Share

Her First Day at School

"I think I should be there!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Senyorito.

"Of course, Dude. It's been a long time." Wika ng kasama nito.

Narinig ko ang bahagyang pag-hiyaw nila. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may narinig akong hagikhik ng iilang kababaihan.

Mahigpit kong hinawakan ang dalang garbage bag at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi ako mapakali nang matanaw ko na sila. Kahapon dumating na ang resulta patungkol sa aking entrance exam. Saksi ang araw at buwan sa sobrang saya ko dahil naipasa ko ito. Ngayong araw naman ang enrollment ko.

I was wearing a pink crop top and a dark brown skinny-jeans. Ang buhok ko ay malayang nakalugay na isinasayaw ng hangin.

Dumiretso ako ng lakad at hindi sila nilingon. Ngunit kung mamalasin ka naman naagaw ko ng atensyon ang isang babae nilang kasama.

"Sino siya?" Nagtatakang tanong niya sa kasama.

Hindi ako tumigil sa paglalakad.

"Just a maid." Kaswal na sagot ni Senyorito.

Nagkibit balikat ako. Wala naman akong pakialam kung ano ako sa kanya? Dahil hindi ako dito nagpunta upang magmalaki kundi maipag-palaki ng pamilya ko.

Pigil hininga kong binuksan ang gate. Narinig ko pa silang nag-uusap ngunit hindi ko na sila nilingon pang muli. Hindi ako narito para bigyan sila ng atensyon! Dahil wala akong pakialam sa sasabihin nila.

Nang makalabas ako ng bahay ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungong bakanteng lote upang itapon doon ang basura. Nang matiyak kong maayos na ito ay umupo ako sa tabing puno na narra.

Naupo ako sa isang upuan kahoy na narito at muling bumuntong hinga. He always feel-like he's high while I feel down. He's unreachable. He makes me feel all the insecurities I didn't know I had.

Hindi na ako magtataka na balang araw, mas lalagpasan niya ako ng lipad...na mas ikakaunlad at maipagmamalaki niya.

Binagsak ko ang mga mata ko sa mga dahon na malayang sumasayaw sa hangin. Tahimik lamang ako habang tinitignan ito. Maybe I am not good enough to handle this kind of situation, kaya't napaghihinaan muli ako nang lakas ng loob.

Sa lahat ng ipinapakita niya sa akin ngayon. I really hate myself the fact that he would always affect my dignity.

Nagkibit balikat ako at ipinikit ang mga mata. I guess I am right. Sana tama ang desisyon ko. Sana tama na sumama ako sa kanya. Sana tama na ito. Dahil iyon din naman ang gusto ng aking pamilya.

Sumikip ng bahagya ang aking dibdib nang maalala ko sila. To think that my family is near and no one can save me from heartaches.

Nangilid ang aking luha ngunit agad ko rin 'tong pinunasan. Breath Venice! Breath!

Napabaling ako sa may daan ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Pinarada ng isang kasama ni Senyorito sa aking harapan ang kanyang pick-up.

Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang pag-atras nito.

Napatingin ako sa dalawang taong papalapit sa akin. Si Senyorito at ang kasama nitong babae.

Tumuwid ako sa pagkakaupo,"Go inside and get your things!" Maawtoridad na wika sa akin ni Senyorito.

Naramdaman ko agad ang lamig sa aking sikmura. My breath shortened.

"Manong Gil will drive you in school!" Tumango lamang ako.

May lumapit sa kanyang babae na bahagya pang kumapit sa kanyang braso. She's pretty. Her body structure is like an international famous model, with a short and blonde hair. She looks sophiscated and matured too.

She was wearing a black bodycon dress and high heels.

Tinitigan ako nito sa mata habang nakataas ang kanang kilay.

"Your name?" Naiirita nitong sambit.

"Venice Luna po." Magalang na sagot ko.

Ngumiwi siya at tumalikod na. Tumingin sa akin si Senyorito bago tuluyang umalis sa aking harapan.

Sinundan ko siya ng tingin nang pagbuksan nito ng pinto ang kasamang babae. He's gentleman outside but not inside. Sinara nito muna ang pinto bago tumungo sa driver seat.

Napahawak ako sa aking puso. Parang may dumaan na hangin dito sapagkat bumigat ang aking nararamdaman. I need to act normal.

Nang makalayo na ang tatlong sasakyan sa aking harapan ay naglakad na akong tuluyan papasok sa loob...

It's easy to go through life wearing different masks. Kaya natin magpanggap na mabait tayo! Kaya natin magpanggap na masaya tayo! Kaya natin magpanggap na mahal natin ang isa't isa. Kaya natin magpanggap na hindi natin sila nakikita. Kaya natin magpanggap na wala tayong nararamdaman.

Hindi ko maiwasan mapa-yuko. Sa sobrang matatalim ang mga matang nakatingin sila sa akin para bang pawang na kahihiyan ang nakapunyal sa aking damdamin ngayon.

I feel like I should always seek. Because we all know that I am not belong here.

Inayos ko ang lahat na papeles bago tumungo sa cashier upang magbayad ng unang tuition fee sa anim na buwan.

Nakipag-pila ako nang mahigit kalahating oras para makapagbayad.

"Thank you po." Ani ko sa cashier.

Tumango lamang siya sa akin, "Next!" Wika agad nito.

Naglakad ako paalis doon at tumungo naman sa cafeteria upang sana'y makapag-meryenda ngunit ng makita ko ang grupo na kalahok si Senyorito..ako'y napatago sa gilid.

