong tumango. Iniabot sa akin ng mayordoma ang susi.

"Sige na." Usal niya.

"Salamat po," ani ko. Dumistansiya ako sa kanila at tumungo na sa dulong bahagi ng bahay.

Pumikit ako. Gustong-gusto kong sabihin na huwag muna akong umalis, na gusto ko pa silang makasama. Ngunit narinig ko ang yabag nila at mahinang pagtawa. I don't belong here because I am too far.

Nobody understands another's sorrow. There are times in life when one feels down and experiences stuff that makes them miserable. Some people even hide their sadness because of the fear of getting judged by people or getting mocked.

Siguro ito ang sinasabi nilang laban ng buhay. Dahil sa bawat pag-ikot ng oras? Nakakaramdam ako ng takot at pangamba at ngayon ko lang ito naramdaman sa tanan ng buhay ko.

Binuksan ko ang pang-limang pinto. Tahimik akong pumasok roon. Katamtaman ang laki ng kwarto. Kulay lila ang pader. May isang kabinet. Isang single bed at isang maliit na mesa.

Ipinatong ko ang dala kong bagahe sa kama. Inilibot kong muli ang aking paningin sa paligid. This world that I live in is empty. Sometimes our feelings don't always mirror our reality, so make sure to tune into these emotions whenever they arise.

"Venice, kaya mo ito! Always remember that you are unique from the others. Hayaan mo sila." Pampalubag loob kong sambit sa sarili.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at saka ipinatong ang kaliwang paa sa may kanang paa.

I'd never been created to live ashamed and unworthy. I'd created to be victorious and strong.

Tumayo ako galing sa pagkaka-upo saka binuksan ang katabi kong kabinet. Kinuha ko ang aking mga kagamitan sa bagahe tapos inilagay sa loob ng kabinet. Ang iilan dala kong libro naman ay ipinatong ko sa mesa kasama ang litrato namin nila Papa at Mama.

Tumingala ako at pinagmasdan ang ceiling.

Begin today, I declare out loud to the universe that I am willing to fight as long as I am breathing. Challenges will show up in your life, it's all part of the experience just let it be.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status