Bahagya akong humarap sa gilid at hindi sila pinansin. May nakita akong bench na naroon. Nagmamadali akong naglakad.

"Pwede bang maki-upo?" Tanong ko. Umangat ang mukha ng babae saka nito inayos ang makapal na salamin.

"O-Oo n-naman." Tila ba'y nahihiya niyang wika.

Inilapag ko ang lahat ng aking gamit sa hita at bumuntong hinga.

"Bago ka ba dito?" Sambit ko.

"F-Freshmen." Nahihiya pa rin niyang sagot.

Ngumiti ako.

"Freshmen rin ako. Anong course mo?" Dagdag ko.

"Two years lang. Computer Secretarial!" Aniya.

Halos manlaki ang aking mata sa sinagot niya.

"Computer Secretarial rin ako." Nakangiting sambit ko.

Marahan siyang ngumiti," Talaga? I'm Drianna." Inilahad nito ang kamay.

"Oo. Venice Luna." Tinanggap ko ang kanyang kamay.

Hindi ko akalain sa ilang oras kung narito ay may makikilala akong kaibigan.

"Sana magka-klase tayo?" Dagdag niya.

"Oo naman. Tiwala lang." Wika ko. Tumitig ako sa kanyang mukha. Kahit nakasalamin siya ay makikita mong may ibubuga siya.

She's fair like a paper. Her cheek is natural. Maiksi ang kanyang buhok na hanggang sa balikat. Katamtaman ang kanyang katawan. She's not a typical nerd. Siguro'y malabo lang ang kanyang mata. Then she's pretty too.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya.

Umiling ako. Binuksan nito ang dalang bag saka may kinuha doon sa loob.

"C-Chicken sandwich." Nahihiya siyang inilahad sa akin ng tinapay.

"Salamat." Natutuwang anang ko.

Tumikhim ako at binuksan ang supot nito. Kumagat ako roon bago pinasadahan ng tingin ang buong pathway. The girls are silent because they're looking to the twelve boys who are walking like a deity. Itinaas ko ang aking paningin at kumunot noo.

"Sino sila?" Bahagya akong ngumuso gamit ang mababang boses.

Bahagyang pumula ang pisngi ni Drianna nang tumingin ako sa kanya.

"Varsity players." Mapaklang sagot niya kapagkuwan ay nagkibit balikat.

Ibinalik ko ang aking tingin muli sa harapan nang dumiretso ng tingin si Drianna sa mga kalalakihan na dumaan.

Sa pangatlong kagat ko ng sandwich ay agad akong tumayo upang itapon ang supot sa malapit na basurahan. Sumunod naman sa akin din si Drianna at itinapon rin ang dala nitong supot.

"Aalis ka na?" Nagdadalawang isip niyang tanong.

Tumingin ako sa lumang wristwatch ko bago tumango.

"Oo e.,salamat pala sa sandwich." Nakangiting wika ko.

"You're welcome. Sana sa makalawa ay magkita tayong muli!" Sambit niya.

Tumango ako."Can I have your number?" Dagdag niya.

Humalukipkip ako sa gilid at saka ibinigkas ang numero." Salamat ulit. Text text na lang! Sige." Huling sambit ko bago tuluyan ng umalis.

Manong Gil parked the car outside the school. Maglalakad ako patungo rito hanggang doon. Kumalabog ang puso ko ng mapagtanto na baka sakaling magkakaroon na ako nang kaibigan. I hope that, Drianna will be my friend,.a good friend of mine. Dahil kung magiging ganoon? May rason na ako upang ipagpatuloy 'to!

I really can't help but smile. Paglabas ko ay agad kong nakita ang pick-up ni Manong. Nakatayo siya sa gilid roon habang may kausap na matandang lalaki.

I went car with plastered smile on my face. Bumaling sa akin si Manong at umayos sa pagkakatayo.

"Alis na po tayo." Nakangiting sambit ko.

Magalang akong tumango sa kasama nito. Bahagyang kumunot ang noo nito at naiilang na tumango rin pabalik.

"Anak ka ba ng mga Laurel, hija?" Nagtatakang tanong niya.

Ngumuso ako at pinigilan ang ngumiti. Hindi naman ako mukhang mayaman. Ngunit bakit ganoon agad ang naitanong nila?

"Hindi po." Nahihiyang tanong ko.

"Anak nang kaibigan ng Don, Pael." Wika ni Manong.

Ngumisi siya sa akin," 'kay gandang bata naman ere."

Bahagyang uminit ang aking pisngi. Pinagbuksan ako ni Manong sa backseat at saka ngumiti.

"Maganda talaga itong si Venice." Pang-gagatol naman ni Manong.

Natawa na lamang ako at nagpaalam sa matandang lalaki bago pumasok sa loob..gayon din ang ginawa ni Manong.

Umikot siya sa driver seat at saka

pumasok. Lumingon siya sa akin.

"Kamusta naman?" Kaswal niyang wika.

Ngumisi ako,"Ayos na ayos po." Banggit ko.

"May kaibigan ka na?" Ngumiti siya.

"Parang ganoon na po." Dagdag ko.

Tumango siya sa akin bago kinabig nito ang manibela paalis. Sa huling sulyap ay muli akong tumingin sa gusali. Ipinikit ko ang aking mata at nanalangin na sana'y tuloy na tuloy na ito, please.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status